Professional Documents
Culture Documents
Paliwanag:
Upang maging mabisa ang aking pagharap sa sitwasyong ito, makakatulong ang
pagkakaroon ng tiwala sa mga kawani ng medikal upang malayang maihayag ang mga
pananaw at saloobin. Mahalaga ring igalang ang emosyon, pagkatao, paniniwala, at kultura
ng bawat isa. Isaalang-alang din ang epektibong pagtugon sa pagkakaiba sa wika, kultura,
at kakayahang magbasa at magsulat ng mga pasyente tungo sa pagkakaroon ng mabuting
komunikasyon.
Edukasyonal na Konteksto
Paliwanag:
Upang maging mabisa ang aking pagharap sa sitwasyong ito, makakatulong ang
pagkakaroon ng malawak na pang-unawa at pagrespeto sa kultura ng bawat isa. Maging
mapagmatyag sa mga gawi, kilos at kaugalin ng bawat indibidwal upang malaman ang
angkop na pamamaraan upang mapabuti ang pakikipag-ugnayan sa kabila ng pagkakaiba.
Dapat matuto tayong tanggapin at bigyang halaga ang kultura ng iba at gamitin ang mga
pagkakaiba natin sa kultura upang mapaunlad ang ating kaalaman.
Konteksto sa Pagnenegosyo
Epekto ng Pagkakaiba-iba ng Kultura:
Paliwanag:
Upang maging mabisa ang aking pagharap sa sitwasyong ito, makakatulong ang
pagkakaroon ng bukas na isipan dahil hindi ito ang oras upang hatulan ang mga tao batay
sa kanilang mga kultura. Itatrato ko ang bawat isa nang pantay-pantay, may katapatan, may
pagtitiwala at may paggalang. Papahalagahan ko ang saloobin ng bawat isa at ako ay
makikipagtalastasan sa isang tapat at bukas na komunikasyon.