You are on page 1of 1

Ang Pinagmulan ng Sansinukob at Lahi

Isinulat ni "Rosario P. Nem Singh"

Noon daw kauna-unahang panahon ay


walang anumang bagay sa daigdig kundi
langit at dagat lamang. Ang bathala ng langit
ay si Kaptan. Ang bathala ng dagat ay si
Magwayen.

Si Kaptan ay may isang anak na lalake- si


Lihangin. Si Magwayen naman ay may isang
anak na babae- si Lidagat. Pinagpakasal ng
dalawang bathala ang kanilang mga anak at
sila’y nagkaanak naman ng apat na lalake-
sina Likalibutan, Ladlaw, Libulan, at Lisuga.

Nang lumaki ang mga bata, si Likalibutan ay


naghangad na maging hari na sansinukob at
ito’y ipinagtapat niya kina Ladlaw at Libulan.
Wala pa noon si Lisuga. Ppagkat takot noon
sina Ladlaw at Libulan kay Likalibutan ay
sumama sila rito sa sapilitang pagbubukas ng
pinto ng langit. Galit na galit si Kaptan.
Inalpasan ni Kaptan ang mga kulog upang
ihampas sa mga manghihimagsik. Nang
tamaan ng kidlat, naging bilog na parang
bola sina Libulan at Ladlaw, ngunit ang
katawan ni Likalibutan ay nagkadurog- durog
at nangalat sa karagatan.

Nang magbalik si Lisuga ay hinanap niya ang kanyang mga kapatid. Nagpunta siya sa langit. Pagkakita sa
kanya ni Kaptan ay pinatamaan siya agad ng isang kulog. Ang katawan ni Lisuga ay nahati at lumagpak sa
ibabaw ng mga pirapirasong katawan ni Likalibutan.

Tinawag ni Kaptan si Magwayen at sinisi sa pagkapanghimasok ng mga anak,ngunit sinabi ni Magwayen


na hindi niya alam ang nangyari pagkat siya’y natutulog. Nang humupa ang galit ni Kaptan, sila ni
Magwayen ay nagiliw sa apat na apo. Kaya, pagkaraan ng di matagal na panahon ay binuhay uli ni
Kaptan ang mga pinarusahan. Si Ladlaw ay ginawang adlaw[araw], si Libulan ay naging bulan[buwan]. Si
Likalibutan ay tinubuan ng mga halaman at naging sanlibutan. Ang kalahati ng katawan ni Lisuga ay
naging silalak (lalake) at ang kalahati naman ay naging sibabay (babae), ang unang lalaki at babae ng
daigdig.

You might also like