You are on page 1of 27

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Paggalang sa Suhestiyon ng Kapwa
upang Mapanatili ang Kapayapaan
at Pagkakaunawaan
Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of
the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such
agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their
respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them.

Published by the Department of Education


Secretary: Leonor Magtolis Briones
Undersecretary: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM

Author : Rica E. Obispo


Co-Author - Content Editor : Cris V. Regala
Co-Author - Language Reviewer : Maria Fe B. Visda
Co-Author - Illustrator : Jeffrey R. Cordova
Co-Author - Layout Artist : Lanie D. Lalic

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Dinalupihan : Rodger R. De Padua, EdD
Principal District LRMDS Coordinator : Miralou T. Garcia, EdD
Teacher District LRMDS Coordinator : Jennifer G. Cruz
District SLM Content Editor : Marlon D. Paguio
District SLM Language Reviewer : Cris V. Regala

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Learning Area : Jacqueline C. Tuazon
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Printed in the Philippines by Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 7:
Paggalang sa Suhestiyon ng Kapwa
upang Manatili ang Kapayapaan at
Pagkakaunawaan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao-Ika-


anim na Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Paggalang sa Suhestiyon ng Kapwa upang Mapanatili ang Kapayapaan at
Pagkakaunawaan!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga
impormasyon tungkol sa paggalang sa
suhestiyon ng kapwa upang mapanatili
ang kapayapaan at pagkakaunawaan.
Unawaing mabuti ang aralin upang
masagutan ng maayos at tama ang mga
pagsasanay.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikaanim na


Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Paggalang sa
Suhestiyon ng Kapwa upang Manatili ang Kapayapaan at Pagkakaunawaan.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

iii
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Sa modyul na ito ay matutuhan mo na ang pagpapakita ng paggalang sa suhestiyon


ng kapwa ay makapagpapanatili ng kapayapaan at pagkakaunawaan. Marami
tayong hinaharap at pinagdadaanan sa araw-araw na pamumuhay. Sa nagdaang
mga araw, ang lahat ay humarap sa napakalaking pagbabago na naging sanhi ng
hindi pagkakaunawaan, bunga nito ay nagkaroon ng kalituhan at kaguluhan. Sa
pagpapakita ng paggalang sa suhestiyon ng kapwa ay makapagpapanatili ka ng
kapayapaan at pagkakaunawaan. Ang wastong paghingi ng payo sa nakatatanda ay
lubos na makatutulong upang maging gabay mo sa paggalang sa kapwa upang
mapanatili ang kapayapaan at pagkakaunawaan ng lahat.
Sa katapusan ng modyul na ito, inaasahang makakaya mong ipakita ang paggalang
sa suhestiyon ng kapwa upang mapanatili ang kapayapaan at pagkakaunawaan sa
pamamagitan ng wastong kilos at paggamit ng wastong salita.

• Naipakikita ang paggalang sa suhestiyon ng kapwa upang mapaanatili ang


kapayapaan at pagkakaunawaan (EsP6P-IId-i-31)
Sa modyul na ito inaasahang maipamamalas mo ang pagsagot ng wasto sa mga
susunod na talakayan at mga gawain.

Tara na, simulan na natin ang pagtalakay sa aralin!

1
Subukin

Pagmasdan ang larawan.

Larawan A Larawan B

Tingnan ang mga larawan at sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang ipanahihiwatig ng Larawan A?

2
2. Sa iyong palagay, ano kaya ang sanhi ng kaguluhan sa Larawan
A?

3. Ano ang ipinapahiwatig ng larawan B?

4. Bakit kaya masaya ang mukha ng mga bata?

5. Paano ba magkakaroon ng kapayapaan at pagkaka-unawaan sa


magkakaibiganat sa kapuwa.

Nasagutan mo ba nang tama ang unang pagsasanay? Mahusay! Dagdagan pa ang


iyong kaalaman. Ikaw ay magpapatuloy sa aralin.

