You are on page 1of 27

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Aking Pangako, Hindi Dapat
Mapako!
Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of
the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such
agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this module are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their
respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them.

Published by the Department of Education


Secretary: Leonor Magtolis Briones
Undersecretary: Diosdado M. San Antonio

ELEMENTARY MODULE DEVELOPMENT TEAM

Author : Cris V. Regala


Co-Author - Content Editor : Marlon D. Paguio
Co-Author - Language Reviewer : Maria Fe B. Visda
Co-Author - Illustrator : Frederic M. Martal
Co-Author - Layout Artist : Cris V. Regala

DISTRICT MANAGEMENT TEAM:


District Supervisor, Dinalupihan : Rodger R. De Padua, EdD
Principal District LRMDS Coordinator : Miralou T. Garcia, EdD
Teacher District LRMDS Coordinator : Jennifer G. Cruz
District SLM Content Editor : Marlon D. Paguio
District SLM Language Reviewer : Cris V. Regala

DIVISION MANAGEMENT TEAM:


Schools Division Superintendent : Romeo M. Alip, PhD, CESO V
OIC- Asst. Schools Division Superintendent : William Roderick R. Fallorin, CESE
Chief Education Supervisor, CID : Milagros M. Peñaflor, PhD
Education Program Supervisor, LRMDS : Edgar E. Garcia, MITE
Education Program Supervisor, AP/ADM : Romeo M. Layug
Education Program Supervisor, Learning Area : Jacqueline C. Tuazon
Project Development Officer II, LRMDS : Joan T. Briz
Division Librarian II, LRMDS : Rosita P. Serrano

Printed in the Philippines by Department of Education – Schools Division of Bataan


Office Address: Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan
Telefax: (047) 237-2102
E-mail Address: bataan@deped.gov.ph
6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Aking Pangako, Hindi Dapat
Mapako
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao –


Ikaanim na Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling
Aking Pangako, Hindi Dapat Mapako!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasa ng makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mong paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikaanim na Baitang


ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa Aking Pangako, Hindi Dapat
Mapako!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

ii
`1o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man
sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iii
Alamin

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat upang tulungan kang maipakita ang
pagiging responsable sa iyong kapwa sa pamamagitan ng pagtupad ng mga bagay
na ipinangako o pinagkasunduan.

Matapos ang modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang:


*Naipapakita ang kahalagahan ng pagiging responsable sa kapwa (EsP6P-IIa-c-30)
- Naipapakita ang kahalagahan ng pagtupad sa pangako o pinagkasunduan

Subukin

Bago ka magsimula na tuklasin ang modyul na ito halina’t subukin natin kung
gaano na kalawak ang iyong kaalaman sa araling tatalakayin!

Tukuyin ang mga salitang inilalarawan sa bawat pangungusap. Gawin ito sa


pamamagitan ng pagsasa-ayos ng mga titik sa ibaba ng bawat bilang upang mabuo
ang salita. Sagot na lamang ang isulat sa iyong sagutang papel.

1. Ito ay tumutukoy sa isang bagay na sinumpaan o pinanatang gawin.


G A O N K P A

2. Ang pagbibigay ng sariling pananaw, panukala, opinyon, saloobin o kaisipan


sa natatanging bagay o diskurso.
I Y S N E T H U N O

3. Ito ay nagpapahiwatig ng pagiging tapat at responsable sa mga bagay na


ipinangako o pinagkasunduan.
N A T U A A P M A N G A K G A P

4. Katangian ng isang mabuting mag-aaral ang pagsasabi ng walang halong


kasinungalingan at pawang katotohan.
T M P A A T A

5. Pagkakaroon ng pagpapahalaga na gawin ang obligasyon.


P R L O B E S A E S N

1
Aralin
Aking Pangako, Hindi Dapat
1 Mapako
Isang mahalagang katangian ng isang mag-aaral na tulad mo ay ang pagiging
responsable sa kapwa. Kaakibat ng bagay na ito ay ang pagpapakita ng kahalagahan
ng pagtupad sa mga pangakong iyong binibitawan o sa mga bagay na
pinagkasunduan.

