You are on page 1of 22

Government Property

NOT FOR SALE

NOT
9
Araling Panlipunan 11
Unang Markahan, Linggo 4, Modyul 3
Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya

(design your own cover page)

Department of Education ● Republic of the Philippines


Araling Panlipunan- Grade 9
Alternative Delivery Mode
Quarter 1,Wk.4- Module 3: Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya
First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalty.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand


names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to
use these materials from their respective copyright owners. The publisher and
authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Iligan City


Schools Division Superintendent: Roy Angelo E. Gazo, PhD.,CESO V
Development Team of the Module
Author: Sheryl Mae C. Lagorra
Reviewers/Evaluators/Editors: Roquesa P. Tejada, Christine G. Lacastesantos,
Leonora M. Agustin, Lenore Boa
Ananias T. Clarido, Jr., PhD, Mary Jane O. Simeon
Louela M. Alo
Illustrator and Layout Artist: Dennis Baynas
Management Team
Chairperson: Roy Angelo E. Gazo, PhD., CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Nimfa R. Lago,PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent

Members: Henry B. Abueva OIC-CID Chief


Virginia N. Nadayag, EPS-Araling Panlipunan
Sherlita L. Daguisonan, LRMS Manager
Charlotte D. Quidlat, Librarian II
Meriam S. Otarra, PDO II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph
9
Araling
Panlipunan
Unang Markahan- Modyul 3
(Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya)

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by select teachers, school heads, and Education Program Supervisor in
Araling Panlipunan of the Department of Education - Division of Iligan City.
We encourage teachers and other education stakeholders to email their
feedback, comments, and recommendations to the Department of Education-
Iligan City Division at iligan.city@deped.gov.ph or Telefax: (063)221-
6069.

We value your feedback and recommendations.

Department of Education ● Republic of the Philippines


Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1


Alamin ……………………………… 1
Pangkalahatang Panuto ……………………………… 2
Subukin ……………………………… 3
Aralin 1: Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya
Balikan ……………………………… 6
Tuklasin ……………………………… 6
Suriin ……………………………… 7
Pagyamanin ……………………………… 9
Isaisip ……………………………… 10
Isagawa ……………………………… 11

Buod ……………………………… 12
Tayahin ……………………………… 12
Karagdagang Gawain ……………………………… 14
Susi ng Pagwawasto ……………………………… 15
Sanggunian ……………………………… 16

4
Modyul 3
Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya

Pangkalahatang Ideya

Sa modyul na ito, iyong matutunan ang mekanismo ng alokasyon sa


iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya bilang sagot sa kakapusan. Mahalaga
na ikaw ay magkaroon ng sapat na kaalaman sa bawat sistemang pang-
ekonomiya upang iyong higit na maunawaan ang mga pangyayari sa iyong
paligid. Handa ka na bang maglakbay sa panibagong kaalaman?

Alamin

Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang iba’t ibang sistemang pang-


ekonomiya.

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan na:


1. natutukoy ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya;
2. naiisa-isa ang katangian ng iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya; at
3. nasusuri ang kahalagahan ng iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya

1
Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
 Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong
pangwika.
 Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at
pagsasanay.
 Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.

Icons na Ginagamit sa Modyul


Alamin Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin
o mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa
modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


Subukin tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
masususuri kung ano na ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.
Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa
Balikan pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
mahahalaga mong natutunan sa nagdaang
aralin na may koneksiyon sa tatalakaying
bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa


Tuklasin pamamagitan ng iba’t ibang gawain

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


Suriin nararapat mong matutunan upang malinang ang
pokus na kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa


Pagyamani iyong natutunan at magbibigay pagkakataong
n mahasa ang kasanayang nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


Isaisip mahahalagang natutunan sa aralin.

