You are on page 1of 21

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik – 11

Alternative Delivery Mode


Ika-apat na Kwarter – Modyul 8: Pangangalap ng Paunang Impormasyon at
Pagbuo ng Pahayag ng Tesis
Unang Edisyon

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in
any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalties.
Barrowed materials (i.e.,songs, stories, poems, pictures, photos, brand
names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to
use these materials from their respective copyright owners. The publisher and
authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education


Secretary:
Undersecretary:
Assistant Secretary:

Development Team of the Module


Development Team of the Module:
Author: Janice E. Calapis
Author: Janice E. Calapis
Editor:
Layout Artist: Janice E. Calapis
llustrator: Jay Michael A. Calipusan
Reviewer:
Management Team:
Illustrator:
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Lay-out Artist: Janice E. Calapis
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Management
Asst. Team: Regional Director
Mala Epra B. Magnaong
CES, CLMD
Members: Dr. Bienvenido U. Tagolimot, Jr.
Regional ADM Coordinator
Elesio M. Maribao
EPS, Filipino
Printed in the Philippines by: DepEd, Region X
Department of Education – Bureau of Learning Resources
Office Address:
Printed Zone 1,by:
in the Philippines DepEd BuildingofMastersons
Department Education –Ave., UpperOffice
Regional Balulang,
10
Cagayan de Oro City, 9000
Office Address: Zone 1, Upper Balulang Cagayan de Oro City 9000
Telefax: (088) 880-7071,
Telefax: (088)
(088) 880 880-7072
7072
E-mail Address:
E-mail Address region10@deped.gov.ph
region10@deped.gov.ph
Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik
Ikaapat na Kwarter – Modyul 8
Pangangalap ng Paunang
Impormasyon at Pagbuo ng Pahayag
ng Tesis

This instructional materials was collaboratively developed and


reviewed by educators from public and private schools, colleges, and
or/universities. We encourage teachers and other education stakeholders to
email their feedback, comments, and recommendations to the Department of
Education at action@deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

Kagawarang ng Edukasyon . Republika ng Pilipinas


TALAAN NG NILALAMAN

Mga Nilalaman Pahina

Pangkalahatang Ideya -------------------------------------------- 1


Nilalaman ng Modyul -------------------------------------------- 1
Mga Layunin -------------------------------------------- 1
Pangkalahatang Panuto -------------------------------------------- 2
Paunang Pasulit -------------------------------------------- 2
Aralin -------------------------------------------- 3
Mga Gawain -------------------------------------------- 4
Paglalahat -------------------------------------------- 13
Panghuling Pasulit -------------------------------------------- 14
Referenses -------------------------------------------- 16
Pangkalahatang Ideya
Ang modyul na ito ay para sa mga kabataang
nagnanais na makapag-aral sa apat na sulok ng silid-
aralan subalit gahol sila sa pagkakataon at oras bunga
ng mga iba’t ibang kadahilanan na hindi inaasahan.
Kaya ang Kagawaran ng Edukasyon ay nagpatupad ng
mga kaukulan na “Education for All” o EFA na walang batang maiiwan na hindi
makapag-aral. Ang Kagawaran ng Edukasyon ay humanap ng paraan para
maisakatuparan ang mithiing iyon. Ang Modyul na ito ay gagamitin sa Senior
High School Open High Program.

Nilalaman ng Modyul

Ang modyul na ito ay naglalaman ng iba’t ibang


hakbang at proseso sa pagbuo ng isang sulating
pananaliksik. Ilalahad ang dalawang proseso ng
pananaliksik, ang pangangalap ng paunang
impormasyon at pagbuo ng pahayag ng tesis. Inaasahan na pagkatapos ng
modyul na ito ay handa na ang mga mag-aaral sa susunod na mga proseso.

Mga Layunin

Ang modyul na ito ay naglalayong


maisakatuparan ang mga sumusunod na layunin:

a. Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng isang pananaliksik


(pagbuo ng panukalang pahayag o pahayag ng tesis) (F11PU-IVef-91)
b. Nabibigyang kahulugan ang mga konseptong kaugnay ng pananaliksik
(F11PT – IVcd – 89)
c. Nakapagpapahayag ng saloobin batay sa karanasan kaugnay ng
ginawang pangangalap ng datos
d. Nakabubuo ng pahayag ng tesis (thesis statement) para sa susulating
pananaliksik

1
1
Pangkalahatang Panuto

Tatalakayin ang iilan sa mga hakbang sa


pagsulat ng isang papel pananaliksik. Basahin,
intindihin, at gawin ang mga gawaing inihanda sa
modyul na ito.

