You are on page 1of 9

EKWILIBRIYO SA PRESYO AT DAMI NG BIGAS AT MGA

PANGUNAHING PAGKAIN NG ISANG PAMILYA

Ang demand ay tumutukoy sa dami ng gustong bumili ng produkto and supply naman
ay tumutukoy sa kung ilang ang maiibenta ng pamilihan.Ang individual na demand ay
nagbabago dahil sa presyo. Ang ugnayan ng presyo at demand ay di tuwiran. Ngunit sa
pagbabago ng dami ng produktong bibilhin ay may ibatibang salik na nakakaapekto bukod sa
presyo. Kahit hindi magbago ang demand  ay nagbabago bunga sa mga salik na ito:
1. Ang pagkahilig ng pilipino sa mga imported na produkto ang isa sa dahilan kung bakit
mataas ang demand sa mga ito. Ang pagkasawa sa isang produkto ay dahilan din sa pagbabago
sa demand ng konsyumer. Dito pumapasok ang prinsipyo at diminishing utility kung saan ang
kabuuang kasiyahan ng tao ay tumataas sa bawat pagkonsumo ng mga produkto ngunit kapag ito
ay magkasunod-sunod, ang karagdagan kasiyahan o marginal utility ay paliit ng paliit bunga sa
pag-abot sa pagkasawa sa pagkonsumo ng isang produkto.
2. Ang salapi na tinatanggap ng tao kapalit ng ginagawang produkto at serbisyo ay
tinatawag na kita. Ito ang basehan ng pagtatakda ng budget sa pamilya. Pinagkakasya ang
kinikitang salapi sa pagbibili ng mga bagay na kailangang matamo.
3. Mayroong tinatawag na substitute goods at complementary goods. Ang sustitute goods ay
mga produkto na pamalit sa ginagamit na produkto. Ang pagtaas ng presyo ng produkto na
dating ginagamit ay nagtutulak sa konsyumer na humanap ng kapalit na produkto.
4.  ang populasyon ay potential market ng isang bansa. Ang pagdami ng tao ay
naglalarawan ng pagdami ng bilang ng konsyumer na siyang nagtatakda ng demand. Kapag
marami ang kumukonsumo ng mga produkto ay tumataas ang demand sa ibat-ibang produkto.
5. Sa panahon ngayon na maraming kalamidad ang mangyayari sa ibat-ibang panig ng
daigdig at sa ating bansa, may kaguluhan at digmaan sa pagitan ng mga bansa at di
pagkakaunawaan sa pagitan ng pamahalaan at mga rebelde, ang mga konsyumer ay nag-iisip na
maaring maaapektuhan ang kabuhayan ng bansa at ang pagtaas ng presyo ay maaring maganap.
Dahil sa ganitong sitwasyon, ang mga konsyumer ay nagpapanic-buying, lalo na ang mga tao na
may sapat at labis na salapi. Bungan ng ganitong reaksyon at ekspekulasyon, ang demand sa mga
produkto ay tataas, kayat ang presyo ay tataas din.
6. Sa kultura ng ating bansa, likas sa ating mga pilipino ang ipagdiwang ang ibat-ibang
okasyon na dumarating. Pinahahalagan natinang mga mahahalagang okasyon sa ating buhay,
kaya bawat selebrasyon, tumataas ang demand sa mga produkto na naayon sa okasyong
ipinagdiriwang.
7. Ang pagbaba ng demand ay nangyayari bunga sa ibat- ibang salik maliban sa presyo. 
At meron ding salik ang nakakaapekto sa Supply
1. Gastos sa Produksyon
2.Presyo na kaugnay na produkto
3.Pwersa ng kalikasan
4.Inaasahan ng negosyante

 Gastos sa Produksiyon. Ang presyong itinakda sa bahay-kalakal sa kanilang produkto


