You are on page 1of 31

9

Filipino
Kwarter 1 – Modyul 6:
Pagsunod-sunod ng mga
Pangyayari
Filipino – Baitang 9
Kwarter 1 – Modyul 6: Pagsunod-sunod ng mga Pangyayari

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda
ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon

Panrehiyong Direktor: Gilbert T. Sadsad


Kawaksing Panrehiyong Direktor: Jessie L. Amin

Mga Bumuo ng Modyul

Manunulat: Lovely C. Ariola


Editor: Francel Aira E. Lasquite
Tagasuri: Nora J. Laguda
Elisa E. Rieza
Tagaguhit: Jotham D. Balonzo
Tagalapat: Rey Antoni S. Malate; Jotham D. Balonzo; Brian Navarro
Paunang Salita

Bilang tugon sa makabagong tunguhin sa pagkatuto ay binuo ang serye


ng modyul na ito. Nilalaman nito ang mga lubhang mahahalagang kasanayang
pampagkatuto o Most Essential Learning Competencies (MELC) sa ilalim ng
kasalukuyang kalagayan ng edukasyon. Upang matugunan ang hamong
kinakaharap sa edukasyon, kalusugan at kaligtasan malaking tulong ang modyul
na ito sa patuloy na pag-aaral ng kabataan sa loob at labas ng paaralan sa
pakikipagtulungan ng mga magulang at tagagabay
Inaasahan na ang modyul na ito ay higit na makatutulong sa paglinang ng
kasanayan at kakayahan ng mga mag-aaral.

Para sa Tagagabay:

Upang lalong kagiliwan ng mag-aaral at maging kapaki-


pakinabang ang modyul na ito, tiyaking makapagbigay ng oryentasyon
sa mga mag-aaral, magulang, o sinomang miyembro ng pamilya kung
paano gagamitin at iingatan ang modyul na ito.
Ipabatid na kailangang magkaroon ng sariling sagutang papel
ang bawat mag-aaral para sa paunang pagsubok, mga gawain sa
bawat bahagi at panapos na pagsubok. Kung tapos nang sagutin ang
modyul na ito, ipaalala sa mag-aaral na kaagad itong ibalik sa guro para
sa kaukulang tunguhin.

Para sa mag-aaral:

Inihanda ang modyul na ito para sa iyo.


Kailangan mong sundin at saguting mag-isa ang mga
gawaing nasa loob nito. Huwag kang mag-alala,
kayang-kaya mo ito. Tiniyak kong matutuwa ka
habang natututo.

Ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong


susulatan at iwasang mapunit ang mga pahina.
Gumamit ka ng sagutang papel o ang iyong
kuwaderno. Sige, simulan na natin!

ii
Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari

Panimula:

Panibagong pagpapayaman ng kaalaman na


naman ang iyong matutunghayan sa araling ito. Natitiyak
kong magugustuhan mo ang paksang ating tatalakayin
sapagkat susubukin nito ang talas ng iyong isipan sa pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari sa akda.

Ang pagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa akda ay hinahati ang


bawat bahagi ng kwento sa mahalagang pangyayari: sa simula, sa gitna, at
wakas. Ito rin ay isang paraan ng pagbubuod ng isang kuwento kung saan
mahalaga ang kasanayan sa pagkuha ng mga esensyal o pangunahing kaisipan
ng bawat talata o pangungusap sa kuwento.

Sa aralin natin ngayong araw, matututuhan mo ang pagsusunod-sunod ng


mga pangyayari sa akda. Natitiyak kong handa kana kaya’t halika na at simulan
na natin.

Sa modyul na ito, inaasahan na


napagsusunod-sunod mo ang mga
pangyayari sa akda.

Layunin

1
Ito ang mga bagong salita na
dapat mong kilalanin para sa araling ito.

Basahin natin.

Mga Salita Kahulugan


Kabiyak Asawa
Pumanaw Namatay
Umalingawngaw Umulit
Manlililok Iskultor
Nangumbida Nag-imbita

Ano ba ang alam mo na sa


ating aralin, subukin mo nga?

Panimulang Pagsubok

Basahin natin.

Nang Minsang Naligaw si Adrian

Bunsong anak si Adrian sa tatlong magkakapatid. Siya lamang ang


naiba ang propesyon dahil kapwa abogado ang dalawang nakatatanda sa
kaniya. Dahil may kaya sa buhay ang pamilya, natupad ang pangarap
niyang maging isang doktor.
Lumaki siyang punong-puno ng pagmamahal mula sa kaniyang
mga magulang at mga kapatid na nakapag-asawa rin nang
makapagtapos at pumasa sa abogasya. Naiwan siyang walang ibang
inisip kundi mag-aral at pangalagaan ang kaniyang mga magulang.
Matagumpay niyang natapos ang pagdodoktor at hindi nagtagal ay
nakapagtrabaho sa isang malaking ospital. Ngunit sadya yatang
itinadhana na matapos ang dalawang taon mula nang siyang maging
ganap na doktor, pumanaw ang kaniyang pinakamamahal na ina.

2
Naiwan sa kaniya ang pangangalaga ng ama na noon ay may sakit na
ring iniinda.
Malimit siyang mapag-isa sa tuwing nabibigyan ng pagkakataong
makapagpahinga dulot na rin ng hindi niya maiwan-iwanan na ama.
Naisin man niyang magtrabaho at manirahan sa ibang bansa katulad ng
kaniyang mga kapatid, ang katotohanang may nakaatang na
responsibilidad sa kaniyang balikat ang pumipigil sa kaniyang
mangibang-bayan upang manatili sa piling ng ama at alagaan ito
hanggang sa kahuli-hulihang yugto ng kaniyang buhay.
Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor na nasa kanila
nang lahat ang luho at oras na makahanap ng babaing makakasama
habambuhay. Ayaw rin niyang mapag-isa baling-araw kapag nawala na
ang kaniyang ama.
Isang araw, habang nagpapahinga matapos ang halos limang oras
naoperasyon, nakatanggap siya ng tawag mula sa kasambahay na
sinusumpong ng sakit ang kaniyang ama. Nagmadali siyang umuwi at
sa kabutihang palad, naagapan naman niya ang ama.

Bahay. Ospital. Bahay. Ospital. Paulit-ulit na takbo ng buhay na


pakiramdam ni Adrian ay matatapos lamang kapag tuluyan nang
mawala ang kaniyang ama. Hindi niya namamalayan, unti-unti niyang
nararamdaman ang pagkaawa sa sarili. Nais niyang makawala sa
responsibilidad at magkaroon ng panahon para sa sarili.

“Daddy, patawad po. Nais ko lamang na lumigaya sa buhay. Nasa


katanghalian na po ako ng buhay ko. Ayaw ko pong mag-isa balang araw
kapag kayo‟y nawala.”
Dahan-dahan niyang binuhat ang ama na halos hindi na
makapaglakad nang maayos. Pinasan niya ang ama at isinakay sa
kaniyang kotse. Walang imik na sumama ang ama.
Naglakbay sila nang halos isang oras. Nang sila‟y nakarating sa
isang lugar, huminto ang kotse at pinasan ni Adrian ang ama. Tinunton
nila ang daan papasok sa isang kagubatan. Mabigat ang ama kaya
paminsan-minsan ay tumititigil sila sa lilim ng puno upang magpahinga.
Wala pa ring imik ang ama habang binabali ang maliliit na sanga.
Napansin niyang tumutulo ang luha ng anak.

