You are on page 1of 38

K Kindergarten

Quarter 1- Module 1:
Ako ay kabilang sa klase ng Kindergarten.
Kindergarten
Self-Learning Module (SLM)
Quarter 1 – Module 1: Ako ay kabilang sa klase ng Kindergarten
First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of
the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among
other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this module are owned by their
respective copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The
publisher and authors do not represent nor claim ownership over them.
Development Team of the Module

Writers:Maria Montserrat C. Magdael Cherry D. Delfino Eve B. Capuyan Emilyn T. Detalla Jamalia I. Musa
Apryll Rose M. Bedtican Cherry Ann C. Estrella Noraisa H. Purong Beatriz B. Kabalu ShielaDohnna T. Duran
Gladys Hope H. Lumasag Arbee B. Tacderan Jonasha Marie C. Par Al-Mayra D. Tan Myrna P. Malicad
Editors: Emily R. Hofer Estrellita B. Tan
Reviewers: Sadat B. Minandang, PhD, Ruby R. Buhat, PhD., Allyssa Ashley Ampatuan, Mary Grace Abrena
Illustrator: Beatriz B. Kabalu
Layout Artist: Apryll Rose M. Bedtican
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Management Team: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Concepcion F. Balawag, PhD, CESO V–Schools Division Superintendent
Edgar S. Sumapal, Al Haj –Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Jade Palomar –REPS, Kindergarten
Pancho G. Balawag, EdD–CID Chief
Engr. Reynaldo S.E. Villan–Division EPS In Charge of LRMS
VivencioAniñon, PhD –Division ADM Coordinator
Estrellita B. Tan– PSDS, Division Kindergarten Coordinator

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGENRegion

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph

2
K
Kindergarten
Quarter 1: Module 1
Ako ay kabilang sa klase ng Kindergarten.

3
Paunang Salita

Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa Kindergarten Self-Learning Module (SLM) para sa araling Welcome sa Kindergarten. Ako ay
Kindergarten na!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pampubliko at pampribadong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to 12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sap
ag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makaugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga Gawain ayon
sa kanilang kakayahan, bbilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa material ng pangunahing teksto, mababasa ang mga panuto sa tagapagdaloy. Bilang tagapagdaloy,
inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding
subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan muna sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob
sa modyul.

4
Panuto sa Tagapagdaloy:

Babasahin ang nakasulat sa modyul na ito para maging gabay ng inyong bata upang malaman ang leksyon na dapat
niyang maintindihan. Ikaw ang magiging kahalili ng guro upang matiyak ang pagkatuto ng iyong bata.

Magandang araw! Narito ako upang ibahagi ang bagong kasanayan na lubhang mahalaga sa iyong pag-
aaral.
Tara! Simulan na natin ang talakayan.
Pagkatapos mong pag-aralan ang unang bahagi ng modyul na ito, narito ang kaalaman at kasanayang
malilinang sa iyo:

 Nakikilala ang sarili

 pangalan at apelyido

 gulang/ kapangbataan

 Use proper expression in introducing oneself eg. I am/My name is____________________

5
Araw: Lunes – Pagbabasa / Pakikinig sa Kuwento

Para sa Tagapagdaloy:

Magandang araw! Ang aking pagbati sa iyo. Bago umpisahan ang mga gawain sa modyul sisimulan muna
natin ito sa pagbabasa mo ng isang kuwento na kung saan ikaw ay magiging kahalili ng guro sa paggabay sa
iyong bata.
Ikaw ang magbabasa ng kuwento sa iyong bata, ang lahat na iyong maaaring sabihin o itanong ay
nandito sa ating Modyul. Gabayan ang bata sa pagsagot sa mga tanong.
Panuto sa Tagapagdaloy: Sasabihin mo ito sa iyong bata:
Ngayon ay magbabasatayo ng kuwento ngunit bago tayo magsimula ang mga sumusunod na mga
salita ay dapat natin maintindihan sapagkat ito ay maririnig mula sa ating kwento.
a. nasasabik – pakiramdam na gustonggusto ang isang bagay o pangyayari.
b. masigla – masaya

Panuto sa Tagapagdaloy: Itanong ito sa iyong bata:


Anong paghahanda ang iyong ginawasa pagpasok sa unang araw ng klase?

