You are on page 1of 2

ANG PILIPINAS NOONG PANAHON NI RIZAL

a. Hindi matatag na administrasyong kolonyal (Instability of Colonial Administration)


-Naging magulo ang pulitika ng mga Kastila mula pa sa maligalig na paghahari niKing Ferdinand VII
(1808-1833)
-Apektado ang Pilipinas dahil papalit-palit ng mga nanunungkulang mga gobernador heneral at pabago-
bago ang mga kailangang sundan na patakaran. Halimbawa: 1835-1897-pinamunuan ang Pilipinas
ng 50 na gobernador heneral
-Dahil dito hindi na tuluyang umunlad ang pulitika at ekonomiya ng Pilipinas. Kung mayroon mang
gagawin na pangako o bagong patakaran ang isang gobernador heneral, hindi ito matutuloy dahil siya ay
mapapalitan nanaman ng bagong gobernador heneral.

b. Korupt na Kolonyal na Opisyales (Corrupt Colonial Officials)


-Malulupit, hindi makatarungan, madadaya at korupt ang mga opisyales na ipinapadala ng Espanya sa
Pilipinas
-Halimbawa: Hen. Rafael de Izquierdo-ginalit ang mga Pilipino noong ipinapatay niya kahit inosente
sila Padre Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora
-Halimbawa: Hen. Valeriano Weyler-dumating sa Manila na isang mahirap na tao, mayaman nang
bumalik sa Espanya; tinawag siyang "The Butcher" ng mga taga-Cuba dahil sa kanyang walang awang
"reconcentration policy" na nagdulat sa kamatayan ng ilang libong taga-Cuba; brutal na persekusyon ng
pamilya ni Jose Rizal
c. Pagkakaroon ng Representasyon sa Pilipinas sa Spanish Cortes (Philippine Representation in Spanish
Cortes)
-Pinayagan ng Espanya na magkaroon ng representasyon ang Pilipinas sa Spanish Cortes upang makuha ng
Espanya ang suporta sa kanilang mga kolonya noong panahon ng Napoleonic invasion.
-first period of representation (Pilipinas): 1810-1813-magagandang epekto sa Pilipinas
-Ventura de los Reyes-unang delegatong Pilipino; pinaalis ang "galleon trade"
-naalis ang representasyon ng mga kolonya ng Espanya (kasama ang Pilipinas) sa Spanish Cortes noong 1837-
sumama lalo ang kondisyon ng Pilipinas
-Graciano Lopez Jaena-isa sa mga nanguna sa pagprotesta sa mga Kastila na magkaroon muli ng Pilipinong
delegato sa Spanish Cortes

d. Nawalan ng mga Karapatan ang mga Pilipino (Human Rights Denied to Filipinos)
-Ikinatutuwa at binibigyang halaga talaga ng mga tao sa Espanya ang kanilang kalayaan, maliban sa relihiyon
-Ngunit hindi nila ito pinayagan o binigay sa mga Pilipino sa Asya
-Sinibaldo de Mas (Kastilang diplomat at economist)
-"Why do we fall into an anomaly, such as combining our claim for liberty for ourselves, and our wish to impose our
law on remote peoples? Why do we deny to others the benefit which we desire
for our fatherland?"

e. Walang Pantay-pantay sa Harap ng Batas (nO Equality Before The Law)