“Bakit ka umiiyak?” tanong ng ama kay Adrian.


“Wala po, Dad.”
Nagpatuloy sa paglalakad si Adrian na pasan-pasan ang ama.
Patuloy rin ang pagtulo ng kaniyang luha. Alam niyang labag sa
kaniyang kalooban ang kaniyang gagawin. Maraming beses din silang
tumigil upang magpahinga at paulit-ulit din ang pagbabali ng ama ng
3
maliliit na sanga ng puno. Napansin ito ni Adrian.

“Bakit n‟yo po binabali ang mga sanga ng puno sa tuwing tayo‟y


nagpapahinga, Dad?” tanong ni Adrian.

Tumugon ang ama na may ngiting namutawi sa kaniyang labi.

“Alam ko nais mo akong iligaw sa loob ng kagubatan. Anak,


palatandaan ito na dito tayo dumaan, para sa pagbalik mo ay hindi ka
maliligaw.”

Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata. Walang kaimik-


imik, muling pinasan ni Adrian ang ama at natagpuan ang sariling
bumabalik sa lugar kung saan sila nanggaling.

Alam ni Adrian na hindi na siya maliligaw. Hinding-hindi na.

Peralta Romulo N.et.al., Panitikang Asyano 9,19-21.

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayaring naganap sa akda.


Lagyan ng 1-5 ang bawat patlang.

____ Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata. Walang kaimik-


imik, muling pinasan ni Adrian ang ama at natagpuan ang sariling
bumabalik sa lugar kung saan sila nanggaling.
____ Malimit siyang mapag-isa sa tuwing nabibigyan ng pagkakataong
makapagpahinga dulot na rin ng hindi niya maiwan-iwanan na ama.
____ Lumaki siyang punong-puno ng pagmamahal mula sa kaniyang mga
magulang at mga kapatid na nakapag-asawa rin nang makapagtapos at
pumasa sa abogasya. Naiwan siyang walang ibang inisip kundi mag-aral
at pangalagaan ang kaniyang mga magulang.
____ Naglakbay sila nang halos isang oras. Nang sila‟y nakarating sa
isang lugar, huminto ang kotse at pinasan ni Adrian ang ama. Tinunton
nila ang daan papasok sa isang kagubatan.
____ Isang araw, habang nagpapahinga matapos ang halos limang oras
naoperasyon, nakatanggap siya ng tawag mula sa kasambahay na
sinusumpong ng sakit ang kaniyang ama.

Binabati kita. Natapos mo ang unang pagsubok.


Alamin natin sa pahina 24 ang wastong sagot sa mga tanong.
Saang antas ka nabibilang?
5 tamang sagot – NAPAKAHUSAY
3-4 tamang Sagot – MAGALING
1-2 tamang sagot – PAGBUBUTIHAN PA
0 tamang sagot – KAYA MO YAN

4
O, di ba kayang-kaya mong pagsunod-
sunurin ang mga pangyayari sa akda.

Mga Gawain sa Pagkatuto:

Basahin at unawain mo.

Ang Ama
(Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena)

Magkahalo lagi ang takot at pananabik kapag hinihintay ng mga


bata ang kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok
sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw sa labi.
Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa'y inuuwi ng ama -
malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang
totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng ama, lamang ay
napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa; pagkatapos ay
naroong magkagulo sa tira ang mga bata na kanina pa aali-aligid sa
mesa. Kundi sa pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniya-kaniyang
parte ang lahat - kahit ito'y sansubo lang ng masarap na pagkain, sa
mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat,
at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit.

Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang


lalaki, dose anyos, at isang babae, onse; matatapang ang mga ito kahit
na payat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay
kung wala ang ina, upang tiyaking may parte rin ang maliliit. May
dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso
anyos at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na
naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan.

Batay sa binasa sa itaas anong bahagi ito ng


kuwento? Ano ang nakapaloob sa bahaging ito?

Ang nabasa sa itaas ay bahagi ng kuwento na tinatawag nating


Simula. Sa bahaging ito inilalahad ang tagpuan at ipinakikilala ang mga
tauhan.

5
Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na
sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito - sadyang nag-uwi ito
para sa kanila ng dalawang supot na puno ng pansit guisado, at masaya
nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin. Kahit na ang
ina nila'y masayang nakiupo sa kanila't kumain ng kaunti.

Pero hindi na naulit ang masayang okasyong ito, at ngayo'y hindi


nag-uuwi ng pagkain ang ama; ang katunaya'y ipinapalagay ng mga
batang mapalad sila kung hindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng
kanilang ina. Sa kabila niyo'y umaasa pa rin sila, at kung gising pa sila
pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mga matang titingnan nila kung
may brown na supot na nakabitin sa tali sa mga daliri nito. Kung
umuuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang
pagkain, at ang mga bata'y magsisiksikan, takot na anumang ingay na
gawa nila ay makainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang
pasuntok na dumapo sa kanilang mukha. Madalas na masapok ang
mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig ng mga bata na
humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at
mata niyon ay mamamaga, kaya mahihiya itong lumabas upang maglaba
sa malalaking bahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi
ang maririnig ng mga bata mula sa kanilang ina, kundi isang uri ng
nagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa at malakas na bulalas na
pag-
ungol mula sa kanilang ama at sila'y magtatanong kung ano ang
ginagawa nito.

Kapag umuuwi ang ama ng mas gabi kaysa dati at mas lasing
kaysa dati, may pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang
dahila'y si Mui Mui, otso anyos at sakitin at palahalinghing na parang
kuting, ay madalas kainisan ng ama. Uhugin, pangiwi-ngiwi, ito ay
mahilig magtuklap ng langib sa galis na nagkalat sa kaniyang mga binti,
na nag-iiwan ng mapula-pulang mga patse, gayong pauli-ulit siyang
pinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kaniyang
halinghing. Mahaba at matinis, iyon ay tumatagal ng ilang oras, habang
siya ay nakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay, namamaluktot nang
pahiga sa banig kasama ang ibang mga bata, na di-makatulog. Walang
pasensiya sa kaniya ang pinakamatandang lalaki at babae, na malakas
siyang irereklamo sa ina na pagagalitan naman siya sa pagod na boses;
pero sa gabing naroon ang ama, napapaligiran ng bote ng beer na
nakaupo sa mesa, iniingatan nilang mabuti na hindi humalinghing si
Mui Mui. Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na
nagpapangilo sa nerbiyos ng ama at ito'y nakabubulahaw na sisigaw, at
kung hindi pa iyon huminto, ito'y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin
6
iyon nang buong lakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din
ang ibang bata na sa tingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kaniyang
kabuwisitan.

Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpla


dahil nasisante sa kaniyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa
gitna ng isang mahahabang halinghing at hindi mapatahan ng dalawang
pinakamatandang bata gayung binalaan nilang papaluin ito. Walang
ano-ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusong mukha ng
bata na tumalsik sa kabila ng kuwarto, kung saan ito nanatiling walang
kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay ang ibang mga bata sa
inaasahang gulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sa pamamagitan ng
malamig na tubig.

Anong bahagi ng akda naman ang iyong nabasa? Ano


naman ang nakapaloob dito?

Ang aking nabasa ay ang Gitna ng kuwento. Dito naman inilalahad ang
saglit na kasiglahan kung saan kung saan malalaman ang problemang
kakaharapin ng tauhan. Nakapaloob din dito ang tunggalian at ang kasukdulan
ng kwento.

Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at ang


ina lamang ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sa
sementeryo ng nayon may isang kilometro ang layo roon sa tabi ng gulod.
Ilan sa taganayon na nakatatanda sa sakiting bata ay dumating upang
makiramay. Sa ama na buong araw na nakaupong nagmumukmok ay
doble ang kanilang pakikiramay dahil alam nilang nawalan ito ng
trabaho. Nangolekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya itong inilagay
sa mga palad ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay
nagsimulanghumagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang
kinahinatnan ay madaling nakarating sa kaniyang amo, isang matigas
ang loob pero mabait na tao, na noon di'y nagdesisyong kunin siya uli,
para sa kapakanan ng kaniyang asawa at mga anak. Dala ng
kagandahang-loob, ito ay nagbigay ng sariling pakikiramay, kalakip ang
munting abuloy (na minabuti nitong iabot sa asawa ng lalaki imbes sa
lalaki mismo). Nang makita niya ang dati niyang amo at marinig ang
magaganda nitong sinabi bilang pakikiramay sa pagkamatay ng
kaniyang anak, ang lalaki ay napaiyak at kinailangang muling libangin.

Ngayo'y naging napakalawak ang kaniyang awa sa sarili bilang


isang malupit na inulilang ama na ipinaglalamay ang wala sa panahong
pagkamatay ng kaniyang dugo at laman. Mula sa kaniyang awa sa sarili
7
ay bumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata, kaya
madalamhati siyang nagtatawag, "Kaawa-awa kong Mui Mui! Kaawa-awa
kong anak!" Nakita niya ito sa libingan sa tabi ng gulod - payat, maputla,
at napakaliit - at ang mga alon ng lungkot at awa na nagpayanig sa
matipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi ay nakakatakot
tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga kapit-bahay, na ang iba'y lumayo na
may luha sa mga mata at bubulong-bulong, "Maaring lasenggo nga siya
at iresponsable, pero tunay na mahal niya ang bata".

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka


tumayo. Mayroong siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na
siyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo
sa asawa (na kiming iniabot naman ito agad sa kaniya, tulad ng
nararapat). Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa man dito ay hindi
niya gagastusin sa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya na
lumabas siya ng bahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kayo
pupunta, tanong nila. Sinundan nila ito ng tingin. Papunta ito sa bayan.
Nalungkot sila, dahil tiyak nila na uuwi itong dalang muli ang mga bote
ng beer.

Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itong


malaking supot na may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang
dala sa mesa. Hindi makapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita,
pero iyon ba'y kahon ng mga tsokolate? Tumingin silang mabuti. May
supot ng ubas at isang kahon yata ng biskwit. Nagtaka ang mga bata
kung ano nga ang laman niyon. Sabi ng pinakamatandang lalaki'y
biskwit; nakakita na siyang maraming kahon tulad niyon sa tindahan ni
Ho Chek sa bayan. Ang giit naman ng pinakamatandang babae ay kendi,
'yong katulad ng minsa'y ibinigay nila ni Lau Soh, na nakatira roon sa
malaking bahay na pinaglalabhan ng nanay. Ang kambal ay nagkasiya
sa pandidilat at pagngisi sa pananabik; masaya na sila ano man ang
laman niyon. Kaya nagtalo at nanghula ang mga bata. Takot na hipuin
ang yaman na walang senyas sa ama. Inip silang lumabas ito ng
kaniyang kuwarto.

8
Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at
dumiretso sa mesa. Hindi dumating ang senyas na nagpapahintulot sa
mga batang ilapat ang mga kamay sa pinag-iinteresang yaman. Kinuha
nito ang malaking supot at muling lumabas ng bahay. Hindi matiis na
mawala sa mata ang yaman na wari'y kanila na sana, nagbulingan ang
dalawang pinakamatanda nang matiyak na hindi sila maririnig ng ama.
"Tingnan natin kung saan siya pupunta." Nagpumilit na sumama ang
kambal at ang apat ay sumunod nang malayo-layo sa ama. Sa
karaniwang pagkakataon, tiyak na makikita sila nito at sisigawang
bumalik sa bahay, pero ngayo'y nasa isang bagay lamang ang isip nito at
hindi man lang sila napuna.

Dumating ito sa libingan sa tabing gulod. Kahuhukay pa lamang


ng puntod na kaniyang hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman
ng supot na dahan-dahang inilapag sa puntod, habang pahikbing
nagsalita, "Pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong
ama kundi ang mga ito. Sana'y tanggapin mo." Nagpatuloy itong
nakipag-usap sa anak, habang nagmamasid sa pinagkukublihang mga
halaman ang mga bata. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay
nagbabantang mapunit anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at
pag-iyak ang ama. Naiwan sa katawan ang basang kamisadentro. Sa
isang iglap, ang kanina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa
yaman. Sinira ng ulan ang malaking bahagi niyon, pero sa natira sa
kanilang nailigtas nagsalo-salo sila tulad sa isang piging na alam nilang
„di nila mararanasang muli.

Anong tawag sa huling bahagi ng akda? Ano


naman ang nakapaloob dito?

Ang aking nabasa ay ang wakas ng kuwento. Dito naman inilalahad ang
kakalasan at ang katapusan ng kwento.

Batay sa binasang akda, alin ang naging wakas


ng kuwento?

Ang huling nangyari sa kuwento o ang wakas ay nang magsisi na


ang ama sa nagawa nitong mga kasalanan sa anak kung saan ay
dumating ito sa libingan sa tabing gulod at lumuhod at dinukot ang mga
laman ng supot na dahan-dahang inilapag sa puntod, habang pahikbing
nagsalita, "Pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong
ama kundi ang mga ito. Sana'y tanggapin mo."
9
Maayos baa ng naging pagkakasunod-sunod ng
mga pangyayari sa akdang binasa? Patunayan.

Maayos na nailahad ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari


saakda dahil sa malinaw ang mga detalye sa bawat bahagi nito.

-Peralta Romulo N.et.al., Panitikang Asyano 9, 22-26

Ipagpatuloy mo.

Paano mo Napagsunod-sunod ko ang mga


napagsunod-sunod pangyayari sa akda sa pamamagitan
ang mga ng pagtukoy ng bawat bahagi nito
pangyayari sa katulad ng simula, gitna at wakas.
akda?

Bakit mahalaga ang


pagsusunod-sunod ng mga
pangyayari sa akda?