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang


Isagawa mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

2
Subukin (Pre-Test)

Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem at bilugan ang titik ng


tamang sagot. Isulat sa activity notebook ang sagot.
1. Ito ay sistemang pang-ekonomiya na nakabatay sa kagustuhan ng
mga mamimili ang paggawa ng mga produkto at serbisyo.
A. Command economy B. Mixed economy
C. Market economy D. Traditional economy
2. Ano ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng iba’t ibang yunit pang-
ekonomiya upang makatugon sa suliraning pangkabuhayan ng isang
lipunan?
A. Alokasyon B. Sistemang Pang-ekonomiya
C. Distribusyon D. Produksiyon
3. Sa ilalim ng mixed economy, kaninong desisyon nakasalalay kung
anong produkto at serbisyo ang lilikhain?
A. Pamahalaan B. Konsyumer
C. Prodyuser D. Pamilihan
4. Sa loob ng pamilihan, kailangan ng instrumento sa pagtatakda kung
gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at gaano karami ang
malilikhang mga produkto at serbisyo ng mga prodyuser. Alin sa mga
sumusunod ang nagsisilbing instrumento ng konsyumer at prodyuser?
A. Presyo B. Produkto
C. Pamilihan D. Pagpapalitan
5. Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang nagpapakita ng isang
tradisyunal na ekonomiya?
A. Ang mga kalalakihan at kababaihan ay kumikilos alinsunod
sa kanyang personal na interes.
B. Ang mga pagkain ay ibinibigay ng kalalakihang nangangaso
at
kababaihang nagtatanim.
C. Ang bawat pamilya ay may kalayaang makabili ng produkto
batay sa salapi nito.
D. Ang mga kalalakihan ay maaaring makapamili ng kanilang
nais na pasukang trabaho.

3
6. Kung ikaw ay kabilang sa sistemang market economy, alin sa
sumusunod ang iyong gampanin bilang kasapi ng sistemang ito?
A. Ang iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa utos ng
pamahalaan batay sa plano.
B. Malaya kang kumikilos ayon sa sariling interes nang walang
pakikialam ng pamahalaan.
C. Sama-sama ninyong isasagawa ang mga gawain at pakinabang
sa pinagkukunang-yaman.
D. Mayroon kayong economic freedom ngunit may kontrol pa rin
ang pamahalaan sa iilang gawain.
7. Ang bawat lipunan ay may sistemang pang-ekonomiya na sinusunod.
Bakit mahalagang magkaroon ng sistemang pang-ekonomiya ang
isang lipunan?
A. Upang mapakinabangan ng ilang tao ang mga malilikhang
kalakal o serbisyo
B. Upang makapamili ng mga bagay na mahalaga lamang sa
paglikha ng kalakal at serbisyo.
C. Upang matugunan ang mga suliraning nakapaloob sa
produksiyon, distribusyon at alokasyon ng mga produkto at
serbisyo.
D. Upang magamit ang iba pang mga pamamaraang
panteknolohiya sa pagbuo ng mga produkto at serbisyo.
8. Napakaraming desisyon ang nagaganap sa market economy. Paano
napapanatili ang kaayusan sa loob nito?
A. Ang iba’t ibang uri ng transaksiyon sa pagitan ng nagtitinda at
mamimili, naitatakda ang halaga o presyo ng isang kalakal o
serbisyo.
B. Ang presyo ang nagsisilbing pambalanse ng konsyumer at
prodyuser sa loob ng pamilihan.
C. Mas maraming malilikhang produkto ang konsyumer kung
kaaya-aya ang presyo.
D. Pinipili lamang ng mga prodyuser ang mga produktong dinadala
nila sa pamilihan.
9. Bawat sistemang pang-ekonomiya ay may ginagawang pagpapasya sa
produksyon. Paano natutukoy ng pamahalaan ang inaasahang
produksiyon sa command economy?
A. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tiyak ng plano.
B. Sa pamamagitan ng tamang pagtatakda ng presyo sa
pamilihan.
C. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng desentralisadong desisyon
o plano.

4
D. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng maayos na pangangasiwa
ng mga produkto at serbisyo.

10. Paano nakatutulong ang sistemang pang-ekonomiya sa pamamahagi


ng mga pangangailangan ng bawat mamamayan ng isang bansa?
A. Tinitiyak nito ang prayoridad na mabigyan ang lahat ng tao sa
kanilang mga pangangailangan.
B. Tinitiyak nito na magkaroon ng maayos na alokasyon upang
matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan.
C. Tinitiyak nito na makamit ng mga mamamayan ng bansa ang
kasaganahan sa buhay.
D. Tinitiyak nito na maipamahagi ang mga pinagkukunang-yaman
sa mga tunay na nangangailangan.

