You are on page 1of 1

Mga proyekto at programang pang-Edukasyon ng Mandanas Administration

para sa 2020, pinagpulungan

Isa sa mga tinututukan ng pamahalaang panlalawigan ng Batangas, sa ilalim ng liderato ni Gov. DoDo Mandanas, ay
ang higit pang pagpapahusay at pagpapataas sa antas ng edukasyon sa probinsya sa pamamagitan ng iba’t ibang
proyekto at programang nakatuon dito.

Kaugnay nito, nagpulong ang Provincial School Board (PSB), na pinangunahan ni PSB Chairperson Gov. DoDo,
katuwang rin si Dra. Merthel M. Evardome, bagong School Division Superintendent sa lalawigan, bilang Vice-
chairperson, at dinaluhan naman ng Provincial Finance committee at mga kinatawan ng key agencies na miyembro ng
board.

Naging pangunahing paksa sa pagpupulong ang panukalang modernization ng school facilities sa probinsya, kung saan
layunin ng iuukol ng pamahalaang panlalawigan ang malaking budget pang-edukasyon para gawin nang digital o
electronic ang pamamamaraan ng pagtuturo sa mga ekwelahan, lalo na sa panahon ngayon na moderno na at madali
nang maka-access sa internet.

Bukod dito, nakipagkasundo na umano ang pamahalaang panlalawigan sa Department of Information and
Communication Technology (DICT) nang sa gayon ay makabitan na ng libreng internet ang mga paaralan, kasabay na
at pagtatayo ng dagdag na computer rooms sa mga ito at pagbibigay ng laptops/computers sa mga guro para sa level-
up na antas ng edukasyon sa Batangas.

Samantala, pinagtalakayan rin sa pagtitipon ang: Update sa on-going construction/repair and


improvement/rahabiliation projects ng school buildings; pagpplano sa CALABARZON Heroes Games 2020; at pag-
follow up sa establishment ng Batangas Province High School for Sports.

You might also like