Anong paghahanda kaya ang ginawa ng tauhan sa kuwento sa pagpasok niya sa unang araw ng klase?
Aalamin natin ito sa babasahing kuwento.
Ang kuwentong ating babasahin ay pinamagatang Makabagong Umaga.Ito ay isinulat ni Maria Montserrat
C. Magdael at iginuhit ni Beatriz B. Kabalu.

6
Makabagong Umaga
Isinulat ni: Maria Montserrat C. Magdael
Iginuhit ni: Beatriz B. Kabalu

7
Unang araw ng pasukan sa paaralan.
Sabik na sabik at maagang gumising si
Baina.

Agad siyang naligo at nagbihis ng damit


panlakad.

Masigla siyang kumain ng


almusal sa hapag kainan.

Nagsipilyo siya ng ngipin


pagkatapos kumain.

6
Panuto sa Tagapagdaloy: Pagkatapos basahin ang pahina ng kuwento sa itaas ay itatanong mo ito sa iyong bata:
Ano-ano ang mga paghahandang ginawa ni Baina?
Bakit kaya niya ito ginawa?

Tinawag si Baina ng kanyang ina dahil


magsisimula na ang kanyang klase.

Pagbukas ng laptop ay agad na may


bumati sa kanya. “Magandang umaga!
Ako si Titser Maria,” sabi ng babae.

7
“Ano ang pangalan mo?” sambit ng guro.
“Ako po si Baina S. Abdula, limang taong
gulang.”

“Habang hindi pa ligtas ang paligid, ganito


muna ang ating pag-aaral,” sabi ng guro.

Panuto sa Tagapagdaloy: Pagkatapos basahin ang pahina ng kuwento sa itaas ay itatanong mo ang mga ito sa iyong
bata:
Bakit ganito ang uri ng pag-aaral sa klase nila Baina?

Katulad ni Baina, ano ang sasabihin mo kapag tinanong ng guro ang iyong pangalan at gulang?

8
“Balang araw,magkikita tayo ng personal at
minsan ay bibisita rin ako sa inyong bahay,”
dagdag ng guro.

“Handa ka na ba sa ating unang leksiyon, Baina?


tanong ng guro. “Opo! Handa na po,” magiliw
niyang tugon.

Tagapagdaloy: Doon nagtatapos ang ating kuwento. Ihanda ang sarili at sagutin ang mga katanungan.

Sapalagay mo ba ay naging masaya si Baina sa unang araw ng pasukan? Bakit?

Kung halimbawang walang kompyuter sila Baina, maaari pa rin ba siyang matuto? Sa anong paraan kaya?

Panuto sa Tagapagdaloy: Gabayan ang Tagapagdaloy sa pagpapakilala sa saririli at ipagawa sa bata ito:
Katulad sa ginawa ni Baina, sabihin mo nga ang iyang pangalan, pelyido at gulang.

9
Araw ng Martes: Week 1 – Day 2

Alamin
Sasabihin ito ng Tagapagdaloy:

Pagkatapos mong pag-aralan ang bahagi ng modyul na ito, narito ang kaalaman at kasanayang malilinang sa iyo:

 Nakikilala ang sarili


 pangalan at apelyido
 kasarian
 gulang/ kapangbataan

 Use proper expression in introducing oneself eg. I am/My name is ____.

Subukin

Sasabihin ito ng Tagapagdaloy: Kahapon ay nagkaroon tayo ng kuwentuhan tungkol sa batang katulad mo na nag-
aaral na hindi nagaganap sa loob ng silid-aralan. Katulad ng bata sa kuwento na kasing gulang mo, tinanong siya ng
kanyang guro tungkol sa kanyang sarili at ako ay magtatanong rin sa iyo. Handa ka na ba?

Ano ang iyong pangalan at apelyido? Ilang taong gulang ka na?


Ano ang iyong kasarian? Kailangan ka ipinangbata?

10
Tuklasin
Panuto sa Tagapagdaloy: Sa bahaging ito ay gagawin mo ang Pagmomodelo (Gawin Ko). Ito ay gawaing gagawin
lamang ng Tagapagdaloy at ang bawat proseso ay ipapakita at ipapaliwanag sa bata.
Bago ang pagmomodelo mo, ay ihanda ang mga sumusunod:

Panuto sa Tagapagdaloy
Dahil ikaw ay magmomodelo muna sa bata, gawin ang mga sumusunod:
1. Gumawa ng isang manikang papel katulad ng nasa ibaba na naayon sa kasarian ng bata. Gamitin ang unang
larawan na makikita sa pahina 15.
2. Idikit ang nagawang manikang papel sa isang popsicle stick o anumang bagay na maaaring mahawakan.
(Makikita sa ibaba ang halimbawa ng manikang papel).

