You are on page 1of 32

K Kindergarten

Quarter 1– Module 6: Mayroon Akong Katawan


at Marami Akong Kayang Gawin
Gamit ang mga Ito
Subject Area – Kindergarten
Self-Learning Module (SLM)
Quarter 1 – Module 6: Mayroon Akong Katawan at Marami Akong Kayang Gawin Gamit ang mga Ito.
First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of
the government agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other
things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names, trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their respective copyright owners. The publisher
and authors do not represent nor claim ownership over them.

Development Team of the Module


Writers: Arianne N. Tagolino, T-I, Merriam Kristy B. Zabate, T-I, Neri D. Ebrona, T-II, Juliet G. Laureta, T-II, Hannah Mae C. Mamon, T-II,
Kimberly R. Jamero, T-I, Cherrylene L. GalamayT-III, Lutzhie B. Dela Cruz, T-II, Geralyn P. Paulino, T-II, Ma. Elena Jesusa E. Valdez, T-II
Editors: Farnaida Kawit, Marlon Nacional, Johnrey Ledda, Marllyn Gatinao,Jeanette Pran, Jolle May Bayron, Neri D. Ebrona
Reviewers: Evelyn C. Frusa, Ph.D, Rolex H. Lotilla, Arvin M. Tejada
Illustrator: April Joy B. Silva,T-I, Hannah Mae C. Mamon, T-II, Raiza M. Salvaloza, T-I, Joan S. Marzo, T-I
Layout Artist: Nesly jane Publico, Angelou Samillano, Precious Joy Ubas
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Management Team: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Crispin A. Soliven Jr., CESE - Schools Division Superintendent
Roberto J. Montero, CESE - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Jade T. Palomar- REPS – Kindergarten Supervisor
Belen L. Fajemolin, PhD - CID Chief
Evelyn C. Frusa, PhD - EPS In Charge of LRMS
Bernardita M. Villano, PSDS- Division ADM Coordinator
Jennifer L. Mabalot- EPS – Kindergarten Supervisor

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region


Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
K
Kindergarten
Module 6: Mayroon Akong Katawan at
Marami Akong Kayang Gawin
Gamit ang mga Ito
Introductory Message

Para sa magulang / Tagapag-alaga:


Ang module ay isang uri ng kagamitan sa pagtuturo na may sapat at tiyak na gagawin na
kayang gawin ng bata sa bahay ng walang patnubay ng guro. Naglalaman ito ng patnubay
sa Gawain na nakatakdang gawin ng mag-aaral katuwang ang mga magulang o tagapag-
alaga. Nakapaloob sa module ang mga Objectives o Layunin na dapat na matutunan at
mahasa ng bata ayon sa mga araw na naka-atang. Bilang isang kinder na mag-aaral higit
na kinakailangan ng bata ang kanyang magulang o tagapag-alaga upang maisagawa ang
mga Gawain sa module na ito.

Para sa mag-aaral:
Sa mga mag-aaral; Ang Module na ito ay magsisilbing sagutan at babasahin na
makakatulong sa paglinang ng inyong mga kakayahan ng hindi kinakailangan ang
patnubay ng guro. Nakapaloob sa module na ito ang inyong dapat na matutunan sa loob
ng isang linggo sa tulong ng inyong mga magulang o tagapag-alaga. Ang bawat Gawain ay
may nakasulat na patnubay upang maisagawa ito ng tama. Inaasahan na sa loob ng isang
linggo kayo ay may matututunan, malinang at mahasa ang mga kakayahan ng may
pagkukusa.

ii
WEEK 6
DAY 1-5

Content Standard Performance Standard Most learning Code


Competencies
The child The child shall be able to…
demonstrates an
understanding of…
✓ objects can ✓ describe compare 2 - ✓ Recognize (PNEKBS-Id-1)
be 2 dimensional and 3- symmetry
dimensional or dimensional objects (own body,
3- dimensional basic shapes)

✓ body parts ✓ take care of oneself ✓ Identify one’s MKSC-00-6


and their uses and the environment basic body
and able to solve parts
problems
encountered within
the context of
everyday living

iii
Alamin

Panuto sa Magulang: Ang modyul na ito ay dinesenyo upang maging gabay ng iyong
anak sa pagkatuto ng aralin. Ikaw na kanyang magulang ang siyang tulay o gabay upang
mapadali ang pagsagot sa mga gawaing inihanda. Basahin nang maigi at unawain ang
nakasulat sa modyul na ito.

