You are on page 1of 5

Aralin 3: Kahulugan ng numero

LIMA. Pentagon ang tawag sa hugis na may limang sulok at pentagram naman kapag
ang bituin ay may limang sulok na nakapaloob sa isang bilog. Ang Union Espiritista Cristiana
de Filipinas, Incorporada (Union of Christian
Spiritists in the Philippines) ay may logo na
pentagram o five-pointed star na kung saan ang bawat
point o tulis ay may tinataglay na sariling kahulugan.
Ang tulis na pataas ay sumisimbolo sa espiritu santo
at ang ibig sabihin ng bilog na nakapalibot sa five-
pointed star ay walang hanggan.Gayon pa man, ang
apat na tulis ng pentagram ay sumasagisag sa apat na
elemento: Earth, Air, Fire at Water. Ang lahat ng ito
ay may kontribusyon at ginagampanan sa ating buhay.

Ang Man’s Spiritual Journey Through


Evolution o ang pagguhit ng pentagram ay may
Union Espiritista Cristiana de
ipinapakitang pakahulugan, ito ay ang bagay na Filipinas Logo
tatahakin
ng isang
kaluluwa simula sa pagkabuhay at sa pagbabalik sa
kanyang pinanggalingan- sa piling ng Diyos. Ang
pagguhit ng straight line mula sa taas pababa sa
kanan ay sumasalamin sa pagkakaroon ng buhay ng
isang kaluluwa (spirit) at ang pagbaba sa mundo
(earth) ay ang araw ng kapanganakan. Ang
straight line naman na pataas patungo sa kaliwa ay
sumasagisag sa landas ng tubig (water). Ang
pahalang na linya na patungo sa kanan ay ang
landas ng hangin (air). Gayon pa man, ang tubig at
hangin ay may kinalaman sa ating pagkabuhay
dahil ang tubig ay maaaring sumisimbulo sa
PentagramatSymbolism
pagbabautismo ang hangin naman ay
tumutukoy sa pagkakaroon natin ng kaalaman sa
tama at mali. Ang linyang pababa mula sa kanang dulo, pababa sa kaliwa ay sumisimbulo sa
apoy (fire) na kung saan ito ang yugto ng paglilinis (purification) sa buhay ng tao para
muling makabalik sa dakilang pinanggalingan at muling hanapin ang espirituwal na
pinagmulan.
Ang numero lima ay itinuturing na lubhang mahiwaga na may kinalaman sa buhay ng
tao. Mayroon tayong limang daliri sa kamay at paa; limang pandama o five senses − sight,
hearing, smell, touch at taste; lima rin ang yugto ng
ating buhay − birth, adolescence, coitus, parenthood
at death; sa Kristiyanismo, may pinapaniwalaan na
five wounds of Christ on the cross; at sa Muslim
naman ay may Five Pillars of Islam- Profession of
Faith (shahada), Prayer (salat), Alms (zakat),
Fasting (sawm) at Pilgrimage (hajj). Ang medieval
knight ay may limang kabutihan- generosity,
courtesy, chastity, chivalry at piety na sumisimbolo
sa pentagram device ni Sir Gawain. Ang Wiccan
Kiss naman ay Fivefold − feet, knees, womb,
breasts, lips - Blessed be. Bukod pa dito, ang lahat
ng tao, babae man o lalaki ay pinaniniwalaan na
isang bituin. Ang tao ay maaaring ilagay sa
Human Star
pentagram na kung saan ang ulo at apat na biyas
ng tao ay nakapwesto sa bawat tulis ng five-pointed star at ang genetalia ay nasa pinakang-
gitna. Ito ang sumisimbulo kung ano ang ating puwesto o ginagampanan sa mundo.

Hexagram: Star of David as Antichrist (666)

ANIM. Hexagram ang tawag sa hugis na may anim na sulok na kung saan ito ay
sumisimbolo sa bituin ng maykapal. Ang anim na dulo o tulis ng six-pointed star ay
tumutukoy sa anim na araw ng paglikha. Ang numero anim din ay sumasaklaw sa katangian
ng Diyos- Elohim - Genesis 1:1, Adonai - Exodo 4:10,13, El Elyon - Genesis 14:20, El Roi -
Genesis 16:13, El Shaddai - Genesis 17:1 at El Olam - Isaias 40:28. Bukod pa dito, may
tinatawag na Six Moral Attributes of God – good, holy, righteous, true, loving at wrathful.
Ang six-pointed star ay makikita rin natin sa bandila ng Israel na tinatawag na Flag of Zion o
Star of David (Bituin ni David) na kilala sa Hebreo bilang Magen David (kalasag ni David).
Gayon pa man, ang Halimaw/Antikristo na binabanggit sa Bibliya ay may kinalaman sa
numero anim- ito ay ang 666.
PITO. Heptagram o Septagram ang tawag sa bituin na may pitong sulok o tulis na
sumisimbolo sa kaganapan (perfection). Ito ay sumasagisag sa ideya ng pagiging kumpleto.
Ang mga Israelita ay nagmartsa sa palibot ng Jerico nang pitong magkakasunod na araw at sa
ikapitong araw ay nagmartsa ng pitong beses
sa utos ng Diyos. Ang pag-uulit ng pito ay
nagpapahiwatig ng ideya na walang takda,
katulad na lamang ng sabihin ni Jesus kay
Pedro na dapat niyang patawarin ang
kaniyang kapatid “hindi, hanggang sa pitong
ulit, kundi, hanggang sa pitumpu’t pitong
ulit.”

