You are on page 1of 3

Department of Education

Region III
Division of Bulacan
Pandi South District
Bagbaguin Elementary School
Bagbaguin, Pandi, Bulacan

Banghay-Aralin sa Filipino IV

I. Layunin:
A. Nakikilala ang apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit
B. Naipapaliwanag ang apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit
C. Nakabubuo ng mga pangungusap ayon sa apat na uri ng pangungusap ayon sa gamit

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Pagkilala sa mga uri ng pangungusap ayon sa gamit.
B. Kagamitan: laptop, telebisyon, mga larawan, video clips
C. Pagpapahalaga: Pagiging masunurin

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagsasaayos ng lugar o silid aralan
4. Pagtsek ng liban at hindi liban
5. Pagbabalik-aral
Tatawag ang guro ng mga mag-aaral para magbigay rebyu sa paksa ng nakaraang
talakayan.

B. Pagganyak
 Babasahin ng mga mag-aaral ang maikling kwento na pinamagatang “Isang Aral para
kay Armando”
 Pagkatapos basahin ay susuriin ang nilalaman nito sa pamamagitan ng inihandang mga
tanong.
1. Sino ang mga tauhan sa kwento?
2. Ano ang utos ng ina ni Armando sa kanya?
3. Anong nangyari kay Armando noong hindi niya sundin ang kanyang ina?
3. Sa iyong palagay, ano ang maaring mangyari kapag hindi tayo sumunod s utos ng
ating mga magulang?
4. Anong aral ang natutunan mo sa kwento?

C. Paglalahad
 Ipabasa ang mga pangungusap na may salungguhit sa kwento.
 Tanungin ang mga mag-aaral sa pagkakaiba ng mga pangungusap na kanilang nabasa.
 Sasabihin ng guro sa buong klase ang magiging paksa.

D. Pagtalakay
 Ipaliwanag ang limang uri ng pangungusap.
 Ang mga mag-aaral ay magbibigay ng mga halimbawa sa bawat uri ng pangungusap.
E. Paglalahat
 Ipabigay ang limang uri ng pangungusap.
 Ang guro ay magpapakita ng ilang larawan at tatawag ng mag-aaral upang bumuo ng
pangungusap sa iba’t ibang uri nito (pasalaysay, patanong, pautos, pakiusap at
padamdam)

F. Pangkatang Gawain
 Ang bawat pangkat ay may isang larawan. Sila ay bubuo ng iba’t ibang pangungusap
sa iba’t ibang uri nito.

IV. Pagtataya
Isulat ang pasalaysay, patanong, padamdam, pautos, pakiusap sa bawat patlang
________________1. Takbo! Umuulan na.
________________2. Takot ka ba sa kidlat?
________________3. Wala na akong gagawin ngayon. Natapos ko na ang aking project.
________________4. Itago mo na lahat iyan baka mabasa ng ulan.
________________5. Tulungan ninyo naman ako sa aking pagtatanim.

V. Kasunduan
Sumulat sa iyong kwaderno ng tig-dalawang pangungusap na Pasalaysay, Patanong, Pautos,
Pakiusap at Padamdam.

Inihanda ni:

CHARMAINE JOY P. MANAHAN


Guro

Binigyan pansin ni:

NOEL F. FLORES
Pang-Ulong Guro

You might also like