3
Paggalang sa Suhestiyon ng
Aralin
Kapwa upang Mapanatili ang
1 Kapayapaan at
Pagkakaunawaan
Naranasan o nasaksihan mo na ba ang isang alitan o kaguluhan? Bakit kaya
nagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng magkakaibigan? Ang
pagbibigay ng paggalang sa suhestiyon ng kapuwa ay makapagpapanatili ng
kapayapaan at pagkakaunawaan ng bawat isa, kung kaya’t ito ay mahalaga. Sa
araling ito ay mabibigyan ka ng sapat na kaalaman tungkol sa pagbibigay paggalang
sa suhestiyon ng kapwa upang mapanatili mo ang kapayapaan at pagkakaunawaan
sa iyong kapaligiran.

Ngunit bago tayo magpatuloy ay balikan natin ang nakaraang aralin.

Balikan

Ang mga pangungusap ay nagsasaad ng pamamaraan ng paggalang sa suhestiyon


ng kapwa. Pumili sa pagitan ng Tama o Mali. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Tama Mali 1. Maging mahinahon sa pakikipag-usap upang maunawaan ang


sinasabi ng aking kapuwa.

Tama Mali 2. Huwag pansinin ang suhestiyon ni Alma at ipilit ang aking suhestiyon.

Tama Mali 3. Magalit sa mga kagrupo kapag pinuna nila ang kakulangan ng aking
suhestiyon.

Tama Mali 4. Dapat ay pakinggan ni Lina at igalang ang mga suhestiyon ng


kaniyang mga kasama.

Tama Mali 5. Iwasang makasakit ng damdamin ng iba.

Kumusta ang naging talakayan sa nagdaang aralin? Sana ay nagustuhan mo ang


aralin na tinalakay.

4
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay naghahanda sa mga mag-aaral upang
makapagbigay paggalang sa suhestiyon ng kapwa upang
mapanatili ang kapayapaan at pagkakaunawaan. Bilang guro,
katungkulan mo na siguraduhin na masusubaybayan ang mag-
aaral sa kaniyang gawain sa tulong ng mga nakatatandang
kasama sa bahay, mga kamag-anak at maging ng mga malalapit
na kapitbahay.

Tuklasin

Kumusta ka na? Kumusta ang pagtalakay mo sa nakaraang aralin?

Itala ang mga gawi o kaugaliang alam mo na makapagpapanatili ng


kapayapaan at pagkakaunawaan ng isang samahan.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
______________________________________

Meron ka bang naisulat na mga gawi?

Magaling! Dagdagan pa natin ang iyong kaalaman sa mga susunod na talakayan.

5
Suriin

Basahing mabuti at unawain ang tula sa ibaba.

Kapayapaan at Pagkakaunawaan

Kapayapaan ay salitang lubos na nais ng sinoman,


Higit sa isang salita o panaginip man yan,
Ang kapayapaan ay pangarap ng sanlibutan

Na makakamtan kung may pagkakaunawaan.

Magkaroon tayo ng talakayan. Sagutin mo ang mga tanong at isulat ang sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Ano ang pangarap ng sanlibutan?

2. Saan inihalintulad ang kayapaan?

3. Bakit mahalaga ang kapayapaan ayon sa may akda?

6
4. Paano magkakaroon ng kapayapaan?

5. Sa iyong palagay, mahalaga ba ang pagkakaroon ng kapayapaan at


pagkakaunawaan?

Bawat isa sa pamayanan


ay nagnanais ng kapayapaan. Ang kapaya-
paan ay makakamit kung may pagkakaunawaan. Sa pa-

mamagitan ng paggalang sa sarili at sa kapuwa nagkakaroon ng

maayos na samahan. Malaki rin ang maibabahagi sa pagkakaroon ng


kapayapaan ang pagmamahalan. Ang bawat indibidwal na may paggalang

at marunong makinig sa saloobin ng kaniyang kapuwa ay lubos na

makatutulong upang magkaunawaan at magkaroon ng


kapayapaan.

Naunawaan mo ba? Tara ipagpatuloy pa natin.

7
Pagyamanin

Lagyan ng bilog ang bilang kung ito ay nagbibigay ng paggalang sa


suhestiyon ng iba upang mapanatili ang kapayapaan at pagkakaunawaan at
kahon naman kung hindi. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

1.Humingi ng tawad at paumanhin si Joy kay Anna dahil


hindi niya binigyan ng pagkakataon ang kamag-aral
upang magsalita sa klase.

2. Mabilis na nilisan ni Andrei ang bahay nang


magsisimula ng magbigay ng payo ang kaniyang ate.

