You are on page 1of 4

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5

Pangalan: ________________________________ Baitang: ____________ Pangkat: ___________


Kasanayang Pampagkatuto at Koda: Nakapagpapakita ng paggalang sa mga dayuhan sa
pamamagitan ng; 13.1 mabuting pagtanggap/pagtrato sa mga katutubo at mga dayuhan.
(EsP5P-11c-24)
Gawain 1
Panuto: Basahin at suriin ang mga pangungusap sa bawat bilang. Tukuyin kung ito ay
nagpapakita o hindi nagpapakita ng paggalang sa kapwa. Isulat ang tama kung
nagpapakita ng paggalang at mali kung hindi naman.

________1. Iniiwasan ni Ben ang kapitbahay niyang dayuhan dahil puting-puti ang balat
nito.
________2. Pinagtatawanan nila Ana ang kaklase niyang kulot ang buhok.
________3. Maging magalang sa mga taong kakaiba ang pisikal na anyo.
________ 4. Pagtatawanan ang kaklase na may kapansanan sa pagsasalita.
________5. Maging magalang sa pakikinig sa opinyon ng iba.

Gawain 2
Panuto: Iguhit sa sagutang papel ang masayang mukha k kung ito ay nagpapakita ng
paggalang sa katutubo at dayuhan at malungkot ( ) kung hindi naman.
________1. Itinuring na kaaway ni Nena ang kaniyang pinsan na galing ibang bansa.
_______2. Pinapakinggan ni Tyronia ang opinyon ng kaniyang kasama sa pangkat.
_______ 3. Naniniwala si Myra na dapat pakialaman ang gamit ng iba kung wala naman
nakatingin.
_______ 4. Tinuturuan ni Laurence ang kaniyang pinsan na galing sa ibang bansa sa mga
kaugaliang Pilipino.
_______5. Pakikinig at pagsagot ng mabuti sa mga dayuhan na nagtatanong at
nagpapahayag ng saloobin.
Gawain 3

Panuto: Iguhit ang (tsek) kung ang pangungusap ay nagpapakita ng paggalang sa mga katutubo at
mga dayuhan X (ekis) naman kung hindi.
________1. Ipaghanda ng miryenda ang mga dayuhan o katutubo na dumalaw sa inyong tahanan.
________2. Pakitunguhan o tratuhin ng magiliw ang mga panauhing katutubo at mga dayuhan na bumisita sa
ating paaralan.
________3. Pagtawanan ang mga katutubong nakikita sa lansangan.
________4. Huwag pansinin ang mga anak ng inyong bisita dahil hindi mo maiintindihan ang kanilang
lengguwahe o salita.
________5. Igalang ang karapatan ng bawat tao.

Gawain 4
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap sa ibaba at tukuyin kung ito ay nagpapakita ng paggalang sa
mga katutubo at dayuhan. I-tsek (✓) ang kolum na TAMA kung ito ay nagpapakita ng paggalang at guhitan
naman ng ekis (X) ang kolum ng MALI kung hindi ito nagpapakita ng paggalang.
Bilang Mga Pangungusap Tam Mali
a
1 Pinagtatawanan ni Carlo ang buhok ng bago niyang kaklaseng katutubong Aeta.
2 Madalas nakikisali si Ana sa usapan ng ibang tao at lagi niya itong pinupuna kapag
hindi pabor sa kanyang ideya.
3 Iniiwasan ni Peter ang mapadaan sa kanilang kapit-bahay dahil ayaw niyang
makausap ang Amerikanong naninirahan dito.
4 Kami ay tumatahimik sa bahay sa tuwing naririnig naming nagdarasal ang aming
kapitbahay na Muslim.
5 Minamaliit ni Berto ang nakatunggali niyang Koreano sa isang paligsahan kahapon.
Mga sagot:
Gawain 1
1.Mali
2.Mali
3.Tama
4.Mali
5.Tama

Gawain 2
1.
2.
3.
4.
5.

Gawain 3
1. ✓
2. ✓
3. X
4. X
5. ✓

Gawain 4
1. X
2. X
3. X
4. ✓
5. X

You might also like