Mahalaga ang pagsusunod-sunod ng mga


pangyayari sa akda sapagkat sa tulong
nito ay mas madali nating natutukoy ang
mga pangunahing kaisipan sa kuwento
at nakatutulong rin ito upang makuha
ang mga detalye at pagkakasunod-sunod
ng mga pangyayari.

Yehey! Napagsusunod-sunod mo na ang mga pangyayari sa


akda.

Ano’ng mahahalagang impormasyon ang iyong nalaman?

Makatutulong kaya ang mga ito sa iyong pag-aaral?

Markahan sa ibaba ang antas ng iyong pagkaunawa:

Lubos na naunawaan
Naunawaan
Naguluhan

10
Simulan mo na ang iba’t ibang
gawain.

Pagsasanay 1
Basahin at unawain.

Anim na Sabado ng Beyblade


ni Ferdinand Pisigan Jarin

Unang Sabado ng paglabas niya nang hilingin na niyang


magdiwang ng kaarawan kahit hindi pa araw. Nangumbida ako ng
maraming tao kasabay ng biling „wag kalimutan ang regalo at pagbati ng
“Happy Birthday, Rebo!”. Kailangang di niya malimutan ang araw na ito.
Dapat pinakamasaya ang Sabadong ito sa lahat ng Sabado. Maraming-
maraming laruan. Stuffed Toys, Mini-Helicopter, Walkie-Talkie, Crush
Gear, Remote Controlled Cars, at higit sa lahat, ang Beyblade. Ang
paborito niyang Beyblade. Maraming-maraming Beyblade. Tinanggap
niya ang lahat ng ito at marami pang iba sa kaniyang kaarawan. Sa
kaniyang pagtuntong sa limang taon. Kahit di totoo. Kahit hindi pa araw.

Ikalawang Sabado, naki-bertdey naman siya. Pagkatapos ay


muling naglaro ng beyblade kasama ang mga pinsan.

Tatlong araw bago dumating ang ikatlong Sabado, sorpresa ko


siyang dinalaw. Unti-unti na siyang nanghihina. Bihira na siyang
ngumiti. Hindi na niya makuhang laruin ang beyblade bagamat ayaw
niya itong bitiwan sa loob ng kaniyang kamay o di kaya‟y bulsa. Ang
nakapagngangalit, unti-unti na namang nalalagas ang kaniyang buhok.
Subalit pinipilit pa rin niyang maging malakas bagamat talagang di na
kaya ng kaniyang paang tumayo ng kahit ilang sandali man lang.
Nakadudukot na rin siya ng mga matitigas na butil ng dugo sa loob ng
kaniyang gilagid.

Sa labas ng bahay na kanilang tinitirhan, lubos kong ikinagulat


nang tanungin niya ako ng; “Tay, may peya a?” (Tay, may pera ka?) Dali-
dali kong hinugot at binuksan ang aking pitaka at ipinakitang mayroon
itong laman. Agad akong nagtanong kung ano ang nais niya na sinagot
naman niya ng agarang pagturo sa isang kalapit na tindahan. Kung
mabilis man akong nakabili ng mga kending kaniyang ipinabili, mas
mabilis siyang umalis agad sa tindahan at nakangiting bumalik sa aming
11
kinauupuan. Naglalambing ang aking anak. Nang kami‟y pumasok na sa
loob ng bahay, naiwang nilalanggam na ang nakabukas ngunit di
nagalaw na mga kendi sa aming kinaupuan.
Tuluyan na siyang nakalbo pagsapit ng ikatlong Sabado. Subalit di
na kusang nalagas ang mga buhok. Sa kaniyang muling pagkairita,
sinabunutan niya ang kanyang sarili upang tuluyang matanggal ang mga
buhok. Nang araw na iyon, kinumbida ng isa kong kasama sa trabaho
ang isang mascot upang bigyan ng pribadong pagtatanghal si Rebo nang
walang bayad. Matapos ang pagtatanghal, bagamat di man lang siya
makangiti at makatawa, kitang-kita sa kaniyang mata ang kasiyahan.
Isang kasiyahang unti-unting humina at nawala.

Di na maikakaila ang mabilis na pagkapawi ng lakas ng aking


anak pagsapit ng ikaapat na Sabado. Di na niya makuha pang ipasok
ang pisi ng beyblade upang mapaikot ito. Ramdam na ang pagod at
hingal sa kaniyang pagsasalita. Kaya kahit nang dalhin ko siya sa isang
karnabal, isa lamang ang ninais niyang sakyan. Ang mga maliliit na
helicopter na tumataas at bumababa ang tila oktupos na galamay na
bakal. At sa tuwing tataas, hahanapin ako ng tingin sa baba at
malungkot na ngingitian. Pagkababa,
mabilis na siyang nagyayang umuwi. At pagkauwi‟y humiga nang humiga
at paulit-ulit na tumingin sa kawalan.

Huling Sabado ng Pebrero ang ikalimang Sabado. Eksaktong


katapusan. Kasabay ng pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw ang aking
anak. Ilang sandali matapos ang sabay na paglaglag ng luha sa kaniyang
mga mata at pagtirik ng mata, ibinuga niya ang kaniyang huling hininga.
Namatay siya habang tangan ko sa aking bisig. Hinintay lamang niya ang
aking pagdating. Di na kami nakapag-usap pa dahil pagpasok ko pa lang
ng pintua‟y pinakawalan na niya ang sunod-sunod na palahaw ng
matinding sakit na di nais danasin ng kahit sino.

“Sige na, Bo. Salamat sa apat na taon. Mahal ka namin. Paalam.”

Ikaanim na Sabado nang paglabas ni Rebo sa ospital. Huling


Sabado na masisilayan siya ng mga nagmamahal. Wala na ang beyblade
at ang may-ari nito. Payapa na silang nakahimlay sa loob ng kabaong.
Magkasamang tutungo sa lugar na walang sakit, walang gutom, walang
hirap. Payapang magpapaikot at iikot. Maglalaro nang maglalaro.
Habang kaming mga naiwan ay paglalabanan at pag-aaralang tanggapin
ang kirot ng pagkalungkot
Pinagkunan: Peralta Romulo N.et.al., Panitikang Asyano 9, 28-29.

12
Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa akda gamit ang
timeline sa ibaba.
Timeline

Unang Ikalawang Ikatlong Ikaapat Ikalimang Ikaanim


Sabado Sabado Sabado Sabado Sabado Sabado

Kamusta ang unang pagsasanay? MADALI ba o MAHIRAP?


Tingnan ang sagot sa pahina 24.
Nakuha mo bang lahat ng wastong sagot sa pagsasanay 1?
Kung nakuha mo nang lahat, ikaw ay MAHUSAY!
Maaari mo nang gawin ang Pagsasanay 2.
Kung mababa sa 3, balikan mong muli ang hindi mo nakuha at pag-
aralang muli at pagkatapos, magpatuloy na sa pagsasanay 2.

13
Dahil madali mo lang
nasagutan ang unang
pagsasanay, heto pa ang isa
pang gawaing magpapatibay
ng iyong kaalaman. Pagsasanay 2

Basahin at unawaing mabuti.

