You are on page 1of 1

Ang gabi ng krimen

Sa isang bayan kung saan mayroong mag-asawa na maraming naiinggit dahil sa kanilang antas sa
buhay na hindi makakailang pinaka angat sa kanilang bayan. Sila ay mayroong kaisa-isang anak na
nagtatrabaho sa ibang bansa ngunit ang hindi nila alam ay isa na palang ganap na dalaga ngunit kahit
ganoon ay hindi sila pinababayaan nito kaya naman maganda ang buhay ng mag-asawa dahil sa suporta
na ibinibigay ng kanilang anak.

Isang araw sa bahay ng mag-asawang Don Manolo at Donya Rosita ay mayroong isang masayang
okasyon ang inihanda ng mag-asawa bilang selebrasyon ng kanilang ika-limampung anibersaryo na
naging posible dahil sa kanilang anak na si Peter. Napakaraming bisita ang dumalo sa nasabing okasyon
dahil ang mag-asawa at talagang sikat sa kanilang bayan, mayroong mga politiko at mayroon din naming
mga normal na mamamayan. Sa gitna ng masayang selebrasyon ay biglang naging masungit ang
panahon kaya naman maagang natapos ang masayang okasyon sa bahay ng mag-asawang Don Manolo
at Donya Rosita.

Sa gitna ng mahimbing na pagkakatulog ng mag-asawa ay mayroon silang narinig na


nagdudumaling yabag kaya naman dali-dali silang bumangon sa pagkakahiga upang tingnan kung saan
nanggagaling ang yabag na ito. Tumayo ang mag-asawa at pumunta sa kabilang kwarto kung saan
naroon ang kanilang mga kagamitan na mayroong malaking halaga at sila ay nakakita ng isang lalaki na
nakasuot ng itim na damit at nakatakip ang mukha at agad agad itong naglabas ng matalim na kutsilyo at
itinutok sa mag-asawa at ang kinagulantang nila ay may dala pa pala itong baril at mabilis na
pinaputukan ang mag-asawa.

Dahil sa putok ng baril ay nagising ang mga kapitbahay ng mag-asawa at agad agad na pumunta
ang mga ito sa bahay nina Don Manolo at Donya Rosita ngunit huli na ang lahat dahil ang nadatnan nila
ay ang bangkay ng mag-asawa at duguang tokador dahill sa talsik ng dugo mula sa mag-asawa ang
kanilang inabutan dahil ito ang lugar kung saan nakahandusay ang mag-asawa. Ang iba naman nila
kabitbahay ay nahuli ang magnanakaw at agad na tumawag ng pulis.

Agad itong ipinialam sa kanilang anak na nagpakadalubhasa sa ibang bansa na inosente sa


pangyayari tungkol sa kaniyang mga magulang at agad agad naman itong umuwi sa Pilipinas upang
maipagluksa ang pagkamatay ng kaniyang mga magulang na hindi man lamang niya nakita bago bawian
ng buhay.

Lumipas ang ilang linggo at nakaharap niya ang taong nagging dahilan ng pagkamatay ng
kaniyang magulang. Nagharap sila sa korte upang magtagisan ng katwiran tungkol sa nangyaring
pagpatay sa mag-asawa at pagnanakaw sa kanilang bahay. Makatwirang ipinaglaban ng lalaki ang
kanyang punto tungkol sa nangyare ngunit kahit anong gawin niya ay pagkakakulong habang buhay
parin ang hatol ng hukuman sa kanyang ginawang krimen.

Pagkalipas ng ilang buwan na pagluluksa at matapos niyang makuha ang hustisya nagpasya ng
bumalik si Peter sa ibang bansa upang ipagpatuloy ang kaniyang buhay roon, hindi man niya nakasama
ang kanyang mga magulang bago ito mawala at hindi niiya naipakita ang tunay niyang pagkatao ay
sigurado siyang masaya ang kanyang mga magulang dahil siya ay nagtagumpay sa buhay.

You might also like