You are on page 1of 10

Aaric John Y.

Gequillana
Grade XII-Humss

"ANGER"
1) A fool gives full vent to his anger, but a wise man keeps himself under control.
-Proverbs 29:11
2)"Know this my beloved brothers let every person to be quick to hear, slow to speak, slow to
anger; for the anger of man does not produce the righteousness of God."
-James 1:19-20
3) For man's anger does not bring about the righteous life that God desire
-James 1:20

However, when people build up the anger it usually seems to hurt their relationship with
the other person. Also it is not easy to hold in your anger because people that are close to you
can tell when you are feeling angry. One way to tell if you are angry is if you are short tempered.
Everyone has felt anger many times in their life. It happens all of the time. We all face
the same challenge of trying to control our temper. It may be easier for some people than it is for
others. Many studies show that it is healthy for a person to let out their anger once in a while.
Sometimes you are with the large group of people and it may not be the right time to let
out your angry feelings. It is best to find a place that is quite and a place where you can talk to
someone about your feelings it is much easier to express your anger if you trust the person. That
does not mean that you have to trust the person, all you need to do is trust yourself.

"PRAYER"

Dear, Lord please help us to control our anger, because not all the time the people surround us
can understand our feelings. And guide us always wherever we go especially to my family give
us blessings every day. Sorry for all the sins we commit, and i would like to leave all this things
in Jesus name our savior amen.
Tama Na!
Patayan dito, patayan doon. Sa bawat gabi na ibabalita sa telebisyon,
napakaraming karumal-dumal na mga krimen ang naitatala dahil sa
kadahilanang nais ng ating Pangulong Rodrigo Duterte na mapuksa ang
problema ng ating bansa sa droga. Bilang isang estudyante at
nagmamalasakit sa kapakanan ng mga kabataan, sang-ayon ba kayo sa
pamamaraan ng ating gobyerno na humahantong sa EJK o Extra Judicial
Killing?
Sa mga nakalipas na mga taon, may iilang mga kabataan sa
Kamaynilaan ang nasangkot sa isyu sa droga. Sa kasamaang palad ay
nasawi ang kanilang mga buhay na hindi man lang naliwanagan ang
kanilang mga kaso dahil sa kakulangan ng mga testigo at dokumento.
Kung titingnan, hindi makatarungan ang pamamaraan na ito dahil hindi
man lang dinidinig ang panig ng mga suspetsado. Agad na lamang
inaaresto at pinapatay kung manlalaban. Ang masama pa ay may ibang
alagad ng batas na ipanapalabas na nanlaban daw kaya nila pinatay na
hindi dumaan sa due process. Isang napakalaking kamalian na alisin sa
isang tao ang kanyang karapatang ipagtanggol ang sarili sa husgado. Hindi
dahil napagkamalan silang adik o tulak ng droga ay masasama na silang
mga nilalang. Kung papatayin sila, papaano na lamang ang kanilang mga
pamilya na mawawalan ng haligi ng tahanan tagataguyod ng pamilya?
Aking mga kamag-aral, alam kong mulat na ang ating mga isipin sa
mga nangyayari sa ating lipunan. Sa bawat araw na lumilipas, kasabay
nang dumaraming mga patayan ay pabata-bata na rin ang nasasangkot
dito. Oras na para tuldukan ang isyung ito. At nawa'y maliwanagan ang
isipan at puso ng ating pangulo na ang buhay ng isang tao ay mahalaga.
TALUMPATI
(Output Sa Filipino)

Ipinasa ni: Aaric John Y. Gequillana


Grade XII-HUMSS
Ipinasa kay: Mr. Jemuel M. Rabelleza, LPT
Si Stella At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko
bySandy Ghaz

