You are on page 1of 2

Jerome D FLorentino

Surallah South Cotabato

Patawad

Kinang ng kulisap sa mga mata'y mapagkunwari,

Laho ng anino'y sindilim ng kulay.

At isang pudpod ng lapis sa kahong

Masikip.

Ikot nang ikot sa itim na bilog,

Lipad nang lipad sa taas Ng sulok,

Huminto na lng sa pusod,

Nang matikman suntok sa buwan.

Aasa, hihiling ngunit papatayin,

Sa alindog ng lason, kikitil ng paslit,

Kamuwang-muwang ay buburahin at

Alaalay pilit lilimutin.

Gunting kumagat sa paghati ay sarat,

Daloy ng buhay pinutol, pinahinto

Nang isang pagkakamaling ginawa.

Mga matang makinang,

ngayon luhang dugo ang lumabas,

Paghihinagpis sa puso't isip at,


Hindi mabilang ang hinihiling KAPATAWARAN.

You might also like