You are on page 1of 1

Mga planong pangkabuhayan para sa pagbangon ng Taal Victims,

isinaad ni Gov. DoDo

Ang pagbangon ng mga apektado ng naging pag-aalboroto ng bulkang Taal ang isa sa tinututukan ng Pamahalaang
Panlalawigan ng Batangas, at isa na dito ang mga planong pangkabuhayan lalo’t higit para sa mga residente ng Taal
Volcano Island.

Sa isinagawang Batangas Economic Recovery Round Table Discussion sa LIMA Park Hotel noong ika-7 ng Pebrero
2020, malayang isinaad ni Gov. DoDo Mandanas ang mga programang ipapanukala ng pamahalaang panlalawigan na
nakatuon sa livelihood, na unang nakasentro sa paglalaan ng resettlement area para sa affected individuals and
families, hindi lamang para sa housing kundi pati na rin para mabigyan ang mga ito ng “new place of work”.

Ayon sa gobernador, patuloy umano na naghahanap ang pamahalaan ng alternative livelihood na katulad ng
nakasanayan ng mga ito, gaya ng fish cages na aniya ay maaring ilipat mula fresh water papunta sa salt water, sa oras
na makalipat ang mga ito sa bagong resettlement sites gaya ng Nasugbu at San Juan, kung saan ekta-ektarya ang
pagmamay-ari ng probinsya.

Kaugnay nito, binanggit rin ni Gov. DoDo na sa pamamagitan ng Marine Cultural Laboratory na pinatatakbo sa bayan
ng Lemery sa Batangas, ay malaki ang maitutulong sa mga fish farmers na maari nang mag-alaga ng lapu-lapu mula sa
datihang pinararaming tilapia, na inaasahang makakapagbigay ng mas mataas na income sa mga ito.

Bukod dito, ipinahayag rin na ang mga mananahan sa magiging settlement areas ay magkakaroon na muli ng
pagkakataon na ituloy ang mga negosyong piggeries, poultry, horse and cattle raising at iba pa.

Isa rin umano sa pinagtutuunan ang industriya ng turismo sa lalawigan, na direkta ring naapektuhan matapos pumutok
ang Taal Volcano, na isa sa nangungunang humahatak ng turista papasok sa lalawigan, at dahil nga dito, maituturing
aniya ito bilang oportunidad na i-highlight ang iba pang naggagandahang tourist destinations sa Batangas gaya ng
Verde Island Passage, diving spots sa Balayan bay at Anilao, Submarine Garden sa Lobo, Taal Basilica at marami pang
iba. Kasabay nito ay ang paglinang at pagpapalawig ng coffee at cacao industry sa lalawigan.

Samantala, on-going na ang proyektong Ash for Cash para sa mga Taal victims, kung saan tuturuan ang mga ito kung
paano gawing hollow blocks ang volcanic ash, kasabay ng pagbibigay ng mga karampatang materyales na sagot ng
provincial government, na siyang bibilhin at gagamitin para sa mga infrastructure projects ng pamahalaan. Marinela
Jade Maneja, Batangas PIO Capitol

You might also like