-Noong ipinakilala ng mga Kastilang misyonero ang Kristiyanidad sa Pilipinas noong mga 1600s, tinuro nila na
pantay-pantay ang tingin ng Panginoon sa lahat ng tao kahit magkakaiba lahat. Dahil dito, maraming
Pilipino ang naging interesado sa pagiging Kristiyano
-Pagdating naman ng mga Kastilang awtoridad, hindi nila ipinalaganap ang itinuro ng mga Kastilang misyonero sa
Pilipinas. Iniisip nila na mas superyor sila sa mga Pilipino at hindi raw nila kapatid ang mga
Pilipino sa Panginoon. Itinuturo nila na pantay ang mga Pilipino at ang mga Kastila sa mata ng Panginoon, ngunit
hindi nila ito ginagawa kapag isasama na ang batas at hindi rin nila ito sinusundan.
-Leyes de Indias (Laws of the Indies)-prinoprotektahan ang mga karapatan ng mga tao sa mga kolonyal na bansa ng
Espanya; hindi ito naisasagawa sa mga bansang kolonyal ng Espanya, pati ang Pilipinas
-Ang batas daw ay para sa mga puting Espanyol lamang
-Spanish Penal Code-isinagawa sa Pilipinas; mas mabigat na penalty sa mga Pilipino keysa sa mga Kastila
ANG PILIPINAS [SA LABAS O SA BUONG MUNDO]

ITALYANO
-sa pamumuno ni Conde Cavour at ni Garibaldi at kanyang hukbo ng "Red Shirts" ang nagtaboy sa mga hukbong
Austriyano at Pranses mula sa Italya
-Iprinoklama nila ang kaharian sa Italya sa ilalim ni Haring Emmanuel
-Roma-kabiserang siyudad

PRUSYANO
-tinalo ang Pransya sa Digmaang Franco-Prusyanon sa pamumuno ni Otto von Bismarck, ang "Bakal ng Kanselaryo"
-Enero 18, 1871-itinatag ang Imperyong Aleman
-Haring Wilhelm-unang Kaiser ng Imperyong Aleman
-Sa kanyang pagkatalo sa Digmaang Franco-Prusyano, nabuwag ang Pangalawang Imperyong Pranses ni
Emperador Napoleon III
-Itinatag ang 3rd Republikan Pranses-Adolph Thiers (unang Pangulo)

NAKITA ANG PAMUMULAKLA NG IMPERYALISMONG KANLURANIN


1. Inglatera-nanguna sa mga puwersang imperyalista sa buong daigdig
-nasakop ang maraming bansa
-nakapagtatag ng mga imperyo sa buong mundo
Pagrereyna ni Victoria (1837-1901)
-"Britanya ang siyang naghahari sa mga daluyong"
-nakuha ang Hong Kong dahil nanalo sa unang Digmaan ng Apyan laban sa Imperyong Tsina
-Ikalawang Digmaan ng Apyan (1856-1860)

2. Britanya-sinakop ang mga mahihinang bansa sa Timog Silangang Asya


-Prasya (sa tulong ng mga hukbong Pilipino sa ilalim ng mga opisyal sa Espanya)
-Sinakop ang Vietnam
-Isinanib ang Cambodia at Laos
-Pinagisa ang mga bansang ito sa isang pederasyon ng mga kolonya sa ilalim ng ngalang French IndoChina.
-Olandes-sinakop ang Netherlands East Indies (Indonesia)

3. Russia
-sinakop ang:
-Siberia, Kamchatka at Alaska (na ipinagbili niya sa Amerika noong 1867 sa halagang $ 7,200,000)
-1865-1884: Lupaing Muslim ng Bokhara, Khuia at Kokand sa Gitnang Asya
-sumama sa Inglatera, Pransya at Alemanya sa pagbuwag sa Imperyong Tsina (Manchuria -> Sphere of Influence)

4. Hapon
-Hulyo 8, 1853-muling nabuksan ang bansang Hapon sa mundo
-Amerikanong hukbo sa pamumuno ni Komandante Matthew C. Perry
-Emperor Meiji (Mutsuhito)
-nagpatupad ng modernisasyon ng bansa sa pamamagitan ng pagtanggap sa mga impluwensiyang kanluranin (pati
ang imperyalismo)

5. Alemanya/Germany
-naging estadong soberanya noong Enero 1871
-nahuli sa pagkamal ng mga kolonya sa Asya at Aprika
-Agosto 25, 1885:
-Ilties (Alemang Barko)
-nagtaas ng bandilang Aleman sa Yap (Isla Carolines) at ipinahayag na ang mga kapuluan ng Carolines at Palau ay
kolonya ng ng Alemanya

You might also like