You are on page 1of 4

TAO Saan Ka Patutungo?

Ni: Jerome D. Florentino

Ang tinik na daan ay

Pilit mong nilalakaran,

Daloy ng buhay na

Pilit mong nilalakbay

Saan ka patutungo

Saan ka dadalhin ng

mga paa mo, TAO.

Mga hakbang na hahamakin ang lahat,

Mga pawis na nilaan, para marating lang,

Patutunguhan.

Kailan pa? malapit na ba?

Hintay lang TAO, may oras ka pa.

Nasimulan na to, susuko pa ba ako?

Ano ? ikaw susuko?, TAO tapusin mo;

Oo nga pala, ganito talaga ang mundo.

Handang subukin kung saan ang kaya ko,

Patuloy sa paglakad

Sabay sa takbo ng oras, at


Hahabulin hanggang dulo,

Upang matupad lang itong aking plano.

TAO Ako indi tao lang,

Nakaya nga ang hirap, bagyo gutom

Pati pa ba to susukuan ko!

Husgahan nyo man ako,pero sandali

lang may oras pa ako.

Kaya pa, may lakas pang natitira

Malapit na talaga, kapit lang

Naaaninag na ang pinto ng huling

Buhay,

At doon ako mananahan.

Huling pagsubok ay dumating na

Isa na lang ang kulang

Para makuha ang huling hatol

Sa kanya,

Hatol na isang tagumpay kung

Ito’y ibigay.

Sa bawat tinik na aking tinahak,

sa paglalakakbay na halos
Oras ang kalaban

Pilit kung itong hinarap

Para lang sa huling patutunguhan.

Aking Ama, Salamat na nakaya ko

Kahit matinding pait at hirap nilaan ko rito,

Pwede mo na ba Akong tanggapin

sa tahanan mo bilang anak at tao.

sa tahanan na ako’y mananahan

diyan sa puso mo.

You might also like