You are on page 1of 3

EASTWOODS PROFESSIONAL COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

SY. 2020-2021
MAHABANG PAGSUSULIT SA
FILIPINO SA IBA’T IBANG DISIPLINA

Pangalan: EMNAS, IVAN JORGE T. Iskor: _____________________


Programa/Taon/Seksyon: BSCOE – 101 Petsa: HUNYO 9, 2021

I. Panuto: Tukuyin ang mga inilalahad sa bawat katanungan sa mga bilang na nasa ibaba.

1. Ito ay bahagi ng papel pampananaliksik na walang nakasulat na kahit ano sa pahinang ito.
- FLY LEAF 1
2. Ano ang tawag sa pahinang nagpapakilala sa pamagat ng papel- pamananaliksik?
- PAMAGATING PAHINA
3. Ano ang tawag sa pahinang kumukumpirma sa pagkakapasa ng mananaliksik at
pagkakatanggap ng guro ng papel- pampananaliksik?
- DAHON NG PAGPAPATIBAY
4. Sa pahina na ito tinutukoy ng mananaliksik ang mga individwal, pangkat, tanggapan o
institusyong maaaring nakatulong sa pagsulat ng papel - pampananaliksik at kung gayo’y
nararapat pasalamatan o kilalanin.
- PASASALAMAT O PAGKILALA
5. Dito nakaayos nang pabalangkas ang mga bahagi at nilalaman ng papel - pampananaliksik
at nakatala ang kaukulang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa.
- TALAAN NG NILALAMAN
6. Sa pahina na ito nakatala ang pamagat ng bawat talahanayan at/o graf nasa loob ng papel –
pampananaliksik at ang bilang ng pahina kung saan matatagpuan ang bawat isa
- TALAAN NG MGA TALAHANAYAN AT GRAP
7. Ito ay isa na namang blankong pahina bago ang katawan ng pamanahong-papel.
- FLY LEAF 2
8. Ito ay may malaking papel na ginagampanan sa pag-unlad ng komunidad, kalakalan,
edukasyon, pulitika at iba pa.
- PANANALIKSIK
9. Ayon kay___________ ang pananaliksik ay isang maingat at sistematikong paghahanap
ng kaukulang impormasyon o datos sa tiyak na paksang pag-aaralan.
- AQUINO
10. Ito ang tuwirang pangongopya ng impormasyon.
- PLAGIARISM
II. IPALIWANAG ANG MGA SUMUSUNOD NA BAHAGI NG PANANALIKSIK
Kabanata I: Ang Suliranin at Kaligiran Nito
A. Ang Panimula o Introduksyon
Ito ay isang maikling talataang na naglalaman ng pangkabuuang pagtalakay ng
paksa ng pananaliksik.
B. Layunin ng Pag-aaral
Ipinapakita nito ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang
pag-aaral at tinutukoy din dito ang mga ispesifik na suliranin na nasa anyong
patanong.
C. Kahalagahan ng Pag-aaral
Naglalahad ng signifikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral
at Inilalahad dito kung sino ang makikinabang sa nasabing pag-aaral.
D. Saklaw at Limitasyon
Dito naman tinutukoy ang simula at hangganan ng pananaliksik
E. Definisyon ng mga Terminolohiya
ang mga katawagan na ilang beses ng ginamit sa pananaliksik at ang bawat isa’y
binigyan ng kahulugan. Maaaring itong:
 Operational na Kahulugan - kung paano ito ginamit sa pananaliksik
 Conceptual na Kahulugan - istandard na kahulugan. Makikita sa diksyunaryo.

Kabanata II: Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura


Tumutukoy sa mga babasahin at sa mga pag- aaral o literaturang kaugnay ng
paksa ng pananaliksik ito ay may layon na tukuyin ang bago o nailimbag sa loob
ng huling sampung taon at gamitin ang pag-aaral at literaturang lokal at
dayuhan.

Kabanata III: Disenyo at Metodo ng Pananaliksik


a. Disenyo ng Pananaliksik
Ipinapaliwanag mabuti kung anong uri ng pananaliksik ang kasalukuyang pag-
aaral, upang hindi maguluhan ang mga mambabasa ng pananaliksik na
isinasagawa.
b. Respondente
tinutukoy dito kung ilan sila at paano at bakit sila napili sa sarvey.
c. Instrumento ng Pananaliksik
Dito ay inilalarawan ang mga paraang ginagamit ng pananaliksik sa pangangalap
ng mga datos at impormasyon na kailangan para sa pananaliksik. Iniisa-isa rin
ang mga hakbang na kanyang ginawa at kung maari, kung paano at bakit niya
ginawa ang bawat hakbang, upang maging mas makatotohanan ang pananaliksik
na isinagawa.
d. Tritment ng mga Datos
dito ay malalaman ang istatistikal na paraan ang ginamit ng mga mananaliksik
upang ang mga numerikal na datos ay mailalarawan. hindi kailangang gumamit
ng mga kompleks na istatistikal tritment Dahil ito’y isang pamanahong -papel
lamang,. Ang pagkuha ng porsyento o bahagdan matapoos mai-tally ang mga
kasagutan sa kwestyoneyr ng mga respondent ay sapat na upang malaman ang
resulta ng datos na kinuha.

Kabanata IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos


Sa kabanata IV naman ay dito inilalahad o ipinipresinta ang mga datos na
nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng tekstwal at Tabular o grafik na
presentasyon, ito ay nasa desisyon ng mananaliksik kung ano ang gagamitin
upang ilahad ng malinaw ang mga datos. Sa teksto, inilalahad ng mananaliksik
ang kanyang analisis o pagsusuri.

Kabanata V: Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon


Lagom
Sa lagom ay binubuod ang mga datos at inpormasyong nakalap ng mananaliksik
na komprehensivong tinatalakay sa kabanata.
Kongklusyon
Sa kongklusyon naman nakapaloob ang mga inferenses, abstraksyon,
implikasyon, interpretasyon, pangkalahatangpahayag, at/o paglalahad batay sa
mga datos at informasyong nakalap ng mananaliksik.
Rekomendasyon
Sa rekomendasyon naman ay ang mga mungkahing solusyon para sa mga
suliraning natukoy o naatuklasan sa pananaliksik.

You might also like