Nakapaloob sa modyul na ito ang sumusunod:


Lesson (Week 6): Mayroon Akong Katawan at Marami Akong Kayang Gawin Gamit ang
mga Ito.

Pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay inaasahang magawa ang


sumusunod:
1. natutukoy ang iba’t ibang bahagi ng katawan;
2. nakikilala ang mga iba’t ibang bahagi sa loob ng katawan
3. nasasabi ang mga kayang gawin at kahalagahan ng iba’t ibang bahagi ng
katawan;
4. nababakat ang ibang bahagi ng katawan tulad ng mga kamay at mga paa;
1
5. nabibilang ang mga iba’t ibang bahagi ng katawan katulad ng mga kamay, mga
paa, mga daliri sa kamay at paa, mga tainga at ilong.

Subukin

Panuto sa magulang: Babasahin ang panuto para sa iyong anak at hahayaan siyang
sagutin nang mag-isa ang unang pagsusuri. Huwag ibibigay ang tamang kasagutan
upang masukat ang kanyang natutunang aralin sa araw na ito.

Gawain 1: Bilugan ang letra na may tamang sagot.


1. Ang ating mga kamay ay binubuo ng ___________.

a. b.

2. Anong bahagi ng katawan ang tumitibok?

a. b.

2
3. Ilan lahat ang bilang ng ating mga paa?

a. 1 b. 2
4. Alin sa mga sumusunod na larawan ang nagpapakita ng kayang gawin ng mga
kamay?

a. b.

5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa katawan?

a. b.

3
Gawain 2: Bakatin ang mga putol- putol na linya upang mabuo ang mga larawang
kamay at paa.

4
Lesson Mayroon Akong Katawan at Marami Akong Kayang
1 Gawin Gamit ang mga Ito.

Tuklasin

Panuto sa Magulang: Tingnan at idokumento ang ginagawa ng iyong anak sa


pamamagitan ng pagkuha ng litrato o video upang maging basihan na siya mismo ang
gumagawa ng mga gawain. Inyo ring babasahin ang kuwento, mga tanong at mga
iban pang panuto sa mga gawain upang lubos na maintindihan at masagutan ng
inyong anak ng maigi.

Magulang: Sa araw na ito ating pag-uusapan ang tungkol sa iba’t ibang bahagi ng
katawan,mga bahagi sa loob nito gaya ng puso,baga,buto at tiyan, ang kahalagahan
ng mga bahagi nito , kayang gawin ng mga ito at pagbilang ng mga ibat-ibang bahagi
nito katulad ng mga kamay, mga paa, mga daliri sa kamay at paa, mga tainga at ilong.
Bago tayo tutungo sa paksang tatalakayin, atin munang babasahin ang isang kuwento
na pinamagatang: “Ang Batang Ayaw Maligo.” Ngunit, bago ko babasahin ang

5
kuwento atin munang alamin ang mga balakid na salita at sagutin ang pangganyak na
tanong.

(Pre-Reading Activities)
Panimulang Gawain:

1. Paghahawan ng Balakid
Magulang: Ngayon ay magbabasa tayo ng kuwento ngunit bago tayo magsimula ang
sumusunod na mga salita ay dapat nating maintindihan sapagkat ito ay maririnig natin
mula sa ating kuwento.

