You are on page 1of 2

Mga paghahanda ngayong tag-ulan at bagyo sa high risk areas sa Batangas, tinalakay

ni Batangas PDRRMO Chief Lito Castro

Opisyal nang inanunsyo ng PAGASA ang pagsisimula ng tag-ulan o “rainy season” sa


bansa.

Sa pahayag ng PAGASA, ang epekto ng Tropical Depression “Butchoy” at Southwest


Monsoon o Habagat sa nakalipas na ilang mga araw ay nagdala ng sapat na dami ng
tubig-ulan sa western sections ng Luzon at Visayas kaya’t nakamit na ang ‘criteria’ para
sa pagdedeklara ng panahon ng tag-ulan.

Kaugnay dito, inilahad ni Provincial Disaster Risk Reduction Management Office Chief
Lito Castro ang mga hakbangin at paghahandang isinasagawa ng pamahalaang
panlalawigan ng Batangas bunsod ng panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Castro, regular umano ang pagtitipon at koordinasyon ng mga miyembro ng
Association of Local DRRMOs na patuloy ang pagpapalawig ng disaster contingency
plans, gayundin ang pakikipag-ugnayan sa national agencies at iba pang counterparts.

Bukod dito, siniguro ni Castro na handa ang lalawigan ng Batangas pagdating sa mga
equipment gaya ng ng rescue vehicles. Binanggit din na naka-position na ang mga heavy
equipment ng Provincial Engineer’s Office sa strategic locations sa lalawigan, bilang
pangunahing paghahanda sa maaring dumating na sakuna.

“Meron na ngang naka-standby na rescue vehicle sa Laurel,” dagdag pa nito.

Kung kakainalanganin naman ng evacuation, inaasahan umano ang pakikipag-ugnayan


ng DepEd para magamit ang mga eskwelahan bilang evacuation centers lalo na’t wala
pang pasok ang mga mag-aaral.

Samantala, binigyang diin ni Castro ang kahalagahan ng kooperasyon, pag-iingat,


paghahanda, pagtutulungan sa komunidad at pagsunod sa mga patakaran nang sa gayon
ay makaiwas sa sakuna na dala ng mga hazards gaya ng bagyo, landslide at flashflood,

“Sa mga areas, ibayong pag-iingat para sa mga nagamit ng water assets. Kung may
warning signal ang bagyo ay wag nang lalayag. Pati na rin kung may gale warning,”
panawagan din ni Castro.

You might also like