You are on page 1of 19

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik – 11

Alternative Delivery Mode


Ikatlong Kwarter – Modyul 2: Tekstong Deskriptibo
Unang Edisyon

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in
any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalties.
Barrowed materials (i.e.,songs, stories, poems, pictures, photos, brand
names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to
use these materials from their respective copyright owners. The publisher and
authors do not represent nor claim ownership over them.

Development Team of the Module:

Author: Layout Gerelyn H. Tupac Janice E.


Artist: Calapis
llustrator: Jay Michael A. Calipusan

Management Team:
Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Chairperson: Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Asst. Regional Director Mala Epra B.
Magnaong CES, CLMD
Dr. Bienvenido U. Tagolimot, Jr.
Members: Regional ADM Coordinator Elesio M.
Maribao
EPS, Filipino

Printed in the Philippines by: Department of Education – Regional Office 10


Office Address: Zone 1, Upper Balulang Cagayan de Oro City 9000
Telefax: (088) 880-7071, (088) 880-7072
E-mail Address: region10@deped.gov.ph
Pagbasa at Pagsusuri ng
Iba’t Ibang Teksto Tungo
sa Pananaliksik
Ikatlong Kwarter – Modyul 2
Tekstong Deskriptibo

This instructional materials was collaboratively developed and reviewed by


educators from public and private schools, colleges, and or/universities. We
encourage teachers and other education stakeholders to email their feedback,
comments, and recommendations to the Department of
Education at

We value your feedback and recommendations.

Kagawarang ng Edukasyon . Republika ng Pilipinas


TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

Pangkalahatang Ideya ------------------------------------------------- 1


Nilalaman ng Modyul ------------------------------------------------- 1
Mga Layunin ------------------------------------------------- 2
Pangkalahatang Panuto ------------------------------------------------- 2
Paunang Pasulit ------------------------------------------------- 3
Aralin ------------------------------------------------- 4
Mga Gawain ------------------------------------------------- 4
Buod at Paglalahat ------------------------------------------------- 11
Panghuling Pasulit ------------------------------------------------- 12
Referenses ------------------------------------------------- 14
Pangkalahatang Ideya

Kasabay ng pag-unlad ng bayan ang pag-unlad ng


kanyang mamamayan, sa lahat ng aspeto ng buhay.
Tugon sa pag-unlad at pagbabago sa bawat sulok ng
mundo ang pagyakap at pakikipagsabayan sa agos na ito
ng iba’t ibang uri ng teksto. Ang pagpapalit-anyo nito at
pagbibihis mula sa makalumang tradisyon hanggang sa kasalukuyan upang
manapay maipabatid sa karamihan, lalo’t higit sa mga kabataan ang kayamanang
angkin ng Panitikang natatangi, ang Pantilikang Pilipino. Alinsunod sa pagbabago ng
kurikulum, ang pagbuo sa mga kagamitang panturo at pampagkatuto upang
makaagapay sa pagpapalawak ng kaalaman ng mga mag-aaral sa Asignaturang
Filipino. Pinaglaanan ng mahuhusay at makabagong pamamaraan upang higit na
maiangkop sa uri ng mga mag-aaral ang mga gawain sa modyul na ito. Sapagkat
naniniwala ang Kagawaran ng Edukasyon na ang mahusay at kalidad na edukasyon
ay makakamtan ng bawat isang Pilipinong mag-aaral mula ngayon at sa mga
susunod pang henerasyon.
Taos-pusong nagpapasalamat ang mananaliksik sa mga manunulat ng mga
tekstong ginamit sa modyul na ito. Hindi matatawaran ang naging ambag ng
kanilang mga akdang pampanitikan upang linangin ang pagpapahalaga sa kulturang
Pilipino. Hindi na rin mapasusubalian ang kabisaan na maidudulot ng mga teksto
upang higit na mapagtibay ang pagkakak7ilalan ng mga mag-aaral sa kanyang
identidad bilang mamamayang Pilipino.

