You are on page 1of 2

Name: ___________________________________ Date: _________________________

Summative # 1.8
ESP VI

1.Ang iyong kaklase na si Alden ay nagtitinda ng kakanin sa paaralan. Ito ay ginagawa niya bago pumasok at pagkatapos ng klase.
Pinagtatawanan siya ng iyong mga kaklase at tinawag siyang “Alden kakanin”. Ano ang gagawin mo?
a. Pababayaan ko silang tumawa at baka magalit pa sila c. Ipagtatanggol ko si Alden at makikipag-away
b. Pagsasabihan ko sila at pangangaralan d. Magsasawalang kibo na lang
2.Gustong sumali ni Marvin sa inyong grupo subalit isa siyang sabadista. Ano ang dapat mong sabihin sa kaniya?
a. Opps! di ka pwede sa aming grupo c. Alis, ayaw namin sa Sabadista
b.Halika, welcome ka sa grupo d. Layas, di ka bagay ditto
3.Pista sa Parokya. Inanyayahan ka ng iyong kapitahay na sumali sa prusisyon ngunit hindi ka naman Katoliko. Ano ang dapat mong sabihin?
a. Ay! ayoko, di naman ako Katoliko c. hindi ako sasali ngunit igagalang ko ang inyong pananampalataya

b. Sasali ako kahit na labag sa kalooban ko d. kukutyain ko kayo sa inyong ginagawa