Ang pagpapamalas ng pagkamapanagutan sa mga salitang iyong binibitawan


o ipinapangako ay sumisimbolo sa iyong pagiging responsableng mag-aaral. Ang
simpleng pagtupad sa iyong mga pangako ay nakapagpapatibay ng pagkatao o
karakter na nagiging susi sa tapat at pangmatagalang pakikipagkaibigan.

Balikan

Alam kong nasasabik ka ng simulan ang bagong modyul na ito. Ngunit bago iyon
magkaroon muna ng balik-aral sa nakalipas na aralin. Ano pang hinihintay mo?
Halika na at sasamahan kita!

Basahin at unawain ang sumusunod na sitwasyon. Magbigay ng solusyon o


konklusyon bago magpasya para sa ikabubuti ng nakararami. Sagot na lamang
ang isulat sa iyong sagutang papel.

1. Nabalitaan mong nasunugan ang iyong kamag-aral at natupok


maging ang kanilang mga kasuotan. Bunga nito wala silang
matutuluyan at magagamit na mga damit.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

2. Nagpatupad ng ordinansa ang inyong barangay sa tamang


pagtatapon ng mga basura. Pagmumultahin ng kaukulang halaga
ang sinomang mahuling lalabag sa ordinansa.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________.

2
3. Ilang buwan ka ng nasa loob ng inyong tahanan dahil sa banta ng
pandemya. Naisip mong dalawin ang iyong mga pinsan at
makipaglaro sa kanila ngunit alam mong medyo malayo ang
kanilang tahanan.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

4. Ngayong mataas pa rin ang banta ng pandemyang COVID-19,


iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing sapilitan ang
pagsusuot ng face mask.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

5. Walang magtuturo sa iyong nakababatang kapatid na sagutan ang


kaniyang mga modyul dahil abala ang iyong mga kasama sa
tahanan sa kani-kanilang gawain. Nagkataon na alam mo ang
kaniyang mga aralin dahil napag-aralan mo na ang mga iyon.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

6. Naglalaro kayo ng habulan ng mga pinsan mo sa loob ng inyong


tahanan ngunit napansin mo na nag-aaral ng takdang-aralin ang
iyong nakababatang kapatid.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

Mga Tala para sa Guro


Ang modyul na ito ay tumutulong sa mga mag-aaral na nasa ikaanim
na baitang upang maging isang responsableng bata sa kanilang mga
kapwa sa pamamagitan ng pagtupad sa mga bagay na ipinangako o
pinagkasunduan. Maging mapanagutan sa lahat ng pagkakataon.

3
Tuklasin

Nagawa mo ba ng buong husay ang balik-aral? Magaling kung gayon! Sa tingin ko


ay handa kanang matuto ng bagong aralin.

May bago akong inihanda para sa iyo at tiyak akong ma-iibigan mo! Yayain mo ang
kahit sinong miyembro ng pamilya sa inyong tahanan at magpatagisan sa pagbigkas
ng akrostik sa ibaba. Kayang-kaya mo iyan!

P -angako na sinasambit
A -y nararapat lang
G -awin at isabuhay
T -umupad sa
U -sapan at
P -inagkasunduan huwag sumuway
A -litan at hindi pagkakaintindihan ay maiwasan
D -ahil ikaw ay naging kaibigang tunay

S -a bawat bukambibig laging tatandaan


A -ng taong may isang salita

P -angako’y hindi tinatalikdan


A -ng pagiging responsable sa kapwa
N -gayon at kailanman paniguradong
G -abay ng Poong Maykapal ang sinasandalan
A - ang pagiging totoo sa pangako
K -ailangan
O -ras-oras ay huwag kakalimutan

4
Suriin

Kamangha-mangha! Talaga namang pinabilib ako ng iyong angking galing sa


pagbigkas ng akrostik na aking inihanda. Nawa’y naibigan rin ito ng mga iba mo
pang kasama sa inyong tahanan.

