You are on page 1of 7

FILIPINO 8

20 Bugtong

1.) Dalawang tindahan, sabay kung buksan


Sagot: mata
2.) Ako ay may kaibigan, kasama ko kahit saan
Sagot: anino
3.) Sa araw ay bungbong, sa gabi ay dahon
Sagot: banig
4.) Dumaan ang hari, nagkagatan ang mga pari
Sagot: siper
5.) Bulaklak muna ang dapat gawain, bago mo ito makain
Sagot: saging
6.) Naligo si Adan, hindi nabasa ang tiyan
Sagot: sahig
7.) Hindi sa akin, hindi rin sa inyo, pag-aari ng mga tao
Sagot: mundo
8.) Magandang prinsesa, nakaupo sa tasa
Sagot: kasoy
9.) Kay lapit-lapit na sa mata, hindi mo pa rin makita
Sagot: tenga
10.) Heto na si Kaka, bubuka-bukaka
Sagot: gunting
11.) Isang hukbong sundalo, dikit-dikit ang mga ulo
Sagot: walis
12.) Isang butil ng palay, sakot ang buong bahay
Sagot: ilaw
13.) Hindi tao, hindi ibon, bumabalik kung itatapon
Sagot: yoyo
14.) Ang ibabaw ay tawiran, ang ilalim ay lusutan
Sagot: tulay
15.) Dugtong-dugtong, magkakarugtong, tanikalang umuugong
Sagot: tren
16.) Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako
Sagot: langka
17.) Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao
Sagot: atis
18.) Isang tabo, laman ay pako
Sagot: suha
19.) Tatlong bundok ang tinibag, bago narating ang dagat
Sagot: niyog
20.) Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay
Sagot: kubyertos
20 Salawikain

1.) Ang pagsasabi ng tapat,


pag sasama nang maluwat
2.) Ang taong mainggitin,
lumigaya man sawi pa rin
3.) Magkupkop ka ng kaawa-awa,
langit ang iyong gantingpala
4.) Madaling pumitas ng bunga,
kung dadaan ka sa sanga
5.) Ang umaayaw ay di nagwawagi
ang nagwawagi ay di umaayaw
6.) Hindi sasama ang pare,
kundi sa kapwa pare
7.) Walang paku-pakundangan,
sa tunay na kaibigan
8.) Nasa Diyos ang awa,
nasa tao ang gawa
9.) Kung hindi ukol,
hindi bubukol
10.) Pag maliitang kumot,
matutong mamaluktot
11.) Ang taong nagigipit,
Sa patalim man ay kumakapit

12.) Kung ano ang puno,


siya ang bunga
13.) Kung ano ang itinanim,
ay siyang aanihin
14.) Ang taong walang kibo,
nasa loob ang kulo
tinatangay ng agos
15.) Ang nakatikip na bibig ay
hindi pinapasukan ng langaw
16.) Ang ampalaya kahit anong pait,
sa nagkakagusto’y matamis
17.) Kung walang tiyaga,
walang nilaga
18.) Ang hipong tulog ay,
tinatangay ng agos
18.) Sa taong walang takot,
walang mataas ba bakod
20.) Bago mo sabihin at gawin,
makapitong iisipin
20 Sawikain

1.) Samaing palad


2.) Nagsaulian ng kandila
3.) Alin sa buhay
4.) Takaw-tulog
5.) Talusaling
6.) Takipsilim
7.) Tawang-aso
8.) Talusira
9.) Maputi ang tainga
10.) Bukas na aklat
11.) Nagkibit balikat
12.) Matigas ang ulo
13.) Malamig ang ulo
14.) Mahangin ang ulo
15.) matalas ang ulo
17.) Utang na loob
18.) Sumama sa agos
19.) Tatlo ang mata
20.) Ibaon sa hukay

You might also like