11
Panuto sa Tagapagdaloy
Ipagpapatuloy mo ang pagmomodelo mo sa bata, gawin ang sumusunod:
1. Gamit ang isang sulatang papel, isulat ang pangalan ng iyong bata.
2. Ipapakita mo ang pagpapakilala ng sarili gamit ang nagawang manikang papel at pangalang naisulat.
3. Sasabihin mo na ikaw halimbawa ang iyong bata at hahawakan mo ang manikang papel at ang pangalang
naisulat.
4. Sasabihin mo ito:
“Ako po si ___________, limang taong gulang.
Ako po ay isang babae/lalaki.
Ako po ay ipinangbata noong ________________ .

12
Suriin
Panuto sa Tagapagdaloy
Pag-usapan ang mga ginawa mo kanina. Itanong sa bata ang mga ginawa mo bago ka nakabuo ng
isangmanikang papel at ano ang mga sumunod na gawain. Maaaring itanong sa bata ang mga sumusunod:
Kaya mo bang gumawa ng isang manikang papel katulad ng ginawa ni Nanay/ Tatay/ Lolo/ Lola/
Ate/Kuya/Pinsan?
Kaya mo bang Isulat ang iyong buong pangalan at apelyido?
Kaya mo bang magpakilala gamit ang manikang papel?

Pagyamanin

Panuto sa Tagapagdaloy
Matapos ang iyong pagmomodelo, gawin ang Ginabayang Pagsasanay. Dito ay kayong dalawa na ang
gagawa. Gabayan ang bata sa paggawa ng isang manikang papel gamit ang larawan sa pahina 15, pagsulat ng
pangalan at sa pagpapakilala sa sarili.
Pagkatapos ng Ginabayang Pagsasanay, hayaan ang bata na gumawa nitong muli na mag-isa at magpakilala
sa sarili katulad ng unang mong ginawa. Gamitin ang pangatlong larawan sa pahina 15.

13
Idokumento ang mga sagot ng bata sa pamamagitan ng pagkuha ng video ang pagagawa ng inyong bata at
ibigay ang kanyang natapos na gawain sa guro.

Isaisip
Panuto sa Tagapagdaloy
Itanong sa bata ang sumusunod:
 Nagustuhan mo ba ang ginawa natin sa araw na ito? Bakit?

Isagawa
Panuto sa Tagapagdaloy
Sabihin ito sa bata:
Kapag magkaroon na ng pagkakataon na makaharap mo ang iyong guro sa silid-aralan at ang iyong mga kaklase
at tinanong ka ng mga sumusunod, ano ang isasagot mo?
 Ano ang iyong pangalan at apelyido?
 Ilang taong gulang ka na?
 Ikaw ba ay lalaki o babae?
 Kailan ka ipinangbata?

14
Week 1, Day 2
Gamit para sa Tuklasin at Pagyamanin, Pagmomodelo, Ginabayang Pagsasanay at Malayang Pagsasanay.

Panuto sa Tagapagdaloy: Sa pagmomodelo, gupitin ang unang larawang hugis tao para maipakita sa bata paano ito
gawain. Ang pangalawang larawan naman ay gagamitin ng bata sa ginabayang pagsasanay. Ang pangatlong
larawan ay para sa malayang pagsasanay.

15
Araw ng Miyerkules: Week 1 – Day 3

Alamin
Tagapagdaloy:
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, narito ang kaalaman at kasanayang malilinang sa iyo:
 Nakikilala ang sarili
 gusto/di-gusto

 Express thoughts, feelings, fears, ideas, wishes and dreams (LLKOL-Ig-9)

Subukin

Tagapagdaloy: Kahapon ay nagkaroon tayo ng talakayan tungkol sa pagpapakilala ng sarili. Ngayon ay pag-uusapan
natin ang mga gusto at hindi mo gusto. Handa ka na bang sagutin ang mga tanong ko?
Ano ang gusto mong gawain?
Ano ang hindi mo gustong gawain?

