You are on page 1of 6

Gawaing Papel sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang: 8

Pangalan: ____________________________________Petsa: _____________

Edukasyon sa
Pagpapakatao 8
Ikalawang Markahan
Worksheet # 1 - Week 1
Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kapwa

Development Team of the Module

Manunulat: Alpha A. Tatac

Editors: Rosemarie C. Cuaresma

Tagasuri: Emma A. Sendiong, EdD

Tagaguhit:

Tagalapat: Diana N. Acerdano

Tagapamahala: Cecille G. Carandang, CESO VI

Buenafe E. Sabado PhD
Helen G. Padilla, Ph
Emma A. Sendiong, EdD
Jonas Feliciano C. Domingo, EdD

MELC: EsP8PIIa-5.1 Inihanda ni: Alpha A. Tatac

Gawaing Papel sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang: 8

Modyul 1: Pakikipagkapwa-Tao

Magandang araw!

Ang tao ay likas na panlipunang nilalang nilikha ayon sa larawan at

wangis ng Diyos, natutugunan niya ang pangangailagang makapagbibigay sa
kanya ng kasiyahan, ang pakikipagkaibigan. Hindi lahat ng iyong karanasan
sa paghahanap ng taong makaksundo mo ay naging madali o maganda,
nakasalalay sa iyo ang lawak at lalim ng iyong pakikipag ugnayan sa iba. Ito
ay nakatutulong sa paghubog ng matatag na pagkakakilanlan at
pakikisalamuha sa lipunan kayat nakikipag ugnayan siya sa kanyang kapwa
na may lakip na paggalang at pagmamahal, may kakayahang mamuhay at
makibahagi sa lipunan upang malinang siya sa aspetong intelektwal,
panlipunan, pangkabuhayan at politikal na aspekto ng pagkatao.

Ang birtud ng katarungan justice at pagmamahal. Ang pagmamalasakit

sa kapwa, umunawa ng damdamin ng iba, bayanihan ay kailangan sa
pagpapatatag ng pakikipagkapwa ang pagiging ganap niyang tao ay
matatamo sa paglilingkod sa kapwa ang tunay na indikasyon ng pagmamahal

Panuto:

1. Basahing at unawain ang maikling kwento

2. Nasa ibaba ang kopya nito
3. Sagutin ang mga katanungan sa ibaba.

MELC: EsP8PIIa-5.1 Inihanda ni: Alpha A. Tatac

Gawaing Papel sa Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang: 8

LIBRENG BISEKLETA KAY LOLO

Dahil limitado pa rin ang bumabyaheng mga bus at jeep, minabuti ng mga
manggagawa ang gumamit ng bisikleta para pumasok sa trabaho. Ang ibang hindi
makabili ng bike ay tinahak ang kalsada nang naglalakad.

Isa si Lolo Carlos Samonte sa mga ‘to. Araw-araw, naglalakad siya mula Pasay
hanggang Makati para magtinda ng candy. 83 years old na si Lolo pero kahit umulan
o umaraw, tuloy pa rin siya sa pagtatrabaho. Kitang-kita talaga ang Filipino
resilience sa tatag ng mga matatandang gaya ni Lolo Carlos.

Bago pa man magkaroon ng COVID-19, pangarap na ni Lolo na makabili ng bike.

Gamit ang parte ng ayuda mula sa gobyerno, sinubok nyang tawaran ang isang bike
para ma-afford ito. Pero imbis na ibenta sa kanya sa mas mababang halaga, ibinigay
na lang ng may-ari nang libre ang bike.

Laking tuwa ni Lolo Carlos na nasuklian ang kanyang sipag at tatag ng kabutihang
loob ng kapwa at nagkaroon pa siya ng bagong kaibigan. Kahit karamihan ng
Pilipino’y gipit ngayong panahon ng krisis, marami pa rin ang handang tumulong at
magmalasakit sa nangangailangan—isa sa pinakamatingkad na Filipino values.

Mga Katanungan:

1. Araw-araw ay __________ si Lolo Carlos para magtinda ng _________.

2. Pangarap na ni Lolo na makabili ng _____________. Gamit ang parte ng ayuda
mula sa gobyerno
3. Dahil limitado pa rin ang bumabyaheng mga _______ at ______, minabuti ng mga
manggagawa ang gumamit ng bisikleta
4. Sa na ibenta ng may ari ang bisikleta sa mababang halaga ito ay_______kay lolo.
5. Isa sa pinakamatingkad na Filipino values sa panahon ng krisis ang handang
____________ at _____________ sa nangangailagan.

MELC: EsP8PIIa-5.1 Inihanda ni: Alpha A. Tatac

Gawaing Papel sa EsP Baitang: 8

Panuto:

1. Hanapin at tukuyin ang sampung salitang maituturing mong kapwa, na

nakatago sa larawan na ito.

2. Isulat ang sagot sa kuwaderno

KAIBIGAN TITO

GURO

KAPATID

KAAWAY
PARI

MELC: EsP8PIIa-5.1 Inihanda ni: Alpha A. Tatac

Gawaing Papel sa EsP Baitang: 8

Panuto:

1. Pumili ng isa sa mga sumusunod na kasabihang Pilipino tungkol sa pagpili ng kaibigan

at kahalagahan ng pagiging mabuting kaibigan.
a. Ang matapat na kaibigan, tunay na maaasahan.
b. Ang tunay mong kaibigan, nasusubok sa kagipitan.
c. Ang matalik kong kaibigan ang yung tumutulong na mailabas ko ang
pinakamagandang mga bagay tungkol sa akin.
d. Pagkakaibigan ang pinakamagandang regalong maibibigay ng buhay

2. Ipaliwanag ito sa 10 pangungusap. Maaring magbigay ng halimbawa o kaya isalaysay na

hango sa totoong buhay.

________________________________________________________________________________

______________________________.

MELC: EsP8PIIa-5.1 Inihanda ni: Alpha A. Tatac

Gawaing Papel sa EsP Baitang: 8

Subukin Mo:
1. naglalakad, candy
2. bisekleta
3. bus, jeep
4. binigay
5. tumulong , magmalasakit

Paghusayin:

1. Nanay
2. Tatay
3. Doctor
4. Tito
5. Kaibigan
6. Kaaway
7. Guro
8. Pari
9. Kaklase
10. Kapatid

Mag-isip at Lumikha: Ang sagot ay depende sa ginawang pagsasalaysay ng mag-aaral.

Sanggunian:
Aklat:

Regina Mignon C Bognot, et al………. (2013) Edukasyon sa Pagpapakatao 8, Modyul Para sa Bata,
Vibal Publishing House Inc.

Internet:

https://www.palawanpawnshop.com/blog/covid-19-filipino-resilience

https://www.philippinehistory.info/2016/08/salawikain-tungkol-sa-kaibigan.html

MELC: EsP8PIIa-5.1 Inihanda ni: Alpha A. Tatac

You might also like