You are on page 1of 4

 

Bumalik sa Itaas ▲

Patnubay para sa mga Manggagawa 

Ang mga taong patuloy na nagsasagawa ng mga mahahalagang trabaho na


nagpapanatiling ligtas at masigla ang ating komunidad ay bahagi ng ating grupo
ng mga mahahalagang nagtatrabaho. Kasama dito ang mga taong nagtatrabaho
sa mga tindahan ng groserya at pagkain, mga istasyon ng gas, mga restawran,
pangangalaga ng kalusugan, mga hotel at motel, mga serbisyo ng paghahatid,
serbisyo sa transportasyon, mga first responder, at iba pang mga empleyado sa
mga negosyo at mga operasyon ng pangangalaga sa kalusugan na
nagpapanatili ng mga mahahalagang aktibidad. Maraming maaaring manatiling
ligtas sa bahay dahil sa mga serbisyong ginagawa nitong mga mahahalagang
manggagawa. 

Ang iba pang mga manggagawa ay gumagawa ng mahahalagang gawain sa


labas ng kanilang mga tahanan na nagpapanatili ng mga pangunahing tungkulin
para sa mga hindi mahahalagang negosyo at maglagay ng tauhan sa mga
panlabas na negosyo na pinapayagan na muling mabuksan sa ilalim ng
kasalukuyang kautusan (epektibo noong Mayo 4, 2020). 

Para sa mga taong gumagawa ng trabaho sa labas ng kanilang mga tahanan sa


panahon ng kautusan na manatili sa bahay, inaalok namin ang mga sumusunod
na paalala kung paano mabawasan ang panganib ng COVID-19 (novel
coronavirus) para sa inyo at sa inyong pamilya.  

Kapag Pupunta sa Trabaho: 

 Pagsakay na mag-isa sa isang pribadong sasakyan ay ang pinakaligtas na


paraan upang maglakbay. 
 Alam namin na hindi ito posible para sa lahat. Kung mayroon kayong
kasama na pumupunta sa trabaho sa parehong sasakyan o sa pampublikong
transportasyon, magsuot ng isang pantakip sa mukha na natatakpan ang  inyong
bibig at ilong (tulad ng isang bandana, scarf, o handmade na pantakip na tela).
Kung naglalakbay kasama ang ibang tao sa isang pribadong sasakyan,
panatilihing bukas ang mga bintana hangga't maaari. 
 Iwasang hawakan ang inyong mga mata, ilong o bibig ng di-nahugasang
kamay. 
 Kung maaari, magdala ng isang maliit na bote ng hand sanitizer  na
gagamitin pagkatapos hawakan ang mga ibabaw tulad ng mga makina ng tiket,
mga handrail, at mga pintuan.  
 Magsuot ng isang panakip sa mukha sa inyong bibig at ilong (tulad ng
isang bandana, scarf, o handmade na pantakip na tela) habang naghihintay o
sasakay sa pampublikong pagbibiyahe. 

Kapag nasa Trabaho: 

 Hugasan ang inyong mga kamay gamit ang sabon at tubig pagdating sa
trabaho at dalasan hangga't maaari sa panahon ng inyong shift. Hugasan ng
hindi bababa sa 20 segundo. Kung wala ang mga pasilidad sa paghuhugas,
gumamit ng hand sanitizer ng hindi bababa sa 60% ang nilalaman ng alkohol. 
 Magsuot ng isang pantakip sa mukha na natatakpan ang  inyong bibig at
ilong habang nasa trabaho (tulad ng isang bandana, scarf, o handmade na
pantakip na tela). Ito ay kinakailangan. 

Kapag Nakauwi na mula sa Trabaho: 

 Hugasan nang lubusan ang inyong mga kamay o gumamit ng hand


sanitizer sa sandaling nakauwi sa bahay. 
 Lumikha ng isang lugar na malapit sa harap ng pintuan o pasukan sa
inyong bahay upang mailagay ang inyong mga kagamitan sa trabaho upang
maiwasang mahawaan ang iba pang lugar ng bahay.  
 Pagkatapos na hugasan ang inyong mga kamay, linisin ang inyong
telepono, mga susi, at iba pang mga kagamitan gamit ang disinfectant wipes. 
 Linisin ang anumang mga doorknob o iba pang mga ibabaw na hinawakan
ninyo kapag nakapasok sa bahay. 
 Maglagay ng mga damit na pang-trabaho na kailangang hugasan nang
direkta sa washer o sa isang hiwalay na bag, depende kung ano ang
pinakamainam para sa inyong sitwasyon sa paglalaba. 
 Maligo at magsuot ng malinis na damit. 
 Huwag yakapin o hawakan ang sinuman hanggang matapos hugasan ang
inyong mga kamay at makaligo.  