16
Tuklasin
Panuto sa Tagapagdaloy
Sa bahaging ito ay gagawin mo ang Pagmomodelo (Gawin Ko). Ito ay gawaing gagawin lamang ng
tagapagdaloy at ang bawat proseso ay ipapakita at ipapaliwanag sa bata.

Bago ang pagmomodelo mo ay sabihin ang mga sumusunod sa iyong bata:


Tagapagdaloy: Para malinang ang iyong kakayahan kinakailangan mo na makinig at gumawa ng mga
gawaing pagkatuto. Magsisimula tayo sa mga bagay o gawain na gusto/di-gusto ng isang mag-aaral na katulad mo.
Halika! Simulan na natin ang talakayan.
Kilalanin natin ang mga bagay o gawain na gusto/ di-gusto ng ilan sa mga mag-aaral ng kindergarten.

Ako po si Adil.
Ako po si Angela.
Gusto ko ang maglaro ng
Gusto ko ng halamang
laruang bangka.
may bulaklak.
Ayaw ko ng habulan.
Ayaw ko ng mga
halamang may tinik.

17
Panuto sa Tagapagdaloy
Ipagpapatuloy mo ang pagmomodelo sa iyong bata, sasabihin mo ang mga sumusunod:
Ang ibinahagi ko kanina ay tungkol sa mga bata na nagpapakilala ng kani-kanilang mga sarili at nagsasabi ng
mga bagay o gawain na kanilang gusto o di-gusto. Ngayon, ako naman ang magpapakilala at magsasabi ngaking
gusto o di-gusto (Maliban sa pagguhit, maaaring gumamit ng tunay na bagay o kaya mga larawan upang masabi mo
ang iyong gusto at di-gusto).
Ako ay si (pangalan ng tagapagdaloy).
Gusto ko ng _____________.
Ayaw ko ng _______________.

Suriin
Panuto sa Tagapagdaloy
Pag-usapan ang mga bata sa larawan. Itanong sa bata ang mga ito:
Ano ang gusto ni Adil?
Ano naman ang hindi niya gusto?
Ano anggusto ni Angela?
Ano naman ang hindi niya gusto?
Ano naman ang gusto ko at hindi gusto?
Katulad nila Adil, Angela at ako, ikaw ba ay mayroon ding gusto at hindi gusto?

18
Pagyamanin
Panuto sa Tagapagdaloy
Matapos ang iyong pagmomodelo, isagawa ang Ginabayang Pagsasanay (Gawin Natin). Ito ay gagawin mo
kasama ang bata. Gabayan ang bata sa pagpapakilala sa sarili at pagsabi ng kanyang gusto at hindi gusto. Ihanda
ang mga sumusunod:
1. Lapis
2. Malinis na papel na hahatiin lilinyahan sa gitna at lalagyan ng katagang Mga Gusto sa kaliwa at Mga Hindi Ko
Gusto sa kanan.
3. Pangkulay o krayola
Sasabihin mo ang mga sumusunod:
1. Iguhit ang mga gusto mo at hindi mo gusto.
2. Kulayan ito.
3. Katulad nila Adil at Angela, ipakilala ang sarili at sasabihin mo ang gusto at hindi mo gusto na hawak ang iyong
ginuhit na mga larawan.
Pagkatapos ng ginabayang pagpapakilala at pagsabi ng gusto at hindi gusto ng bata, isasagawa mo ang
Malayang Pagsasanay (Gawin Mo). Ito ay mag-isang gagawin ng bata.
Idokumento ang mga sagot ng bata sa pamamagitan ng pagkuha ng video ang pagagawa ng inyong bata at
ibigay ang kanyang natapos na gawain sa guro.

19
Isaisip
Panuto sa Tagapagdaloy
Basahin ang nakasaad na gawain ng bata. Hayaan siyang sagutin ito nang mag- isa upang masukat ang
kaniyang kakayahan sa araling ito. Para sa sagutang papel ng bata, gamitin ang Activity Sheet 3 na makikita sa
pahina 20ng modyul na ito.
Ano ang nararamdaman ko sa pagpapahayag ng aking mga gusto at di-gusto?
Kulayan ang iyong nararamdaman Ganito ang itsura ko ngayon:

Isagawa
Panuto sa Tagapagdaloy
Sasabihin ito sa bata:
Nagawa mo ang pagpapakilala ng iyong sarili at nasabi mo ang iyong gusto at hindi gusto sa araw na ito.
Kapag nagbukas na ang klase sa silid-aralan, at nagkasama kayo ng iyong kaklase, ano ang gagawin mo kung
halimbawang gusto mong maglaro pero hindi gusto ng iyong kaibigan? (Bigyang halaga ang pagrespeto sa mga
gusto at hindi gusto ng iba).