Ngayon naman nais ko na tulungan mo akong himayin ang mga natatagong


kaisipan at konsepto na ibig ipahiwatig ng iyong binasang akrostik. Maaari mo
bang ibigay ang mga kasagutan sa mga sumusunod na katanungan? Kung gayon
ihanda mo na ang iyong sagutang papel at isulat dito ang tamang sagot.

1. Tungkol saan ang binasang akrostik?


____________________________________________________________.

2. Ano raw ang nararapat gawin, isabuhay, at hindi tinatalikdan?


___________________________________________________________________.

3. Ano ang maaaring maiwasan kung ikaw ay tutupad sa usapan at


pinagkasunduan? ______________________________________________.
________ ___________________________

4. Ayon din sa akrostik na kailangan oras-oras ito ay huwag


kakalimutan? ______________________________________________.
________ ___________________________

5. Ibigay mo nga kung ano at sino ang sinasandalan ng taong


responsable sa kapwa? ________________________________.

6. Sino ang hindi tinatalikdan ang pangakong binibitawan?


________________________________.

5
Suriing mabuti ang mga pahayag!

Ang pagtupad sa pangako o pinagkasunduan ay isang


magandang katangian ng taong may pagkamapanagutan.

Sa pamamagitan ng pag-alala o paggawa sa mga bagay na


ipinangako ay naipapamalas natin ang pagiging responsable sa
kapwa.

Ang taong may isang salita ay pinagkakatiwalaan ng lubos


ninoman. Dahil dito nagtatagal at umuunlad pang lalo ang ating
ugnayan sa iba.

Kung alam mo sa sarili mo na ang isang bagay ay hindi mo


kayang pangatawanan o tuparin mas makakabuti na huwag
mangangako at sabihin ang tunay na dahilan.

Laging itimo sa isip na ang ugnayan na walang pagtitiwala sa isa’t


isa ay hindi nagtatagal.

6
Pagyamanin

A. Basahin at unawain ang mga sitwasyon sa ibaba na may kinalaman sa


kahalagahan ng pagtupad sa mga ipinangako o pinagkasunduan. Piliin at isulat sa
sagutang papel ang letra ng iyong sagot at ipaliwanag kung bakit ito ang napili.

1. Araw ng Sabado at naalala mo na may usapan pala kayo ng mga kamag-aral mo


na tatapusin ninyo ang proyektong ibinigay ng guro sa asignaturang Filipino.
Inaasahan ka ng mga kamag-aral mo na tutupad ka sa iyong ipinangako na
tutulungan mo silang mag-isip ng magandang ideya upang mas mapaganda pa nila
ang kani-kanilang proyekto. Ano ang gagawin mo?

a. Hindi na lamang ako pupunta dahil magiging abala din ako sa paggawa ng aking
sariling proyekto at tiyak akong maiintindihan din nila ang aking sitwasyon.

b. Tutupad ako sa aming usapan ngunit magpapanggap akong may sakit upang
hindi na sila magpaturo sa akin kung ano ang gagawin nila sa kani-kanilang
proyekto.

c. Magiging totoo ako sa aking sinumpaang pangako sa aking mga kamag-aral.


Pupunta ako at sabay-sabay kaming gagawa ng proyekto.

7
2. Sa inyong mga magkakaklase ikaw lamang ang mayroong Ensiklopedya.
Isang araw pinuntahan ka ng isa sa mga kamag-aral mo at nakiusap na hihiramin
niya ito para sa takdang-aralin ninyo. Pumayag ka dahil nangako siyang ibabalik
din niya ito kinabukasan. Dumating ang bukas at hindi niya naisauli ang libro.
Ano ang reaksiyon mo dito?

a. Magagalit ako sa aking kamag-aral dahil hindi siya tumupad sa kaniyang


pangako na ibabalik agad ang hiniram niya.

b. Kakausapin ko nang mahinahon ang aking kamag-aral at ipapaliwanag ko sa


kaniya ang kahalagahan ng pagtupad sa pangakong binibitawan.

c. Susugurin ko ang aking kamag-aral sa kanilang tahanan at sapilitang kukunin


ang hiniram niyang gamit. Hindi dapat hinahayaan na maging abusado ang ibang
tao lalo na kung nagbitiw siya ng pangako.