Nagmamadali ang Maynila


ni Serafin C. Guinigundo

“GINTO… GINTO… Baka po kayo may ginto riyan? Mga mama …


mga ale… ginto...” ang alok-anyaya ng isang babaing nakakimona at ang
saya ay humihilahod sa sakong at siyang lumilinis sa makapal na
alikabok sa bangketa.

Baka po kayo may ginto?” ang muling sigaw ng babae.

“Kung may ginto ako ay bakit ipagbibili ko? Hindi baga mahal ang
ginto kaysa sa kwalta?” sambot ng isang lalaki na ang kausap ay ang
kaakbay.

Ang kalipunan ng mga taong naglipana sa Azcarraga, Avenida


Rizal at Escolta ay mga mamimiling walang puhunan (karamihan) at mga
tagapagbili ng mga bagay na wala sa kanila at lalong hindi kanilang pag-
aari. Ang hanapbuhay ng mga ito ay magtala sa papel ng mga bagay na
nababalitaang ipinagbibili. Madalian ang kanilang usapan. Mabilis
magkasundo. Tiyak ang pook na tipanan - - sa harap ng isang mesa: sa
ibabaw ng umaasong kapeng-mais na pinapuputla ang kulay ng gatas na
may bantong gata ng niyog. Kung sila‟y palarin: kakamal ng libo, kung
mabigo naman ay gutom maghapon.

Sa tawaran ay hindi magkamayaw. Tingin. Tawad. Tingin. Silip.


Tawad. Tingin sa singsing, sa kuwintas, hikaw at pulseras.

“Ilang ply, ano ang sukat ng goma?” Usisa ng isa. “Ano? In


running condition ba ? Baka hindi. Mapapahiya tayo.” Ang paniniyak ng
isa naman.

14
“Aba! Sinasabi ko sa iyo … garantisado. Hindi ka mapapahiya,”
tugon ng tinanong.

“Hoy, tsiko, ang iyong lote, may tawad na. Ano, magkano ang
talagang atin doon? Mayroon na ba tayo? Baka wala? Ihanda mo ang
papel.

Bukas ang bayaran. Tiyakin mo lang ang ating salitaan, ha? Kahit
hindi nakasulat… ikaw ang bahala?”

“Ako ang bahala, boy. Alam mo na ang bilis natin. Hindi ka


maaano. Hawak natin ang ibon.”

- Halaw sa Haraya II ni Aurora Batnag et al.

Pinagkunan: Peralta Romulo N.et.al., Panitikang Asyano 9,152-153.

Panuto: Ayusin ang mga sumusunod na pangyayari ayon sa tamang


pagkakasunod-sunod nito sa kuwento. Lagyan ng bilang 1-5 ang bawat
____ “Kung may ginto ako ay bakit ipagbibili ko? Hindi baga mahal ang
ginto kaysa sa kwalta?” sambot ng isang lalaki na ang kausap ay ang
kaakbay.
____ Ang hanapbuhay ng mga ito ay magtala sa papel ng mga bagay na
nababalitaang ipinagbibili. Madalian ang kanilang usapan. Mabilis
magkasundo.
____ “GINTO… GINTO… Baka po kayo may ginto riyan? Mga mama …
mga ale… ginto...” ang alok-anyaya ng isang babaing nakakimona at ang
saya ay humihilahod sa sakong at siyang lumilinis sa makapal na
alikabok sa bangketa.
____ “Ako ang bahala, boy. Alam mo na ang bilis natin. Hindi ka maaano.
Hawak natin ang ibon.”
____ “Hoy, tsiko, ang iyong lote, may tawad na. Ano, magkano ang
talagang atin doon ? Mayroon na ba tayo ? Baka wala ? Ihanda mo ang
papel.

Ang galing-galing mo! Natapos mo ang Pagsasanay 2.

Saang pagsasanay ka nahirapan? Pagsasanay 1 Pagsasanay 2

Gayunpaman binabati kita sa iyong tagumpay.

15
Balikan ang mga natutuhan
sa naunang mga gawain
upang masagutan ang
sumusunod na pagsasanay.

Pagsasanay

Mali ba?
Nang gabing iyon ay imiiyak ang aking asawa habang mahigpit na
yakap-yakap ang anak naming si Jonathan na nakahiga at
nagpapahinga sa kama nito. Dinadampian niya ng isang telang may
tipak na yelo ang bukol sa noo ng aming anak. Sa gilid ng tainga‟y
mababakas pa ang natuyong dugo. May mga gasgas din siya sa iba‟t
ibang bahagi ng mukha at katawan. Sa biglang tingin ay mahuhulaang
napasubo sa babagan ang aking anak.

Subalit hindi siya ang tipo ng lalaking inaasahang mangunguna sa


babagan. Matangkad ngunit patpatin ang katawan dahil bukod sa may
kahinaang kumain ay wala ring gaanong hilig sa esports maliban na
lamang sa pagsunod sa ilang larong required kunin sa P.E. gayunman,
kung ano ang kakulangan sa pangangatawan ay siya naming liksi ng
isipan. Isa ito sa pangunahing miyembro ng Debate Club, lagging
nangunguna sa klase at editor in chief ng kanilang pahayagang
pampaaralan. Dahil sa exposure niya sa iba‟t ibang organisasyong
sinasaniban at pagbabasa nang madalas ay naging idealistic ang aking
anak. May mga prinsipyo at paniniwala siyang madalas binabanggit na
alangan sa kanyang murang edad.

At ito nga ang dahilan kung bakit siya may bukol at sugat sa ulo
ngayon. Hindi lang iyon. Marahil kung nahuli-huli lang ng konti ang mga
pulis na sumaklolo, malamang ay malamig na bangkay na rin ngayon
ang aking anak.

“Mali po ba ang ginawa ko Dad?” ang tanong ni Jonathan ay


nagpapabalik sa akin sa kasalukuyan.

Napatingin ako sa mukha ng aking anak at Nakita ko ang


pagkalito nito. Napabuntunghininga ako. Sa totoo‟y hindi ko alam kung
paano ko siya sasagutin.
16
Lalo lamang napaiyak ang aking kabiyak na tulad ko‟y hindi
makahuma sa tanong ng aming anak.

Binalikan ko ang mga pangyayari sa hapong iyon ayon sa


pagkakasalaysay ni Jonathan habang ginagamot sa kalapit na ospital.
May pulis ding naka-eskort sa amin at isinusulat ang mga sinasabi ng
aking anak.

“Pauwi na ako galling sa eskuwelahan at nakapila sa paradahan


ng mga FX Taxi. Sa gawing harap ko‟y may isang babaeng tingin ko‟y
may mahigit apatnapung taong gulang. Nakasukbit sa kanyang balikat
ang bag at may bitbit pang isang grocery bag. Maya-maya‟y narinig kong
tumunog ang kanyang cellphone. Dali-dali itong kinuha ng babae sa
kanyang bag at nang maapuhap ay sinagot agad ang tawag habang wala
sa loob na inilapag ang shoulder bag sa tabi ng grocery bag.” Sa gawing
iyon ng pagsasalaysay ay napangiwi ang aking anak dahil sa hapdi ng
gamut na ipinahid ng nars sa kanyang sugat sa tabi ng tainga.

