You are on page 1of 8

Angkop na Gamit ng

Pandiwa Bilang Aksiyon,


Karanasan, at Pangyayari
Filipino 10 – Unang Linggo
Ano ang pagkakaalam ninyo sa Pandiwa?
Sa aklat na Gramar ng Filipino ni
Jonatahn Malicsi (2013), ipinaliwanag
niyang ang pokus na morpema ang
nagtatakda kung aling komplemento ng
pandiwa ang gramatikal na simuno. Ito
rin ang tinutukoy na relasyong
pansematika ng pandiwa sa simuno o
paksa ng pangungusap. Marami at iba-
iba ang tinatawag na pokus ng pandiwa
ayon sa kung ano ang kaganapan ng
pandiwa sa posisyong pansimuno ng
pangungusap. Sa araling ito,
pagtutuunan ang pokus na aksiyon,
karanasan, at pangyayari.
1. Pokus sa Aksiyon/Kilos – ito ang tagaganap
ng aksiyong tinutukoy ng pandiwa.
Halimbawa:
Tumakbo ang atleta.
Naglaro ang mga bata.
2. Pokus sa Karanasan– ito ang nakararanas ng
tinutukoy na pandiwa. Mahina at walang kusa o
kontrol ang nakararanas sa tinutukoy ng pandiwa.
Halimbawa:
Nasamid ang binatilyo.
Natakot ang mga mamamayan sa Batas Militar.
3. Pokus sa Pangyayari– ginagamit dito ang
pangyayari bilang pandiwa. May ipinahihiwatig
na naaapektuhan ng naturang pangyayari.
Halimbawa:
Sasabog ang bulkan.
Kumukulog ang langit.
Pagsasanay

Tukuyin kung ano ang pokus ng pandiwa ng mga


pangungusap.
1. Naghirap ang mga tao dahil sa tiwaling opisyal.
2. Nanghina ang pasyente.
3. Tumingin siya sa malayo.
4. Umulan nang malakas sa Balayan.
5. Nanood ang fans sa pagtatanghal.
6. Nagbungkal ang mga magsasaka ng lupa.

You might also like