Narito ang maikling kwento tungkol kay Stella at sa mga kaibigan niya sa araw ng Pasko.
“Si Stella At Ang Mga Kaibigan Niya Sa Araw ng Pasko” Anak-mayaman si Stella subalit hindi
siya katulad ng ibang lumaki sa karangyaan na walang ginawa kung hindi ay mamasyal sa kung
saan-saan at magpakasarap sa buhay. Kahit ang ama niya, si Don Manuel, at ang ina niya, si
Señora Faustina, ay lubos ang pasasalamat sa mabuting loob ng kanilang nag-iisang anak.
Kakaiba ang kabutihan na ipinapakita nito lalong-lalo na sa mga mahirap na tao. Tuwing
Pasko, niyayaya ni Stella ang mga kaibigan niya na pumunta sa bahay-ampunan sa Marga Hera.
Namimigay sila ng mga laruan, pagkain, at iba pang mga regalo sa mga bata doon. “Stella,
matanong ko lang, bakit dito tayo pumupunta tuwing Pasko?” tanong ni Fey, isa sa mga matalik
na kaibigan ng dalagita “Malapit kasi ang puso ko sa mga bata sa bahay-ampunan. Gusto ko na
kahit isang beses lang sa isang taon ay mapasaya ko sila,” paglalahad ng dalagita. “Hindi isang
beses sa isang taon bes, isang beses sa dalawang linggo. Swerte nila sa’yo friend,” sabi ni Bea sa
kaibigan. Masayang-masaya ang mga bata sa ampunan noong araw na iyon. Dinalhan sila nina
Stella ng piniritong manok, spaghetti, sandwich, hotdog, at salad. Marami rin silang bagong
laruan at may mga hindi pa nabubuksan na mga regalo.
Habang sumasakay sa auto ang tatlong magkakaibigan, biglang ikinuwento ni Stella ang
tunay na dahilan kung bakit malapit ang loob niya sa bahay-ampunan sa Marga Hera. E, sila,
doon na sila bumuo ng pamilya dahil marami sa kanila ay wala nang ama at ina. Sa tuwing
tinititigan ko nga ang iba sa kanila, ramdan ko ang pangungulila nila sa mga magulang nila,”
pagpapaliwanag ni Stella.
Sa Bagong Paraiso Sa Bagong Paraiso
(Ni Efren Reyes Abueg)
Nilisan ng batang lalaki at batang babae ang kinagisnang daigdig upang lasapin ang biyayang
handog ng itinuturing nilang Bagong Paraiso. Sa simula’y mga bata silang walong taong gulang -
isang lalaki at isang babae. At ang kanilang daigdig ay isang malawak na loobang tinitirikan ng
dalawang tabla’t yerong bahay, na ang isa’y nasa Silangan at ang isa’y nasa Kanluran: at sa
pagitan niyon ay walang bakod na nakapagitan. Ang malawak na looban ay mapuno,
mahalaman, maibon, at makulisap at may landas na humahawi sa dawagan at tumutugpa sa
dalampasigang malamig ang buhangin kung umaga, nguni’t nakapapaso sa tanghalian. Ang
kanilang daigdig ay tahimik; ang kanilang kabuhayan ay hindi suliranin; ang kanilang mga
magulang ay hindi nag-aaway – ang mga ito’y maka-Diyos at walang araw ng Linggo o araw ng
pangilin na hindi makikita ang mga ito sa kanilang bisita sa dakong hilaga ng nayon.
Ang mga ito’y may rosaryo sa kanilang mga palad at may mga usal ng dalangin sa mga
labi. At silang dalawa - ang batang lalaki at ang batang babae - ay nagsisipag-aral, kasama pa ng
ibang bata sa maliit na gusaling may tatlong silid sa dakong timog ng nayon. Sila’y may mga
pangarap, na ang sakop ay lumalakdaw sa hangganan ng nayong iyon, ng bayang iyon, at ng
lalawigang kinaroroonan niyon. Wala silang pasok kung araw ng Sabado at Linggo o mga araw
na pista opisyal. Silang dalawa’y naglalaro sa loob ng bakurang iyon, mula sa umaga hanggang
sa hapon. Umaakyat sila sa mga punong santol, sa punong bayabas, sa marurupok na sanga ng
sinigwelas, maaligasgas at malulutong na sanga ng punong mangga. Nagagasgas ang kanilang
mga tuhod, nababakbak ang kanilang mukha at kung minsan ay nalilinsaran sila ng buto kung
nahuhulog – ngunit ang lahat na iyon ay hindi nila iniinda, patuloy sila sa paglalaro. Malamig sa
ilalim ng punong mangga. Makapal ang damo sa sakop ng lilim niyon kung umaga at doon
silang dalawa naghahabulan, nagsisirko, nagpapatiran at kung sila’y humihingal na ay hihiga sila
sa damuhang iyon, titingalain nila ang malalabay na sanga ng puno, sisilip sila sa pagitan ng
masinsing mga dahon at magkukunwaring aaninawin sa langit ang kanilang mukha. “Loko mo
… makikita mo ba ang mukha mo sa langit? “ minsan ay sabi ng batang babae. “Bakit hindi?
Ang langit ay isang malaking salamin, sabi ni Tatay ko.” sagot naman ng batang lalaki. Ang
batang babae ay makikisilip din sa pagitan ng masinsing mga dahon, na waring ibig patunayan
ng sariling paningin ang sinabi ng kalaro. At pagkaraang tumingin sa langit nang matagal, sila’y
lalagumin ng katahimikan – ang kanilang katawan ay nakalatag na parang mga kumot, hanggang
sa sila’y makatulog at gisingin sila ng tawag mula sa kanilang bahay. Kung minsan, ang batang
lalaki ang unang magigising: kung minsan naman ay ang batang babae. Nguni’t sino man sa
kanila ang unang magising, kukuha ito ng kaputol na damo at kikilitiin ang taynga ng natutulog.
At ang natutulog ay mapupukaw, mababalikwas at pagkarinig na siya’y pinagtatawanan ay
magtitindig at ang nangiliti ay mapapaurong at anyong tatakbo at sila’y maghahabulan sa
damuhang iyon, magpapa- ikut-ikot haggang sa ang isa’y mahapo at sila’y muling bumagsak sa
kalamigan ng damuhan, magkatabi at hindi nila pinapansin ang pagkaka - dantay ng kanilang
mga binti o ang pagkakatabi ng nag-iinit nilang mga katawan.
Kung sila’y nagsasawa na sa loobang iyon, sila’y nagtutungo sa dalampasigan kung
malamig na ang araw sa hapon. Namumulot sila ng kabibi. Inilalagay ng batang lalaki sa bulsa
ng kayang putot na pantalon ang nakukuha niyang kabibi, at ang nadarampot naman ng batang
babae ay inilalagay nito sa sinupot na laylayan ng suot niyang damit. Kung hindi naman kabibi
ang pinagkakaabalahan nila sa dalampasigan, naghuhukay sila ng halamis sa talpukan, o kaya’y
gumagawa ng kastilyong buhangin, o kaya’y nanunugis ng mga kulukoy na kung hindi
nangungubli sa kanilang malalalim na lungga ay lumulusong sa talpukan at bumabaon sa
masigay na buhangin. ii Ngunit hindi lamang iyon ang kanilang ginagawa: Nagtutudyuhan din
sila, naghahabulan at kapag nahahapo na, mahihiga rin sila sa buhangin, tulad ng ginagawa nila
sa damuhan sa looban, at sa kanilang pagkakatabi, nagkakangitian sila. Minsan ay itinatanong ng
batang lalaki sa batang babae: Naririnig mo ba na may tumutunog sa aking dibdib?” At ang
batang babae ay nagtaka. Bumangon ito at tumingin sa nakatihayang kalaro. “ Pakinggan ko
nga,” anang batang babae. Inilapit ng batang babae ang kanyang taynga sa dibdib ng batang
lalaki,dumadaiti ang katawan niya sa katawan ng kalaro at nalalanghap naman ng nakahiga ang
halimuyak ng kanyang buhok. “Ang bango mo pala!” ang batang lalaki ay nakangiti. “Aba …
hindi naman ako nagpapabango, “ anang batang babae na lumupasay sa tabi ng nakahigang
kalaro. “ Paglaki ko raw ay saka na ako magpapabango, sabi ng nanay ko.” “Teka nga pala,
narinig mo ba ang tunog sa dibdib ko?
Ang Kwento ni Mabuti
ni Genoveva Edroza-Matute

Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating
pinagtuturuan, sa walang pintang paaralang una kong kinakitaan ng sa kanya. Sa isa sa mga
lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon
sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero. Naroon pa siya’t
nagtuturo ng mga kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng isang uri ng karunungang sa kanya ko
lamang natutuhan. Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan n buhay. Saan man sa kagandahan; sa
tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako’y lumiligaya. Ngunit
walang anumang maganda sa kanyan anyo… at sa kanyang buhay… Siya ay isa sa mga
pangkaraniwang guro noon. Walang sinumang nag-ukol sa kanyang ng pansin. Mula sa kanyang
pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga panunugutan sa paaralan, walang
masasabing anumang pangkaraniwan sa kanya. Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung
siya’y nakatalikod. Ang salitang iyon ang simula ng halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang
pumalit sa mga salitang hindi niya maalaala kung minsan, at nagiging pamuno sa mga sandaling
pag-aalanganin. Sa isang paraang malirip, iyon ay naging salaminan ng uri ng paniniwala sa
buhay. “Mabuti,” ang sasabihin niya, “… ngayo’y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti
nama’t umabot tayo sa bahaging ito… Mabuti… Mabuti!” Hindi ako kailanman magtatapat sa
kanyang ng anuman kung di lamang nahuli niya akong minsang lumuluha; nang hapong iyo’y
iniluha ng bata kong puso ang pambata ring suliranin. Noo’y magtatakipsilim na at maliban sa
pabugsu-bugsong hiyawan ng mga nagsisipanood sa pagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan,
ang buong paligid ay tahimik na.
Sa isang tagong sulok ng silid-aklatan, pinilit kong lutasin ang aking suliranin sa
pagluha. Doon niya ako natagpuan. “Mabuti’t may tao pala rito,” wika niyang ikinukubli ang
pag-aagam-agam sa narinig. “Tila may suliranin .. mabuti sana kung makakatulong ako.” Ibig
kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa bata kong isipan ay ibinilang
kong kahihiyan ay kaabaan ang pagkikita pa naming muli sa hinaharap, pagkikitang magbabalik
sa gunita ng hapong iyon. Ngunit, hindi ako makakilos sa sinabi niya pagkatapos. Napatda ako
na napaupong bigla sa katapat na luklukan. “Hindi ko alam na may tao rito”….. naparito ako
upang umiyak din.” Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig.
Nakababa ang kanyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya pa’y nakita ko ang bahagyang
ngiti sa kanyang labi. Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na klamang ang tinig
sa pagtatapat sa suliraning sa palagay ko noo’y siya nang pinakamabigat. Nakinig siya sa akin, at
ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyo’y nagtataka ako kung paanong napigil niya ang
paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit, siya’y nakinig nang buong pagkaunawa, at
alam ko na ang pagmamalasakit niya’y tunay na matapat. Lumabas kaming magkasabay sa
paaralan. Ang panukalang naghihiwalay sa amin ay natatanaw na nang bigla akong makaalala.
“Siyanga pala, Ma’am, kayo? Kayo ng pala? Ano ho iyong ipinunta ninyo sa sulok na iyo na …
iniiyakan ko?” Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon; “ang sulok na iyon na
… iniiyakan natin… nating dalawa.” Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig: “sana’y
masabi ko sa iyo, ngunit… ang suliranin.. kailanman. Ang ibig kong sabihin ay … maging higit
na mabuti sana sa iyo ang … buhay.” Si Mabuti’y nagging isang bagong nilikha sa akin mula
nang araw na iyon. Sa pagsasalita niya mula sa hapag, pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyang
mabagal at mahihiyain niyang mga ngiti sa amin, sa paglalim ng kunot sa noo niya sa kanyang
pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na palapit sa sulok na iyon ng silid-aklatan.
Ang sulok na iyon,.. “Iniiyakan natin,” ang sinabi niya nang hapong iyon. At habang
tumaaginting sa silid naming ang kanyang tinig sa pagtuturo’y hinuhulaan ko ang dahilan o mga
dahilan n pagtungo niya sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Hinuhulaan ko kung nagtutungo pa
siya roon, sa aming sulok na iyong… aming dalawa…
At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula akong
magmasid, maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang sinasabi. Ngunit, sa tuwina,
kasayahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno siya ng maririkit na
guni-guni ang aming isipan at ng mga tunog ang aming pandinig at natutuhan naming unti-inti
ang kagandahan ng buhay. Bawat aralin naming sa anitikan ay naging isang pagtighaw sa
kauhawan naming sa kagandahan at ako’y humanga. Wala iyon doon kanina, ang masasabi ko sa
aking sarili pagkatapos na maipadama niya sa amin ang kagandahan ng buhay sa aming aralin.
At hindi naging akin ang pagtuklas na ito sa kariktan kundi pagkatapos na lamang ng
pangyayaring iyon sa silid-aklatan. Ang pananalig niya sa kalooban ng maykapal.
Tungkol kay Amboy at sa Saranggola na Hindi Marunong Lumipad

