You are on page 1of 2

"SELYO NG PAG-IBIG"

Huwag gamitin ang ritwal na ito para agawin ang minamahal ng iba.

Gamit: 1 kandila na kumatawan sa iyong sarili (sa naaangkop na kulay), 1 kandila na


kumatawan sa iyong pag-ibig (sa naaangkop na kulay), 1 kandila na kumatawan sa ikatlong tao
(kulay itim), karayom, 1 pulang kandila, dragon blood o pwede din red oil at insenso.

Ritwal:

Gumawa ng bilog bago gawin ang anumang mahika na gawain. Ukitan ang kandila ng iyong
pangalan, ito ay kumakatawan sa iyo. Ukitan naman ang isang kandila ng pangalan ng iyong
kasintahan, ito ay kumakatawan sa iyong minamahal. Kung ang pangalan ng ikatlong tao ay
kilala, iukit ito sa ikatlong kandila ang kanyang pangalan. Kung ang pangalan ay hindi kilala,
maaari kang mag-ukit ng "Lahat sila at ang iba pa". Pahiran ang kandila gamit ang langis na
panggayuma o kahit anung langis ay pwede din. Isunod na pahiran ang kandila para sa "Lahat
sila at ang iba pa" gamit ang langis na nagpapaalis ng bisa o gusto sa iyong minamahal.

Sa kandila na kumakatawan sa "Lahat sila at ang iba pa”, ilagay ang karayom sa isang stick ng
kahoy. Lagyan ng tali at ikampay (swing) ito patungo sa kandila, ang talim ng karayom ay dapat
nakatuon sa pangalan na nasa kandila na parang tinutusok ito. Sindihan ang kandilang ito
habang itinutuon ang lahat ng masamang damdamin sa tao na nagdudulot ng sakit ng loob sa
iyo. Ilagay ang kandila na ito sa itaas, sa kanang sulok ng altar.

Ikarga mo ang masamang nararamdaman sa kandila at sindihan mo ang insenso para sa


proteksyon.
Isipin mo kong ano ang gusto mo gawin sa taong ito gamit ang ritwal na isinasagawa mo.
Tawagin ang mga diyosa para maproteksyunan kayo ng iyong minamahal. Sindihan ang kandila
na kumakatawan sa iyo at sambitin ang orasyon na ito:

"HAEC EST LUCERNA (PANGALAN MO). EIUS / IN EIUS AMORE FLAGRAT (PANGALAN
NG MINAMAHAL MO) AETERNAM, SICUT ET IN HAC FLAMMA ".

Sindihan ang kandila ng minamahal mo at sambitin ang orasyon na ito:

"HAEC EST LUCERNA, (PANGALAN NG MINAMAHAL MO). CUIUS / (PANGALAN NG


MINAMAHAL MO) ARDENS AMOR AD AETERNUM, SICUT ET IN HAC FLAMMA".

Sindihan ang pulang kandila na galling sa minamahal at sambitin ang orasyon na ito:

"SIGNIFICAT QUOD CANDELA (PANGALAN MO AT NG IYONG MINAMAHAL) AMARE


INVICEM.
ERRANT OCULUS NON ERIT ALIENUM.
QUOD CANDELAM CONIUNGUNTUR (PANGALAN MO AT NG IYONG MINAMAHAL)
NOMINE IN AMORE IN AETERNUM.
HOC QUOD AMANT ARDET FLAMMA ILLORUM. "

Hayaan malusaw ang lahat na kandila. Itapon ang nalusaw na kandila ng "Lahat sila at ang iba
pa” kasama ang karayom. Kong lumamig na ang nalusaw na kandila mo at ang iyong
minamahal, kunin ito at itago sa loob ng garapon, isarado ng mahigpit at ilibing sa lupa.

You might also like