Nilalaman ng Modyul

Ang modyul na ito ay naglalayong mapalawak


ang kaalaman at malinang ang kasanayang pag-
unawa ng mga mag-aaral sa Baitang 11 ng Open High
School ng Senior High School gamit ang iba’t ibang uri
ng teksto.
Ang mga gawain sa bawat paksa sa modyul na ito ay nakapokus sa
kasanayang pampagkatuto na nasusuri ang kahulugan, katangian at kalikasan ng
tekstong impormatibo at deskriptibo. Ang mga uri ng tekstong ito ay lilinang sa
kasanayang pampanitikan at magpapalago sa kaisipan ng mga mag-aaral.
Mahalagang mauunawaan ang iba’t ibang teksto at ang layunin nito upang masuri
ayon sa kaugnayan nito sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig. Ang pag-
aaral sa proseso ng pagbasa at pagsusuri ng iba’t ibang teksto ay makatutulong sa
pagbuo at pagsulat ng sistematikong pananaliksik.

1
Mga Layunin

Ang mga sumusunod na kasanayan sa


pampagkatuto ang lilinangin sa bawat tekstong nakapaloob
sa modyul batay sa Gabay ng Pagtuturo sa Baitang 11:

a. Nasusuri ang paksang tinalakay sa tekstong binasa.(F11-PS-IIIf-92)


b. Natutukoy ang kahulugan, katangian at kalikasan ng tekstong
deskriptibo.(F11-PS-IIIb-91)
c. Naiuugnay ang mga kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili,
pamilya, komunidad, bansa, at daigidig. (F11-PB-IIId-99)
d. Nakasusulat ng sariling halimbawa ng tekstong deskriptiv. (F11PU-IIIb-89)

Pangkalahatang Panuto
Ang disenyo ng Modyul ay para sa paglinang sa
kasanayang pampagkatuto ay binubuo ng pambungad.
Ito ang simula ng bawat aralin kung saan binabanggit
ang pamagat at ang iba pang mga impormasyon tungkol
sa akda. Matatagpuan din sa bahaging ito ang mga
kasanayang pampagkatuto na lilinangin sa bawat aralin
kasama na rin ang mga tiyak na layunin. Kasunod ang
panimulang pagtataya, ang bahaging maghahanda at gaganyak sa mga mag-aaral.
Binabalikan din sa bahaging ito ang mga naimbak na kaalaman ng mga mag-aaral
upang maiugnay sa bagong aralin at mapaunlad pa.

Sa bahaging yugto ng pagkatuto, tampok dito ang tuklasin na magbibigay ng


maikling pagsasanay (Pre-Test) kaugnay sa paksa sa bawat aralin at sa kasanayang
pampagkatuto na dapat malinang. Matutunghayan sa bahaging linangin ang mga
halimbawa ng tekstong impormatibo at deskriptibo na siyang ginamit na lunsaran sa
pagkamit ng layunin ng kasanayang pampagkatuto sa bawat aralin. Makikita sa
bahaging pagnilay at unawain ang mga mahahalagang kaisipan na napapaloob sa
teksto at sa kasanayang pampagkatuto na lilinangin sa aralin.Tinatasa sa ilipat na
bahagi kung natamo ba ang mga layuning pampagkatuto sa bawat aralin at kung
sapat na ang mga kaalamang natutunan ng mga mag-aaral. Kabilang dito ang ilang
gawaing magpapaigting ng mga natutunan sa araling tinalakay.
Panimulang Pagtataya

I. Isulat ang T kung wasto ang kaisipang ipinahahayag sa sumusunod


na pangungusap at M kung mali.

1.Ang tekstong deskriptibo ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o


iginuhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin ang
orihinal na pinagmulan ng larawan.

2. Gumagamit ang manunulat ng mga salita upang mabuo sa isipan ng


mambabasa ng paglalarawan sa tekstong deskriptibo.

3. Ang pangunahing layunin ng tekstong deskriptibo na ipakita at


iparamdam sa mambabasa ang bagay o anumang paksa na
inilalarawan.

4. Mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat


upang mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o galaw na
nais bigyang buhay.

5. Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring subhetibo o obhetibo.

6. Sinasabing ang tekstong deskriptibo ay karaniwang bahagi lang ng


iba pang uri ng teskto lalung-lalo nang naratibo.

II. Isulat sa patlang ang O kung obhetibo ang sumusunod na paglalarawan at S kung
subhetibo.

7. Ang perpektong kono ng Bulkang Mayon ay isang tanawing binabalik-


balikan ng mga turistang nagmumula pa sa iba’t ibang panig ng bansa at
ng mundo. Itinuturing itong pinakaaktibong bulkan sa bansa.

8. Hindi si Jonathan ang tipo ng lalaking mangunguna sa away-kalye.


Matangkad ngunit patpating ang katawan, siya namang liksi ng isipan.
9. Matipuno at malakas ang pangangatawan ng mga miyembro ng PNP-
Special Action Force (SAF). Halatang-halata na dumaan sila sa
matinding pagsasanay.

10. Sa gulang na dalawampu ay maaaninag sa binata ang kasipagan ni


Donato dahil sa matipunong pangangatawan at magaspang na palad na
pinanday ng kahirapan.

ARALIN 2
TEKSTONG DESKRIPTIBO/DESKRIPTIV

Tatalakayin natin sa araling ito ang tungkol sa tekstong deskriptiv. Susuriin at


tutukuyin natin ang kahulugan, katangian at kalikasan ng tekstong deskriptibo.

YUGTO NG PAGKATUTO

TUKLASIN

Gawain 1: Balik – Tanaw


Mahalagang kilalanin ang sarili at alamin ang
sariling kahinaan at kakayahan bago gumawa ng anumang
desisyon o isakatuparan ang anumang tungkulin. Ilarawan
ang iyong sarili sa isang talata. Ibigay ang iyong
katangiang pisikal at iba pang katangian tulad ng pag-
uugali, disposisyon, at pananaw.
Gawain 2: Lusong – Kaalaman
Mula sa paglalarawan sa sarili, mahalaga rin na
kilalanin ang uri ng lipunan at kaligirang ginagalawan. Sa
pamamagitan ng paglalarawan, maaaring magbigay ng
matalas na komentaryo ang isang manunulat. Pakinggan
ang awit na “Bahay” ni Gary Granada. Humanap ng kopya
ng kanta o video sa internet. Tingnan din ang liriko ng kanta.
Batay sa narinig na awit, tasahin ang paglalarawan ng manunulat sa “bahay”.
Epektibo ba ang paglalarawan? Ano ang kabuuang mensahe ng awit? Naipahayag
ba ang mensahe sa pamamagitan ng paglalarawan?
Sa susunod na aralin, palalawagin ang anyo, katangian, at mga layunin ng
isang tekstong deskriptibo. Tunghayan kung paano nagpipinta ng makulay na
larawan ang manunulat gamit ang salita.

TEKSTONG DESKRIPTIBO: MAKULAY NA PAGLALARAWAN

Ang tekstong deskriptibo ay isang pagpapahayag ng mga impresyon o


kakintalang likha ng pandama. Sa pamamagitan ng pang-amoy, panlasa, pandinig,
paningin, at pansalat, itinala ng sumusulat ang paglalarawan ng mga detalye na
kanyang nararanasan. Ito naman ay naglalayong magsaad ng kabuuang larawan ng
isang bagay, pangyayari o kaya naman ay magbigay ng isang konseptong biswal ng
mga bagay-bagay, pook, tao, o pangyayari. Mauuri ang paglalarawan sa dalawa:
subhetibo at obhetibo.
Masasabing subhetibo ang paglalarawan kung ang manunulat ay nakabatay
lamang sa kanyang mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang
katotohanan sa totoong buhay. Obhetibo naman ang paglalarawan kung ito’y may
pinagbatayang katotohanan.

