You are on page 1of 2

Mala-Masusing Banghay Aralin

Sa Pagtuturo ng Edukasyon Sa Pagpapakatao


Sa Ikaanim na Baitang

I: Mga Layunin
1. Maipapakita ang paggalang sa ideya o suhestiyon ng kapuwa
2. Makapagbibigay ng pamamaraan ng paggalang sa suhestiyon ng iba
3. Maigagalang ang suhestiyon ng kapwaupang mapanatili ang kapayapaan at
pagkakaunawaan
II: Paksang Aralin
Paksa: “Ideya mo, Igagalang ko”
Sanggunian: Ugaling Pilipino sa makabagong Panahon 6 (pp. 54 - 59)
Mga Kagamitan: Powerpoint Presentation, Aklat (Ugaling Pilipino sa makabagong
Panahon)

III: Pamamaraan

A. Balik-Aral
Itatanong ng guro ang mga sumusunod hinggil sa mga tinalakay noong nakaraan:

Ano ang pamagat ng binasa nating teksto?


Ano ang proyektong napagkasunduang isagawa ng Needlecraft Club?
Paano nila nagawang tulungan ang mga batang lansangan?
Ano pa ang mga paraan upang makatulong sa kapwa?

Bagong Aralin

a. Pagganyak

Naranasan niyo na bang makakita ng ganitong larawan o sa mga pinapanood


ninyo?
Ano ang ipinapahiwatig nito?

b. Paglalahad
Ilalahad ng guro ang aralin “Ideya mo, Igagalang ko”
c. Pagtanggal ng balakid
Sa bagong aralin, may ipapabasa ang guro na maikling teksto na pinamagatang “Isang
Magandang Aral Mula sa Bully” na may kaugnayan sa kanilang paksa.
Bago ipabasa ang teksto, aalamin muna ang kahulugan ng ilan sa mga salita mula sa
teksto sa.

Naatasan - Nautusan
Mag-ulat - Magbalita
Pangkat - Grupo
Magsaliksik – Mangalap ng impormasyon
Suhestiyon – Ideya

d. Pagbibigay ng pagganyak na tanong


Naranasan niyo na bang ma-bully?
Ano ang maaari niyong maibigay na mensahe para sa mga bully?

e. Pamantayan sa pagbasa
Tatanungin ng guro ang mga kailangan tandan bago at habang binabasa ang teksto.

f. Pagbasa sa kuwento
Babasahin ng mga mag-aaral ang kuwento

g. Pag-unawa sa kuwento
1. Ano ang paksang ibinigay ng guro sa pangkat nina Maria, Rico at Ramon?
2. Ano ang unang dahilang naisip ni Rico kung bakit ayaw makisama ni Ramon
sa pangkat?
3. Bilang lider ng pangkat, paano ipinakita ni Maria na kapuwa niya iginagalang
ang dalawang miyembro na muntik nang mag-away?
4. Ano ang paliwanang ni Ramon kung bakit ayaw niyang sumama sa pag-uulat?
5. Ano ang gagawin mo kung napunta ka sa isang pangkat na hindi mo
masyadong gusto ang iyong mga kasama?

IV: Pagtataya

Panuto: Sagutan nasa pahina 59, SUBUKIN ITO (Letrang A). Ilagay ito sa
kalahating papel

V: Takda
Panuto: Sumulat ng isang talata na kung saan mangangako kang igagalang ang suhestiyon at
ideya ng iyong kapwa.

You might also like