You are on page 1of 11

I.

Layunin

Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang makakatamo ng kasanayan


na:

a. Nalalaman ang kuwentong “ Si Inday at ang bago niyang cellphone” ;


b. Naisasabuhay ang aral na napulot sa kuwentong tinalakay : at
C. Nakakagawa ng isang poster na sumisimbolo ng pagmamahal ng isang ina
tinalakay.

II. Paksang Aralin

Paksa : “Si Inday at ang bago niyang cellphone”


Sanggunian:
Materyales sa pagtuturo: tulong biswal , tv
Kasanayan: Ang mga magaaral ay inaasahang naipamamalas ang kanilang
kasanayan sa pagbabasa, pagsulat , at pakikinig sa mga paksang tatalakayin.

III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Magaaral

A. Panimulang Gawain

1. Panalangin

Maaari bang magsitayo ang lahat para sa


ating pambungad na panalangin . Kate
maari mo bang pangunahan ang
panalangin?
Panginoon, maraming salamat po sa
araw na ito na ipinagkaloob niyo sa amin,
naway gabayan mo po kami sa mga
gawain na aming gagawin sa araw na ito.
Gabayan mo din po ang aming guro na
siyang nagtuturo sa amin. Amen.

2. Pagbati

Magandang umaga Grade 7 Love !


Magandang umaga din po

Bago kayo magsiupo ay maari niyo ba


munang pulutin ang mga kalat sa inyong
paligid kung meron man at pakiayos ang
linya ng inyong mga upuan .

3. Pagtatala ng lumiban sa klase

Noong nakaraan ay binigyan ko kayo ng


takdang aralin, tama ba ?
Opo
Maari niyo na itong ipasa mula sa likod
papunta sa harap. Ito ay magsisilbing
patunay na kayo ay dumalo sa ating klase
.
( Ipinasa ang takdang aralin)
Andito na ba lahat ng takdang aralin?
Opo Maam.
Mabuti kung ganon.

4. Balik aral

Bago natin umpisahan ang bagong


paksa, magbalik aral muna tayo.

Ano ang huli nating tinalakay Shine?


Ang huli po nating tinalakay ay pakikinig
po
Magaling! Ano nga ulit ang kahulugan ng
pakikinig Prime?
Ang pakikinig po ay ang kakayahang
matukoy at maunawaan kung ano ang
sinasabi ng kausap.
Mahusay!

B. Pagganyak

Bago tayo dumako sa panibagong aralin,


mayroon akong hinandang aktibidad
para magkaroon kayo ng ideya sa
paksang tatalakayin natin.

Ang aktibidad na ito ay pinamagatang “


Ilarawan mo katangian ko ”

Maari mo bang basahin ang panuto


Mecca?
Panuto: Ang klase ay papangkatin sa
dalawa , ang bawat pangkat ay may
nakalaan na larawan .Pipili ng limang
salita na naglalarawan sa larawan ang
bawat pangkat sa ibibigay na flashcard
idikit ito sa baba ng larawan at babasahin
ito sa harap.
Bawat pangkat ay may nakalaan na
larawan kailangan niyo lang magusap
usap kung ano sa tingin niyo ang mga
salitang naglalarawan sa ibinigay kong
larawan. Pagkatapos niyo magusap usap
ay pumili ng isa sa inyong pangkat upang
basahin ito at ipaliwanag kung bakit ito
ang inyong napili.

Ito ang unang pangkat at ito naman ang


ikalawang pangkat. Kayo ay may
sampong minuto para sa aktibidad na
ito . May katanungan pa ba ?
Wala po.
Kung ganon maari na kayo pumanta sa
inyong grupo upang at magsimula .

Tapos na kayo ?
Opo
Kung ganon ang unang pangkat ang
magbabasa at magbibigay ng paliwanag.

Sino ang magrerepresenta sa unang


pangkat upang magbasa at
magpaliwang?
Ako po maam
C. Paglalahad ng Paksa

Ang maikling aktibidad na inyong ginawa


ay may kinalaman sa ating tatalakayin sa
araw na ito.

Isa itong maikling kuwento na


pinamagatang “ Si Inday at ang bago
niyang cellphone”

At sa pagtatapos ng ating aralin kayo ay


inaasahan kong: Nalalaman ang
kuwentong “ Si Inday at ang bago niyang
cellphone “, Naisasabuhay ang aral na
napulot sa kuwento, at Nakakagawa ng
isang poster patungkol sa simbolo ng
pagmamahal ng isang ina.

Bago tayo magsimula sa ating talakayan


ay magkakaroon muli tayo ng maikling
gawain upang alisin ang sagabal sa ating
pagbabasa at para mas maunawaan niyo
ang kuwento.