LINANGIN

Gawain 3: Pag-usapan Natin


Naipaliliwanag ang mga kaisipang nakapaloob sa
tekstong binasa (F11PS-IIIf-92). Ipaliwanag ang sagot sa
sumusunod na mga tanong: Isulat ang mga sagot sa
sagutang papel.

1. Ano ang tekstong deskriptibo?

2. Ano-anu ang mga katangian ng ganitong uri ng teksto?

3. Sa paanong paraan maihahalintulad sa isang ipinintang larawan ang tekstong


desktiptiv?

4. Paano nagkakaiba ang paglalarawang subhetibo sa paglalarawang obhetibo?

5. Sa ano-anong pagkakataon higit na angkop gamitin ang


paglalarawang obhetibo?
PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Gawain 4: Layag - Diwa


Naipapaliliwanag ang mga kaisipang
nakapaloob sa tekstong binasa. (F11PS-IIIf-92)
Ipaliwanag ang sagot sa sumusunod na mga
tanong sa bawat halimbawa ng tesktong deskriptibo.
Isulat ang mga sagot sa sagutang papel.

Halimbawa ng Tesktong Impormatibo

Paglalarawan ng Tauhan

Noo’y nasa katamtamang gulang na si Ineng na wika nga sa mga ngayon ay “pinamimitakan na ng araw”.
Ang gulang na iyan ay lalong kilala sa tawag na “dalaginding” ng ating matatanda. Bagama’t hindi gaanong
kagandahan, si Ineng ay kinagigilawan naming lubos, palibhasa’y nakatatawag ng loob sa lahat ang pungay
ng kanyang mata, ang kulay na kayumangging kaligatan, ang magandang tabas ng mukha, na sa bilugang
pisngi’y may biloy na sa kanyang pagngiti’y binubukalan man din ng pag-ibig, ang malagong buhok na sa
karaniwang pusod na pahulog sa batok, na sa kinis ay nakikipag-agawan sa nagmamanibalang na mangga,
saka ang mga labi’t ngiping nagkakatugunan sa pag-aalay ng luwalhati’t pangarap.

Mula sa “Ang Dalaginding”


ni Inigo Ed. Regalado

1. Ano ang masasabi mo sa paglalarawan para kay Ineng?


2. Anong damdamin ang naantig sa iyo ng paglalarawan sa tauhan?
3. Masasabi bang epektibo ang pagkakalarawan sa tauhang ito? Bakit?
4. Kung ikaw ang maglalarawan sa iyong sariling tauhan, paano mo ito
gagawain?
Paglalarawan sa Damdamin o Emosyon

May kumurot sa aking laman. Pilit kong nilunok ang panunuyo ng aking bibig. Saka ako
napabuntunghininga. Nararamdaman kong may nagpupumilit bumalong sa aking mata. Ngayon ko
lamang nadamang kilala ko ang silid ng aking ama; dati-rati ko nang napapasok ang kapirasong pook na
ito.

Mula sa “Dayuhan”
ni Buenaventura S. Medina

1. Bakit mahalagang mailarawan nang mabisa ang damdamin o emosyon ng


tauhan?
2. Anong damdamin ang umiral sa “Dayuhan”? Paano ito napalabas ng may-
akda?
3. Kung ikaw ang susulat ng sarili mong akda, anong damdamin ang nanaisin
mong mapalabas? Sa paanong paraan mo mailalarawan ang damdaming ito?

Paglalarawan sa Tagpuan

Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na lansangan, dumantay sa
mukha ng mga taong pagal sa paghahanap ng lunas sa mga suliranin sa araw-araw. Ngunit ang gabi ay
waring manipis na sutla lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag
ng mga gusali. Ang gabi ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan sapagkat ang gabi sa kalupaan ay
hinahamig ng mabangis ng liwanag ng mga ilaw-dagitab.

