You are on page 1of 1

ANG KAPANGYARIHANG TAGLAY NG KANDILANG MAGKAYAKAP

By: Rey Ang

Pamilyar ba kayo sa kandilang magkayakap? Ito iyong kandila na hugis tao—isang babae at
isang lalaki. Ang dalawang kandilang ito ay karaniwang pinagbibigkis ng rubber band.
Karaniwang itong makikita at mabibili sa mga gilid ng simbahan, lalo na sa Quiapo Church.

Ang kandilang ito ay karaniwang ginagamit bilang materyales sa panggagayuma. Ang


kandilang ito ay sumisimbolo sa sensual love o pag-ibig ng dalawang magsing-irog. Ginagamit
ang kandilang ito upang pagbigkisin ang dalawang tao at hindi na magkahiwalay pa.

Simple lang ang paggamit ng kandilang magkayakap. Gawin ang rituwal sa gabi (sa kahit
anong oras na komportable at walang makakaistorbo).

Isulat (o iukit) gamit ang karayom ang buo mong pangalan at pangalan ng taong iniibig. Kung
ikaw ay lalaki, sa babaeng kandila mo iukit ang iyong pangalan at sa lalaki naman ang
pangalan ng iyong iniibig. Kung ikaw ay babae, sa lalaking kandila mo naman isusulat ang
pangalan mo at sa babaeng kandila mo naman isulat ang pangalan ng iyong iniibig.

Sindihan ang kandila at saka usalin ang *oracion (source: Elmer Nocheseda): “DEUS, DEUS,
LIBERANUS, UMALLY, CERCUM, DATE, NATAM, ICUM, NOC HIS OMINO, AMEN.
Pagkatapos ay banggitin ng tatlong beses ang pangalan ng taong iniipis. Sundan ito ng isang
maiksing panalangin ng gusto mong mangyari (halimbawa: ako lamang ang iyong mamahalin,
iisipin, etc.; maaari kang mag-improvise ng sarili mong panalangin basta’t galing sa puso).
Habang binibigkas mo ang iyong panalangin, dapat ay nakatitig ka sa kandila. Kapag tapos ka
na sa iyong pananalangin, hayaang nakasindi ang kandila hanggang sa maubos.

Dahil sa love ang focus mo, gamitin ang kulay pink o red na kandilang magkayakap.

PHOTO SOURCE ctto: (Flicker Elmer Nocheseda)

You might also like