You are on page 1of 16

Heograpiyang Pantao

Heograpiyang Pantao
Saklaw ng Heograpiyang Pantao (Human / Cultural Geography) ang
pag-aaral ng mga sumusunod upang matukoy, mailarawan at
makilanlan ang isang lugar:
● Wika - “Kaluluwa ng Kultura”at may 7,105 na buhay na wika. Ang
mga nagkakaugnay na mga wika ay may “Language Family”
● Lahi - pagkilanlan sa mga tao ayon sa biological at genetic na
katangian
● Pangkat-Etniko - pinakamainam na pagkilanlan sa
Heograpiyang kultural dahil tinutukoy ang kultura, wika,
relihiyon at pinagmulan.
Heograpiyang Pantao (Relihiyon)
● Relihiyon - Samahan ng paniniwala at ritwal ng isang
pangkat ng tao tungkol sa kinikilalang
makapangyarihang nilalang, diyos o prinsipyo. Ito rin
ang batayan ng maraming tao sa kanyang mga kilos sa
araw-araw na pamumuhay. Nag-uugat ito sa panahong
prehistoriko kung saa’y may paniniwala na ang mga
sinaunang tao. Ngayon karamihan sa mga relihiyon ay may
sistematiko at organisadong mga doktrina. Sa
kasaysayan, ito ay mahalagang factor sa pagtatag at
pagbagsak ng mga kaharian, bansa, at mga kultura nito.
Heograpiyang Pantao (Relihiyon)
● Ang mga sumusunod ang mga pangunahing relihiyon:
○ Kristiyanismo - paniniwala sa mga turo ni Hesukristo.
Pangunahing batayan nito ay ang Biblya (New Testament),
tradisyon at mga doktrinang nabuo ng bawat pangkat/sekta
nito. 31.59% ng mga tao ay Kristiyano.
○ Islam - paniniwala sa iisang Diyos, ayon sa Qur’an at iba
pang isinulat na dikta ng propetang si Muhammad na
siyang pangunahing batayan nito. 23.30% ng mga tao ay
Muslim.
Heograpiyang Pantao (Relihiyon)
○ Hinduismo - paniniwala sa mga batas at tungkuling
pinapairal ng libo-libong mga kaanyuan ng Diyos, ayon sa
pinagsama-samang turo ng mga sinaunang pantas, na
kung tawagin ay Vedas. Mahalagang batayan din ng
paniniwala nila ang kanilang sinaunang (“banal na”)
kasaysayan (tulad ng Mahabharata, Ramayana at Sri
Bahagavad-gita) at turo ng mga kasalukuyang pantas. 15%
ng mga tao ay Hindu.
○ Buddhismo - Paniniwala sa turo ni Siddharta Gautama, at
nang iba pang naging Buddha (“santo”). 7.1% ng mga tao
ay Buddhist
Heograpiyang Pantao (Relihiyon)
○ 11.67% ng mga tao ay walang relihiyon (maaring
naniniwala sa Diyos, o hindi) at 11.44% ng mga tao
ay binubuo ng mga maliliit na relihiyon tulad ng mga
katutubong paniniwala, Sikhismo, Kanagawa,
Jainismo, Zoroastrianismo, Scientology, Falun Gong,
Daoismo, Confucianismo, Baha’i, at Rastafarianismo.
Heograpiyang Pantao (Relihiyon)
○ Hindi lahat nang relihiyon ay malayang
nakakapagsampalataya. Ang mga Katoliko, at Born-again
Christian groups ay pinagbabawalang magpalaganap o
gumamit ng Bibliya sa China. Ang mga Falun Gong naman
ay hinuhuli at tinatanggalan ng lamang-loob upang ibenta
sa organ transplant doon. Ang mga Muslim na Uyghur
naman sa Xinjiang ay pinagbabawalang magdasal sa
wikang Arabe. Sa Pilipinas naman, ipinagbabawal ang
relihiyong Rastafarianismo dahil bahagi ng kanilang ritwal
ang paggamit ng marijuana upang “bumista sa langit at
kausapin ang mga bathala”.
Heograpiyang Pantao (Lahi)
Kung sakaling wala kang GPS o mapa at maraming mga
taong nakapaligid sa iyo, paano mo malalaman na ikaw
ay nasa Silangang Asya (China/Japan/Korea)?
Heograpiyang Pantao (Lahi)
Samantala, halos magkatulad ang mukha ng Malaysian,
Pilipino, Thai at maging ang mga Islanders ng Pasipiko
at Australia
Heograpiyang Pantao (Lahi)
Kahit lagyan mo sila ng mahahabang balbas, o di kaya
ay pagsuotin ang mga babae ng hijab, alam natin na sila
ay malamang mga Arabo o Hudyo na mula sa Middle
East.
Heograpiyang Pantao (Lahi)
Umitim o pumuti man ang kanilang balat, alam natin
kung saang bansa sila maaring manggaling.
Heograpiyang Pantao (Lahi)
Hindi lamang sa kulay ng balat natin alalaman na siya ay
may pinagmulan sa Africa, makikita rin ito maging sa
anyo ng mukha.
Heograpiyang Pantao (Lahi)
Ang tangos ng ilong at singkit ng mata ang magsasabi
na siya ay may mga ninuno sa Amerika.
Obserbahan ang Talahanayan ng kontrobersyal na
Melanotype Stocks (Lahi ayon sa kulay ng balat)

Katangian Halimbawa ng Mga Lahi


Stock
Caucasoid Mapuputi Semitiko (Arabo/Hudyo)
Aryan/Indo-Europeo
Slavic (Hilaga/Gitnang Asya)
Scandinavian

Mongoloid Nangungutim (Hindi Chinese/East Asian


maputi, at hindi rin Malay / Islander / Austronesian
maitim) American Indian
American Hispanics

Negroid Maiitim African


Mulatto / Black Americans
Dravidian
Heograpiyang Pantao (Lahi)
May pagbabago NGAYON - ang mga tao ay malaya nang
makapagbiyahe; at ito ay nangangahulugan na hindi sapat na
batayan ang balat o anyo ng pagmumukha o pangangatawan
upang matukoy ang isang lugar. Patuloy ring magbabago ang
mga ito.

Kung ganoon, ang MAGKATULAD NA KARANASAN NG MGA


TAO SA IISANG LUGAR ang siyang tunay na sukatan ng
isang heograpiyang pantao.

Samantala, magagamit pa rin ang lahi sa napakaraming


larangan tulad ng kalusugan, genetics, at pagsugpo sa krimen.
Heograpiyang Pantao (Lahi)
References:

Basahin ang pahina 32-33 ng “Kasaysayan ng Mundo”

Panoorin sa YouTube:
https://www.youtube.com/watch?v=m6dCxo7t_aE

You might also like