ay dapat na mas mataas sa gastos ng produksiyon upang makakuha ng tubo.
 Presyo ng kaugnay na produkto. Kalimitan, ang mga bahay-kalakal ay may reaksiyon
sa pagbabago ng kaugnay na produkto. Halimbawa ay ang pagtaas ng presyo ng karne ng
baka sa pamilihan. Asahang darami ang mag-aalaga ng baka kung sakaling bumaba ang
presyo ng karne ng baboy o manok sa pamilihan. Kung anong pananim ang may
mataas na presyo sa pamilihan, ito ay pagtutuunan ng pansin ng mga magsasaka.
 Puwersa ng Kalikasan. Ang mainam na panahon at matabang lupa ay nakakatulong
upang mapalaki ang produksiyon, lalo na sa sektor ng agrikultura. Asahan na mas mataas
ang suplay kung may mainam na panahon. Samantala, sa panahon ng baha, bagyo, at iba
pa pang natural na kalamidad, bumababa ang suplay lalo na produktong agrikultural.
 Inaasahan ng mga Negosyante. May ilang negosyante na kapag inaasahang
magkakaroon ng pagtaas sa presyo ng produktong kanilang kinakalakal ay gumagawa ng
mga ilegal na gawain tulad ng hoarding. Ang hoarding ay ang pagtatago ng kalakal na
ilalabas lamang sa pamilihan kapag mataas na ang presyo nito.
Figure 1

Bahagi ng pag-aaral sa mikroekonomiks ang paksa tungkol sa demand at suplay. Dito,


maiintindihan natin kung paano ba gumagalaw ang ekonomiya ng ating bansa. Kadalasan
tinatanong natin kung bakit tumataas at bumababa ang mga presyo ng bilihin. Kailan tumataas at
kailan bumababa ang mga presyo? Anu-ano ang mga salik na nakaapekto sa pagtaas at pagbaba
ng mga presyo.

Figure 2
Ayon sa Batas ng Demand, kapag mababa ang presyo, mataas ang demand. Kapag mataas ang
presyo, mababa ang demand (tingnan ang larawan sa itaas). isang halimbawa nito ay ang pagtaas
at pagbaba ng presyo ng bigas sa merkado. Pangunahing pagkain ang bigas. Ang lalong pagtaas
ng presyo ay may malaking epekto sa mga mamimili. Hindi kaya ng ordinaryong mamimili na
bumili ng bigas na may presyo 50.00 bawat kilo. Hahanap siya ng bigas na mas muras tulad ng
NFA rice na ang presyo nito ay 27.00 kada kilo. Makikita dito kung gaano karami ang bibili ng
bigas na NFA kaysa sa mga imported rice. Makikita sa grap sa itaas ang relasyon ng presyo at
ang dami ng produkto na kayang bilhin ng mga mamimili.

REPORT THIS AD

Figure 3

Sa kabilang dako, ang Batas ng Suplay, kapag mataas ang presyo, mataas din ang
ibigay ng suplay ng mga prodyuser. Ang pagbenta ng produkto ay nakasalalay sa taas
ng presyo nito. kapag mababa ang presyo, mababa din ang suplay na ibinibenta ng
mga prodyuser. Isang halimbawa nito ay angh pagbenta ng kilo ng mais. kapag nasa
8.35/kilo ang presyo, maliit lamang ang ibentang suplay mula sa mga prodyuser.
Kapag tumataas naman ito hanggang 12.75/kilo ng mais mas maraming ibebenta ang
mga prodyuser. Makikita sa grap sa itaas ang relasyon sa pagitan ng presyo at dami ng
suplay ng produkto.
Isa sa mga pangunahing pangangailangan ng isang mag-anak ay ang pagkain, lalo na ang
bigas. Habang tumatagal ay mapapansin ang pagbabago sa presyo dahil na rin sa proseso ng
pamilihan sa suplay at demand. Kapansin- pansin rin ang pagbabago sa dami ng mga binibili
dahil sa magkakaibang salik na nakakaapekto sa pagkonsumo ng mga pagkain para sa isang
mag-anak.
MGA PRODUKTO SA TINDAHAN NI
ALING EVA

15%
5% 30%

Junk Foods
10% Homey Foods
Cleaning Essentials
Hygiene Essentials
Beverages
School Supplies

15% 25%
Ang mga produktong itinitinda ni Aling Eva ay ang mga

kadalasang mga pangunahing pangangailangan ng mga tao sa aming lugar.

Madalas sa mga pagkain lamang may pagbabago ng presyo dahil

nagkukulang ito ng suplay at tumataas ang din ang presyo nito sa merkado.

Ang ibang produkto naman ay mababa lamang ang itinataas na presyo dahil

sa mababa lamang din ang demand rito kung kaya kaunti lamang ang mga

suplay ni Aling Eva na ititinda niya sa aming lugar.


Buksan Buksan
Ang Ang
Kamalayan Kamalayan
Sa Sa
Pamilihan Pamilihan

You might also like