4.Nagkatay kayo ng baboy bilang pasasalamat ng ate mo na galing sa abroad. May inanyayahan siyang kaibigan na isang Muslim. Pagdating
sa oras ng kainan, ano ang gagawin mo?
a. pabayaan siya sa ibang bisita sa pagkain ng putaheng baboy c. paalisin na lang siya
b. iwanan siya ng putaheng pwede niyang makain d. hindi na lang siya pakainin
5.Paano mo ipakikita ang paggalang sa pook dalanginan ng mga Iglesia ni Cristo, kahit hindi ka kaanib?
a. umawit nang malakas sa harapan ng pook dalanginan c. maglaro ng basketbol habang nagsisimba
b. sulatan ang dingding at pinto ng bahay sambahan d. iwasan ang paglikha ng ingay malapit sa pinto
6.May inilunsad na gawaing pansibiko na “Clean and Green” sa inyong lugar, Ano ang iyong gagawin?
a. makilahok sa mga gawaing ito c. sasali dahil sa sariling interes
b. sasali dahil may malaking pera dito d. hindi dahil nakakapagod
7.Karapatan ng isang batang tulad mo na magkaroon ng malusog at malinis na pangangatawan. Paano mo igagalang ang karapatang ito?
a. kumain ng junk foods araw-araw c. uminom ng gatas kumain ng gulay at mag-ehersisyo araw-araw
b. uminom ng softdrinks araw-araw d. iwasan ang pagkain ng gulay at prutas
8.Gusto mong mapaunlad nang maayosang ating bansa. Ano ang tungkulin ng mamamayan na dapat nating sundin?
a. walang pakialam sa mga tungkulin ng gobyerno c. pagbayad ng buwis satakdang panahon
b. sumunod lamang kung sinasabi ng gobyerno d. pagbabawas ng halaga sa dapat bayaran
9.Ang kotse ninyo ay bumubuga ng maitim na usok. Alin ang nararapat na gawin?
a. ipaayos ang makina ng kotse c. ipadala sa junkshop
b. ibenta dahil luma na d. ipagwalang bahala ito
10.Nagpasiya ang mag–anak ni Mario na magtayo ng manukan malapit sa mga kabahayan. Marami ang pumuna nito. Dapat ba niyang ituloy
ito?
a. hindi, dahil sa masamang epekto nito c. bahala na ang mga apektado nito
b. Oo, sayang ang kikitain nito d. balewalain ang pumupuna
11.Naglalakad ka papunta sa silid – aklatan nang makita mo ang isang batang nagtatapon ng balat ng saging sa
daanan,Ano ang iyong gagawin?
a. isumbong sa punong guro c. pagalitan siya
b. pagsabihang pulutin dahil maging sanhi ito ng aksidente d. murahin siya
12.Nakita mong nagtatapon ng mga basura sa kanal ang kapitbahay mo. Ano ang gagawin mo?
a. pagsabihan mo sa pinsalang maaring idulot nito c. awayin mo siya
b. isumbong sa kapitan ng baragay d. pabayaan lang siya
13.Nakita mong may pasugalan malapit sa paaralan. Bilang isang bata, ano ang unang gagawin mo?
a. Sasabihin sa guro c. isumbong sa barangay
b. Sasabihin sa magulang d. isumbong sa pulis
14.Nakita mo ang isang grupo ng kalalakihan na binubully ang isang bata. Ano ang gagawin mo?
a. Isusumbong sa guro c. pagagalitan ang mga nambubully
b. Isusumbong sa magulang d. magsasawalang kibo
15. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng nakasusugat na bagay sa paaralan. Nakita mo ang kaklase mona pinaglalaruan ang isang
patalim. Ano ang gagawin mo?
a. Isusumbong sa guro c. Isusumbong sa pulis
b. Isusumbong sa magulang d. Isusumbong sa barangay
16.Inaaway ka ng kaklase mo dahil nasira moa ng kanyang pantasa. Ano ang gagawin mo?
a. Hihingi ng paumanhin at mangakong papalitan c. Aawayin din siya
b. Pababayaan siya sa ginagawa d. Iiyak na lang
17.Ginamit ng ate mo ang damit na dapat ay susuutin mo sa araw ng pagsimba. Ano ang gagawin mo?
a. Aawayin siya c. Pagsasabihan ng maayos
b. Isusumbong sa magulang d. Di siya kikibuin
18. Ang iyong mga kaklase ay may bagong uniporme. Nagsabi ka sa iyong inay na ibili ka rin ng bago subalit kapos daw ang badyet ng
pamilya.
a. Magmamakaawa sa magulang na bilhan ng bagong uniporme
b. Mangungutang ng pambili ng bagong uniporme
c. Iiyak na lang sa isang tabi
d. Magtitiis muna sa lumang uniporme
19.Sobrang trapik sa kalsada, napansin mo na ang school service mo ay sumisingit sa mga nakapilang sasakyan. Tama ba ang ginawa ng
drayber?
a. Oo dahil mahuhuli na ang mga nakasakay na mag-aaral
b. Hindi dahil kailangang matutunan ang pag-aantay sa iyong pila
c. Oo basta magawan ng paraan
d. Hindi dahil baka pagmulan ng away
20. Wala pa sa bahay ang magulang mo. Gutom na kayo pareho ng batang kapatid mo. Ang tanging pagkain lang sa bahay ay isang pirasong
tinapay. Hinati mo subalit kulang pa raw nya ito. Ano ang gagawin mo?
a. Ibibigay ko na lang sa kanya ang parte ko c. Hindi ko na lang siya bibigyan
b. Kakainin ko pa rin ang parte ko d. Hihintayin ko na lang ang aming magulang

