You are on page 1of 2

Suliranin sa Sistema ng Edukasyon

Kakulangan sa De-Kalidad na Materyales sa Pagtuturo

Mungkahing Solusyon
Ang mga de-kalidad na materyales sa pagtuturo ay nakakatulong sa proseso ng
pagtuturo ng guro sa klase sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga kakailanganing
impormasyon ng mga mag-aaral upang sila’y magkaroon ng kaalaman at kasanayan.
Mahalaga ito dahil mas nagiging epektibo ang pagtuturo. Ngunit kadalasan ay
nagkukulang ang mga de-kalidad na materyales sa paaralan kung kaya’t hindi lubos na
naiintindihan ng mga estudyante ang mga leksiyong nangangailangan ng mga ito at
nakaaapekto ito sa kanilang pagiging produktibo at pagkakaroon ng motibasyon sa pag-
aaral sa loob ng klasrum. Ang nagiging bunga ay nawawalan ng interes ang mga mag-
aaral o ang mismong guro ang maghahanap at maaaring gumastos para sa alternatibo ng
mga materyales na dapat ay responsibilidad ng eskwelahan. Isa sa mga dahilan ng
nasabing kakapusan ay ang hindi sapat na pondo ng mga paaralan lalo na sa mga
pampubliko na ang gobyerno ang nagbibigay ng pondo para sa mga ito. Minsan naman
ay mayroon ngang mga de-kalidad na materyales sa eskwelahan subalit hindi ito
pinapagamit sa mga estudyante sapagkat baka masira nila ito, naroon lamang ang mga
materyales upang may maipakita ang paaralan kung sakaling may bumisita galing sa
Kagawaran ng Edukasyon.
Ang mungkahing solusyon para dito ay ang atasan ng gobyerno o ng Kagawaran
ng Edukasyon lahat ng eskwelahan sa Pilipinas na magkaroon ng kumpletong de-kalidad
na mga materyales. Mapa-pribado o pampubliko man ay nararapat na matuto ang mga
kabataan. Kung wala mang sapat na pondo ang mga paaralan para dito ay pwedeng
magdagdag ang gobyerno sa pondo para sa edukasyon sa bansa. Importante na
pagtuunan ng pansin ng gobyerno ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas dahil sa mga
susunod na henerasyon ay sila ang kabataan ngayon ang magpapatakbo ng bansa. Maaari
ring solusyon ang panghihingi ng tulong pinansiyal o solicit ng mga eskwelahan sa mga
opisyales, personalidad, o mamamayan. Hindi man sobrang laki ng halaga ang ibigay ng
isang tao ay makakaipon pa rin ng pondo. Mas mainam na iyon kaysa walang gawing
aksiyon ang mga namamahala sa isang paaralan. Walang mag-aaral ang dapat na
mahirapan sa pag-aaral bunsod ng kakulangan ng mga de-kalidad na materyales sapagkat
ang edukasyon ay isang karapatan. Isa pang solusyon ay ang pagkakaroon ng mga hindi
pang-gobyernong organisasyon ng mga proyektong naglalayon na matulungan ang mga
eskwelahan sa pagkakaroon ng mga de-kalidad na materyales sa pagtuturo ng mga guro.
Malaki ang epekto ng mga de-kalidad na materyales sa pag-aaral ng isang bata dahil
kadalasan ay madali siyang natututo at nagiging interesado siya sa mga leksiyon kung
mayroong mga de-kalidad na materyales. Isa sa pinakamahalagang salik sa pag-aaral ay
ang pagiging interesado ng isang estudyante at iyon ay nakasalalay sa pagtuturo ng guro
at paggamit ng guro ng iba’t ibang de-kalidad na materyales sa pagtuturo.

You might also like