You are on page 1of 3

Department of Education

Region IV – CALABARZON
Division of San Pablo City
FuleAlmeda District
SAN ROQUE ELEMENTARY SCHOOL
San Pablo City

Banghay-Aralin sa MTB-MLE 1
S.Y. 2018-2019
I. Layunin:
MT1SS-IIId-f-6.1
Nakasusunod sa dalawa hanggang tatlong nakasulat na panuto.
II. Paksa: Pagsunod sa Panuto
Sanggunian:K-12 Curriculum, MTB-MLE Teaching Guide pp. 343
Kagamitan: larawan, power point presentation, cellphone at laptop
Magandang-asal: Pagsunod sa magulang at guro

III. Pamamaraan/Gawain
A. Panimulang Gawain
1. Balik-Aral
Magpakita ng larawan ng paaralan.

Tanong:
1. Ano ang nakikita mo sa larawan?
2. Ano-ano ang mga tuntunin na dapat sundin kapag nasa paaralan?
3. Ano ang mangyayari sa atin kapag sinunod natin ang mga alituntuning ito?
B. Panlinang na gawain/Paghahabi ng layunin ng gawain
Ipapanuod sa mga mag-aaral ang kwentong “Ang Gamugamo”
Tanong:
1. Sino ang bata sa kwento?
2. Ano ang bilin sa kanya ng kanyang nanay?
3. Ano ang nangyari sa kanya nang lumapit siya sa apoy?
4. Tama ba ang ginawa niya? Bakit?
5. Kung ikaw ang batang gamugamo ano ang gag?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Panuto ko Sundin Mo!
Ngayon ay susubukan natin kung sino ang marunong sumunod sa bilin o panuto.
Sa isang typewriting, gamit ang pangkulay gawin ang sumusunod:
1. Gumuhit ng isang malaking bilog.
2. Sa loob ng bilog gumuhit ng tatsulok
3. Sa loob ng bilog gumuhit ng parisukat

Ano-ano ang hugis na nabanggit sa panuto?


Sino ang makapaglalarawan ng bilog?
Sino ang makapaglalarawan ng tatsulok?
Sino ang makakapaglarawan ng parisukat?

Bakit kaya naging tama o mali ang iyong ginawa?


D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1
Basahin Mo Sundin Mo!
Basahin ang panuto at sundin ito.
Panuto 1
Lumakad pauna at tumalon ng 3 beses

Panuto 2
Gumuhit ng bilog sa pisara at ilagay ang iyong pangalan sa loob nito.

Panuto 3
Tumalon ng 3 beses at pumalakpak ng 2 beses

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

Kunin mo! Ihanay mo


Babasahin ng bawat grupo ang panuto. Kukunin nila ang larawan sa loob ng envelope at paunahang
ihahanay ito. Ang unang makakatapos na grupo ang mananalo.

Ihanay ang mga bagay ayon sa panuto


una ang lapis
ikalawa ang krayola
ikatlo ang libro
ikaapat ang notebook

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)


Pangkatang gawain:
Pangkat 1: Gamit ang cellphone i-video ang inyong grupo habang sinusunod ang panuto.

Panuto:
1. Tumalon ng 2 beses
2. Pumalakpak ng 5 beses
3. Ikembot ang beywang

Pangkat 2: Gamit ang app na “Kids Coloring Book” kulayan ang pinya na ayon sa panuto.

Panuto:
1. Kulayan ng berde ang korana ng pinya
2. Kulayan ng dilaw ang katawan ng pinya.

Pangkat 3: Gamit ang “Kids Paint”sundin ang panuto.


Panuto:
1. Gumuhit ng bulaklak
2. Kulayan ito ng pula

Pangkat 4: Gamit ang cellphone kuhanan ng larawan ang kagrupo habang sinusunod ang panuto.

Panuto:
1. Kuhanan ng larawan ang kagrupo habang nakataas ang kamay
2. Kuhanan ng larawan ang kagrupo habang nakataas ang isang paa.

Puntos Pamantayan
5 Lahat ng ginawa ay tama
Nakapag-ulat ng wasto at may tamang lakas ng boses
Tahimik sa pagsasagawa.
4 Lahat ng ginawa ay tama
Nakapag-ulat ng wasto at may katamtamang lakas ng boses.
Tahimik sa pagsasagawa.
3 May isang mali sa ginawa
Nakapag-ulat ng wasto at may katamtamang lakas ng boses.
Tahimik sa pagsasagawa.
2 May dalawang mali sa ginawa
Nakapag-ulat ng wasto at may katamtamang lakas ng boses.
Medyo tahimik sa pagsasagawa.
1 May tatlong mali sa ginawa
Nakapag-ulat ng wasto at may katamtamang lakas ng boses.
Medyo tahimik sa pagsasagawa.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Isang araw inutusan si Ana ng kanyang nanay na mamili sa palengke. Nakasulat sa papel ang dapat niyang
gawin. Tulungan natin siyang mabili ang ipinabibili ng kanyang nanay.

Panuto:
1. bumili ng mansanas.
2. bumili ng talong
3. bumili ng tatlong itlog.
H. Paglalahat ng Aralin
Paano natin masusunod nang mabuti ang mga panuto?
Bakit mahalagang sumunod sa panuto?

I. Pagtatataya ng aralin
Kulayan ang bibe ayon sa panuto.

1 bughaw 3 dilaw

2 kahel 4 luntian
.
J. Karagdagang Gawain (para sa takdang aralin o remediation)
Isulat ang kahalagahan ng pagsunod sa panuto

Inihanda ni:

AIRA O. ARAGUAS
Guro sa Unang Baitang

Iwinasto ni:

GINA M. BELEN
Master Teacher II

You might also like