Mahalagang isaalang-alang natin ang makrong kasanayan sa pagtuturo na kung
saan ito ay angkop sa ating mga mag-aaral. Isa sa makrong kasanayan sa pagtuturo ay ang pagbasa at ito ang may pinakamababang porsiyento, labing-anim (16%) na porsiyento lamang. Ngayon naman ay magbabahagi ako ng ilang hakbang kung paano ko ituturo ang akdang "Ang Kuwento ni Mabuti" mula sa akda ni Genoveva Edroza Matute. Ipagpalagay nating ituturo ko ito sa harap ng klase sa pamamagitan ng makrong kasanayan na Pagbasa.
a. Ang bawat mag-aaral ay magkakaroon ng kopya ng nasabing akda upang mas
madaling maintindihan ng mga mag-aaral ang kuwento. Isaalang-alang ang mga maaring balakid habang nagsisimula ka sa iyong pagtuturo. b. Babasahin ko ng bawat mag-aaral ang bawat talata habang ang ibang mag-aaral naman ay isusulat ang mga salitang hindi nila maintindihan o kung ano ang nais nilang itanong nang sa gayun ay magkakaroon ng mas magandang talakayan sa pagitan ng guro at mga mag-aaral. c. Pagkatapos kung basahin ang akdang "Ang Kuwento ni Mabuti ay ipapangkat ko ang klase sa apat na pangkat. Ang bawat pangkat ay gagawa bg buod sa bawat talatang nakatalaga sa kanila. d. Matapos nilang ibuod ang talata ay babasahin nila ito sa klase at dito makikita ng guro kung anong antas ng pagbasa mayroon ang mga mag-aaral. kinakailangang ang baway kasapi ng pangkat ay makapagbahagi.