You are on page 1of 5

Gawaing Papel sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang: 8

Pangalan: ____________________________________Petsa: _____________

Edukasyon sa
Pagpapakatao 8
Ikalawang Markahan
Worksheet # 1 - Week 3
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kaibigan at ang mga natutuhan niya
mula sa tao.

Development Team of the Module


Manunulat: Alpha A. Tatac

Editors: Rosemarie C. Cuaresma

Tagasuri: Emma A. Sendiong, EdD

Tagaguhit:

Tagalapat: Diana N. Acerdano

Tagapamahala: Cecille G. Carandang, CESO VI


Buenafe E. Sabado PhD
Helen G. Padilla, Ph
Emma A. Sendiong, EdD
Jonas Feliciano C. Domingo, EdD

MELC: EsP10MK-IIc-6.1 Inihanda ni: Alpha A. Tatac


Gawaing Papel sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang: 8

Kaibigan ko

Magandang Araw sa iyo! Isang bagong aralin ulit ang ating matutunghayan
sa araw na ito.

Kaibigan ito ang turing mo sa kanila. Maaasahan, masasandalan o takbuhan


at maraming mapag-uusapan at maraming mga hindi malilimutang karanasan mula
sa iyong pagsasama. Mahalagang maunawaan na ang pagkakaibigan ay hindi isang
damdamin, bagkus isang pasiya dahil ito ay nangangailagan ng malinaw na
hangarin.

“Ang tunay na pakikipagkaibigan ay sumisibol mula sa pagmamahal ng mga


taong malalim na nakilala ang pagkatao sa pananaw ng sarili at iba. Ito ay isang
natatanging damdamin para sa espesyal na tao na mas higit ang halaga sa isang
ordinaryong kakilala lamang. Hindi ito pumapanig sa kabutihan ng isa kundi para
sa isa’t isa. Naiaangat nito ang antas ng buhay tungo sa positibong ugnayan ng
isang lipunan” ayon kay Aristotle, isang Griyegong pilosopo na nagbigay ng
makabuluhang pananaw sa pakikipagkaibigan. Kung susuriin, makikita na ang
pagkakaibigan ay nabubuo sa pamamagitan ng isang malalim na ugnayan ng
dalawa o mahigit pang tao na hindi nakabatay sa kanilang mga katangian kundi sa
mas malalim na aspekto ng kanilang pagkatao. Likas sa isang tao ang maghanap ng
taong makakaugnayan dahil siya ay panlipunang nilalang.

Ngunit mahalagang maunawaan na ang lahat ng malalim na pagkakaibigan


ay nag-uugat sa isang simpleng ugnayang interpersonal. Kung kaya’t hangga’t hindi
napagyayaman ang simpleng ugnayan na ito, hindi magiging possible ang makabuo
ng malalim na pagkakaibigan. Ayon kay Emerson,” Ang biyaya ng mabuting
pagkakaibigan ay hindi lamang makakamit sa ngiti at saya ng isang pangkat ng
magkakakibigan o ng tulong at pabor na maibibigay nila. Kundi, ito’y
mararamdaman sa inspirasyong nagmumula sa taong naniniwala at nagtitiwala sa
atin.

Sabi ni William James, “Ang wagas na pagkakaibigan ay bunga ng pagsisikap


na dalisayin at patatagin ang ugnayan sa pangmatagalang panahon. Kung kaya
dapat unawain na kailagan ng pagsisikap upang tumagal ang pagkakaibigan. Ang
pagsisikap ng sinuman na alagaan ang ugnayan sa isang kaibigan ang
nagpapatingkad ng halaga ng isang samahan.

MELC: EsP10MK-IIc-6.1 Inihanda ni: Alpha A. Tatac


Gawaing Papel sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang: 8

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliiin ang titik ng
pinakatamang sagot. Bilugan ang napiling sagot

1. Ang sumusunod ay kahalagaan ng mabuting pagkakaibigan maliban sa


A. Binigay ni Leah ang sobrang delata kay Eva dahil nakita niyang kailangan
niya ito
B. Gumawa ng paraan si Leo para maging kaibigan si Leah upang mabigyan
din siya ng delata
C. Kahit malayo na si Eva ay patuloy pa rin ang kumustahan sa text
message at facebook
D. Inspirasyon ni Eva sa kaniyang pag-aaral si Leah dahil sa nakita niyang
kasipagan nito sa pag aaral

2. Ang sumusunod ay naglalarawan sa pananaw ni Aristotle maliban sa:


A. Ang tunay na pakikipagkaibigan ay sumisibol mula sa pagmamahal ng
mga taong malalim na nakilala ang pagkatao sa pananaw ng sarili at iba
B. Ito ay isang natatanging damdamin para sa espesyal na tao na mas higit
ang halaga sa isang ordinaryong kakilala lamang
C. Naiaangat nito ang antas ng buhay tungo sa negatibong ugnayan ng isang
lipunan
D. Hindi ito pumapanig sa kabutihan ng isa kundi para sa isa’t isa

3. Ano ang pangunahing dapat na mapagyaman upang maging posible ang


pagbuo ng malalim na pagkakaibigan?
A. Pagpapayaman ng pagkatao
B. Pagpapabuti ng personalidad
C. Simpleng ugnayan interpersonal
D. Pagpapaunlad ng mga kakayahan

4. Ang mabuting pagkakaibigan ay hindi lamang makakamit sa ngiti at saya.


Kundi, ito’y mararamdaman sa inspirasyong nagmumula sa taong
A. humuhusga sa atin
B. naniniwala at umaasa sa atin
C. naniniwala at nagtitiwala sa atin
D. nagpapasaya at nagtitiwala sa atin

MELC: EsP10MK-IIc-6.1 Inihanda ni: Alpha A. Tatac


Gawaing Papel sa EsP Baitang: 8

Panuto: Best Friend Forever

1. Maglagay ng larawan kasama ka at ang best friend mo


2. Sagutin ang mga sumusunod na tanong sa ibaba

BEST Friend Forever

My best friend and me

1. Pinakikilala ko ang best friend ko:


Name _____________________________________________
Likes ko sa kanya _____________________________________
Dislike ko sa kanya ____________________________________
Ugaling pareho naming gusto sa isa’t isa
___________________________________________________
Lagi kaming sabay _____________________________________
Favorite na:
Kulay __________ ulam __________ sports ________________
artist/singer ________________________________________

MELC: EsP10MK-IIc-6.1 Inihanda ni: Alpha A. Tatac


Gawaing Papel sa EsP Baitang: 8

Subukin Mo:

1. D
2. C
3. B
4. A

Mag-isip at Lumikha: Ang sagot ay depende sa ginawa ng mag-aaral.

Sanggunian:
Aklat:

Regina Mignon C Bognot, et al………. (2013) Edukasyon sa Pagpapakatao 8, Modyul Para sa Bata,
Vibal Publishing House Inc.

MELC: EsP10MK-IIc-6.1 Inihanda ni: Alpha A. Tatac

You might also like