You are on page 1of 1

KABANATA 2: KAALAMANG ISTRUKTURAL NG WIKA 

ARALIN 1: KATANGIAN NG PANDIWA 

Isa sa mga dapat isaalang-alang sa pagsasalin ng anumang pahayag sa Filipino ay ang


naiibang katangian ng pandiwa. Bukod sa aspekto, may pokus ang pandiwa sa Filipino na
nauugnay sa panlapi. Ipinaliwanag ni Laulino na ang pokus ay katangian ng pandiwa na
nagpapakita ng kaugnayan ng pandiwa sa paksa o pinag-uusapan. May mga panlapi na
bumubuo ng pandiwang ang diin ay nakapokus sa layunin o direksyon ng kilos, aktor, sa
instrumento at iba pa. 

Halimbawa: 
Pokus sa Aktor - Bumili ng dyaryo ang bata. 
Layon sa Pokus - Binili ng bata ang dyaryo. 

Ayon sa ibinigay na paliwanag ni Lalunio, ang um ay panlapi ng pandiwa na nagbibigay-


diin sa aktor o tagaganap. Ang aktor sa unang pangungusap ay ang bata na siyang paksa ng
pangungusap, at ang layon ay dyaryo. Sa ikalawang pangungusap, ang paksa ay ang dyaryo
na nagpapahayag ng layunin ng kilos. Ang panlaping ginamit ay -in. 

Ang sumusunod ay ang iba’t ibang uri ng pokus: 

1. Pokus sa Tagaganap (actor focus) - ang paksa ng pangungusap ang gumaganap ng kilos na
isinasaad ng pandiwa 

2. Pokus sa Layon (object focus) - ang layon ang paksa ng pangungusap

3. Pokus sa Direksiyonal (directional focus) - pinagtutuunan ng pandiwa ang direksiyon o


tinutungo ng kilos 
4. Pokus sa Ganapan (locative focus) - ang paksa ng pangungusap ay ang lugar na
pinaggaganapan ng kilos 
5. Pokus sa Kagamitan (instrumental focus) - ang bagay na ginamit sa pagganap ng kilos ang
pinagtuunan ng pandiwa 
6. Pokus sa Tagatanggap (beneficiary focus) - tumutuon sa tao o bagay na nakikinabang sa
resulta ng kilos na isinasaad ng pandiwa 
7. Pokus sa Sanhi (causative focus) - ang sanhi ang paksa ng pandiwa

You might also like