Ang gawaing ito ay pinamagatang “Asan


kapares ko”

Maaari mo bang basahin Jonel ang


panuto?

Panuto: Ang mag-aaral ay kailangang


hanapin ang tamang kahulugan sa Hanay
B at idikit ito sa gilid ng Hanay A

Hanay A Hanay B

______1. Entablado Makita


______2. Maaninag Bihira
______3. Malimit Nagtinda
______4. Kampante Tanghalan
______5. Naglako Panatag
Salamat sa pagbasa anak.

Ang kailangan niyo lang gawin ay


hahanapin niyo lang ang tamang
kahulugan sa Hanay B at ididikit niyo ito
sa Hanay A kung saang salito ito may
kasingkahulugan.

Maliwanag ba klas?

Kailangan ko ng limang bolontaryo . Opo.

( Hanapin at dinikit ng mga bolontaryo na


sa tingin nila ay magkasingkahulugan sa
Hanay A at Hanay B)
Maraming salamat sa kooperasyon niyo
mga anak. Ngayon naman ay ating tignan
kung tama ba ang inyong mga pinili na
kahulugan .

( Pagtatama ng kanilang sagot Asan


Mahuhusay tama ang mga inyong Kapares ko)
kasagutan.

Maari mo bang gamitin Maribel ang


salitang Malimit sa pangungusap?

Magaling! Si Francis ay malimit kumain ng pares.

( Ginamit sa pangungusap ang mga salita


Mahuhusay! na nasa Hanay A )

D. Pagtatalakay sa Paksa

Ang tatalakayin natin sa umagang ito ay


tungkol sa Maikling Kuwento na
pinamagatang “Si Inday at ang bago
niyang cellphone”.

Paki basa nga ng sabay sabay ang


pamagat ng kuwento.

“ Si inday at ang bago niyang cellphone “


Sino ang gustong magbasa ? Maari mo
bang simulan Glory?
“Si Inday At Ang Bago Niyang Selpon”

Malapit nang makatapos ng elementarya


si Inday at parehas silang nasasabik ng
nanay niya sa pinakahihintay na araw. Si
Aling Peling halos hindi na makatulog
kaka-isip kung ano ireregalo sa nag-iisang
anak.

(Ipinabasa ang kwento)