Paunang Pagtataya

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na


pahayag at sabihin kung tama o mali. Isulat ang T
kung tama ang pahayag at M kung mali sa patlang
na nakalaan sa bawat bilang.

_______ 1. Ang pahayag ng tesis ay naglalahad ng pangunahin o sentral


na ideya ng sulating pananaliksik.

_______ 2. Ang bawat uri ng pananaliksik ay hindi nangangailangan ng


naaangkop na datos upang makamit ang layunin ng mga ito.

_______ 3. Mga halimbawa ng qualitative data ay kulay, tekstura, lasa,


damdamin, mga pangyayari, at sasagot sa mga tanong na paano at bakit.

_______ 4. Ang tawag sa pananaliksik na nangangailangan ng datos


numerical na ginagamitan ng mga operasyong matematikal ay quantitative
data.

_______ 5. Ang pahayag ng tesis ay naglalahad ng pangunahin o sentral


na ideya ng sulating pananaliksik.

22
ARALIN 8
YUGTO NG PAGKATUTO

TUKLASIN

Gumawa ng GANNT Chart ng plano kaugnay sa


kukuning mga datos. Gawing gabay ang tsart na nasa
ibaba sa paglalapat ng mga datos at impormasyon. Isulat ang sagot sa isang
buong papel.

Datos 1. Opinyon at Saloobin ukol sa Pagtatanggal ng Asignaturang


Filipino sa Kolehiyo

PETSA

Mga Gawain

Pagtataya ng
Gawain

Datos 2. Mabuti at Hindi Mabuting Epekto ng pagpapatupad ng K to 12 na


Kurikulum

PETSA

Mga Gawain

Pagtataya ng
Gawain

Mga gabay na tanong:


Panuto: Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ano ang kahalagahan ng pagplano sa pangangalap ng impormasyon?
___________________________________________________________
2. Paano mo maisasagawa ang iyong mga plano sa pangangalap ng datos?
___________________________________________________________

3
LINANGIN

Pangangalap ng Paunang Impormasyon


Sa mga naunang aralin sa kabanatang ito ay
nalaman mo at natuto kang pumili at maglimita ng
paksa para susulating papel pananaliksik. Mula sa mga
natutunang iyon ay susunod naman na hakbang ay ang pagsulat ng pahayag ng
tesis o mas kilala sa tawag sa Ingles na thesis statement na hahanguin mula sa
iyong paksa.
Para makabuo ng isang mahusay na pahayag ng tesis, ito ay
nangangailangan muna ng mga paunang impormasyon o mga kaalaman tungkol
sa napiling paksa.

Mga Mapagkakatiwalaang Mapagkukunan ng Paunang


Impormasyon
Sa pangangalap ng paunang impormasyon ay hindi muna ito ang
malawakan at malalimang pangangalap ng datos at impormasyon subalit
kailangan ang kaalaman kung ano at saan makakuha at makakalap ng mga
magpakakatiwalaang impormasyon.
Maraming mga puwedeng mapagkukunan subalit maging maingat sa
pagpili at pagkuha ng impormasyon. Kinakailangang sisiguraduhin na beripikado,
tumpak, mabisa, at kompleto ang mga datos at impormasyon na kukunin.
Sa Internet kailangang maging mapanuri sa mga impormasyong
makukuha. May mga web site na maituturing na mapagkakatiwalaan kagaya ng
mga domain extension na nagtatapos sa .edu.gov at .org.
Sa lahat ng mga posibleng mapagkukunan, ang silid-aklatan pa rin ang
napakahalagang lugar sa inyong paaralan ang mapagkunan ng mga
impormasyon sa gagawing pananaliksik. Maraming maging sanggunian gaya ng
aklat, almanac, atlas, at encyclopedia, gayundin ng pahayagan, journal, at
magasin. Sisiguraduhin lang kung kailan inilimbag ang aklat sapagkat kung higit
sampung taon na mula sa pagkalathala ang aklat ay maaaring may mga bagong
impormasyon na sa kasalukuyan na maaaring angkop sa susulating papel
pananaliksik.