20
Araw ng Huwebes: Week 1 - Day 4

Tagapagdaloy: Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, narito ang kaalaman at kasanayang malilinang sa
iyo:
 Nakapagkukuwento ng mga ginagawa sa paaralan.
 Talk about one’s personal experiences/narrates events of the day.
 Naipakikita ang tiwala sa sarili na tugunan ang sariling pangangailangan nang mag-isa (hal. tapusin ang
gawaing nasimulan.

Subukin
Panuto sa Tagapagdaloy
Gamit ang mga larawan sa ibaba, hayaan siyang iguhit at kulayan ng mag-isa sa isang malinis na papel ang kanyang
nararamdaman sa araw na ito. Gamit ang natapos na gawain na bata, bigyan siya ng pagkakataon na ipaliwanag
ang naiguhit.

masaya malungkot sabik takot

21
Tuklasin
Panuto sa Tagapagdaloy
Sa bahaging ito ay gagawin mo ang Pagmomodelo (Gawin Ko). Ito ay gawaing gagawin lamang ng
tagapagdaloy at ang bawat proseso ay ipapakita at ipapaliwanag sa bata.
Bago ang pagmomodelo mo ay sabihin ang mga sumusunod sa bata:
Tagapagdaloy: Para malinang ang iyong kakayahan kinakailangan mo na makinig at gumawa ng mga gawaing
pagkatuto. Magsisimula tayo sa pagpapakilala ng mga batang katulad mo at ang kanilang pagsabi ng kanilang mga
Gawain upang matuto.

Halika! Simulan na natin ang talakayan.

Panuto sa Tagapagdaloy
Gamit ang mga larawan na nasa ibaba, babasahin mo ang mga sinanasabi ng mga bata at ipaliwanag sa bata ang
kahalagahan ng mga gawaing pagkatuto.

Ako po si Rawan Kalid.


Ako po si April Kapag may leksiyon na
Mibanes. Kapag may ginagawa sa bahay, ako
leksiyon na ginagawa po ay nagpawawasto sa
sa bahay, ako po ay aking tagapagdaloy.
nakikinig sa aking
tagapagdaloy.

22
Panuto sa Tagapagdaloy

Ipagpapatuloy mo ang pagmomodelo sa iyong bata, sasabihin mo ang mga sumusunod:Ang ibinahagi ko
kanina ay tungkol sa mga bata na nagpapakilala ng kani-kanilang mga sarili at nagsasabi ng mga gawaing
pagkatuto sa loob ng bahay.
Pag-usapan ang mga bata sa larawan. Itanong sa bata ang mga ito:
Ano ang gawain ni April Mibanes upang matuto kapag may leksiyon?
Ano ang gawain ni Rawan Kalid upang matuto kapag may leksiyon?

Suriin
Panuto sa Tagapagdaloy
Matapos ang iyong pagmomodelo, isagawa ang Ginabayang Pagsasanay (Gawin Natin). Ito ay gagawin mo
kasama ang iyong bata. Gabayan ang bata sa pagpapakilala sa sarili at pagsabi ng kanyang mga gawaing
pagkatuto kapag may leksiyon. Ihanda ang mga sumusunod: lapis, malinis na papel at pangkulay o krayola.
Sasabihin mo ang mga sumusunod:
Iguhit ang mga gawain mo upang matuto kapag may leksiyon.
Kulayan ito.
Katulad nila April Mibanes at Rawan Kalid, ipakilala ang sarili at sasabihin mo ang mga gawain mo upang
matuto kapag may leksiyon na hawak ang iyong ginuhit na mga larawan.

23
Pagyamanin
Panuto sa Tagapagdaloy
Pagkatapos ng ginabayang pagpapakilala at pagsabi ng mga gawain upang matuto kapag may leksiyon ang iyong
bata, isasagawa mo ang Malayang Pagsasanay (Gawin Mo). Ito ay mag- isang gagawin ng iyong bata. Hayaan siya na gumawa
nitong muli na mag-isa gamit ang isang malinis na papel.
Idokumento ang mga sagot ng bata sa pamamagitan ng pagkuha ng video ang paggawa ng inyong bata at ibigay ang
kanyang natapos na gawain sa guro.