• Labakara – bimpo (piraso ng tela na ginagamit sa paghihilamos o


pagpupunas), maliit na tuwalya
• Medical Outreach- gawain o programa na
nagbibigay ng tulong medikal sa isang komunidad
• Bulalas- pagsigaw o pagsalita nang
malakas
• Hinagkan- hinalikan

6
Pangganyak na Tanong- Ito ang maghihikayat sa anak na pag-usapan ang tungkol sa
pabalat na pahina ng kuwentong gagamitin at makakagawa ng mga prediksyon.
Tanong: Ano sa tingin ninyo ang mangyayari kapag hindi naliligo ang mga bata?
Inaasahang sagot ng bata: Magiging mabaho. Magiging marumi ang katawan.
Madaling magkakasakit.
Pangganyak na katanungan: Bakit kaya ayaw makipaglaro ng klasmeyt ng bata sa
kanya?
Magulang:Ang tanong na ito ay inyong sasagutin pagkatapos ng kuwento.
Magulang: Ang kuwentong ating babasahin ay pinamagatang Ang Batang Ayaw
Maligo. Ito ay isinulat ni Beng Alba, iginuhit ni Marcus Nada at inilathala sa Pilipinas ng
OMF Literature, Inc. para sa Hiyas.
Ang Batang Ayaw Maligo
Isinulat ni Beng Alba, iginuhit ni Marcus Nada

Si Popong ang batang ayaw maligo. Masayang-


masaya siya kapag nakatatakas siya sa kuskos ng
labakara, dulas ng sabon, at higit sa lahat, sa lamig ng
tubig.
“Popong, maligo ka na. Naghihintay na ang tubig
mo sa banyo,” sinasabi ng Nanay niya.
Tuwing maririnig ni Popong ang salitang ‘ligo,’ para
itong binubuhusan ng isang baldeng malamig na
malamig na tubig.

7
Kung ano-anong dahilan ang binibigay ni Popong para makaiwas lang sa pagligo-
“Nay, parang may sakit po ‘ata ako.”
“Nay, tatapusin ko lang po itong paboritong palabas ko.”
O di kaya’y, itatago niya ang sabon at sasabihing “Nay, wala na pong sabon.”
“Opo, Lola,” sagot naman ni Popong.
Minsan ay umalis ang mga magulang ni Popong para tumulong sa tatlong araw na medical outreach sa kabilang
bayan. Iniwan nila si Popong sa kanyang Lola. Laking tuwa naman ni Popong!
“Apo, naligo ka na ba?” Tanong ni Lola Erlinda.
“Opo, Lola,” sagot naman ni Popong.
“Tignan po ninyo, basa pa nga po ang ulo ko. At bagong palit pa ang sando ko.” Pero ang totoo’y binasa lang niya
ang kanyang buhok at pinalitan lng niya ang kanyang sando.
“Aba, oo nga. Pero ano ba iyong naamoy ko na parang amoy-araw?” tanong ni Lola.
“Si Blackie po yun, Lola.” At tinuro ni Popong ang alagang aso.
Sa unang araw na wala ang mga magulang niya, libreng-libre si Popong. Wala siyang ginawa kundi maglaro sa loob
ng bahay.
Inilampaso niya ang katawan sa sahig. Isiniksik ang sarili sa ilalim ng kama!
“Yipee! Walang pasok! Wala sina Nanay at Tatay! At syempre, walang ligo!!”
Sa pangalawang araw, sa bakuran naman naglaro si Popong. Umakyat siya sa puno ng bayabas at hinabol ang
mga alagang pato!
“Yipee! Walang pasok! Wala sina Nanay at Tatay! At syempre, walang ligo!!”
Dumating ang ikatlong araw. Wala pa rin ang Nanay at Tatay ni Popong. At tatlong araw na siyang hindi naliligo.
Nanlilimahid na siya sa dumi. Magulong- magulo ang buhok. Nanlalagkit ang katawan. At ubod nang sama ang
amoy!
“Apo, gumising ka na! Aba’y mahuhuli ka sa klase!” sigaw ni Lola Erlinda.
Bumangon si Popong at dali-daling isinuot ang kanyang uniporme. Hindi na siya nakapagsuklay. Hindi na rin siya
nakapagsipilyo ng ngipin.
“Aba, Apo, bakit parang di ka ata naligo? Andungis ng mukha mo!”