3. Tinakpan ni Sandra ang kaniyang tainga upang hindi


marinig ang sinasabi ng tindera.

4. Tinanggap ni Boy ng maluwag sa kalooban ang


paliwanag ng mga kaibigan.

5. Pabalibag na isinara ni Kim ang pinto nang pinuna ng


kaniyang ate ang maling gawi.

8
6. Pinakinggang mabuti ni Rose ang winika ng kanilang lider.

7. Dagling nagpaalam ang lahat nang magsisimula na ang


pagbibigay puna sa mga maling ginawa.

8. Tahimik na nakiisa si Pina sa mga napagkasunduang


suhestiyon na ibinigay para sa kanilang gawain.

9. Kumulimlim ang mukha ni Jovan sa narinig na di


pagsang-ayon ng mga kagrupo sa kaniyang suhestiyon.

10. Maingat na sinuri ni Sam ang mga suhestiyon na


binanggit sa kanilang tahanan tungkol sa pangangalaga
ng kalikasan.

9
Nakatutuwa at nadaragdagan pa ang iyong kaalaman! Ipagpatuloy mo pa ang iyong
pagsasanay.

Isaisip

Basahin at damhing mabuti ang mensahe ng tula.

Pagkakaunawaan tungo sa Kapayapaan

Kapayapaan ay matatamo
Kung magkakaisa tayo.
Pagkakaunawaan sa mundo
Hangad ng lahat ng tao.

Dahas ay iwasan
Makasasama sa atin yan.
Pagmamahalan, pagbibigayan
Susi sa kapayapaan.

Maging bukas ang isip


Tayo ay magkapit bisig.
Kumapit ng mahigpit
Sa tama at matuwid.

Paggalang sa kapuwa
At pagbibigay respeto.
Kapayapaan, Pagkakaunawaan
Makakamit natin ito.

10
Isagawa

A. Basahin at pagnilayang mabuti ang mga sumusunod. Isulat sa iyong


sagutang papel kung ano ang ipinakikita sa bawat pangungusap. Lagyan ng
tsek (√) kung tama at ekis (X) naman kung mali.

1. Igagalang ko ang suhestiyon ng aking kapwa.

2. Isusumbong ko sa aking guro ang aking kamag-aral na ayaw


makinig sa lahat ng aking sasabihin.

3. Iiwasan ko ang aking kaibigan kapag hindi niya ako pinagbigyan.

11
4. Makikiisa pa ako sa mga gawain upang maging matagumpay ito.

5. Makikilahok ako sa away kapag mayroong kaguluhan.

6. Hihingi ako ng payo sa nakatatanda sa akin upang lubos kong


maunawaan ang sitwasyon at makagawa ng tamang desisyon.

7. Pananatilihin ko ang kahinahunan upang magkaroon ng


pagkakaunawaan.

8. Hindi ako makikiisa upang hindi makalahok ang aming grupo sa


mga gawain.

9. Magiging pabigat ako sa aking mga kagrupo.

10. Hihingi ako ng tawad sa mga pagkakamaling aking nagawa.

12
B. Bilang responsableng mag-aaral, paano ka makatutulong upang mapanatili
ang kapayapaan at pagkakaunawaan sa loob ng inyong silid-aralan? Isulat
ang iyong sagot sa sagutang papel.

Magaling! Halika sagutin mo naman ngayon ang susunod na pagsasanay.

13
Tayahin

A. Iguhit ang mukhang may puso kung sumasang-ayon at malungkot na


mukha naman kung hindi. Gumamit ng sagutan papel sa pagsagot.

1. Mahilig makihalubilo si Jun sa mga kapitbahay. Isang araw, nagbigay


babala ang pamunuang barangay na iwasan ang paglabas ng bahay. Ngunit si
Jun ay may katigasan ng ulo kaya’t kabilang ang kaniyang mga magulang sa
nagmulta at pinaglinis sa barangay.

2. Masayang kumakain ang pamilya Santos nang biglang nagkaroon ng


kaguluhan sa labas. Lumabas si kuya at nakihampas sa mga taong nasa
labas.

3. Naglilinis ng bakuran ang magkakaibigan Jose, Pedro at Juan. Naisip ni


Juan na maligo sa ilog pagkatapos ng gawain. Tumutol sina Jose at Pedro
dahil ayon sa kanila hindi sila nakapagpaalam sa mga kasama nilang
nakatatanda sa bahay. Nagalit si Juan at umalis.