3. Kaarawan bukas ng iyong matalik na kaibigan at nangako ka sa kaniya na


dadalo ka sa gaganapin na munting pagdiriwang sa kanilang tahanan. Ngunit sa
araw ng kaarawan niya ay biglang sumama ang pakiramdam ng iyong nanay at
hindi niya magawang gawin ang mga gawain bahay. Ano ang magiging desisyon
mo?

8
a. Hindi na lamang ako pupunta sa kaarawan ng aking kaibigan ngunit tatawagan
ko siya sa telepono at ipapaliwanag ko ng buong tapat ang aking dahilan.

b. Pupunta pa rin ako kahit alam kong may sakit at walang kasama ang aking
nanay.

c. Magdadahilan ako na nilagnat ako para hindi umasa ang aking kaibigan na
makakarating ako sa kaniyang kaarawan.

Napili mo ba at naipaliwanag ang pinaka-angkop na desisyon at reaksiyon sa mga


binasang sitwasyon sa itaas? Magaling! Mas pag-ibayuhin pa natin ang iyong
kaalaman sa kahalagahan ng pagtupad sa pangakong binibitawan. Tara na!

B. Tukuyin mo kung ang bawat pahayag ay nagpapakita o hindi ng pagtupad sa


mga bagay na pinangako o pinagkasunduan. Isulat sa iyong sagutang papel ang
katagang “MAY ISANG SALITA” kung oo at “WALANG ISANG SALITA” kung
hindi.

1. Laging nahuhuli sa pagpasok sa paaralan si Cris dahil ayaw niyang


tumulong sa paglilinis ng kanilang silid-aralan._______________________

2. Ginagawa ni Jessa ang mga tungkulin niya sa gawaing bahay upang


mapagaan ang trabaho ng kaniyang mga magulang._______________________

9
3. Binabalik agad ni Renato ang mga gamit na hinihiram niya sa kaniyang
kapitbahay._______________________

4. Hindi dumating sa takdang oras ng usapan si Cindy dahil mabagal itong


kumilos ._______________________

5. Sinadyang kinalimutan ni Larry ang ipinangako niyang pasalubong sa mga


nakababatang kapatid at pinsan._______________________

6. Tumapad si Jerome sa tamang oras at lugar na pinagkasunduan nilang


magkakaibigan sa pag-gawa ng proyektong pangkomunidad._____________

7. Pinangatwanan ni Bobby ang kaniyang pangako sa ama na tutulong ito sa


pag-igib ng tubig at pagsisibak ng kahoy._____________

8. Hindi humingi ng pasensiya si Pacita sa mga kasamahan niya sa dance


group nang minsan mahuli ito ng dating sa kanilang
pagsasanay._____________

9. Nanumpa si Ace sa guro na hindi na siya mang-aaway ng kamag-aral


ngunit hindi niya ito tinupad dahil patuloy pa rin siya sa panunukso sa
mga ito._____________

10. Nilabag ni Sandy ang alituntunin ng kanilang paaralan na huwag


magtatapon ng basura kung saan-saan kahit alam niyang mali
ito._____________

10
Tiyak ako na naunawaan mo na ngayon kung ang isang sitwasyon ba ay nagpapakita
ng pagkakaroon ng isang salita o hindi. Paunlarin pa natin ang iyong abilidad na
matukoy ang kahalagahan ng pagtupad ng isang pangako. Handa ka na ba sa
susunod na gawain? Siyempre kayang-kaya mo iyan. Ikaw pa ba!

C. Gamit ang graphic organizer sa ibaba ibigay ang mga naiisip mong katangian ng
isang taong tumutupad sa kaniyang mga pangako. Kopyahin at sagutan ito sa iyong
sagutang papel.