Bukod pa dito, ang seven-pointed star


ay tumutukoy sa pitong kaloob ng Espiritu ng
Diyos – karunungan, pang-unawa, mabuting
payo, kalakasan, kaalaman, pagsunod at
paggalang. Samantala, sa wikang Latin ang
pitong kaloob ng Diyos ay Intellects,
The Elven Star Sapientia, Consillium, Fortido, Scientia,
Pietas at Timor Domini. Ang heptagram
ay naglalarawan sa tradisyon ng
Kabbalistic na may pakahulugan na Sphere of Venus at Power of Love. Ang heptagram
naman sa tradisyon ng Christian ay
sumisimbolo sa proteksyon at ang pitong
tulis ay tumutukoy sa pagiging perpekto
ng Diyos at sa pitong araw ng paglikha
ng Diyos sa mundo. Mayroon tayong
pitong araw sa loob ng isang lingo − ito
ay lunes, martes, miyerkules, huwebes,
biyernes, sabado at linggo at pitong
planetary days of the week- Sun, Moon,
Mars, Mercury, Jupiter, Venus at Saturn.
Ang Elven Star o Faerie Star naman ay
tumutukoy sa pitong simbolismo ng
elemental- sun, wood, sea, magic, moon,
wind at connection. Mayroon din tayong
tinatawag na faerie star septagram na
kung saan pinili ng tao ang Faery path
para maglarawan sa kanilang The Faerie Star
pinaniniwalaan − soul, mind, earth,
fire, water, air at body. Ito rin ay tumutukoy sa pitong direksyon − North, South, East, West,
Above, Below at Within.
Eight Immortals of Chinese Mythology

WALO. Octagram ang tawag sa bituin na may walong sulok o tulis. Ito ay tumutukoy
sa Star of Redemption o Regeneration na matatawag din nating rebirth o renewal. Ang
mumero walo ay sumisimbolo rin sa isang cycle o infinity, sa kadahilanang kapag ito ay
pahiga mong tiningnan makikita mo ang simbolo ng infinity. Bukod pa dito, si Hesus ay
tinuli pagsapit ng ikawalong araw; ang Budismo ay may sinusunod na eightfold path; ang
Chinese Mythology ay may kinikilala na walong immortal − He Xiangu, Cao Guojiu, Li
Tieguai, Lan Caihe, Lü Dongbin, Han Xiangzi, Zhang Guolao at Zhongli Quan; ang Old
Kingdom Egyptian ay may walong pinaniniwalaang Diyos, ito ay apat na lalaki at apat na
babae; sa Hinduism, ang Star of Lakshmi o Goddess of Wealth ay may walong emanation -
monetary, ability to transport, endless prosperity, victory, patience, health and nourishment,
knowledge, and family; at ang eight-pointed starburst sa Babylonian tumutukoy sa Goddess
Ishtar. Gayon pa man, ang numero walo ay simbolo ng balanse − yin and yang, male and
female, spiritual and material ang mga halimbawa ng balanse.
REFERENCES:

http://www.religionfacts.com/eight-point-star
https://medium.com/@dott.lucafalace/the-eight-pointed-star-bad570901f4c
http://lisiming.net/wp-content/uploads/2011/07/8-immortals.jpg
https://www.metmuseum.org/learn/educators/curriculum-resources/art-of-the-islamic-
world/unit-one/the-five-pillars-of-islam
http://robscholtemuseum.nl/wp-content/uploads/2016/01/Symbolic-meaning-of-the-
pentagram.pdf
https://i.pinimg.com/originals/08/1a/e3/081ae321d9539704fa062682942ae91e.jpg
https://i.scdn.co/image/811511ea4c410ca0e5fc3664cde52b6992440251
https://www.equip.org/article/the-attributes-of-god-what-are-the-attributes-of-god/
http://humanityhealing.net/2012/09/mystical-symbol-the-star-of-david/
https://www.britannica.com/topic/flag-of-Israel#ref713742
https://theuglytruth.files.wordpress.com/2014/10/star-of-moloch-666-final.png
https://www.jw.org/tl/turo-ng-bibliya/mga-tanong/kahulugan-ng-numero-sa-bibliya/
https://www.llewellyn.com/journal/article/2320
http://www.rialian.com/elvslant.htm
https://www.magicalrecipesonline.com/images/septagramheptagramelvenstar.jpg
https://i.pinimg.com/564x/14/4d/58/144d58d25368cf89275c890603833206.jpg

You might also like