Marahang lumapit ang aking kabiyak at hinawakan ang kamay ng


aming anak. Mababanaag sa mukha nito ang matinding awa sa
nakikitang kalagayan ng anak.

“Mayamaya‟y isang lalaki ang lumapit at walang sabi-sabing


hinablot ang telepono at bag ng babae. Sumigaw ang babaeng naagwan
kaya‟t bigla akong nag-isip ng gagawin para makatulong. Bago pa
nakatakbo ang isnatser ay pinatid ko ang paa niya at nang mapatihaya‟y
sinunggaban ko ang bag at ang telepono. Subalit hindi pala siya nag-iisa.
Katunaya‟y ni hindi ko malaman kung saan nanggaling ang malaks na
kamaong dumapo sa tagiliran ng aking tainga at ang pang sumipa sa
aking noo. Nakaramdam nalang ako ng pagkahilo at matinding sakit ng
ulo lalo nan ang itulak ako at sumadsad sa magaspang na semento.”

Humihingal si Jonathan kaya‟t sinenyasan siya ng nars na


huminto muna sa pagsasalita. Iniaabot sa kanya ang isang basong tubig
at matapos itong inumin ay nagpatuloy sa pagsasalaysay.

“Ang nakapagtataka‟y wala ni isang kumilos upang ipagtanggol ako


sa mga kumuyog sa akin. Iyon pala‟y dahil armado ang mga lalaking
nakaengkwentro ko. Itinutok ng isa ang baril sa aking ulo. Napapikit na
lamang ako at naghintay sa pagputok ng baril nang biglang
umalingawngaw ang sirena ng sasakyan ng mga pulis. Biglang
nagpanakbuhan ang mga isnatser at doon lamang ako nadamayan ng
mga taong nasa pila. Ang masaklap ay ni ayaw na ng babaeng naagawan
17
ng teleponon at bag na magreklamo pa dahil nabalik na raw ang mga
gamit niya at makakaabala raw ito sa kanya. Mabuti at napilit din siya
ng mga pulis. Kailangan daw managot sa batas ang mga taong iyon.”
Napabuntunghininga ang aking anak bago nagpatuloy sa matigas na
tingi. “At ako man ay magrereklamo dahil sa ginawa nila sa akin. Kung
mananatili silang nakalalaya ay tiyak na marami pa silang bibiktimahin.”

Sa pagkakataong iyo‟y naramdaman ko na lamang ang pagkuyom


ng aking mga kamao. Galit ang umiral sa akin. Hindi ko namalayang
may namuong luha sa aking mga mata. Awang-awa ako sa aking anak.
Isinugal niya ang kanyang buhay sa pagtulong sa isang babaeng ni ayaw
maabala sa pagrereklamo sa mga taong nagtangkang umagaw sa
kanyang mga gamit. Isang labing-anim na taong binatilyo ang
nagtangkang pumigil sa mga masasamang loob at ni hindi nakakuha ng
suporta mula sa iba pang taong naroon dahil na rin sa takot para sa
kani-kanilang buhay.

Ano ang isasagot ko sa tanong ng aking anak?” mali ba ang ginawa


ko Dad?” umaalingawngaw sa aking pandinig ang tanong na ito subalit
hindi ako handnag sumagot. Ayokong malagay muli sa peligro ang buhay
ng aking anak subalit ayoko ring tuluyang mawala ang paniniwala niya
sa likas na kabutihan ng tao at sa pagdamay sa kapwa sa oras ng
pangangailangan.

Nananatiling nakabitin ang kasagutan ko sa katanungan ni


Jonathan. Sana, sa pag-usad ng panahon ay masagot ko nang diretso
ang aking anak. Umaasa akong iiral ang likas na kabutihan ng tao at
mawawala ang mga salot na handing gawin ang lahat para lamang sa
buktot at makasariling layunin. Umaasa akong ang bawat isang
naaagrabyado tulad ng babaeng naagawan ng gamit ay matutong
manindigan upang maipatupad ang batas at nang hindi manaig ang
kasamaan. Umaasa akong may mga taong dadamay sa mga tulad ng
aking anak na handing tumulong nang hindi iniisip ang sariling
kaligtasan. Umaasa ako ng isang payapang bayan at ng isang
pamahalaang handang ipagtanggol ang kanyang mga mamamayan sa
mga may masasamang kalooban. Kapag natupad na ang mga pag-asam
na ito, maaaring makapagbigay na rin ako ng isang diretsong kasagutan
sa katanungan ng aking anak.
-Alma M. Dayag

Baisa Aileen G.et.al., Pluma Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan I, 124-126

18
Panuto: Ayusin ang mga sumusunod na pangyayari ayon sa tamang
pagkakasunod-sunod nito sa kuwento. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

- “Mayamaya‟y isang lalaki ang lumapit at walang sabi-sabing


hinablot ang telepono at bag ng babae. Sumigaw ang babaeng
naagwan kaya‟t bigla akong nag-isip ng gagawin para makatulong.
- “Mali po ba ang ginawa ko Dad?” ang tanong ni Jonathan ay
nagpapabalik sa akin sa kasalukuyan.
- Nang gabing iyon ay imiiyak ang aking asawa habang mahigpit na
yakap-yakap ang anak naming si Jonathan na nakahiga at
nagpapahinga sa kama nito. Dinadampian niya ng isang telang
may tipak na yelo ang bukol sa noo ng aming anak.
- Nananatiling nakabitin ang kasagutan ko sa katanungan ni
Jonathan. Sana, sa pag-usad ng panahon ay masagot ko nang
diretso ang aking anak.
- Marahang lumapit ang aking kabiyak at hinawakan ang kamay ng
aming anak. Mababanaag sa mukha nito ang matinding awa sa
nakikitang kalagayan ng anak.

Unang Pangyayari:

Ikalawang Pangyayari:

Ikatlong Pangyayari:

Ikaapat na Pangyayari:

Ikalimang Pangyayari:

19
Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na
pagsasanay. Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 25.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

  
Ang bahaging ito ng modyul ay susukat sa mga
natutuhan mo sa loob ng aralin. Huwag kang
matakot dahil alam kong kayang-kaya mo ito.
Huling pagsubok na lamang ito na kailangan mong
sagutin.