21. Unang araw ng klase, ikaw ay naatasang magtaas ng bandila subalit tinawag ka ng iyong kaklase upang mag-ensayo sa paglalaro ng
chess. Ano ang gagawin mo?
a. Sasamahan ko ang aking kaklase. b. Tatanggihan ko siya at ipapaliwanag ang mahalagang gawain.
c. Mangangako akong sasamahan ko siya. d. Hindi na lang ako pupunta sa dalawa.
22. Inutusan ka ni Gng. Davila na maglinis ng silid-aralan sa oras ng uwian. Naalala mong maglalaro kayo ng basketbol ng mga kababata mo
sa basketball court sa inyong barangay.
a. Susundin ang utos ng guro c. Maglalaro ako dahil may usapan na ang grupo
b. Makikiusap ako sa aking guro na pauwiin ng maaga d. Uuwi na lang ako nang walang paalam
23.Tanghali na at hindi pa dumating si nanay buhat sa palengke. Wala pang sinaing at nais mong makatulong. Alin sa mga ito ang dapat mong
gawin?
a. magpaturo kung paano magsaing sa kapitbahay c. utusan ang kapatid na siyang gumawa
b. hihintayin si nanay baka magkamali d. walang gagawin
24.Naatasan ka sa barangay upang mamuno sa “clean and green program” subalit inimbitahan ka ng iyong tiya na magbakasyon sa kanilang
probinsya. Saan ka sasama?
a. Sa probinsya dahil matagal na di nakakapunta c. Hindi na lang pareho pupuntahan
b. Sa programa upang makatulong sa barangay d. Sa barangay upang maging bida
25.Gusto mong manood ng telebisyon ngunit tanghali na at hindi pa dumating ang nanay na pumunta sa palengke. Alin dito ang iyong gagawin.
a. manood muna ng telebisyon c. magluluto muna bago manood
b.gagawa ng takdang- aralin d. matutulog muna bago magluto
26.Kaarawan ng kaibigan mo at inimbitahan ka para dumalo sa kaniyang party at nangako kang dadalo. Ngunit marami kang dapat tapusin na
gawain. Ano ang gagawin mo?
a. ipagwalang bahala ito c. hahanap ng “alibi”
b. dadalo subalit magpapaalam ng maaga d. ipagpapatuloy ang gagawin
27.Dalawa sa kaklase mo ang magdiwang ng kanilang kaarawan. Si Rose ay mayaman ngunit si Kris ay mahirap lamang.
Sino sa dalawa ang bibigyan mo ng mamahaling regalo?
a. Si Kris dahil siya ay may higit na pangangailangan c. Si Rose dahil mayaman
b. Si Rose dahil gustong-gusto niya ang regalo d. magbunutan sila kung sino ang bibigyan
28.Nagkaroon ng problema sa bahay na kailangan ng solusyon. Ano ang pwede mong gawin?
a. tumulong upang masolusyonan ang problema c. tawanan ang problema
b. ipagwalang-bahala ang problema d. solusyonan agad ang problema
29.Nahuli ni Bb. Ebio na may nagkokopyahan sa mga estudyante nya sa araw ng pagsusulit. Tinanong ka nya kung nakita mo din ito. Ano ang
gagawin mo?
a. Sasabihing di mo sila nakitang nagkokopyahan c. Aaminin mo ang totoo sa guro
b. Pagtatakpan mo sila dahil sila’y iyong kaibigan d. Magmamaang-maangan sa pangyayari
30.Bumibili kayo ng iyong kaibigan sa canteen ng meryenda nang di mo sinasadyang matabig ang bote ng inumin. Ang pera mo ay pambili na
lang ng pagkain. Ano ang gagawin mo?
a. Hindi babayaran dahil wala ka pambili ng meryenda b. Babayaran ang nabasag na tinda at di na lang kakain
c. Magkukunwaring di ikaw ang nakabasag d. Mangakong babayaran upang makabili ng meryenda
31. Galit ang iyong mga kaklase dahil bukod tanging ikaw lang ang nakagawa ng takdang aralin kay G. Fernandez. May usapan ang lahat na
wala ng gagawa upang di na maalala ng guro ang takdang aralin. At wala ka noong oras ng kanilang pag-uusap sapagkat inutusan ka ng iyong
guro.
a. Di na lang ipapasa ang ginawang takdang aralin upang di magalit ang mga kaklase.
b. Ipapasa pa rin ang gawa dahil iyon ay iyong pinaghirapan
c. Ipapasa ang gawa, hihingi ng paumanhin sa mga kaklase at magpapaliwanag
d. Magsusumbong sa guro ng napag-usapan ng buong klase
32.Maaga kang pumasok ng silid-aralan pagkatapos ng flag ceremony. Nakita mong may kinuha ang iyong kaklase sa bag ng isa mo pang
kaklase. Ano ang gagawin mo?
a.Kunwari ay di mo nakita ang kanyang ginawa b. Pangangaralanat pagsasabihan mong ibalik niya ang kinuha sa bag

