You are on page 1of 2

Sabi mo, tayo hanggang dulo

Akala ko naman pangmatagalan na tayo nito

Sabi mo ayos lang tayo't walang magbabago

'Yon pala, nagkamali lamang ako.

Akala ko pa naman Mahal, pareho nating tinatahak ang daan patungo sa sinasabi nilang walang hanggan

Di alintana ang dagok at tinik sa ngalan ng ating pag-iibigan

Magkahawak ang kamay nang sa gayon ang pagsubok ay makakayanan

Ngunit teka teka teka .walang pasabing ako'y iyong pinalitan

Ako ay iyong nilinlang sa gitna ng kawalan

Balot na balot ng paghikbi at di alam kung pano tatahan

At sa biglaang paglamig ng ihip ng hangin

Naririto ako't naninibago pa rin

Ginugunita ang kahapong nagdaan na dati ay sa atin

'Yong mga minuto't oras na ako pa ang bukambibig ng 'yong puso't damdamin

"Iibigin kita at mas iibigin pa", mga katagang iyong sinambit

Mga salitang pinanghuhugutan ko ng lakas at patuloy kumakapit

Mga salitang balatkayo lamang pala at mapanakit

Hay, ang akala ko tayo'y pang road to forever na, hanggang sa salita ka lang pala

Akala ko matatamasa na natin ang happy ending ng ating pagmamahalan, hindi naman pala

Kaya asahan mong nawawalan na ng saysay ang kasunod na mga pahinang naglalaman ng ating SANA
ALL sana na istorya,

Dahil wala na akong maidudugtong pa pagkat ang dating tayo ay sinira mo na


Hindi ko lubos maisip kong saan ako nagkulang,

Ang tanging alam ko'y binigay ko lahat upang sumaya ka lang.

Minahal kita ng buong-buo,

Pero iniwa't binasag mo ang puso kong walang ibang ginawa kung hindi gustuhin ang tulad mo.

Ibabaon na lang kita sa limot upang 'di na ako masaktan nang todong-todo

Walang hiyang akala pinaasa akong matatag tayo.

Walang kwentang akala pinakilig lang ako.

Akala ko'y minsan ikaw ay naging totoo pero lahat ng akala ko'y mananatiling akala lang talaga hanggang
dulo..

At panghuli, hindi mo na lang sana ako minahal at pinaikot sa iyong mga pangako

-TRIZHA :)

You might also like