8
“Eh, Lola, pag-uwi na lang ako maliligo. Tanghali na kasi ako nagising.

(During-Reading Activities)
Mga Gawain Habang Nagbabasa ng Kuwento- Ang pagtatanong sa anak habang ikaw ay nagbabasa ay
makakatulong na mas maunawaan at matatandaan ang kahulugan ng kuwento.

Panuto sa Magulang: Pagkatapos basahin ang bahagi ng kuwento ay itatanong mo sa iyong anak ang katanungang:
Tatlong araw nang hindi naliligo si Popong, ano kaya ang mangyayari sa kanya sa pagpasok niya sa paaralan
na hindi naliligo?
Inaasahang sagot ng bata: Maaring mapapansin ng kanyang kaklase ang kanyang mabahong amoy.
Magulang: Malalaman natin mamaya kung ano ang mangyayari. Ipagpatuloy ang pakikinig sa kuwento.

Masayang pumasok sa eskuwela si Popong dahil muli niyang makakasama ang kanyang mga kaibigan. Maglalaro
sila ng holen at patintero.
Ngunit habang nagpapatintero ay di mapakali si Popong. Kamot sa ulo, kamot sa braso. Kamot sa binti, kamot sa
pisngi. Kamot sa tiyan, kamot sa puwit. Kaya
naman…
“Popong, hindi mo nataya si TJ!”
“Popong, hindi mo nataya si Tintin!”
“Kamot ka kasi ng kamot,, eh!
Pagkatapos magpatintero ng tatlong beses, hindi
na isinali si Popong ng mga kaibigan niya. Naiwang
nag-iisa si Popong. Malungkot niyang pinanood ang
mga kalaro mula sa malayo.
Bakit kaya ayaw nila akong makasama?
Malungkot na malungkot si Popong. Marami nga

9
siyang pagkain para sa meryenda, wala naman siyang kasalo. Gusto nga niyang makipagtakbuhan, wala naman
siyang kalaro.
Muli niyang nilapitan ang mga kalaro. “Puwede bang sumali ulit sa inyo?”
“Puwede Popong, pero kung nakaligo ka na!” sigaw ng mga kalaro niya, sabay nagtawanan.
Tinignan nang maigi ni Popong ang kanyang mga kaklase. Napansin niya na ibang- iba nga ang itsura nila sa
kanya! Maaayos ang kanilang buhok. Malilinis ang kanilang mga mukha. At mapuputi ang mga ngipin. Samantala, siya
nama’y ubod ng gusgusin at kamot nang kamot.

Panuto sa Magulang: Pagkatapos basahin ang bahagi ng kuwento ay itatanong mo sa iyong anak ang katanungang:
Naku! Ano ang nangyari kay Popong habang nakikipaglaro siya sa kanyang mga kaklase?
Inaasahang sagot ng bata: Palagi ang pagkamot niya sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan kaya hindi na siya
nakakapaglaro nang maayos.
Magulang: Magaling. Tingnan natin ang susunod pang mangyayari sa kanya. Ipagpatuloy ang pakikinig sa kuwento.

Dali-daling umuwi si Popong. Agad niyang hinanap ang pinakamabangong sabon, pinakamalaking labakara, at
nagsimulang magkuskos…
Kuskos dito, kuskos doon. Isa, dalawa, tatlong buhos ng tubig. Kuskos dito, kuskos doon. Isa, dalawa, tatlong buhos
ng tubig. Sa kauna-unahang pagkakataon, naramdaman ni Popong na masarap palang maligo. Masarap pala ang
pakiramdam ng katawan kapag nililinis ng sabon at hinuhugasan ng tubig. Ni hindi niya napansin na malamig pala ang
tubig.

Panuto sa Magulang: Pagkatapos basahin ang bahagi ng kuwento ay itatanong mo sa iyong anak ang katanungang:
Ano ang ginawa ni Popong pag-uwi niya galing sa eskwelahan? Ano ang kanyang naramdaman pagkatapos
maligo?
Inaasahang sagot ng bata: Agad na naligo si Popong. Naramdaman niya na masarap pala sakatawan ang maligo.