Isaisip

Panuto sa Tagapagdaloy

Itanong sa bata ang mga sumusunod:


Ano-ano ang iyong ginagawa kapag may aralin tayo sa bahay?
Bakit kailangang gawin ang mga ito?

24
Isagawa
Panuto sa Tagapagdaloy: Sasabihin ito sa bata:
Nagawa mo ang pagpapakilala ng iyong sarili at nasabi mo ang mga gawain upang matuto kapag may
leksiyon. Kapag may mga gawain na dapat matapos, ano ang gagawin mo? (Bigyang halaga ang kakayahang
tapusin ang lahat ng gawain.

25
Araw ng Biyernes: Week 1 – Day 5

Alamin

Tagapagdaloy: Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, narito ang kaalaman at kasanayang malilinang sa
iyo:

 Use the proper expression in introducing oneself e.g., I am /My name is______ . I am studying at _______ .
 Nakikilala ang sarili: 1.4 gusto/di-gusto.
 Naisasagawa ang mga sumusunod na kasanayan:
- pagpilas/paggupit/pagdikit ng papel.

Subukin
Panuto sa Tagapagdaloy

Gamit ang Activity Sheet 1, Subukin, pahina 33 ng modyul na ito, babasahin ang panuto para sa iyong bata at
hahayaan siyang kulayan ng mag-isa ang unang pagsusuring ito. Huwag siyang tulungan sa pagpili ng kulay na
gagamitin para sa ating gawain upang masukat natin ang kanyang kaalaman sa malayang pagkulay at mabigyan
siya ng pagkakataon na makilala ang sarili sa kanyang gusto. Kunan po ng larawan o video ang paggawa ng bata.
Ang iyong tapat na paggabay sa iyong bata ay aming hinihiling. Maraming salamat po.
Tagapagdaloy: Kulayan ang silid-aralan.

26
Tuklasin

Panuto sa Tagapagdaloy
Sa bahaging ito ay gagawin mo ang Pagmomodelo (Gawin Ko). Ito ay gawaing gagawin lamang ng
tagapagdaloy at ang bawat proseso ay ipapakita at ipapaliwanag sa bata.
Gamit ang kinulayang larawan ng paaralan na ginawa ng bata ito ay iyong gagamitin upang maging basehan
sa pagpapaliwanag tungkol sa paaralan. Kung hindi mo magamit ang ginawa ng iyong bata ay maaring gamitin ang
mga larawang inihanda para sa pagpapaliwanag sa paaralan at iba pa.
Bago ang pagmomodelo mo ay sabihin ang mga sumusunod sa bata:
Tagapagdaloy: Ang iyong ginawa ay isang malayang pagkukulay sa paaralan. Ang mga batang katulad mo ay araw-
araw pumapasok sa paaralan. Narito ang isang halimbawa ng paaralan (Ipapakita ng tagapagdaloy ang larawan ng
paaralan).

27
Ang paaralan ay binubuo ng iba’t ibang bahagi, kabilang dito ang silid-aralan kung saan tinuturuan ang mga
mag-aaral. (Ituturo ng tagapagdaloy ang bahaging silid-aralan mula sa larawang ipinakita)
Narito ang mga bagay na ginagawa sa loob ng paaralan. Tulad ng sa paaralan, tayo ay kumakanta, naglalaro
at natututong magsulat, bumasa at gumawa ng maraming bagay.

Ang pangalan ng iyong paaralan ay ________________. (Sasabihin ng tagapagdaloy ang pangalan ng paaralan
sa bata).
Narito ang pangalan ng iyong paaralan. Isusulat ko ito.
Panuto sa Tagapagdaloy
Gamit ang sagutang papel na makikita sa pahina 34 ng modyul na ito, isusulat ang pangalan ng paaralan ng
bata Ito ang makikita mo sa pahina 34na susulatan mo ng pangalan ng paaralan ng iyong bata.