Panapos na Pagsubok

Hashnu, Ang Manlililok ng Bato


Sa isang malayong lalawigan ng Jiangsu sa bayan ng Nanjing sa
Tsina ay naninirahan si Hashnu, isang manlililok ng bato. Ginagawa
nya ang pag-ukit ng bato sa matagal na panahon. Ang trabahong ito
ay halos araw-araw niyang ginagawa sa ilalim ng matinding sika ng
araw. Mapapansing buong tiyaga niyang ginagampanan ang kanyang
gawain. Ngunit isang araw ay nasambit niya sa sarili, “Naku! Pagal na
pagal na ang aking katawan sa kahuhugis ng matitigas na bato. Sana
ay mabuhay na lamang ang tao na hindi nahihirapang magtrabaho
para hindi na magdala ng pait at maso rito sa araw-araw. Uupo na
lamang ako at magpapahinga. Hindi ko na kailangang magdala ng
maso paroo‟t parito araw-araw sa kalsada.
Tila nagdilang anghel naman si Hashnu sa kanyang sinabi. Parang
isang panaginip ang naganap sa kanyang buhay. Nang nagkakagulo
ang mga tao sa daang malapit sa kanyang inuukit ay nakita niyang
naroroon pala ang hari. Napansin niya kaagad sa dakong kanan ang
mga sundalong ayos na ayos ang pananamit at may sandata na
handang sumunod sa ipag-uutos ng hari. Sa kaliwa naman ay nakita
niya ang mga tagasunod nitong gumagawa ng paraan para lamang
mautusan ng hari. Habang nakatingin si Hashnu, nag-isip siyang
maganda palang maging isang hari at magkaroon ng mga alalay na
sundalo at mga tagasunod na nag-uunahan para mautusan. Agad
may narinig siyang tinig, “Magiging hari ka.”

20
Isang himala! Naging ganap na hari si Hashnu. Maligayang-
maligaya si Hashnu. “Hindi na ako taga-ukit ng mga batong nakaupo
sa gilid ng daan na may hawak ng pait at mabigat na maso. Isa na
akong haring nakasuot ng baluti, helmet at nakasakay sa pagitan ng
mga sundalo, at may tagasunod na pawang mapitagan sa akin.”
Mayabang siya sa paglakad kaya‟t ang kanyang mga tauhan ay
talagang gumagalang sa kanya.
Mabigat ang baluti at ang kanyang helmet na lubhang dikit sa
kanyang ulong umaabot sa may kilay kaya naramdaman niya ang pitik
ng ulo. Nahirapan siya. Namumutla at napagod siya dahil sa
matinding sikat ng araw.

Naisip niyang kaya palang pahinain at talunin ng Araw ang


makapangyarihan at iginagalang na hari. Muli niyang naisip. “Mas
makapangyarihan ang Araw at pagkasabi nito ay isang milagrong muli
na siya‟y nakarinig ng tinig na narinig noon at dagli siyang naging
Araw. Isang Araw na siya ngayong nagliliyab sa kaitaasan at sumikat
nang matindi sa kalupaan. Hindi siya sanay magbigay ng sinag ng
liwanag kaya ang nakahihilakbot na sinag nito ang bumagsak sa
mundo. Kaya ang mga nabubuhay sa mundo ay nangatuyo. Ang mga
tao ay lubhang nanangis sa pangyayaring ito.

Nagpatuloy pa rin sa kapangyarihan ang Araw hanggang sa


mapansin niyang ang Ulap pala ay maaaring makulob sa pagitan ng
Araw at ng Mundo. Napatunayan niyang higit na makapangyarihan
ang Ulap sapagkat kaya nitong takpan sa kanyang sinag. Dahil sa
kaisipang ito ay ninais naman niyang maging Ulap.
Nilulukuban niya ang Araw. Hindi naglaon ay bumigat ito at
bumagsak sa paraang ulan sa mundo. Umapaw ang tubig sa mga
lawa at sapa dahil hindi niya napigilan ang pagbagsak ng dami ng
ulan. Ang matindihing ulan ang naging sanhi naman ng pagkamatay
ng mga halaman at iba pang nabubuhay sa daigdig. Maging ang
malakas na hangin ay naging sanhi ng pagkabuwal at pagkabunot ng
mga puno. Nawala ang mga tahanan at ang mga naninirahan dito.
Pinagmasdan niya ang Lupa at napako ang kanyang paningin sa
mga bato na hindi man lang natinag sa kanyang kinalalagyan
pagkatapos ng mga sakunang nagdaan tulad ng malakas na ulan at
hangin at maging matinding sikat ng araw. Muli siyang napaisip.
Ninais naman niyang maging isang Bato at hindi siya nabigo. Tulad
ng dati may tinig siyang narinig upang sabihing siya‟y maging isang
bato.
Nang siya ay Bato na, narinig niyang muli ang tunog ng pait
habang ito‟y ipinukpok sa kanya. Pati na rin ang masong ramdam
21
niyang malakas na tumatama sa kanyang katawan at ulo. Nalaman
niya ngayon na hindi nga siya natibag sa malakas na ulan at hangin
subalit siya ay nakayang hugisan ng ano mang anyo ng isang
manlililok. Nagmuni-muni siya. Natanto niyang walang ibang
pinakamalakas kundi siya. Mulat sa katotohanan, muling humiling si
Hashnu na ibalik siya sa pagiging manlililok. Kagyat siyang
nanumbalik sa dating gawain at natagpuan niya ang sarili sa gilid ng
kalyeng nakaupo at nagsisimula na naming humugis ng iba‟t ibang
anyo sa mga bato.
Magmula noon, masaya nang nagtrabaho nang buong husay si
Hashnu. Panatag ang kanyang kalooban araw-araw sa pagiging
manlililok.

Baisa-Julian, Aileen G. et al, Pinagyamang Pluma 9 para sa Mataas na Paaralan,221-222.

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari batay sa binasang akda.


Lagyan ng bilang 1-3.

____ Isang himala! Naging ganap na hari si Hashnu. Maligayang-maligaya


si Hashnu.
____ Sa isang malayong lalawigan ng Jiangsu sa bayan ng Nanjing sa
Tsina ay naninirahan si Hashnu, isang manlililok ng bato. Ginagawa nya
ang pag-ukit ng bato sa matagal na panahon.
____ Isang Araw na siya ngayong nagliliyab sa kaitaasan at sumikat nang
matindi sa kalupaan. Hindi siya sanay magbigay ng sinag ng liwanag
kaya ang nakahihilakbot na sinag nito ang bumagsak sa mundo. Kaya
ang mga nabubuhay sa mundo ay nangatuyo.

Bilib na talaga ako sa iyo. Nasagutan mo lahat na pagsasanay.


Iwasto mo ang iyong mga kasagutan sa pahina 26.
Anong naramdaman mo matapos malaman ang
resulta ng iyong pagsisikap?

  

22
Ang ganda ng aralin natin.
Ang dami kong natutuhan.
Na-enjoy ko rin ang mga
gawain at pagsasanay.

Hindi rin ako nahirapan sa


mga pagsasanay. Kaya
parang gusto ko pa ng
karagdagang Gawain.
Tara magtulungan tayo!

Karagdagang Gawain

Panuto: Pumili ng isang kuwento na nabasa o napanood na ninyo


pagkatapos ay isalaysay ang tamang pagkakasunod-sunod ng pangyayari
nito.

Sa wakas ay narating mo ang dulo ng aralin.


Ang saya-saya ko at napagtagumpayan mo
ang mga pagsasanay at gawain.

Ang husay mo kid!