10
Magulang: Magaling. Tingnan natin ang susunod na mangyayari paglabas niya ng banyo. Ipagpatuloy ang pakikinig
sa kuwento.

Pagkalabas ng banyo, may isang sorpresa na naghihintay kay Popong!


“Wow! Ang bango-bango naman ng anak ko!” sigaw ng kanyang Tatay.
“’Nay! ‘Tay! Bumalik na kayo!” bulalas ni Popong. Hinagkan niya silang
dalawa.
“Oo, anak. Sa Katunayan, nag-aalala kami sa iyo habang nasa kabilang
bayan kami,” sagot ni Nanay.
“Maraming bata kasi doon na kung hindi may bungang-araw ay may galis
aso naman,” dagdag ni Nanay.
Nagkasugat-sugat na nga ang balat nila dahil siguro kamot sila nang kamot.”
“Talaga po? P-Puwede po bang mangyari sa akin yun, ‘Nay, ‘Tay?”
“Oo, anak. Pero maiiwasan naman ito kung laging malinis ang katawan mo,” sagot ni tatay.
Napaisip si Popong sa sinabi ng Nanay at Tatay niya. Naalala niya na muntik na rin
magkasugat-sugat ang balat niya dahil sa kanyang pagkakamot.
Tinignan ni Popong ang kanyang mga magulang.
“’Nay. ’Tay, sori po. Kasi po, mula nang umalis kayo ay ngayon lang ulit ako naligo.
Nagsisinungaling po ako kay Lola tuwing tinatanong niya kung naligo na ako. Pero
mula ngayon, susundin ko na po ang lahat ng mga sinasabi ninyo. At kahit na si Lola
lang po ang kasama ko dito, maliligo pa rin ako.”
Matapos mangako ni Popong ay bigla itong napaisip, “Hmm… eh si Blackie kaya?”

11
(Post-Reading Activities)
Mga Gawain Pagkatapos Basahin ang Kuwento

Magulang: Ngayon natapos ko ng basahin ang kuwento. Ihanda ang sarili at sagutin ang tanong.
a. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?
Inaasahang sagot ng bata: Si Popong.
b. Bakit ayaw makipaglaro kay Popong ng kanyang kaklase?
Inaasahang sagot ng bata: Dahil mabaho siya at marumi.
c. Ano ang maaaring mangyari sa ating katawan kapag hindi tayo naliligo?
Inaasahang sagot ng bata: Magiging makati ito at maaaring magkasugat-sugat dahil sa madalas na
pagkamot.
d. Ikaw, sinusunod mo ba ang mga utos ng iyong magulang? Bakit?
Inaasahang sagot ng bata: Opo. Dahil ang tanging hangad lang ng ating magulang ay ating
kabutihan.
e. Bakit kailangang panatilihing malinis ang ating katawan? Ano-ano ang dapat gawin para
maging malinis ang mga bahagi ng ating katawan katuald ng buhok, mukha,kamay,paa etc.?
Inaasahang sagot ng bata: Kailangan nating panatilihing malinis ang ating katawan upang makaiwas
sa mga sakit. Ito ang mga dapat nating gawin sa mga bahagi ng ating katawan: Buhok- susuklayan;
Mukha at katawan- sasabunan; Kamay at paa- huhugasan; Bibig (ngipin at dila)- magsisipilyo; Kuko-
puputulan kapag mahaba; Tainga- lilinisan gamit ang cotton buds at iba pa.
Magulang: Mahusay. Kailangan nating alagaan ang lahat ng bahagi ng ating katawan.
Naisasagawa ng mga ito ang kanilang tungkulin at kakayahan kapag ito ay malinis at inaalagaan.

12
Suriin

Panuto sa Magulang: Sa puntong ito, ikaw ang maging kahalili ng guro sa iyong anak.
Gawin ang sumusunod na gawain.

