You are on page 1of 2

ANG ALAMAT NG PINYA

Mahilig maglalaro si Pina sa labas, ngunit isang araw hindi siya pinalabas ng kanyang nanay dahil masama ang
pakiramdam nito.

“Ano ba `yan?! Hindi ako makakapaglaro sa labas,” maktol ni Pina.

“Anak, huwag muna ngayon. Masama talaga ang pakiramdam ko. Puwede bang ipagluto mo ako ng lugaw?”

“Hay! Sige po. Nasaan po ba ang kaldero?”

“Nariyan lang … Hanapin mo na lang.

“Nay, wala naman, e!”

Napilitang tumayo ang ina upang hanapin ang kaldero. “Heto, o. Araw-araw na lang, Pina. Bibig kasi ang
ipinanghahanap.

Kinabukasan, magaling na ang ina ni Pina.

“Pina? Pina, kunin mo nga ang gamot ko. Tumigil ka muna sa paglalaro mo,” utos ng ina.

“Ano ba`yan?! Utos na naman,” bulong ni Pina. Maya-maya, habang hinahanap ang gamot, nagreklamo na
naman siya. “Wala naman dito, ah!”

“Sana magkaroon ka ng maraming mata.”

Kinagabihan, umulan nang malakas. Natamaan si Pina ng kidlat.

Kinabukasan, hindi makita ng ina si Pina.

“Pina!? Pina! Nasaan ka ba?”

“Naku, Diyos ko! Ano po ito?” bulalas ng kaibigan ni Pina. “Ang daming mata! Si Pina po yata ito.”

“Pina? Pina ko? Ikaw ba iyan?” Iyak nang iyak ang ina.

Maya-maya, isang nakasisilaw na liwanag ang lumitaw sa harapan nila. Nagulat ang dalawa.

“Anak po ninyo iyan,”sabi ng babae sa liwanag. “Ginawa ko siyang pinya.”

“Ibalik na po ninyo sa dati si Pina,” pakiusap ng ina.

Ibinalik naman ng babae si Pina.

“Baguhin mo na ang ugali mo, kung hindi gagawin uli kitang pinya,” sabi ng babae.

“Opo, babaguhin ko na po.”

Tuluyan nang nagbago si Pina.

You might also like