5
Iba’t Ibang Sistemang
Aralin Pang-ekonomiya
1
Balikan

Napag-aralan mo sa nakaraang modyul na ang ekonomiks ay ang pag-


aaral kung paano magagamit ng mabuti ang mga limitadong pinagkukunang
yaman. Sa panahon ng krisis sa COVID 19, limitado ang pagtatrabaho ng
iyong mga magulang kung kaya’t limitado rin ang kanilang pinagkukunan ng
gastos. Sa anong paraan maaari kang makatulong sa iyong pamilya sa
panahong ito? Isulat ang sagot sa activity notebook.
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Tuklasin

WATAWAT-SURI!
Suriin ang larawan at uriin kung anong bansa ang sinasagisag ng
mga ito. Hanapin sa loob ng kahon ang uri ng sistemang pang-ekonomiya
mayroon ang bawat bansa. Isulat ang sagot sa activity notebook.
https://en.wikipedia.org/wiki/Flag_of_the_Philippines

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:US_flag_51_stars.svg

6
http://pxhere.com/en/photo/14400159

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Flag_of_Haiti_(1859%E2%80%931
964).svg

https://commons.wikimedia.org/wiki/File_of_the_People%27s_Republic_of_China.svg

 Traditional Pamprosesong Tanong:


Economy - Ano ang iyong
 Market masasabi sa uri o
Economy sistemang pang-
 Command ekonomiya ng mga
Economy bansang ito?
 Mixed
Economy

7
Suriin

Ang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan ng tao ay


lumilikha ng kakapusan at kakulangan ng mga pinagkukunang-yaman.
Nagdudulot ito ng mga suliraning pang-ekonomiya na maaaring magresulta
sa kaguluhan at kahirapan sa lipunan. Dahil dito, mahalaga na magkaroon ng
sistemang pang-ekonomiya ang bansa. Ito ay para sa organisdo at tamang
pagdedesisyon ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman. Halina’t
umpisahan nating suriin ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya bilang
sagot sa kakapusan.

Sistemang Pang-ekonomiya
Ang sistemang pang-ekonomiya ay paraan ng pagsasaayos
ng iba’t ibang yunit pang-ekonomiya upang makatugon sa
suliraning nakapaloob sa produksiyon, distribusyon, alokasyon ng
mga produkto at serbisyo. Kailangang tumugon ang bawat lipunan
sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko. Una, ano-
anong produkto at serbisyo ang gagawin? Pangalawa, gaano
karami ang gagawing produkto at serbisyo?
Pangatlo, papaano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
Pang-huli, para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?

Ang alokasyon ay isang napakahalagang konsepto ng ekonomiks.


Ito ang mekanismong ginagamit para sa paglalaan ng takdang dami
ng pinagkukunang-yaman. Sumasagot ito sa mga suliraning pang-
ekonomiya ng bansa. Isinasagawa ang alokasyon upang hindi
humantong sa pagkaubos ang mga limitadong pinagku-kunang
yaman. Tinutukoy din sa alokasyon kung paano at sino ang mag-
bibigay-halaga sa mga pinagkukunang-yaman

https://commons.wiki
media.org/wiki/File:Bl
ack_Man_Pointing_to
_the_Right_Cartoon_
Vector.svg

Tunghayan natin sa susunod


na pahina ang mga sistemang
pang-ekonomiya….

8
Sistemang Pang-ekonomoiya

Traditional Economy Command Economy

 Nakabatay sa pangangaila-  Nakabatay sa kautusan


ngan ng pamayanan ang paggawa ng pamahalaan ang paggawa ng
ng mga produkto at serbisyo. produkto at serbisyo.
 Nakaayon sa mga sinaunang  Ang pamahalaan ang mag-
pamamaraan at tradisyon ang dedesisyon kung paano gagawin
pruduksiyon. ang mga produkto at serbisyo na
 Para sa mga madla ang gina- nakaayon sa pangunahing
gawang produkto at serbisyo. pangangailangan ng mga tao.
Kinakalakal naman ang mga Ang nagmamay-ari ng yaman ay
sobrang produkto. ang pamahalaan.
 Para sa lahat at sa Ka-
unlaran ng estado ang
ginagawang produkto at serbisyo.