Gawain 1

Panuto: Ipaliwanag ang sagot sa mga sumusunod na


tanong sa pamamagitan ng survey at panayam. Isulat
ang sagot sa espasyong nakalaan sa bawat bilang.
1. Bakit mahalagang tiyakin ng isang
mananaliksik na mapagkakatiwalaan ang mga
pinagkukunan ng impormasyon?

44 4
Sagot sa survey:
 ______________________________________________________
 ______________________________________________________
 ______________________________________________________

2. Ano-anong mga bagay ang dapat isaisip ng isang mananaliksik kapag


nangangalap ng impormasyon sa Internet?
Sagot sa survey:
 ______________________________________________________
 ______________________________________________________
 ______________________________________________________

3. Bakit iminumungkahi ang paggamit sa mga sangguniang matatagpuan


sa silid-aklatan?
Sagot sa survey:
 ______________________________________________________
 ______________________________________________________
 ______________________________________________________

4. Ano sa palagay mo ang dahilan kung bakit kinakailangang tingnan ang


petsa o taon kung kailang nailimbag ang aklat? May kinalaman ba ang
petsa kung kailan inilathala ang aklat sa nilalaman nito?
Sagot sa survey:
 ______________________________________________________
 ______________________________________________________
 ______________________________________________________

5. Bakit mahalaga ang maayos na pag-oorganisa sa mga paunang


impormasyon na nakalap ng mananaliksik?
Sagot sa survey:
 ______________________________________________________
 ______________________________________________________
 ______________________________________________________

PAGYAMANIN

Mga Uri ng Datos


Ang pananaliksik ay may iba’t ibang uri. Ang
bawat uri ng pananaliksik ay may kanya-kanyang
layunin na nais makamit at nangangailangan ng
angkop na datos. Ang mananaliksik ay
nangangailangan ng tamang metodo sa pagkalap ng mga datos.

5
5
Isa sa uri ng datos ay datos ng kalidad o qualitative data na kung saan ito
ay nagsasalaysay o naglalarawan o pareho ang layunin. Halimbawa ng
qualitative data ay damdamin, lasa, tekstura, kulay, mga pangyayari at ang mga
katanungang sasagot sa paano at bakit.
Samantala, may mga papel pananaliksik na nangangailangan ng datos na
numerika na ginagamitan ng istadistika at ito ang datos ng kailanan o quantitative
data. Ito ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga sagot ng mga sinarbey.

Gawain 2

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan


sa ibaba. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo.

1. Ano-ano ang mga uri ng datos sa pananaliksik?

___________________________________________________________

2. Ano ang datos ng kalidad o qualitative data?

3. Ano naman ang datos ng kailanan o quantitative data?


___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

66
Gawain 3

Panuto: Punan ang mga konsepto ukol sa pahayag


ng tesis o thesis statement. Ipaliwanag. Isulat ang
sagot sa papel.

Pahayag
ng Tesis

Ang Pahayag ng Tesis o Thesis Statement

Kailangang ang mananaliksik ay may kabatiran kung saan siya patungo sa


kaniyang gagawing pananaliksik. Kaya ang pahayag ng tesis ay mahalaga
sapagkat ito ay naglalahad ng sentral na ideya ng sulating pananaliksik. Isa itong
matibay na pahayag na nagpapakita sa pinapanigang posisyon o pananaw ng
mananaliksik na handa niyang patunayan sa pamamagitan ng pangangalap ng
datos at impormasyon.
Ito rin ay nagbibigay batid sa mga mambabasa kung tungkol saan ang
sulating pananaliksik at nagbibigay direksyong sa paghahanap ng mga
impormasyon tungkol sa paksang pinag-aralan.

Pagbuo ng Mahusay na Pahayag ng Tesis

Ang pangangalap ng paunang impormasyon ay mahalaga sa pagbuo ng


mahusay na pahayag ng tesis. Dapat suriing mabuti ang mga impormasyon na
nakalap at kung sapat na ang mga ebidensiyang nakuha ay maaari ng makabuo
ng isang mahusay na pahayag ng tesis.