Mula sa “Mabangis na Lungsod


ni Efren R. Abueg

1. Bakit mahalagang maging mahusay ang paglalarawan sa isang tagpuan?


2. Ano ang masasabi mo sa paglalarawan sa Quiapo mula sa “Mabangis na
Lungsod?
3. Tila nakikita mo ba sa iyong imahinasyon ang lugar na inilalarawan?
Paglalarawan sa Isang Mahalagang Bagay

Sa tuwing itatayo ko ang krismas tri kapag nalalapit na ang kapaskuhan ay parang laging may kulang,
pilit kong dinadagdagan ng mga palamuti. At hindi basta- basta palamuti, yung mamahalin.
Pagkatapos ng mamahaling bola, nang sumusunod na taon ay magagandang bulaklak naman ang binili
ko. Maraming pulang poinsettia na nakapaligid sa krismas tri. “Ang ganda!” Ang may pagkamangha
sabi ng bawat nakakikita. Malalaki at makikintab ang pulang bola, malalaki’ t magagandang pulang
poinsettia. ah! pero bakit ba may kulang pa rin?

Mula sa “Ang Aking Krismas Tri”

1. Sa anu-anong pagkakataon nagiging mahalaga ang isang bagay sa akda?


2. Paano dapat ilarawan ang mahalagang bagay upang higit na makuha ng mga
mambabasa ang kaugnayan at kahalagahan nito sa akda?
3. Paano inilarawan ang krismas tri?
4. Bakit mahalagang maging mahusay ang pagkakalarawan ng mga bagay na
ito?

ILIPAT

Gawain 5: Lambat – Likha


Paglikha ng Photo
Essay
Isang pamamaraan ng photo essay o paggamit ng
larawan o litrato sa pagsasalaysay ng anumang bagay o
pangyayari. Sa pamamagitan ng mga serye ng larawan
at maikling caption, naibibigay ang mahahalagang ideya
na nais iparating ng gumagawa nito.
Maghanap ng mga halimbawang photo essay sa Internet. Pagkatapos,
pagdesisyunan kung anong uri at paksa ng photo essay ang gagawin. Siguraduhing
orihinal ang mga litratong gagamitin dito. Kapag natapos na, i-post ang photo essay
sa Facebook o anumang blog site sa Internet at ibahagi sa klase.
Tatayahin ang photo essay sa pamamagitan ng sumusunod na pamantayan:

Batayan ng Grado Kaukulang Puntos Grado


Angkop ang pagpili ng larawan sa nais iparating
na mensahe ng photo essay 10
Malinaw at angkop ang paglalagay ng mga
caption sa larawan 10
Napapanahon at kapaki-pakinabang ang napiling
paksa 10
Malikhain at nakapupukaw ng imahinasyon ang
kabuuan ng photo essay 10
Kabuuan: (40)

Gawain 6: Salok-Dunong
A.Isulat sa patlang ang A kung obhetibo ang
sumusunod na paglalarawan at B kung subhetibo.

1. Matangkad at balingkinitan ang kaibigan kong si Briana.


2. Malakas ang loob ng kapatid kong si Kristine kung kaya kapag magkasama
kami ay lumalakas din ang loob ko. Isa siyang sandigan na nagpapatatag sa
akin sa mga panahong maraming suliranin ang pamilya.
3. Mataba at maganang kumain ang alaga kong aso.
4. Matipuno at malakas ang pangangatawan ng mga miyembro ng PNP-
Special Force (SAF). Halatang-halata na dumaan sila sa matinding
pagsasanay.
5. Magaling magturo ang guro namin sa Araling Panlipunan. Malakas ang
boses niya at mahusay magpaliwanag ng aralin.
6. Naging paborito ko ang signaturang Kasaysayan dahil sa husay naming
propesor sa pagtuturo. Sa halip na ipakabisado niya sa amin ang mga
petsa, lugar, at pangalan ng mga bayani sa Kasaysayan ng Pilipinas,
masbinibigyang-diin niya ang mahahalagang karanasan at aral mula rito.
7. Paborito kong pasyalan ang Baguio. Bukod sa malamig ang klima ay
binibigyan ako nito ng katahimikan ng loob at panahon para malalim
napag-isipan ang mga nangyayari sa aking buhay.
8. Ang Mamasapano ay isang 5th Class Municipality.Ibig sabihin, atrasado
ang lugar, mabagal ang pag-unlad, at naghihirap ang mga tao.
9. Dahil sa giyera, lalong naging mahirap ang buhay para sa mga
mamamayan ng Mamasapano. Nagdulot ito ng pagtigil ng mga bata sa
pagpasok sa paaralan at pagkawala ng kabuhayan ng mga tao.

