You are on page 1of 1

SAWIKAIN

PILIIN AT KAHULUGAN NG MAY SALUNGGUHIT NA SAWIKAIN


1. Kailangan na kami umuwi dahil nag agaw-dilim na.
A. malapit ng mag umaga B. malapit ng mag-gabi C. May curfew sa Maynila
2. Kaunting biro mo kay Nena ay umiiyak at umaalis na. Siya ay balat-sibuyas.
A. matapang B. mahiyain C. maramdamin
3. Huwag kang maniwala sa sinasabi niya panay balitang kutsero ang kanyang sinasabi.
A. masamang balita B. maling balita C. nakakagulat na balita
4. Huwag kang makikipag kaibigan sa kanya siya ay basag ulo.
A. mabait B. mahilig makipag away C. madaldal
5. Ang aking ama ay dumalaw sa kanyang kuya sa ospital dahil ito at bilang na ang araw.
A. magaling na B. malakas pa C. malapit nang mamatay
6. Maraming humahanga sa kanya dahil siya ay may buhok anghel.
A. may mahabang buhok B. may magandang buhok C. kulot ang kanyang buhok
7. Kay gandang tingnan ang bukang liwayway sa Manila Bay.
A. malapit nang mag-umaga B. malapit nang mag-gabi C. malapit nang umulan
8. Dahil siya ay nawalan ng trabaho, butas ang kanyang bulsa.
A. walang tirahan B. walang pagkain C. walang pera
9. Dahil sa kahirapan at walang pambili ng pagkain, siya ay buto’t balat na.
A. sobrang mapayat B. malusog C. masipag
10. Dahil sobrang madilim at siya ay nag-iisa lamang sa bahay, nakaramdam siya ng daga sa dibdib.
A. takot B. paghanga C. pag-mamahal
11. Hindi siya tunay na kaibigan. Siya ay ahas.
A. matapang B. traydor C. masunurin
12. Siya ay palaging bili ng bili kahit hindi niya kailangan. Siya ay galit sa pera.
A. matipid B. magaling mag-ipon C. gastador
13. Dahil siya ay wala ng tirahan at ulila na, siya ay palaboy laboy sa kalye at hampaslupa.
A. mahirap B. kawawa C. mahusay
14. Siya ay hawak sa leeg ng kanyang kasintahan. Kung ano ang ibig nito ay kanyang binibigay.
A. sunud-sunuran B. matapang C. masungit
15. Ibaon mo na sa hukay ang iyong masamang karanasan.
A. alalahanin B. kalimutan C. Tandaan

1. T
2. C
3. F
4. M
5. T
6. C
7. F
8. M
9. T
10. T

You might also like