Sa Bahay: 

 Takpan ang inyong bibig/ilong ng isang tisyu o manggas kapag umuubo o


nagbahing, pagkatapos nito ay itapon ang nagamit na tisyu. 
 Iwasan ang pagbabahagi sa ibang tao ng mga personal na gamit tulad ng
baso, kubyertos, at mga tuwalya. 
 Dalasan na linisin ang mga madalas na hinahawakan na ibabaw kasama
ang mga telepono, keyboard, countertop sa kusina, banyo, gripo, at mga
doorknob. Ang mga karaniwang produkto na panlinis ay epektibo laban sa
COVID-19. 

Gumawa ng Plano Sakaling Kayo ay Magkasakit: 

 Planuhin kung paano matutugunan ang inyong mahahalagang


pangangailangan kung kayo ay nagkasakit.  
 Panatilihin ang supply ng mga hindi masisira na pagkain, mga gamit sa
bahay, panlinis na mga gamit, at mga gamot upang maaaring mabawasan ang
inyong mga paglalakbay sa grocery store, parmasya, at iba pang mga lokasyon. 
 Alamin kung sino ang magiging responsable sa mga aktibidad tulad ng
pagbili ng groserya at iba pang mahahalagang aktibidad kung kayo ay
nagkasakit. Mayroon bang isang tao sa bahay na makakatulong? Mayroon bang
pamilya o matalik na kaibigan na maaaring maghatid ng groserya sa pintuan?  

Libreng Serbisyong Pangsuporta: 

 Para sa pangsuporta sa pabahay, tawagan ang Joint Operations Center


ng County sa Joint Operations Center sa (408) 278-6420.  
 Para sa tulong sa pagkain, tawagan ang Second Harvest Food Bank sa 1-
800-984-3663. 
 Kung wala kayong isang regular na doktor, mangyaring tawagan ang
Primary Care Access Program sa 408-556-6605 upang makipag-usap sa isang
doktor tungkol sa inyong mga sintomas.  
 Para sa impormasyon tungkol sa pagsusuri ng COVID-19 sa County —
kasama na kung sino ang dapat masuri at kung saan-bisitahin ang website ng
Departamento ng Pampublikong Kalusugan ng
County: www.sccgov.org/cv19testing.
 Tandaan, ang paghingi ng tulong para sa COVID-19 ay hindi kabawasan
ng inyong pagkakataon na makatanggap ng residency o citizenship sa U.S.
Mangyaring humingi ng tulong kung kinakailangan. 
 Upang makita kung kwalipikado kayo para sa isang programa na maaaring
masakop ang isang bahagi ng inyong nawala na sahod dahil sa COVID-19,
bisitahin ang: sccfairworkplace.org o tumawag sa 1-866-870-7725. 

Bumalik sa Itaas ▲

Patnubay para sa Mga Pasilidad ng Pagkain

Basahin ang Sulat ng Departamento ng Kalusugan na nagpapayo sa mga epekto


ng Kautusan sa mga pasilidad ng pagkain.
Sundin ang mga pinakamahusay na pamamaraan para sa pinapayagan na mga
operasyon sa pasilidad ng pagkain na kasama sa "Mga Pamamaraan sa
Pagbabawas ng Panganib sa COVID-19 para sa Pasilidad ng Pagkain" ng
Departamento ng Kalusugan sa Kapaligiran.

Bisitahin ang mga Link ng Impormasyon tungkol sa COVID-19 ng Departamento


ng Kalusugan>Bagong Coronavirus para sa pinakabagong mga pamamaraan.

Bumalik sa Itaas ▲

Patnubay para sa mga Manggagawa sa Industriya ng Agrikultura

Basahin ang  pinakabagong sulat na nagpapayo sa mga epekto ng Kautusan sa


industriya ng agrikultura mula sa Ahensya ng Pagprotekta ng Konsumidor at
Kapaligiran (Consumer and Environmental Protection Agency).

Sundin ang pinakabagong mga pamamaraan ng kaligtasan para sa mga


Manggagawa sa Industriya ng Agrikultura at Pabahay ng Manggagawa mula sa
Ahensya ng Pagprotekta ng Konsumidor at Kapaligiran.

Bisitahin ang  mga Link ng Impormasyon para sa COVID-19 mula sa Dibisyon ng


Agrikultura para sa pinakabagong impormasyon at pag-update.

Source: https://www.sccgov.org/sites/covid19/Pages/learn-what-to-do-
tl.aspx

You might also like