PAGLALAHAT

Binabati kita! Natapos mo nang gawin ang Modyul 2. Sa kabuuan, napagtanto na ang tekstong
deskriptibo ay may layuning maglarawan ng isang bagay, tao, lugar, karanasan, sitwasyon, at iba pa.
Dagdag pa, nagbibigay ang sulatin na ito ng pagkakataon na mailabas ng mga mag-aaral ang
masining
na pagpapahayag. Layunin ng sining ng deskripsyon na magpinta ng matingkad at detalyadong
imahen na makapukaw sa isip at damdamin ng mga mambabasa.
Maaari mong ipagpapatuloy ang mga gawain na matatagpuan sa susunod na
modyul. Nawa’y patnubayan ka ng Maykapal .
Pangwakas na Pagtataya

I. Isulat ang T kung wasto ang kaisipang ipinahahayag sa sumusunod


na pangungusap at M kung mali.

1.Ang tekstong deskriptibo ay maihahalintulad sa isang larawang ipininta o


iginuhit kung saan kapag nakita ito ng iba ay parang nakita na rin ang
orihinal na pinagmulan ng larawan.
2. Gumagamit ang manunulat ng mga salita upang mabuo sa isipan ng
mambabasa ang paglalarawan sa tekstong deskriptibo.
3. Ang pangunahing layunin ng tekstong deskriptibo na ipakita at
iparamdam sa mambabasa ang bagay o anumang paksa na
inilalarawan.
4. Mga pang-uri at pang-abay ang karaniwang ginagamit ng manunulat
upang mailarawan ang bawat tauhan, tagpuan, mga kilos o galaw na
nais bigyang buhay.
5. Ang pagsulat ng paglalarawan ay maaaring subhetibo o obhetibo.
6. Sinasabing ang tekstong deskriptibo ay karaniwang bahagi lang ng iba
pang uri ng teskto lalung-lalo na ng naratibo.

II. Isulat sa patlang ang O kung obhetibo ang sumusunod na paglalarawan at S kung
subhetibo.

7. Ang perpektong kono ng Bulkang Mayon ay isang tanawing binabalik-


balikan ng mga turistang nagmumula pa sa iba’t ibang panig ng bansa at
ng mundo.Itinuturing itong pinakaaktibong bulkan sa bansa.

8. Hindi si Jonathan ang tipo ng lalaking mangunguna sa away-kalye.


Matangkad ngunit patpating ang katawan, siya naming liksi ng isipan.
9. Matipuno at malakas ang pangngatawan ng mga miyembro ng PNP-
Special Action Force (SAF). Halatang-halata na dumaan sila sa matinding
pagsasanay.
10. Sa gulang na dalawampu ay maaaninag sa binata ang kasipagan ni
Donato dahil sa matipunong pangangatawan at magaspang na palad na
pinanday ng kahirapan.
REFERENSES

Almario, Virgilio. KWF Manwal Sa Masinop Na Pagsulat. Manila: Komisyon ng


Wikang Filipino, 2014.

Bargo, Darwin. Writing in the Discipline. Quezon City: Great Book Publishing, 2014.

Bernales, R.A. et.al. Komunikasyon sa Makabagong Panahon. Malabon City: Mutya


Publishing House, 2011.

Dayag, Alma M. Pinagyamang Pluma. Quezon City. Phoenix Publishing House, Inc.,
2016.

De Laza, Crizel S. Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa


Pananaliksik. Manila: REX Bookstore.

You might also like