Market Economy Mixed Economy


 Nakabatay sa kagustuhan ng  Nakabatay sa pamahalaan
mga mamimili ang paggawa ng mga at pribadong mga nagmamay-ari
produkto at serbisyo. ang paggawa ng desisyon sa
 Mga pribadong tao o priba- pamilihan.
dong kompanya ang komokontrol ng  Maaaring pinagsama ang
produksiyon at nasa kamay nila ang pamahalaan at pribadong tao
paggawa ng mga produkto. para matugunan ang mga panga-
 Tinatawag na free enterprise ngailangan sa kasanayan,
dahil malaya ang lahat na pumasok teknolohiya, at puhunan.
o lumabas sa negosyong nais niya.  Ang mga produkto at ser-
 Para sa mga mamimili ang bisyo ay pagmamay-ari ng
mga produkto at serbisyo. pama- halaan at pwede rin ang
 Presyo ng mamimili at nagbi- priba- dong tao na magmamay-ari
bili ang umiiral sa pamilihan. ng yaman.

9
Pagyamanin

SISTEMA, IKA MO!


Punan ang kahon sa kanan ng mga sagot mula sa mga pangunahing
katanungang pang-ekonomiko batay sa mga ibinigay na uri ng sistemang
pang-ekonomiya. Isulat sa activity notebook ang sagot.
Nagpapasya Paraan ng Pagpapasya
Sistemang (kung ano-anong (kung papaano gagawin
Pang-ekonomiya produkto at serbisyo ang produkto at
ang gagawin?) serbisyo?)

Traditional Economy

Market Economy

Command Economy

Mixed Economy

TANONG MO, TUGON KO!

Gamit ang cluster map, sagutin ang mga katanungang nasa kanang
bahagi at isulat ang sagot sa activity notebook.
1. Ano ang katangian ng tradi-
tional economy?
1. 2. Paano mo ilalarawan ang market
economy?
3. Sa command economy, sino ang
nagpaplano ng ekonomiya?
4. Ano ang mixed economy?
Iba't ibang
Sistemang
2. Pang- 3.
ekonomiya

https://freesvg.org/mike-the-mic-
asking-a-question-vector-clip-art
4.
Isaisip

WALL OF TRAITS!

10
Magtala ng mga katangian ng sistemang pang-ekonomiya
gamit ang graphic organizer sa ibaba. Isulat ang sagot sa activity
notebook.

Sistemang Pang-ekonomiya

Traditional Economy Market Economy

Katangian
Command Economy Mixed Economy

https://www.needpix.com/photo/976216/frame-cartoon-design-
purple-frame-border-blue-frame

Para sa iyo, ano sa palagay mo ang angkop na sistemang pang-


ekonomiya sa Pilipinas? Ipaliwanag ang iyong sagot.
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Isagawa

11
Basahing mabuti ang artikulo sa ibaba at suriin kung anong sistemang pang-
ekonomiya ang nabanggit at magbigay nga mga katangian nito na nasa
artikulo. Gamitin ang graphic organizer sa pagsulat ng mga kasagutan sa
inyong activity notebook.

Sumikat ito noong 16th century sa Western Europe. Ito ang sistemang
namayaning pang-ekonomiyang kaisipan na gumagabay pagdating sa mga
patakaran ng napakaraming bansa sa buong daigdig nuong mga naunang panahon.
Nagbibigay ito ng mga kaisipang nagsusulong na ang kapangyarihan ng isang
partikular na bansa ay nakadepende sa dami ng suplay ng mga ginto at pilak. Noong
unang panahon, nakadepende ang pagkakaroon ng kapangyarihan at pamumuno ng
isang pinuno sa dami ng ginto at pilak na mayroon ang isang tao. Maraming bansa
sa Europa ang nagtuon ng pansin sa pagkolekta ng napakaraming ginto at pilak na
kanilang ginawa sa pamamagitan ng pananakop sa mga bansang mahihina.
Karagdagan nito, ang sistemang ito ay isang sistemang pang-ekonomiya na ang
isang bansa ay uunlad sa pamamagitan ng pagpigil sa pag-angkat at pagsuporta sa
pag-export ng mga kalakal. Sapagkat, ang pangunahing layunin ng Merkantilismo ay
ang pagkakaroon ng isang balanseng pangangalakal na magdadala ng ginto at pilak
sa bansa at pagpapanatili ng tinatawag ng domestic employment.
https://www.slideshare.net/Avilei/merkantilismo-50717164

Buod

12
Ang sistemang pang-ekonomiya ay paraan ng
pagsasaayos ng iba’t ibang yunit pang-ekonomiya upang
makatugon sa suliraning pangkabuhayan ng isang lipunan. Sa
mga nakalipas na gawain na iyong isinagawa, natuklasan mo
ang mga sumusunod:

 Sa tradisyunal na ekonomiya, ang mekanismo ng alokasyon


ay nakabatay sa tradisyun, kultura, at paniniwala

 Sa market economy, ang kasagutan sa pangunahing


katanungang pang-ekonomiko ay ginagabayan ng mekanismo
ng malayang pamilihan.

 Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng


komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan.

 Ang mixed economy ay sistemang pang-ekonomiya kung saan


ang desisyon kung paano gagamitin ang mga pinagkukunang-
yaman ay nasa kamay ng pribadong sector at pamahalaan.

Tayahin (Post-Test)

Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem at bilugan ang titik ng


tamang sagot. Isulat sa activity notebook ang sagot.
1. Ito ay sistemang pang-ekonomiya na nakabatay sa kagustuhan ng
mga mamimili ang paggawa ng mga produkto at serbisyo.
A. Command economy B. Mixed economy
C. Market economy D. Traditional economy
2. Ano ang tawag sa paraan ng pagsasaayos ng iba’t ibang yunit pang-
ekonomiya upang makatugon sa suliraning pangkabuhayan ng isang
lipunan?
A. Alokasyon B. Sistemang Pang-ekonomiya
C. Distribusyon D. Produksiyon
3. Sa ilalim ng mixed economy, kaninong desisyon nakasalalay kung
anong produkto at serbisyo ang lilikhain?
A. Pamahalaan B. Konsyumer
C. Prodyuser D. Pamilihan

4. Sa loob ng pamilihan, kailangan ng instrumento sa pagtatakda kung


gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at gaano karami ang

13
malilikhang mga produkto at serbisyo ng mga prodyuser. Alin sa mga
sumusunod ang nagsisilbing instrumento ng konsyumer at prodyuser?
A. Presyo B. Produkto
C. Pamilihan D. Pagpapalitan
5. Alin sa sumusunod na mga sitwasyon ang nagpapakita ng pagiging
tradisyunal na ekonomiya?
A. Ang mga kalalakihan at kababaihan ay kumikilos alinsunod
sa kanyang personal na interes.
B. Ang mga pagkain ay ibinibigay ng kalalakihang nangangaso
at
kababaihang nagtatanim.
C. Ang bawat pamilya ay may kalayaang makabili ng produkto
batay sa salapi nito.
D. Ang mga kalalakihan ay maaaring makapamili ng kanilang
nais na pasukang trabaho.
6. Kung ikaw ay kabilang sa sistemang market economy, alin sa
sumusunod ang iyong gampanin bilang kasapi ng sistemang ito?
A. Ang iyong katungkulan sa ekonomiya ay nagmumula sa utos ng
pamahalaan batay sa plano.
B. Malaya kang kumikilos ayon sa sariling interes nang walang
pakikialam ng pamahalaan.
C. Sama-samang ninyong isasagawa ang mga gawain at
pakinabang sa pinagkukunang-yaman.
D. Mayroon kayong economic freedom ngunit may control pa rin
ang pamahalaan sa iilang gawain.
7. Ang bawat lipunan ay may sistemang pang-ekonomiya na sinusunod.
Bakit mahalagang magkaroon ng sistemang pang-ekonomiya ang
isang lipunan?
A. Upang mapakinabangan ng ilang tao ang mga malilikhang
kalakal o serbisyo
B. Upang makapamili ng mga bagay na mahalaga lamang sa
paglikha ng kalakal at serbisyo.
C. Upang matugunan ang mga suliraning nakapaloob sa
produksiyon, distribusyon at alokasyon ng mga produkto at
serbisyo.
D. Upang magamit ang iba pang mga pamamaraang
panteknolohiya sa pagbuo ng mga produkto at serbisyo.