Gawain 1:
Magulang: Tingnan ako, ito ang aking katawan. Ang aking katawan ay may iba’t ibang
bahagi. Makikita sa labas ang aking mga buhok, ulo, mga mata, mga tainga, mga kamay,
mga daliri sa kamay, mga binti, mga paa at mga daliri nito. Ang aking mga kamay ay
may kaliwa at kanan. Ang bawat kamay ko ay may limang daliri. Kaya ng aking mga
kamay na magsulat, magpinta, maghugas, pumalakpak at gumuhit. Ang aking mga paa
naman ay dalawa. Isa sa kaliwa at isa sa kanan. Ito po ay may limang daliri sa kaliwa at
lima rin sa kanan. Kaya ng aking mga paa lumundag, tumalon, tumakbo at sumayaw.
Inaalagaan ko ito sa pamamagitan ng pagligo araw-araw, paghugas ng aking mga
kamay at paa gamit ang sabon, pagputol ng mga kuko at pagpunas ng malinis na tela.
Ngayon ikaw naman. Gawin mo at sagutin ang aking mga katanungan.

13
Mga Gawain ng bata:
1. Itaas ang iyong mga kamay.
2. Ilan ang iyong mga kamay?
3. Ano ang tawag sa mga ito?
4. Ano-ano ang mga kayang gawin nito?
5. Ipakita ang mga paa, ituro ang kaliwa at kanan.
6. Ilan ang mga daliri sa kaliwa at kanang paa?
7. Ano-ano ang kayang gawin ng mga paa?
8. Paano natin mapangangalagaan ang ating katawan at ibang bahagi nito tulad ng
mga kamay at mga paa?

Inaasahang ginawa at sagot ng bata:


1. Ipinakita ang mga kamay
2. Dalawa po ang aking kamay.
3. Ito po ay kaliwa at kanan.
4. Kaya nitong magsulat, magpinta, maghugas, pumalakpak at gumuhit at iba pa.
5. Ito naman po ang king mga paa. Ito pa ay kaliwa at kanan.
6. Lima sa kaliwa at lima sa kanan.
7. Kaya nga aking mga paa lumundag, tumalon, tumakbo at sumayaw.

14
8. Mapangangalagaan natin ang ating katawan sa pamamagitan ng pagligo araw-
araw, paghugas ng mga kamay habang kinanakanta ang “Happy Birthday” ng
dalawang beses o paghugas rin ng mga paa, pagpunas ng malinis na tela at
paggupit ng mga kuko.

Gawain 2:
Magulang: Magaling! Ngayon tayo naman ay magbakat.Pagdugtungdugtungin ko ang
putol-putol na linya upang maporma ang mga kamay. Pagkatapos, babakatin ko ang
aking kamay sa hangin,at gamit ang krayolang kulay kaki babakatin ko sa papel ang
aking mga kamay. Natapos ko nang bakatin ang mga kamay ko. Ngayon ang aking
mga paa naman. Babakatin ko ang aking kaliwa at kanang paa. Pagkatapos, ikaw
naman ang magbakat.

Gawain ng bata;
Bakatin ang kaliwa at kanang kamay sa papel gamit ang kulay kaki na krayola at at
babakatin di ang inyong mga paa gamit ang kulay dilaw na krayola.

15
Gawain 3:
Magulang: Magaling! Ngayon ituturo ko ang mga bahagi sa loob ng katawan tulad ng ,
puso, baga, tiyan at buto.Sasabihin ko ang pangalan pagkatapos ikaw naman ang
magkilala nito.
baga puso tiyan buto

Gawain 4:
Magulang: Para sa ating panghuling gawain ipapakita ko sayo ang pagbilang ng aking
mga kamay, mga daliri, mga mata, mga tainga at ilong. Meron akong dalawang kamay,
limang (5) daliri sa kaliwa at lima (5) naman sa kanan. Dalawa (2) ang aking mata,
dalawa (2) rin ang aking tainga at isa (1) ang aking ilong. Ngayon, ikaw naman ang
magbilang at pagktapos sagutin ang aking tanong.