Narito ang maikling kwento tungkol kay Amboy at sa saranggola niyang hindi marunong
lumpipad. “Si Amboy at Ang Saranggola Na ‘Di Marunong Lumipad” Sa probinsya ng Tipayao,
maraming bata ang mahilig magpalipad ng saranggola tuwing hapon. Isa na doon si Amboy,
anak ng mag-asawang mangingisda na sina Mang Pedro at Aling Susan. May tatlong
nakakatandang kapatid si Amboy – ang kanyang Kuya Tonyo, Kuya Abel, at Ate Susie. Subalit,
parehas na may kanya-kanyang pamilya ang mga kapatid ng dalawang-taong gulang na bata
kung kaya’t bumukod na ang mga ito. Maikling Kwento Dahil abala rin sina Mang Pedro at
Aling Susan sa pangingisda, kadalasan, nag-iisa si Amboy at naglalaro ng saranggola na ‘di
maka lipad-lipad.
Dahil dito, palagi siyang tinatawanan ng mga kalaro niya. “E, wala naman pala iyang
saranggola mo Amboy, kasing bigat ng bato siguro iyan,” sabi ng kalaro niyang si Lito. Sa kabila
ng mga kantyaw ng mga kalaro niya, patuloy pa ring sinusubukan ni Amboy na paliparin ang
saranggola niya. Ginawan niya ng bagong paripa ang laruan niya at pinalitan niya rin ang pabalat
nito. Kinabukasan, sinubukan ulit ni Amboy na paliparin ang saranggola niya. Ngunit, sadyang
hindi pa rin ito lumipad at sumabay sa ihip ng hangin gaano man kalakas. Habang ang bata ay
patuloy na sinusubukan paliparin ang laruan niya, ang iba niyang kalaro ay masaya nang
tumatakbo bitbit ang tali ng mga saranggola nilang lumilipad sa himpapawid. Hindi pa rin
sumuko si Amboy. Pag-uwi niya, naghanap siya ng kawayan at gumawa siya ng bagong sumba.
Nadatnan siya ng ama niyang inaayos ang saranggola niya. “Halika ka nga rito, dalhin mo ‘yan
rito,” sabi ni Mang Pedro sa anak niya. Inayos ng ama ang saranggola ng anak niya. Bakas
naman sa mga mata ni Amboy ang kasiyahan na makitang inaayos ng tatay niya ang laruan niya.
Pagkatapos noon, dali-dali siyang pumunta sa bakuran nila at sinubukan ito. “Tay, lumilipad na
siya! Ang galing niyo po,” sigaw ni Amboy habang mangha-mangha sa paglipad ng saranggola
niya. Napa-iyak si Mang Pedro sa narinig mula sa anak niya. Nakita niya kung gaano kasaya si
Amboy.
Doon siya nakaramdam ng awa sa bunso niya na parang lahat sila ay wala nang oras para
sa kanya. Simula noon, umuuwi na ng maaga sina Mang Pedro at Aling Susan. Habang
naghahanda ng hapunan nila si Aling Susan, ang asawa at bunso niyang anak ay magkasama sa
pagpapalipad ng saranggola. “Salamat tay, kung ‘di dahil sa iyo, hanggang ngayon ‘di lumilipad
ang saranggola ko. Salamat at palagi na rin kayong umuuwi ng maaga ni Nanay,” sabi ni Amboy
sa ama niya habang naglalakad sila pauwi. Ngumiti na lamang ang mangingisda sa sinabi ng
anak niya. Sa isip niya, napagtanto niya na ang isang bata ay para ring saranggola. Iba pa rin
pag-inaalalayan ng mga magulang sa paglipad at pag-abot ng nais niyang marating.
Ang Matalik Kung Kaibigan
(Ni Manny Ison)