14
8. Napakaraming desisyon ang nagaganap sa market economy. Paano
napapanatili ang kaayusan sa loob nito?
A. Ang iba’t ibang uri ng transaksiyon sa pagitan ng nagtitinda at
mamimili, naitatakda ang halaga o presyo ng isang kalakal o
serbisyo.
B. Ang presyo ang nagsisilbing pambalanse ng konsyumer at
prodyuser sa loob ng pamilihan.
C. Mas maraming malilikhang produkto ang konsyumer kung
kaaya-aya ang presyo.
D. Pinipili lamang ng mga prodyuser ang mga produktong dinadala
nila sa pamilihan.
9. Bawat sistemang pang-ekonomiya ay may ginagawang pagpapasya sa
produksyon. Paano natutukoy ng pamahalaan ang inaasahang
produksiyon sa command economy?
A. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng tiyak ng plano.
B. Tamang pagtatakda ng presyo sa pamilihan.
C. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng desentralisadong desisyon
o plano.
D. Pagkakaroon ng maayos na pangangasiwa ng mga produkto at
serbisyo.
10. Paano nakatutulong ang sistemang pang-ekonomiya sa pamamahagi
ng mga pangangailangan ng bawat mamamayan ng isang bansa?
A. Tinitiyak nito ang prayoridad na mabigyan ang lahat ng tao sa
kanilang mga pangangailangan.
B. Tinitiyak nito na magkaroon ng maayos na alokasyon upang
matugunan ang mga pangangailangan ng mga mamamayan.
C. Tinitiyak nito na makamit na mga mamamayan ng bansa ang
kasaganahan sa buhay.
D. Tinitiyak nito na maipamahagi ang mga pinagkukunang-yaman
sa mga tunay na nangangailangan.

Karagdagang Gawain

QUALITY-EFFECT!

Maglista ng dalawang kabutihang dulot ng iba’t ibang sistemang pang-


ekonomiya at ang epekto nito sa lipunan. Isulat ang sagot sa activity
notebook.
Kabutihang Dulot Epekto
1.
2.

15
Susi sa Pagwawasto

1. c 6. b
2. b 7. c
3. a 8. d
4. a 9. a
5. b 10. b
FLAG-SURI!
USA, Philippines, China, Haiti
SISTEMA, IKAMO!
Sistemang Nagpapasya Paraan ng Pagpapasya
Pang-ekonomiya
Traditional Pamayanan o Nakabatay sa tradisyun
Economy lipunan
Market Pamilihan(Nagti- Alinsunod sa pansariling
Economy tinda at Mamimili) kagustuhan
Command Ang pamahalaan ang may ganap
Economy Pamahalaan na kapangyarihan
Pamilihan at Hinahayaan ang pamilihan subalit
Mixed Economy Pamahalaan maaaring manghimasok ang
pamahalaan
WALL OF TRAITS
Traditional Economy
1. Nakasentro sa pamilya at pamayanan.
2. Nakabatay ang paggawa ng produkto sa mga
pangunahing pangangailangan.
Market Economy
1. Malaya ang lahat na pumasok o lumabas sa
negosyong nais niya.
2. Mga pribadong tao o pribadong kompanya ang
komokontrol ng produksiyon
Commandl Economy
1. Nakasentro sa pamilya at pamayanan.
2. Nakabatay ang paggawa ng produkto sa mga
pangunahing pangangailangan.
Mixed Economy
1. Ang mga produkto ay pagmamay-ari ng
pamahalaan at pribadong tao
2. Para sa lahat at sa kaunlaran ng estado ang
ginagawang produkto at serbisyo.

Mga Sanggunian

16
Aklat:
Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas, Ekonomiks, Araling
Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon, (Pasig City:
Vibal Group, Inc., 2015), 53-56.

Bernard R. Balitao et al., Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon, Batayang


Aklat ng Araling Panlipunan, Ikaapat na Taon, (Quezon City: Vibal
Publishing House, Inc., 2012) 71-75.
Web:
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:US_flag_51_stars.svg (accessed
March 31, 2020).

https://en.wikipedia.org/wiki/Flag_of_the_Philippines (accessed June 12,


2020).

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Flag_of_the_People
%27s_Republic_of_China.svg (accessed June 8, 2020).

https://en.wikipedia.org/wiki/Flag_of_Haiti (accessed June 11, 2020).

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Black_Man_Pointing_to_the_Right_C
artoon_Vector.svg (accessed February 15, 2020).

https://freesvg.org/mike-the-mic-asking-a-question-vector-clip-art (accessed
September 29, 2015).

https://www.needpix.com/photo/976216/frame-cartoon-design-purple-frame-
border-blue-frame

https://pixabay.com/vectors/buying-cartoon-comic-2022595/ (accessed
January 30, 2017).

17
For inquiries and feedback, please write or call:

DepEd Division of Iligan City


Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

18

You might also like