4. Tahimik na nakaupo si Sandra sa ilalim ng punong mangga. Maya-maya ay


dumating si Lisa at niyaya siya sa kantina. Tumanggi si Sandra at sinabi na
hindi siya maaaring sumama dahil malapit ng magsimula ang klase.
Naunawaan naman ni Lisa at sabay na silang pumasok sa silid-aralan.

5. Umagang kay ganda ang sumalubong sa pagmulat ng mata ni Ann, dagli


itong napalitan ng lungkot nang sabihin ni Aling Josie na lilipat na siya ng
pinapasukang paaralan dahil malayo na ito sa bago nilang bahay. Malungkot
ang tinig na sumang-ayon si Ann.

14
B. Isulat ang salitang Naman kung ang pahayag ay
nagbibigay paggalang sa suhestiyon ng kapuwa at
Huwag Naman naman kung hindi.

1. Nagkaisa ang grupo na sundin ang mga bagay na


makabubuti sa kanila.

2. Mabilis na tumulong sa mga nasugatan ang grupo ng


mga manggagamot sa Barangay San Juan ayon sa
ibinigay na impormasyon ng taong bayan.

3. Umiwas na lamang sa masamang barkada si Boy


nang hindi ito nakinig sa kaniyang payo.

15
4. Umiyak nang malakas si Alma dahil sa sinabi ng guro
na kailangan niyang mag-aral mabuti upang makabawi
sa mga mabababang marka.

5. Nagalit si Mang Julio ng sabihin ng kapitbahay na


iwasan ang pagtatambak ng mga basura sa daan dahil
ang mga ito ay nakasasama sa kalusugan.

16
Karagdagang Gawain

A. Sa ngalan ng kapayapaan at pagkaka-unawaan, bilang isang batang mag-


aaral sagutin ang tanong sa iyong sagutang papel.

__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

17
B. Bigkasin at isaulo ang tula.

Pagkakaunawaan tungo sa Kapayapaan

Kapayapaan ay matatamo
Kung magkakaisa tayo.
Pagkakaunawaan sa mundo
Hangad ng lahat ng tao.

Dahas ay iwasan
Makasasama sa atin yan.
Pagmamahalan, pagbibigayan
Susi sa kapayapaan.

Maging bukas ang isip


Tayo ay magkapit bisig.
Kumapit ng mahigpit
Sa tama at matuwid.

Paggalang sa kapuwa
At pagbibigay respeto.
Kapayapaan, Pagkakaunawaan
Makakamit natin ito.

18
19
Tayahin:
A.
1.
Isagawa:
2. Pagyamanin:
A.
1. √
3. 1.
2. X
4. 3. X 2.
4. √ 3.
5. 5. X
6. √ 4.
7. √ 5.
B. 1. Naman
2. Naman 8. X 6.
9. X
Karagdagang 3. Naman 7.
10. √
Gawain 4. Huwag Naman 8.
5. Huwag Naman B. –depende
sa sagot 9.
-depende sa sagot
ng bata 10.
ng bata
Subukin:
1. Mga batang
nag-aaway
Balikan: 2. Depende sa
Tuklasin: sagot ng bata
1. Tama 3. Mga batang
- Depende sa 2. Mali
masayang
sagot ng bata 3. Mali
nag-uusap
4. Tama
5. Tama 4. Depende sa
sagot ng bata
5. Depende sa
sagot ng bata
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Ylarde, Zenaida, and Gloria Peralta. 2016. Ugaling Pilipino Sa Makabagong
Panahon. Quezon City: Vibal Group, Inc.

K To 12 Gabay Pangkurikulum Edukasyon Sa Pagpapakatao Baitang 1-10. 2016.


Ebook. https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01/ESP-CG.pdf.

ESP 6 Teacher's Guide. 2017. Ebook. 1st ed.


https://drive.google.com/file/d/16guz__kV4NV-BjsEjBCqDmPBI_lBfBxE/view.

K To 12 Most Essential Learning Competencies With Corresponding CG Codes. 2020.


Ebook.
https://www.facebook.com/groups/LRMDSBataanModuleDevelopers/permalink
/1449809441876507/.

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

You might also like