c. Isusumbong mo siya sa guro d. Pagagalitan mo siya


33.May itinatayong paggawaan o pabrika sa inyong lugar. Dahil sa masamang usok na ibinubuga nito, nagtatag ng kilusan laban dito. Ano ang
dapat mong gawin?
a. balewalain ang masamang epekto c. tumangging sumali agad
b. tumangging sumali sa kilusan d. masigasig na lumahok sa kilusang ito.
34.Nakita mong gumagamit ng bawal na gamot ang anak na iyong kapitbahay. Ano kaya ang magagawa mo para matulungan siya?
a. Isusumbong sa guro c. pagalitan siya
b. Sasabihin ang nakita sa kanyang magulang d. isumbong sa pulis
35.Paano mo maipakita sa iyong magulang ang sipag sa pag-aaral?
a. gawin ang mga gawaing pampaaralan kapag binabantayan ng guro b. gawin lahat ang mga gawaing madaling gawin
c. pumasok nang maaga araw-araw at gawin lahat ang takdang-aralin d. pumasok araw-araw kapag malaking halaga ang baong pera
36.Anong ugali ang kinakailangan ng isang bata upang matamo niya ang pangarap at pangako sa magulang.
a. ang pagkawalang bahala sa kanyang Gawain c. ang pagkamainisin sa kanyang gawain
b. ang pagkamaguluhin sa kanyang gawain d. ang pagkamatiyaga sa kanyang Gawain
37.Mahirap si Samuel ngunit matalino. Dahil dito, naging iskolar ng pamahalaan hanggang nakatapos ng doctor. Nagpasya siyang manirahan
sa Amerika. Tama ba ang desisyon niya?
a. tama, dahil mataas ang sahod doon c. hindi, dahil marami ang nangangailangan ng kaniyang serbisyo
b. tama, dahil masarap manirahan sa abroad d. hindi, dahil baka ma “KARMA” siya
38.Nagpasya ang mag-anak ni Luis na magsagawa ng paglilinis sa loob at labas ng kanilang tahanan sa darating na sabado. Nakagawian ni
Luis na maglaro ng basketbol tuwing araw na ito. Kung ikaw si Luis, ano ang gagawin mo?
a. tutulong muna sa paglilinis bago maglaro c. tutulong na nakasimangot
b. maglaro ng basketball dahil naghihintay ang barkada d. tutulong na magdadabog
39.Malayo ang pinapasukan mong paaralan sa iyong bahay. Kailangan lakarin ito dahil walang dumadaang sasakyan. Kapag umuulan
sinasabihan ka ng iyong magulang na lumiban na lang. Ano ang gagawin mo?
a. Titigil na lang ng pag-aaral at baka mapahamak tuwing umuulan
b. Ipagpapatuloy ang pag-aaral at titiising maglakad upang makapagtapos
c. Maghahanap ng kahit sinong matutuluyan na malapit sa paaralan
d. Papasok pa rin at madalas na liliban sa klase
40. Nawalan ng trabaho ang iyong ama. Sinabihan ka ng iyong ina na tumigil na lang ng pag-aaral upang may makasama siyang mag-alaga ng
iyong kapatid at magtinda ng kakanin. Ano ang gagawin mo?
a. Sasabihin sa ina na aagahan na lang ng gising at uwi mula sa paaralan upang matulungan siya
b. Susundin ang ina at titigil na lang sapag-aaral upang matulungan siya
c. Iiyak na lang at magsusumbong sa ama
d. Di pakikinggan ang sinabi ng ina at patuloy pa ring papasok

You might also like