You are on page 1of 1

Fahmia B.

Cagunan BSEd Filipino 2A

Gawain 4: Pagbasa

Ang Kuwento ni Mabuti


(Genoveva Edroza Matute)

Mahalagang isaalang-alang natin ang makrong kasanayan sa pagtuturo na kung


saan ito ay angkop sa ating mga mag-aaral. Isa sa makrong kasanayan sa pagtuturo ay
ang pagbasa at ito ang may pinakamababang porsiyento, labing-anim (16%) na
porsiyento lamang. Ngayon naman ay magbabahagi ako ng ilang hakbang kung paano
ko ituturo ang akdang "Ang Kuwento ni Mabuti" mula sa akda ni Genoveva Edroza
Matute. Ipagpalagay nating ituturo ko ito sa harap ng klase sa pamamagitan ng
makrong kasanayan na Pagbasa.

a. Ang bawat mag-aaral ay magkakaroon ng kopya ng nasabing akda upang mas


madaling maintindihan ng mga mag-aaral ang kuwento. Isaalang-alang ang mga
maaring balakid habang nagsisimula ka sa iyong pagtuturo.
b. Babasahin ko ng bawat mag-aaral ang bawat talata habang ang ibang mag-aaral
naman ay isusulat ang mga salitang hindi nila maintindihan o kung ano ang nais
nilang itanong nang sa gayun ay magkakaroon ng mas magandang talakayan sa
pagitan ng guro at mga mag-aaral.
c. Pagkatapos kung basahin ang akdang "Ang Kuwento ni Mabuti ay ipapangkat ko
ang klase sa apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay gagawa bg buod sa bawat
talatang nakatalaga sa kanila.
d. Matapos nilang ibuod ang talata ay babasahin nila ito sa klase at dito makikita ng
guro kung anong antas ng pagbasa mayroon ang mga mag-aaral.
kinakailangang ang baway kasapi ng pangkat ay makapagbahagi.

You might also like