77
Ayon kay Dayag at del Rosario (2016), maaaring masubok kung mahusay
o matibay ang nabuong pahayag ng tesis sa pamamagitan ng pagsagot sa
sumusunod:
 Nakasasagot ba ito sa isang tiyak na tanong?
 Tumutugma ba ito sa sakop ng pag-aaral?
 Nakapokus ba ito sa isang ideya lang?
 Maaari bang patunayan ang posisyong pinaninindigan nito sa
pamamagitan ng pananaliksik?

Mga Paraan ng Paglalahad sa Pahayag ng Tesis


Ayon kay Samuels (2004), maaari itong isagawa sa alinman sa
sumusunod na mga paraan:
 Isulat sa pamamagitan ng isang suliranin at isama rito ang iyong opinyon o
posisyon.
 Talakayin ang kasalukuyang kalagayan ng isang isyu o suliranin at
maghinuha kung paano ito maaaring malutas.
 Mag-isip ng maaaring maging solusyon sa isang suliranin.
 Tingnan ang isyu o paksa sa isang bago at naiibang perkspektibo o
pananaw.
 Magpanukala kung paanong ang mundo sana ay naiiba ngayon kung
nangyari/hindi nangyari ang mga bagay-bagay sa nakalipas.
 Pagkomparahin ang dalawang bagay na halos magkapareho at bigyan
ang mga ito ng marka.
 Maglahad ng iyong mga ideya kung paanong naimpluwensiyahan ang
isang paksa kaya ito naging ganito o ganoon.

Matutunghayan sa ibaba ang mga halimbawa ng paksa at ang pahayag ng


tesis na nabuo mula rito. Ang mga halimbawa ay mula kina Dayag at del Rosario
(2016).
Paksa:
Pangunahing dahilan kung bakit tinatangkilik ang isang awiting isinalin sa
ibang lengguwahe
Tesis:
Bukod sa himig at ritmo, tinatangkilik ang isinaling awit kung naisalin ang
ideya ng orihinal na awit nang hindi hinahabol o isinisiksik ang titik ng
pinagsalinang lengguwahe sa tono ng orihinal na awit.

Paksa:
Pagiging popular sa mga manonood ng mga loveteam sa telebisyon at
pelikula
Tesis:
Isinasabuhay ng mga loveteam ang romantikong pantasya ng mga
manonood ng telebisyon at pelikula kaya suportado o tinatangkilik nila ito.

88
Paksa:
Mas pinipili ng mga tao ang mga kapehan bilang lugar para sa
socialization kompara sa mga fastfood outlets, restoran, o karinderya.
Tesis:
Kasabay ng kanilang pagsikat, ang mga kapehan ay nakapag-project ng
imahe sa lipunan sa tulong ng media bilang lugar kung saan nagkikita-kita o
nakikipagkilala ang mga tao na sinusuportahan naman ng kanilang arkitektura,
internal na disenyo, at pagtawag sa pangalan ng kostumer na bumuli kaya siya
nakikilala ng iba pang mga kostumer sa loob ng kapihan.

Gawain 4

Panuto: Basahin at unawain ang bawat datos na


nakalahad sa ibaba. Isulat sa patlang bago sa bilang
kung ang datos ay nagpapakita ng kalidad (qualitative
data) o nagpapakita ng kailanan (quantitative data).

___________________ 1. Mga mag-aaral sa Grade 11

o 250 na mag-aaral
o 150 na babae, 100 na lalaki
o 25 ang nag dropped
o 5% ang palaging lumiliban sa klase

Mga Kadalasang Lumiliban sa Klase


___________________ 2.
o Lalaki
o Babae
o Buo ang pamilya ng respondent
o Hiwalay ang pamilya ng respondent

Mga dahilan sa pagpili ng track at strand sa SHS


____________________ 3.
o Madali ang mga asignatura
o Mahirap ang mga asignatura
o Gustong magkolehiyo pagkatapos ng SHS
o Gustong magkatrabaho agad pagkatapos ng
SHS

99
Pananaw ng mga kabataan sa panukalang
____________________ 4.
tanggalin ang asignaturang Filipino sa Kolehiyo

o Kailangang panatilihin sa kurikulum


o Kailangang tanggalin sa kurikulum
o Hindi makatarungan ang panukalang iyan
o Makatarungan ang panukalang iyan