16
Gawain ng bata:
1. Magbilang ng daliri, mata at ilong.
Tanong: Ilan ang bilang ng bahagi ng ating katawan katulad ng mga kamay? mga
daliri? mga mata? mga tainga? Ilong?

Inaasahang sagot ng bata sa tanong: Dalawang kamay, limang daliri sa kaliwa at lima (5)
sa kanan, dalawang (2) mata, dalawang (2) tainga at isang (1) ilong.

Paalala ng guro sa magulang.

Kung may gamit gaya ng “cellphone”, TV, radio at iba pa;


Ipakita ng magulang ang video presentation o iparinig ang
audio narration tungkol sa leksyon.

17
Pagyamanin

Gawain 1 : Pagbakat ng Kamay at Paa


Bakatin ang iyong dalawang (2) kamay at dalawang (2) paa.

18
Gawain 2: Mga Bahagi sa Loob ng Katawan.
Lagyan ng tsek (/) ang kahon ng mga bahaging nasa loob ng katawan at ekis (x) kung
hindi.

1. 3.

4.
2.

5.

19
Gawain 3: Pagbilang ng Iba’t Ibang Bahagi ng Katawan.
Tingnan ang mga larawan ng bahagi ng katawan. Gupitin ang mga ito at idikit sa
tamang bilang.

1. 1 2.
2 3.
. 5
a. b. c.

20
Isaisip

Sa araw na ito tinalakay natin ang tungkol sa mga ibat-ibang bahagi ng katawan.
Nalaman din natin na ang mga kamay at mga paa ay may kaliwa at kanan. Natutunan
din natin ang pagbilang ng mga kamay, mga paa, mga daliri sa kamay at paa at iba
pang bahagi ng katawan katulad ng mga mata, mga tainga at ilong. Napag-alaman
din natin ang kayang gawin ng ating mga kamay at paa; at kung papaano ang mga
bahagi ng ating katawan mapapangangalagaan. Nakilala din natin ang mga bahagi
sa loob ng katawan katulad ng puso, baga, tiyan at mga buto. Mainam din na lagi
tayong maliligo at maghugas ng mga kamay bago kumain upang mapanatiling malinis
ang mga ito. Tandaan! Ang kalinisan ay kaakibat ng malusog na katawan”.

21
Isagawa

Gawain 1: Mga Gawain Gamit ang mga Kamay at Paa.


Ikabit ang mga larawan ng kayang gawain ng mga kamay at paa.

a
1.

2.
d

22
Gawain 2: Body Cover-All/ Pagbilang ng mga Bahagi ng Katawan.
Kulayan ang kalahating bahagi ng katawan at isulat ang bilang ng bawat bahagi sa
loob ng kahon.
paa pisngi
baga

ilong kamay

23
Gawain 3: Mga Kayang Gawin ng mga Bahagi ng Katawan.
Lagyan ng tsek (/) ang kahon na nagpapakikita ng pangangalaga sa mga katawan ekis
(X) kung hindi.

1. 3.

2. 4.

5.

24
25
Isagawa
Gawain 1: Pagyamanin Subukin
1. b, c Gawain : Pagbakat Gawain 1
2. a, d, c 1. a
Gawain 2: 2. b
3. b
4. a
5. a
2 2
Gawain 2: Pagbakat
Gawain 2:
1./ 2.X 3./
1 2 1
4./ 5./
Gawain 3
1. / 4. X Gawain 3:
2. X 5. / 1.c, 2. b 3. a
3./
Susi ng Pagwawasto
References

Kindergarten Teachers Guide, pp. 80-87

K-12 Curriculum Implementation and Learning Management Matrix Complete List of Most Essential Learning
Competencies, p.7

26
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na inihanda at tugunan ang
pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng Modyul na ito ay batay sa Most
Essential Learning Competencies (MELCS) ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong
na kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon
XII simula sa taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay tinutukan sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming hinihimok ang anumang
puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

27

You might also like