Si Manny Ison ay ipinanganak noong ika-23 ng Agosto 1891 sa Bigaa,Bulacan. Nang


makatapos ng pag-aaral sa Bigaa ay dinala siya sa Maynilaupang mag-aral sa Kolehiyo de San
Jose at nagtapos noong 1912 bilangmaestro superior.
Magkaibigan si Efren at Gardo mula pagkabata, magkasama sila mula sabuhay mahirap
at kinaya nila ang lupit ng kapalaran. Hindi sila nakapagtapos ngpag-aaral. Si Efren ay nakaabot
lamang ng ikalawang baiting habang si Gardonaman ay ika-apat na baiting. Magkasama sila sa
paghahanap buhay napagiging construction worker.
Nagturo siya sa Sta. Maria, Bulacan na kilalang bayan ng makata atmanunulat. Dito niya
nakilala at pinakasalan si Yvonne Ramos. Ayon kay ClaritaMonsing si Manny Ison ay isang
mahigpit na magulang. Tatlo ang mga anak ngmag-asawa isang babae at dalawang lalaki. Isa sa
mga anak na lalaki ni MannyIson ay si Roberto na nakapangasawa ng Amerikanang si Grace
Ponce saBrooklyn, New York. Si Roberto ang kanilang panganay. Si Angela naman ay
angpangalawa at nakapangasawa sa taong 20 anyos. Si Harold ang kanilang bunsoat
nakapagtapos ng kolehiyo.

You might also like