11
Isaisip

Punan ng mga salita ang patlang upang mabuo ang konsepto ng aralin. Piliin ang
sagot sa kahon at ilagay ito sagutang papel.

*pagkamapanagutan *binibitawan *pinagkakasunduan

*respeto *ugnayan *may isang salita

*napapatibay at tumatagal

Ang isang taong may _____________________ sa mga pangakong ________________ ay


pagpapamalas ng pagiging responsable sa kapwa. Ang pagtupad sa mga pangakong
binibitawan at ___________________ay tanda ng ______________ sa iba. Sa
pamamagitan nito ang ________________sa ating kapwa ay mas
lalong_________________________. Kung ikaw ay ______________________sa bawat
ipinapangako asahan mo na ganito rin ang gagawin sa iyo ng kapwa mo.

Isagawa

A. Basahin ang nasa loob ng kahon at sagutin ang mga sumusunod na tanong.
Gumamit ng sagutang papel.
Si Sandro ay batang may isang salita sa kaniyang mga pangakong
binibitawan. Dahil dito ay kinagigiliwan siya ng kaniyang mga kamag-aral at
. guro. Walang pagkakataon na nakalimot siyang gawin ang isang pangako o
pinagkasunduan. Ngunit isang araw nawala sa isip ni Sandro na nangako siya
kay Bb.Rivera, kaniyang guro, na tuturuan niyang magbasa ang kaniyang
kamag-aral na hirap sa pagbasa. Nagboluntaryo siya sa kaniyang guro na
gawin ang tungkulin dahil magkalapit lamang sila ng bahay. Alam ni Sandro
na hindi niya natupad ang salitang binitawan kaya humingi siya ng dispensa
sa guro at sa kamag-aral. Naunawaan naman ni Bb.Rivera ang pagkukulang
ni Sandro at nagpasalamat ito dahil inamin ang kaniyang pagkakamali.

12
Mga katanungan:
1. Sino ang pangunahing tauhan na pinag-uusapan sa talata?

2. Siya ay kinagigiliwan ng lahat dahil sa pagiging ano?

3. Ano ang pangakong binitawan niya kay Bb.Rivera?

4. Natupad ba niya ang pangakong ito?

5. Paano naipakita ng bata ang pagiging responsable sa kaniyang pangakong


binitawan?

B. Pagsulat ng tula. Sa bahaging ito ikaw ay magiging isang makata. Sumulat ng


isang simpleng tula na binubuo ng tatlong (3) saknong na may apat (4) na
taludturan. Ang tulang bubuuin ay nagpapakita ng pagiging responsable sa kapwa
sa pamamagitan ng pagtupad ng mga bagay na ipinapangako.

13
C. Subukang alalahanin ang isang bagay na pinagkasunduan o ipinangakong
gawin ngunit hindi nagawa. Isalaysay ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga
impormasyong hinihingi. Gawin ito sa iyong kuwaderno.

Pangakong ginawa:

Kanino mo ito ipinangako:

Naging dahilan o rason


kung bakit hindi mo ito
natupad:

Ano ang naramdaman mo


nang hindi mo nagawa ang
iyong ipinangako?

Ano ang hakbang na iyong


ginawa matapos mong hindi
tumupad sa salitang
binitawan?

May mga pagkakataon ba


na naulit ang hindi mo
pagtupad sa iyong pangako?
Ibahagi ito.

14
D. Umisip ng mga sitwasyon kung saan nakatupad ka sa iyong binitawang salita.
Isalaysay kung paano mo naipakita ang iyong pagiging mapanagutan. Gawin
ito sa iyong kuwaderno.

Sitwasyon 1:

Sitwasyon 2:

Sitwasyon 3:

15
Tayahin

Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat ang SULONG kung ito ay
nagpapahayag ng pagiging responsable sa pagtupad sa pangako at URONG naman
kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_______1. Umalis si Berta nang hindi ginagawa ang kaniyang tungkulin sa mga
gawaing bahay.

