You are on page 1of 2

Pinagbentahan naman ni Jim ng sapatos si Noel.

Ngunit walang pera na maipapambili si Noel kaya


minabuti niya na umuwi na lamang ng bahay. Nang makauwe siya sa bahay ay nakita niya ang asawa
nito na nakabihis at nagtatangka na umalis na sa puder ni Jim. Dahil hindi naman yun ang pinapangarap
na buhay ng kanyang asawa. Hanggang pangako na lamang ang ginagawa ni Jim para sa kanyang asawa.

Sa kabilang banada ay umuwi naman si Cyrus sa kanilang bahay at hindi niya inaasahan na makikita niya
si Mang Justo sa kanilang bahay. Kung kayat nagtanong ang matanda at sinagot naman ito ni Cyrus. Bigla
na lamang nalungkot si Cyrus dahil sa nalaman niyang may iniindang sakit si Mang Justo.

Sa mga susunod na pangyayari masayang nag-iinuman ang buong barkada. Sabay-sabay rin silang
nagtatawanan at humahalakhak sa bawat kwento na kanilang naririnig. Halos puro na lamang oagtawa
at pagsasaya ang kanilang ginawa.

Kinagabihan, ibang pamilya ang inuwian ni Noel. Hinahanap ni Aling Sally kay Noel ang relo na isinanla
sa kanya ng kaibigan niyang si Mareng Helen. Agad naman ikinagalit ito ni Noel kaya umakyat agad ito
papasok sa kanyang kwarto. Biglang nagsalita si Lyla tungkol sa kanyang magnanakaw na kapatid kung
kayat dali daling tumakbo si Noel pabalik sa baba at dinamput niya ang plastic na upuan at hinagis sa
kanyang kapatid. Umiiyak si Apple habang nakikita ang magkapatid na nag-aaway. Dahil sa gulo ng
magkapatid ay lumabas si Mang Fred sa kanyang kwarto at tumakbo sa kanya si Apple na umiiyak.
Natigil si Noel at sa sobrang inis ng ama ay pinalayas niya ito sa pamamahay.

Sa di inaasahang pangyayari ay muling nanaginip si Cyrus ng masama na halos ipaghabol na rin niya ng
kanyang hininga. Kumatok naman si Noel at ginising si Cyrus upang itaning kung pwede siyang tumuloy
sa bahay nila. Bilang upa ay binigay ni Noel ang isang baril kay Cyrus. Kaagad naman itong itinago ni
Cyrus sa ilalim ng unan niya.

Nakaakbay si Voltron si Edwin, kilalang druglord sa kanilang lugar. Pinapasok nila ang isang eskinita kung
nasaan ang maliit nilang warehouse na sumusustento kay Voltron.

Mula sa galaan, dahan-dahang binuksan nina Cyrus at Noel ang pinto ng maliit nilang dampa. Dahan-
dahang kinuha ni Cyrus ang gasera upang magkaroon ng kaunting liwanag. Noon lamang nila nalaman na
gising pa ang matanda, agad din niyang nilapat ang mga kamay sa noo ng matanda upang malaman kung
ito ay may lagnat, ang dumi na rin ng paligid sapagkat halos isang linggo na rin sumusuka ang matanda.
Agad dinala ni na Cyrus at Noel ang matanda sa ospital.
Naka-confine sa ospital ang matandang si Mang Justo dahil sa sakit sa bato. Kinakailangan daw niya ng
transplant sabi ng doktor.

Halos di pa mag-usap sina Jim at Cyrus ng makarinig ng palakpak mula sa labas ng ospital, si Noel, agad
na bumama ang magkakaibigan at tumatakbo agad upang sundan si Noel. Tumigil sila sa isang creek
kung saan din nila nakita ang nanay ni Voltron na si Aling Seding. Di makapaniwala si Jim ng makita ang
pugot na ulo na bangkay ng kaibigang si Voltron.

Ilang araw mula noong maiconfine si Mang Justo ay napagdesisiyunan ni Cyrus na tuloy ang operasyon
atil mismong bato niya ang kanyang ibibigay. Naging matagumpay ang operasyon at agad ding nakauwi
ang matanda.

Di na iba kay Mang Justo ang madalas na pakikipagkwentuhan ng batang si Noel sa kanya. Biglang
naalala ng matanda na ubos na ang kanyang gamot kaya kanyang pinakisuyuan muna si Noel na kung
sana ay ibili na muna siya ng gamot nito. Tulog naman at namamahinga naman ang apo niyang si Cyrus
sa papag. Nananaginip nananaman ng masama ang binatang si Cyrus. Muli niyang nakita sa kanyang
panaginip ang babaeng humahabol sa kanya. Naglalaway, umuungol, hinihingal. Wala na siyang iba pang
matakbuhan at papalapit na sa kanya ang maligno. Sigaw ng sigaw si Cyrus, pero sa isip lang. Walang
nakakarinig sa kanya. Ibinuka ng halimaw ang mapangil na bibig at tuluyang nilunok ang lolo ni Cyrus.
Agad naman siyang isinunid ng halimaw. Sa isang iglap, nabunot niya sa ilalim ng unan niya ang baril na
galing kay Noel at ipinutok ito sa halimaw. Bawat mura niya sa halimaw ay isang bala sa katawan nito.

Bumagsak sa sahig ang katawan ni Mang Justo. Basag ang bungo l, butas na katawan at walang buhay.
Baha sa dugo ang maliit na bahay.

Nang kinabukasan naman ay agad ding bumalik ang binatang si Noel sa kanilang bahay agad na
napatawad ng magulang sa kanyang pagkakasala.

You might also like