___________________ 5. Masarap na tinda sa kantina

o Banana cue
o Hot cake
o Bread
o Junk foods

Gawain 5
Panuto: Basahin at suriin ang mga impormasyon at
datos na inilahad sa bawat bilang. Mula sa mga
impormasyong inilahad ay bumuo ka ng tanong na nais
mong matuklasan pa na nangangailangan pa ng
kaukulang pag-aaral. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

1.
Maraming mag-aaral sa high school at kolehiyo ang nagtatrabaho ng part
time para makatulong sa mga gastusin sa kanilang pag-aaral. Bukod sa
salaping kinikita, may mas malaking pakinabang ang mga kabataang ito sa
kanilang pagtatrabaho. Sa pamamagitan kasi nito’y nalilinang sa kanila ang
mahuhusay na ugali sa pagtatrabaho na tinatawag na “work ethics”. Ayon sa
obserbasyon ng mga employer, napansin nilang mas madaling matuto, mas
may pokus sa trabaho, at mas mahusay makibagay sa mga katrabaho ang mga
empleyado nilang nagtrabaho ng part time habang nag-aaral pa. Gayunpama’y
napansin din nilang karaniwang marka nila ay hindi gaanong matataas at
bibihira sa mga nagtrabaho habang nag-aaral ang nakatapos nang may mataas
na karangalan.
Mula sa “Pinagyamang Pluma”
Ni Dayag at del Rosario

10
10
Gumawa ng tanong na nais mong masagot na kailangan pang ihanap
ng karagdagang impormasyon bago masagot.
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
2.
Naiwan ko ang aking smartphone sa bahay at pakiramdam ko’y hindi ako
kompleto dahil isang bahagi ng buhay ko ang wala sa akin. Halos hindi ko
binibitawan ang aking smartphone sa maghapon. Lagi nang nakadikit ang
earphones sa tainga ko at nakikinig sa paborito kong playlist ng Maroon 5 habang
nag-tse-chek ako ng e-mail at nag-a-update sa aking Instagram at facebook
account. Dahil hindi ako nasanay magsuot ng relo ay sa smartphone din ako
nakadepende sa pagtingin sa oras. Dito rin nakalagay ang schedule ko sa
maghapon. Sa mga oras tulad nitong matrapik ay nalilibang ko sana ang aking
sarili sa paglalaro ng mga paborito kong app. Hindi rin ako mapakali dahil tiyak na
marami nang nagte-text sa akin ngayon. At mamaya sa klase, tiyak na wala
akong magagamit na aklat dahil ang e-book ko ay naka-store sa aking
smartphone.
Mula sa “Pinagyamang Pluma”
Ni Dayag at del Rosario

Gumawa ng tanong na nais mong masagot na kailangan pang ihanap ng


karagdagang impormasyon bago masagot.
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
3.
Ang pagkakaroon ng magagandang marka sa high school ay patunay na
may pansariling disiplina ang isang mag-aaral. Maliban kasi sa paghahanda para
sa mga aralin sa silid-aralan, ang isang mag-aaral sa high school ay karaniwan
ding sumasali sa iba’t ibang gawaing extracurricular tulad ng pakikilahok sa clubs,
isports, kontes, at iba pa. Idagdag pa ang maraming lakad o gimik ng barkada.
Kung kulang sa disiplinang pansarili ang isang mag-aaral ay maaaring maubos
ang kanyang oras sa mga gawaing walang kaugnayan sa kanyang pag-aaral at
maging isang malaking hamon sa kanya ang pagkakaroon ng hindi lang pasado
kundi mahuhusay na marka. Isa sa mga kinokonsidera sa pagtanggap ng mga
mag-aaral sa mga kolehiyo ay kung nababalanse ba ng mag-aaral ang pagiging
abala sa iba’t ibang gawain at ang pag-aaral. Ang magagandang marka sa kabila
ng pagiging abala ay magpapatunay na nagawa ito. Naniniwala silang magiging
matagumpay sa kolehiyo ang mag-aaral na nagtataglay ng ganitong katangian.
Mula sa “Pinagyamang Pluma”
Ni Dayag at del Rosario

11
11
Gumawa ng tanong na nais mong masagot na kailangan pang ihanap ng
karagdagang impormasyon bago masagot.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

PAGLIPAT

Panuto: Mula sa nabuo mong mga katanungan sa


Gawain 3, gumawa ka ngayon ng pahayag ng tesis
(thesis statement). Isulat ang iyong sagot sa kahon na
nasa ibaba.