_______2. Humingi ng paumanhin si Lester sa kaniyang kaibigan ng minsan hindi


ito nakasipot sa kanilang kasunduan.

_______3. Inimbita ka ng iyong matalik na kaibigan sa kaarawan ng kaniyang lolo at


nangako ka na pupunta ka dahil ikaw lang inaasahan na bisita ng iyong
matalik na kaibigan. Dumating ang araw ng kaarawan at tinamad ka na
pumunta dahil wala kang naihandang regalo.

_______4. May pupuntahan ang iyong nanay at inutusan ka niyang maglinis ng


bahay habang wala siya. Pinangako mo na pagdating niya ay nagawa mo
na ang kaniyang ipinag-uutos. Ngunit naglibot ka at kinalimutan mo ang
iyong tungkulin.

_______5. Tinupad mo ang pangako mo sa iyong lolo at lola na bibilhan mo sila ng


kanilang paboritong meryenda.

_______6. Alam mong bawal lumabas at makihalubilo sa ibang mga tao ngayong
mataas pa rin ang peligro na dulot ng COVID-19. Ngunit dahil naiinip ka
na sa loob ng bahay ay sumuway ka sa kautusan ng pamahalaan.

_______7. May usapan kayo ng kamag-aral mo na sabay kayong gagawa ng takdang-


aralin sa asignaturang Science. Hinintay kaniya sa silid-aklatan ngunit
hindi ka sumipot.

_______8. Napagkasunduan ninyo ng mga kaibigan mo na tutulong kayo sa


programang Clean and Green ng inyong barangay. Maaga kang nagising
at naghanda upang makasama sa programa.

_______9. Nagpaliwanag ka at humingi ng dispensa sa lider ng inyong choir ng


minsan mahuli ka ng dating sa inyong pagsasanay.

______10. Ginawa mo ng buong husay at galak ang iyong tungkulin bilang halal na
pangulo ng inyong klase.

16
Karagdagang Gawain

Sumulat ng liham sa isa sa miyembro ng pamilya mo kung saan nakapagbitaw ka


ng salita ngunit hindi mo natupad. Ipaalam mo sa kanya ang iyong totoong dahilan
kung bakit hindi nagawa ang pangako at humingi ng kapatawaran. Gawin ito sa
isang buong papel at ibigay ng personal ang liham.

