B56 L9 Quercus Street, South Greenheights Village, Brgy. Putatan, Muntinlupa City
Dear Ma’am / Sir,
Magandang araw! Ako po ay si Lester Villamartin nakatira sa Muntinlupa City. June 5,
2021 7:30 ng gabi nang bumisita kami ng aking kapatid na si Ezekiel Villamartin at pinsan na si Alexis Yutan sa bahay ng aming tito at tita na sina Ariel Conda at Cristina Conda sa B11 L5 Phase 10, Carmona Estates, Brgy. Timbao, Biñan, Laguna. Umaga ng June 6, 2021 nang mapagplanuhan naming pumunta at mamasyal sa Tagaytay, Cavite. Eksaktong 12:05 ng tanghali ng June 6 ay umalis na kami ng bahay. Bago dumiretso sa Tagaytay ay dumaan muna kami sa bahay ng aming pinsan na si Aires Velasco sa B9 L2 Phase 4 Amandala Street Carmona Estates Brgy. Lantic Carmona Cavite sa eksaktong 12:28 ng tanghali para daanan ang aming mga pamangkin. Habang nag aantay sa aming mga pamangkin sa Amandala Street ay nakuhanan ng litrato ng aking pinsan na si Alexis Yutan ang mga motor at saksakyan ng aming tito na si Ariel Conda (Black Toyota Rush NBT 7241) sa eksaktong oras din ng 12:31 ng tanghali. Eksaktong 12:46 ng tanghali ay umalis na kmi ng Amandala Street at pumunta muna ng Caltex Gas Station Governor’s Drive para magpaGas kasama ang nasabing sasakyan at dumating roon ng eksaktong 12:55 ng tanghali. Ito ay nakuhanan ko ng litrato. 1pm nang baybayin na namin ang Silang, Cavite papuntang Tagaytay kasama ang nasabing sasakyan.