You are on page 1of 2

Third Quarter

Second Summative Test


Name:________________________________________ Section:_______________________
MUSIC
I. Pilin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa patlang sa tabi ng bilang.
_____1. Anong kagamitang makikita sa ating paligid ang iniihipan sa butas upang makalikha ng tunog?
A. Tinidor B. Maliliit na bato C. Boteng walang laman
_____2. Ito ay kadalasang inilalagay sa kahon at inaalog, anong kagamitan ito na nakalilikha din ng tunog?
A. Tinidor B. Maliliit na bato C. Boteng walang laman
_____3. Alin sa mga sumusunod na bagay ang may purong tunog?
A. Silyang hinampas sa sahig
B. Boteng iniihipan
C. Paputok tuwing Bagong Taon
_____4. Alin sa mga sumusunod ang tunog na hindi puro?
A. Pagpitik ng goma
B. Pagkanta ng may iisang tono
C. Pagpukpok ng martilyo
_____5. Alin sa dalawang uri ng tunog sa ibaba ang masarap pakingan?
A. Purong tunog B. Hindi purong tunog
ARTS
_____6. Alin sa mga sumusunod na salita ang tumutukoy sa tekstura ng isang bagay?
A. Pula B. Makinis C. Bilog
_____ 7. Anong tekstura mayroon ang na sa larawan?
A. Tusok-tusok
B. Maraming kurba
C. Makinis
______8. Alin sa mga sumusunod na gamit sa ibaba ang may makinis na imprentang malilikha?
A. Dahon B. Tela C. Sitaw
______9. Si Bino ay gumagawa ng imprenta, gusto niyang makalikha ng hugis bilog na tatak, alin sa mga
sumusunod ang maari niyang gamitin?
A. Daliri sa kamay
B. Dahon ng pandan
C. Tangkay ng celery

Physical Education
10. Anong kilos lokomotor ang ginagawa sa pamamagitan ng paghakbang ng paa ng salitan sa mabagal na
paraan?
A. Paglalakad B. Pagtakbo C. Pag-igpaw
11. Anong kilos lokomotor ang ginagawa ng mas mabagal sa pagtakbo pero mas mabilis sa paglukso?
A. Paglalakad B. Pagkandirit C. Pag-igpaw
12. Habang naglalakad ka pauwi ay hinabol ka ng aso. Anong kilos lokomotor ang ginamit sa pangungusap?
A. Naglalakad B. Tumatakbo C. Lumulukso
13. Alin sa mga kilos sa ibaba ang nagpapakita ng pinaka mabilis na kilos?
A. Pagtakbo B. Paglalakad C. Paglukso

Health
_____14. Ang tubig ay nakakatulong sa ating katawan. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang HINDI
totoo?
A. Ang tubig ay nagpapababa ng temperature ng katawan.
B. Ang tubig ay tumutulong sa pagtunaw ng kinain.
C. Ang tubig ay hindi mahalaga.
_____15. Pagmasdan ang na sa larawan, anong tulong ng tubig sa katawan ang pinapakita sa sitwasyon?
A. Pagtulong sa pagtunaw ng kinain
B. Pagtulong na mapanatiling malinis ang katawan
C. Pagtulong sa pagdidilig ng mga halaman
_____16. Paano makakatulong ang batang tulad mo sa pagtitipid ng tubig?
A. Hahayaan kong bukas ang gripo kahit di ko ginagamit
B. Gagamit ako ng baso sa tuwing ako ay nagsisipilyo
C. Kukuha ako ng sobrang tubig at hindi ko uubusin
_____17. Sino sa mga sumusunod ang nagpapakita ng paraan ng pagtitipid ng tubig?
A. Si Jenny ay panay naglalaro ng tubig sa tuwing nagsisipilyo.
B. Madalas na hindi inuubos ni Danny ang kinukuha niyang inumin.
C. Gumagamit ng tabo at timba si Aling Mary sa pagdidilig ng mga halaman.

Pirma ng Magulang,
_____________________

You might also like