17
18
Suriin:
1. Ang akrostik na binasa ay patungkol sa pagtupad sa
pangakong binibitawan.
2. Mga pangakong sinasambit
3. Maiiwasan ang alitan at hindi pagkakaintindihan.
4. Oras-oras huwag kalimutan ang pagiging totoo sa pangako
5. Ayon sa akrostik na binasa ang taong responsable sa kapwa ay
sa Poong Maykapal sumasandal o nananalig.
6. Ang taong may isang salita
Balikan: Mga posibleng kasagutan.
1. Magbabahagi ako ng aking mga matitinong damit at
sasabihin sa aking mga magulang ang kanilang
sitwasyon upang matulungan sila sa kanilang problema.
2. Susunod ako nang buong puso at hindi lalabag sa
ordinansang pinatutupad ng aming barangay.
3. Dahil may banta pa din ng pandemya, magtitiis muna
ako na hindi mapuntahan ang aking mga pinsan at
gagawa ng mga bagay na pwedeng pagkaabalahan tulad
ng pagsagot sa aking mga modyul at pagtulong sa
gawaing bahay.
4. Susunod ako sa utos ng ating Pangulo, magsusuot ako
ng facemask at hihikayatin din ang mga kasama sa
tahanan na sumunod sa kautusan.
5. Ako na mismo ang magboboluntaryo na magturo sa
aking kapatid. Bilang nakakatandang kapatid ay
tungkulin kong turuan at gabayan ang aking kapatid.
6. Hihinto kami sa paghahabulan at iiwasan ang anumang
ingay na maaring maka-abala sa pag-aaral ng aking
kapatid. Iisip na lamang kami ng pagkaka-abalahan na
hindi lumilikha ng sobrang ingay.
Subukin:
1. PANGAKO
2. SUHESTIYON
3. PAGKAMAPANAGUTAN
4. MATAPAT
5. RESPONSABLE
ARALIN 1
Susi sa Pagwawasto
19
Karagdagang
Gawain
Depended sa sagot
ng bata. Isagawa:
A.
1. Si Sandro Isaisip: Pagkakasunod-
Taayahin:
2. Batang may isang sunod ng sagot
1. URONG salita sa pangako
3. Nangako siya na pagkamapanagutan
2. SULONG
tuturuan ang binibitawan
3. URONG kamag-aral na pinagkakasunduan
4. URONG mabagal bumasa
4. Hindi
respeto
5. SULONG
5. Humingi siya ng ugnayan
6. URONG dispensa sa guro napapatibay at
7. URONG at kamag-aral tumatagal
8. SULONG B-D Ang sagot ay
maaaring magkaiba-iba.
may isang salita
9. SULONG
10. SULONG
Pagyamanin
Gawain A. Mga posibleng paliwanag sa mga kasagutan
1. c - Dahil ang pagtupad sa pangakong binitawan ay nagpapakita pagiging
responsable sa kapwa. Kung may ipinangako dapat tuparin ito.
2. b - Mas tama pa rin na kausapin nang mahinahon ang aking kamag-aral kung bakit
hindi niya natupad ang pangako na isasauli agad ang hiniram niya. Makikinig ako
sa kaniyang dahilan at ipapabatid ko sa kaniya ang kahalagahan ng pagtupad sa
pangakong binibitawan.
3. a- Sa pagkakataong ito mas kailangan ng nanay ko ang aking tulong lalo na kung
mag-isa lamang siya at wala siyang makakasama. Ngunit, ipapaalam ko sa aking
kaibigan ang totoong dahilan kung bakit hindi makakadalo at hihingi ako ng
paumanhin dahil hindi ko matutupad ang aking ipinangako. Tiyak ako na
mauunawaan ito ng aking kaibigan. Ang pagsasabi ng totoo at paghingi ng
paumanhin ay nakakapagpatibay ng pagkakaibigan.
B. MAY ISANG SALITA O WALANG ISANG SALITA
1. WALANG ISANG SALITA
2. MAY ISANG SALITA
3. MAY ISANG SALITA
4. WALANG ISANG SALITA
5. WALANG ISANG SALITA
6. MAY ISANG SALITA
7. MAY ISANG SALITA
8. WALANG ISANG SALITA
9. WALANG ISANG SALITA
10. WALANG ISANG SALITA
C. Depended sa sagot ng mag-aaral. Narito ang mga posibleng sagot:
May isang salita, tumutupad sa usapan, may kusang-loob na gawin ang responsibilidad,
may pusong mapagkumbaba, humihingi ng paumanhin kapag hindi natupad ang pangako,
tapat sa sinumpaang salita (mga halimbawa ng posibleng sagot)
Sanggunian
Ylarde, Zenaida, and Gloria Peralta. 2016. Ugaling Pilipino Sa Makabagong
Panahon. Quezon City: Vibal Group, Inc.

K To 12 Gabay Pangkurikulum Edukasyon Sa Pagpapakatao Baitang 1-10. 2016.


Ebook. https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01/ESP-CG.pdf.

ESP 6 Teacher's Guide. 2017. Ebook. 1st ed.


https://drive.google.com/file/d/16guz__kV4NV-BjsEjBCqDmPBI_lBfBxE/view.

K To 12 Most Essential Learning Competencies With Corresponding CG Codes. 2020.


Ebook.
https://www.facebook.com/groups/LRMDSBataanModuleDevelopers/permalink/1
449809441876507/

20
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III,


Schools Division of Bataan - Curriculum Implementation Division
Learning Resources Management and Development Section (LRMDS)

Provincial Capitol Compound, Balanga City, Bataan

Telefax: (047) 237-2102

Email Address: bataan@deped.gov.ph

21

You might also like