You are on page 1of 1

EMNAS, Ivan Jorge T.

REPLEKSYONG PAPEL: Kasaysayan at Pag-unlad ng Wikang Pambansa

Base sa aking napanood, ipinapaliwanag dito ang kahalagahan ng ating Wikang


Pambansa, kung paano ito ginagamit noon at kung gaano ito kahalaga sa kasalukuyan. Ang
Wikang Filipino ang ating Wikang Pambansa na nagiging susi upang tayo ay makipag
komuniukasyon sa ibang tao sa Pilipinas lalo pa at halos lahat ng Filipino ay marunong magsalita
sa wikang Filipino. Napakahalaga na alam natin ang ating wika upang hindi tayo maituring na
banyaga sa sarili nating bansa. Ang pagkatuto ng ibang wika ay hindi naman masama dahil
matutulungan din tayo nito na makaintindi ng ibang wika ngunit huwag naman nating kalimutan
at talikuran ang ating sariling wika para lamang maging mas mataas sa iba at upang maging mas
magaling sa ibang tao na hindi maalam sa ibang wika.
Ayon sa mga propesor ng Unibersidad ng Pilipinas na aking napanood, mas nagiging
epektibo ang pakikipag interaksyon nila sa mga estudyante sa pamamagitan ng Wikang Filipino,
kahit pa ang asignaturang itinuturo nila ay nasa wikang ingles at ito ay totoo naman dahil mas
naipapaliwanag mabuti ang aralin sa wikang mas alam ng estudyante. Ganoon din naman sa
parte ng estudyante na mas nailalabas ang nais sabihin sa pamamagitan ng Wikang Pambansa
kaysa pilitin na ipaliwanag sa ibang wika kahit hindi naman alam ng etsudyante.
Dahil sa aking napanood na dokumetaryo, mas namulat ako kung gaano kahalaga ang
Wikang Pambansa at kung ano ang kasaysayan nito base sa mga matatandang propesor na
naabutan ang makasaysayang wika sa Pilipinas. Magiging kamulatan ito sa bawat kabataan na
makakapanood nito lalo na yaong mga kabataan na binabalewala ang ating Wikang Pambansa.

You might also like