Panukalang Pahayag

12
12
Pagkatapos makabuo ng pahayag ng tesis, gamitin ang tseklist sa ibaba
upang masuri kung ang iyong binuong pahayag ng tesis ay matibay o mahusay.
(Dayag at de Rosario, 2016). Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Isulat dito Sumasagot ba Tumutugma Nakapokus ba Maaari bang


ang binuo ito sa isang ba ito sa ito sa isang patunayan ang
mong tiyak na sakop ng pag- ideya lang? posisyong
Pahayag ng tanong? aaral? pinaninindigan
Tesis nito sa
pamamagitan
ng
pananalisik?

PAGLALAHAT

Napayaman mo ang iyong kaalaman sa


pangangalap ng paunang impormasyon at pagbuo ng
pahayag ng tesis sa pagbuo ng isang papel
pananaliksik. Ngayon, handing-handa ka na sa susunod
na modyul.
Binabati kita!

13
13
PANGWAKAS NA PAGTATAYA

Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pahayag


at sabihin kung tama o mali. Isulat ang T kung
tama ang pahayag at M kung mali.Isulat sa patlang
na nakalaan sa bawat bilang.

_______ 1. Ang pahayag ng tesis ay naglalahad ng pangunahin o sentral


na ideya ng sulating pananaliksik.

_______ 2. Ang bawat uri ng pananaliksik ay hindi nangangailangan ng


naaangkop na datos upang makamit ang layunin ng mga ito.

_______ 3. Mga halimbawa ng qualitative data ay kulay, tekstura, lasa,


damdamin, mga pangyayari, at sasagot sa mga tanong na paano at bakit.

_______ 4. Ang tawag sa pananaliksik na nangangailangan ng datos


numerical na ginagamitan ng mga operasyong matematikal ay quantitative
data.

_______ 5. Ang pahayag ng tesis ay naglalahad ng pangunahin o sentral


na ideya ng sulating pananaliksik.

14
14
Mga Sagot

Paunang Pasulit
1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Tama
5. Tama

Huling Pasulit
1. Tama
2. Mali
3. Tama
4. Tama
5. Tama

15
15
Referenses

Mga Aklat

Bandril, Lolita T. et al. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik. Quezon City: Vibal Group, Inc. 2016.
Dayag, Alma M. at Mary Grace G. del Rosario. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t
Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik. Quezon City: Phoenix Publishing
House, 2016
De Laza, Crizel S. at. & Batnag, Aurora E. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto Tungo sa Pananaliksik. Manila City: Rex Book Store. 2016.

Mga Website
Samuels, Holly. Www.crlsresearcguide.org/14 Making An Outline.aspIf You Have
Found Enough Evidence to Support Your Thesis, You May Be Ready to
Make an Outline and Proceed to Your First Draft.Tip Sheet 14: Making an
Outline.”2004. Date retrieved October 26, 2018
“Thesis Statements.”Date retrieved October 26, 2018.
http://writingcenter.unc.edu/handouts/thesis-statements/.
https://www.google.com/search?q=clap+hands+icon+free&tbm=isch&source=uni
v&sa=X&ved=2ahUKEwj646Wp2vjfAhXHy7wKHW53BV4Q7Al6BAgFEA8&biw=1
024&bih=489#imgrc=xSOtwIB08BgZjM: Date retrieved January 19, 2019

https://www.google.com/search?q=pencil+png+icon+free&tbm=isch&source=iu&i
ctx=1&fir=NFP4CMxcZWxkaM%253A%252CaSNylHnD0G6zGM%252C_&usg=A
I4_-
kQLjWxTXEeBCcBq93Wa8VD5NLMqpg&sa=X&ved=2ahUKEwjz08Da3fjfAhWE
dXAKHRTYAeAQ9QEwA3oECAUQCg#imgrc=anLpo02Ybn6hNM: Date retrieved
January 19, 2019

16
16

You might also like