28
Tagapagdaloy: Ngayon, ipakikita ko at sasabihin ang pangalan ng iyong paaralan. Ipakikita ko rin sa iyo ang
tamang paglagay ng mga palamuti sa bawat letra
Panuto sa Tagapagdaloy
Gamit ang naisulat na pangalang ng paaralan sa sagutang papel na makikita sa pahina 34 ng modyul na ito,
ipakikita ang paglalagay ng paste o glue sa mga letra at ang paglagay ng disenyo dito. Maaaring gumamit ng mga
pilas na papel o pinunit na mga papel na may iba’t ibang kulay o ano pang gamit na mayroon sa bahay na maaaring
ipangdisenyo. Ito ay halimbawa ng natapos na gawain:

Pagkatapos ng gawain ay sasabihin mo ito sa iyong bata:


Tagapagdaloy: Bilang isang mag aaral may mga bagay na gusto at di-gusto tayong gawin sa loob ng paaralan.
Nasa sa iyo bilang isang mag-aaral kung ano-ano ang mga bagay na nais mong malaman o gagawin kung ikaw ay
nasa paaralan, ngunit may mga bagay din na hindi mo dapat gawin lalo na kung ito ay magbubunga ng hindi
maganda o nakakasama sa kapwa.

29
Suriin
Panuto sa Tagapagdaloy
Pag-usapan ang mga gawain kanina. Itanong sa bata ang mga sumusunod:
Ano ang pangalan ng iyong paaralan?
Bakit kailangang malaman mo ang pangalan ng iyong paralan
Ano ang mga bagayna gusto mong gawin kung ikaw sana ay nasa paaralan?
Ano naman ang mga bagay na hindi mo gustong gawin kung ikaw sana ay nasa paaralan?
Ipaliwanag sa bata kung bakit hindi ito sa paaralan nag-aaral ngayon.

Pagyamanin
Panuto sa Tagapagdaloy
Matapos ang iyong pagmomodelo, isagawa ang Ginabayang Pagsasanay (GawinNatin). Ito ay gagawin mo
kasama ang bata. Sa gawaing ito ihanda ang mga sumusunod:
1. Lapis at malinis na papel o sagutang papel na makikita sa pahina 34 ng modyul na ito.
2. Makukulay na papel o anumang maaaring ipangdisenyo sa maisusulat na pangalan ng paaralan.

30
Gabayan ang bata sa mga sumusunod:
1. Pagsulat ng pangalan ng kanyang paaralan gamit ang sulatang papelna makikita sa pahina 34 ng modyul na ito.
2. Pagpilas o pagpunit ng mga makukulay na papel na gagamitin na pangdisenyo o pagpili ng maaring ididenyo rito.
3. Paglagay ng pandikit/glue/paste sa bawat letra ng pangalan ng paaralan.
4. Paglagay ng palamuti sa bawat letra ng pangalan ng paaralan.
Panuto sa Tagapagdaloy
Pagkatapos ng ginabayang pagpapakilala at pagsabi ng gusto at hindi gusto ng bata, isasagawa mo ang
Malayang Pagsasanay (Gawin Mo). Ito ay mag- isang gagawin ng bata. Hayaan siya na gumawa nitong mag-isa.
Pagsabi ng kanyang gusto/di-gustong gawin sa paaralan.

Isaisip
Panuto sa Tagapagdaloy
Itanong sa bata ang mga sumusunod:
 Ano ang pangalan ng iyong paaralan?
 Bakit kailangan nating malaman ang pangalan ng ating paaralan?
 Ano naman ang gusto at hindi mo gustong gawin kung ikaw ay nasa paaralan?

31
Isagawa
Panuto sa Tagapagdaloy
Ang isang batang katulad mo ay mahalagang kabilang sa isang paaralan at nag-aaral, bakit kaya?
Maliban sa loob ng paaralan, maaari pa bang matuto sa ibang paraan? Paano?

32
Week 1, Day 5
Activity Sheet 1 for Subukin
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
Pangalan: ____________________________________________________________________________________
Panuto: Kulayan anglarawan.

33
Week 1, Day 5
Kung walang malinis na papel, maaaring gamitin ang mga ito para sa
Pagmomodelo, Ginabayamg Pagsasanay at Malayang Pagsasanay

34
References
Kindergarten Teacher’s Guide, Part 1

Kindergarten Curriculum Guide

K to 12 Most Essential Learning Competencies with CG Codes

35
PAHATID-LIHAM

Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na
may pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul
na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong na
kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa pampubikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-
2021. Ang proseso ng paglinang ay tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming
hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

EmailAddress: region12@deped.gov.ph

36

You might also like