Isang araw, namasyal si Inday sa bahay


ng isa niyang kaibigan at nagkaroon ng
oras si Aling Peling na bumili ng sorpresa
para sa anak. Dali-dali siyang pumunta sa
pamilihan at doon nakakita siya ng isang
selpon.
“Sakto to. Medyo malayo ang paaralan
na papasukan ni Inday sa sekondarya,
kakailanganin niya ‘to,” sabi ni Aling
Peling sa sarili.
Nagkasya ang pera ng matanda para sa
bagong selpon na ireregalo sa anak sa
pagtatapos niya sa elementary. Pagkauwi
nito sa bahay, agad niya itong binalot at
itinago sa kanyang aparador.
Lumipas ang isang linggo at dumating na
ang araw na pinakahihintay nina Aling
Peling at Inday. Mangiyak-ngiyak ang
matanda habang isinusuot sa anak ang
medalya sa ibabaw ng entablado.
Pagkatapos ng seremonya, nagpakuha ng
litrato ang mag-ina. Inabot rin ni Aling
Peling ang kanyang sorpesa kay Inday na
agad naman nitong binuksan.
“Naku! Bagong selpon? Yehey! Salamat
Nanay! May selpon na ako,” sigaw ng
anak.
Simula noong gabing iyon, palagi nang
nakatutok sa selpon si Inday. Kahit
bakasyon, malimit sila kung makapag-
usap ng nanay niya. Palagi niya kasing ka-
text si Rico o ‘di kaya ay nagtatawagan
sila.
“Alam mo bessy, magkikita kami ni Rico
bukas. Sa wakas makikilala ko na rin siya.
Siguro guwapo siya no, matangkad,
maputi,” kwento ni Inday sa kaibigan
niya.
Narinig ni Aling Peling ang mga sinabi ni
Inday kay Fiona tungkol kay Rico.
Tinawag niya ang anak at kinausap ito.
“Teka bessy tawag ako ni Nanay.
Tatawag na lang ako sa’yo ulit. Bye! Nay,
bakit po?” tanong ni Inday sa ina.
“Ano yung narinig kong makikipagkita ka
sa hindi mo kakilala? Ganun ka ba ka
kampante na mabuting tao yan, e, sa
selpon mo lang nakilala,” sabi ni Aling
Peling sa anak.
“Kaya nga po magkikita kami nay upang
magkakilala kaming dalawa. Hirap naman
sa inyo minsan na nga lang ako lumabas
marami pa akong maririnig,” sabi ni
Inday bago padabog na pumasok sa
kwarto niya.
Nagulat si Aling Peling sa inasal ng anak.
Dati-rati ay ni hindi ito magawa na
sagutin siya nang ganun. Nagtimpi na
lang ang matanda at ipinagpatuloy ang
pagluluto ng kanilang hapunan.
Kinabukasan, pagka gising ni Aling Peling
ay wala na ang anak sa tabi niya. Inisip
niya na lang na umalis na siguro yun at
sana’y mag-iingat siya. Hindi man lang
nagpaalam si Inday sa ina niya.
Bumangon na ang matanda, nagluto ng
almusal, at inihanda ang kanyang mga
paninda sa araw na iyon. Pagkatapos
kumain ay lumakad na siya dala-dala ang
kanyang mga lutong bibingka.
Naglako si Aling Peling malapit sa parke.
Marami ang bumili sa kanya at noong
papaalis na siya para umuwi ay nakita
niya si Inday mula sa malayo. Kahit hindi
niya masyadong maaninag ang mukha ng
anak, alam niyang umiiyak ito.
“Nak! Inday! Anong nangyari sa ‘yo ba’t
ka umiiyak?” tanong ng matanda sa
anak.
“Nay nawawala po si Rico! Dala-dala niya
po yung bag ko. Kanina nag-uusap lang
kami rito tapos biglang naiihi raw siya
kaya umalis saglit,” sabi ng anak habang
umiiyak.
Kinuwento ni Inday na nagkita sila ni Rico
sa parke at pagkatapos ng isang oras na
pag-uusap ay nag-presenta itong bitbitin
ang bag niya. Habang naglalakad sila ay
isinabit ng binata ang bag ni Inday sa
kanya kung kaya’t nahiya na siyang kunin
ito.
Kasama sa nawalang bag ni Inday ang
bagong selpon na ipinag-ipunan at
binigay ng nanay niya sa kanya. Lubos
ang kanyang pagsisisi dahil hindi siya
nakinig kay Aling Peling.
Naunawaan niyo ba ang kuwento?

May katanungan ba ? Opo.

Wala po
E. Paglalapat

Dahil nalaman niyo na ang kwento ng “


Si Inday at ang bago niyang cellphone” ay
may inihanda akong Gabay na Tanong.

Basahin mo nga ito Vince.

Gabay na Tanong

1. Sino ang pangunahing tauhan sa


kwento?

2. Ano ang regalo ni Aling Peling sa


kanyang anak?

3. Ano ang dahilan ng pagiyak ni inday?

4. Saan nagkita si Inday at si Rico?

5. Kung ikaw ang kaibigan ni Inday ano


ang iyong maipapayo.
Salamat Vince! SIno ang nais sumagot sa
unang katanungan?

Jenny maari mo ba itong basahin at


sagutin?

1. Sino ang pangunahing tauhan?


Magaling! Si Inday ang pangunahing Si Inday po.
tauhan sa kuwento.

Rhea maari mo bang basahin at sagutan


narin ang ikalawang katanungan?

2. Ano ang regalo ni Aling Peling sa


kanyang anak?
Mahusay! Ang regalo ni Aling Peling sa Cellphone po.
kanyang anak ay Cellphone.

( Sinagutan ang Gabay na Tanong )


F. PAGLALAHAT

Kung tunay niyo ngang naunawan niyo


ang kwento ay maaari mo bang ibahagi
ang nangyari sa pagkikita ni Rico at Inday
samantha?

Ang nangyari po sa pagkikita ni Rico at


Inday ay nagkita sila sa parke at
pagkatapos ay nagprisinta si Rico na siya
ang magbitbit ng bag ni Inday at nahiya
namang niyang kunin ito at tuluyang
Mahusay! nawala ang bag ni Inday.
Ano ang aral na iyong napulot sa
kuwento Gemmarie?

Ang aral po na aking napult sa kwento ay


matuto tayong sumunod at makinig sa
ating mga magulang at wag basta basta
makikipagkita kung kani-kanino dahil
May gusto pa ba sumagot ? maari tayong mapahamak.

Ako po .
Sige Angeline.

Ang arak po na aking napulot sa kwento


ay pahalagahan ang gamit na ibinibigay
sa atin ng ating magulang at irespeto
Mahusay! Tunay ngang naunawaan niyo natin ang ating magulang.
ang kuwentong ating tinalakay.

You might also like