23
24
Panimulang Pagsubok
5 Lalong bumilis ang pag-agos ng luha ng binata. Walang kaimik-imik,
muling pinasan ni Adrian ang ama at natagpuan ang sariling
bumabalik sa lugar kung saan sila nanggaling.
2 Malimit siyang mapag-isa sa tuwing nabibigyan ng pagkakataong
makapagpahinga dulot na rin ng hindi niya maiwan-iwanan na ama.
1 Lumaki siyang punong-puno ng pagmamahal mula sa kaniyang mga
magulang at mga kapatid na nakapag-asawa rin nang makapagtapos at
pumasa sa abogasya. Naiwan siyang walang ibang inisip kundi mag-
aral at pangalagaan ang kaniyang mga magulang.
4 Naglakbay sila nang halos isang oras. Nang sila‟y nakarating sa
isang lugar, huminto ang kotse at pinasan ni Adrian ang ama.
Tinunton nila ang daan papasok sa isang kagubatan.
3 Isang araw, habang nagpapahinga matapos ang halos limang oras
naoperasyon, nakatanggap siya ng tawag mula sa kasambahay na
sinusumpong ng sakit ang kaniyang ama.
Pagsasanay 1
Sabado 1: Unang Sabado ang paglabas niya nang hilingin na niyang
magdiwang ng kaarawan kahit hindi pa araw. Nangumbida ang
kanyang magulang ng maraming tao kasabay ng biling „wag kalimutan
ang regalo at pagbati ng “Happy Birthday, Rebo!”. Naghanda ng
maraming-maraming laruan. Ang paborito niyang Beyblade. Maraming-
maraming Beyblade. Tinanggap niya ang lahat ng ito at marami pang
iba sa kaniyang kaarawan. Sa kaniyang pagtuntong sa limang taon.
Kahit di totoo. Kahit hindi pa araw.
Sabado 2: Ikalawang Sabado, naki-bertdey naman siya. Pagkatapos ay
muling naglaro ng beyblade kasama ang mga pinsan.
Sabado 3: Sinorpresa siyang dinalaw. Unti-unti na siyang nanghihina.
Bihira na siyang ngumiti. Hindi na niya makuhang laruin ang beyblade
bagamat ayaw niya itong bitiwan sa loob ng kaniyang kamay o di
kaya‟y bulsa. Ang nakapagngangalit, unti-unti na namang nalalagas
ang kaniyang buhok.
Sabado 4: Di na maikakaila ang mabilis na pagkapawi ng lakas ni Rebo
pagsapit ng ikaapat na Sabado. Di na niya makuha pang ipasok ang
pisi ng beyblade upang mapaikot ito. Ramdam na ang pagod at hingal
sa kaniyang pagsasalita.
Susi sa Pagwawasto
25
Sabado 5: Huling Sabado ng Pebrero ang ikalimang Sabado. Eksaktong
katapusan. Kasabay ng pagtatapos ng Pebrero ay pumanaw si rebo.
Ilang sandali matapos ang sabay na paglaglag ng luha sa kaniyang mga
mata at pagtirik ng mata, ibinuga niya ang kaniyang huling hininga.
Sabado 6: Ikaanim na Sabado nang paglabas ni Rebo sa ospital. Huling
Sabado na masisilayan siya ng mga nagmamahal. Wala na ang
beyblade at ang may-ari nito. Payapa na silang nakahimlay sa loob ng
kabaong. Magkasamang tutungo sa lugar na walang sakit, walang
gutom, walang hirap.
Pagsasanay 2
__2__ “Kung may ginto ako ay bakit ipagbibili ko ? Hindi baga mahal
ang ginto kaysa sa kwalta?” sambot ng isang lalaki na ang kausap ay
ang kaakbay.
__3__ Ang hanapbuhay ng mga ito ay magtala sa papel ng mga bagay
na nababalitaang ipinagbibili. Madalian ang kanilang usapan. Mabilis
magkasundo.
__1__ “GINTO… GINTO… Baka po kayo may ginto riyan? Mga mama …
mga ale… ginto..” ang alok-anyaya ng isang babaing nakakimona at
ang saya ay humihilahod sa sakong at siyang lumilinis sa makapal na
alikabok sa bangketa.
__5__ “Ako ang bahala, boy. Alam mo na ang bilis natin. Hindi ka
maaano. Hawak natin ang ibon.”
__4__ “Hoy, tsiko, ang iyong lote, may tawad na. Ano, magkano ang
talagang atin doon ? Mayroon na ba tayo ? Baka wala ? Ihanda mo ang
papel.
Pagsasanay 3
1 Nang gabing iyon ay imiiyak ang aking asawa habang mahigpit
na yakap-yakap ang anak naming si Jonathan na nakahiga at
nagpapahinga sa kama nito. Dinadampian niya ng isang telang
may tipak na yelo ang bukol sa noo ng aming anak.
2 “Mali po ba ang ginawa ko Dad?” ang tanong ni Jonathan ay
nagpapabalik sa akin sa kasalukuyan.
3 Marahang lumapit ang aking kabiyak at hinawakan ang kamay
ng aming anak. Mababanaag sa mukha nito ang matinding awa
sa nakikitang kalagayan ng anak.
4 “Mayamaya‟y isang lalaki ang lumapit at walang sabi-sabing
hinablot ang telepono at bag ng babae. Sumigaw ang babaeng
naagwan kaya‟t bigla akong nag-isip ng gagawin para
makatulong.
5 Nananatiling nakabitin ang kasagutan ko sa katanungan ni
Jonathan. Sana, sa pag-usad ng panahon ay masagot ko nang
diretso ang aking anak.
26
Panapos na Pagsubok
__2__ Isang himala! Naging ganap na hari si Hashnu. Maligayang-
maligaya si Hashnu.
__1__ Sa isang malayong lalawigan ng Jiangsu sa bayan ng
Nanjing sa Tsina ay naninirahan si Hashnu, isang manlililok ng
bato. Ginagawa nya ang pag-ukit ng bato sa matagal na panahon.
__3__ Isang Araw na siya ngayong nagliliyab sa kaitaasan at
sumikat nang matindi sa kalupaan. Hindi siya sanay magbigay ng
sinag ng liwanag kaya ang nakahihilakbot na sinag nito ang
bumagsak sa mundo. Kaya ang mga nabubuhay sa mundo ay
nangatuyo.
Karagdagang Gawain
Pamantayan sa Pagmamarka:
Sining/Estilo ng Pagkukuwento 5 puntos
Maayos at di-maligoy ang 10 puntos
Pagkakasunod-sunod ng mga
Pangyayari
Taglay ang wastong pagkuha 5 puntos
ng mahahalagang
impormasyon
KABUUAN 20 PUNTOS
Sanggunian:

Peralta, Romulo N.et.al., Panitikang Asyano 9. Pilipinas: Sunshine Interlinks


Publishing House, Inc., 2014.
Baisa, Aileen G.et.al., Pluma Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan
I, Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc., 2004.
Baisa Ailene G. et. al, Pluma Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan
Ikatlong Taon, Quezon City: Phoenix Publishing House, Inc., 2004.

27
Para sa iba pang tanong at puna, maaaring sumulat o tumawag sa:

Kagawaran ng Edukasyon Rehiyon V

Regional Center Site, Rawis, Legazpi City 4500

Mobile Phone: 0917 178 1288

Email Address: region5@deped.gov.ph

28

You might also like