You are on page 1of 1

 Republic Act 1425.

An Act to Include in the Curricula of All Public and


Private Schools, Colleges and Universities Courses On the Life, Works and
Writings of Jose Rizal, Particularly His Novels Noli Me Tangere and El
Filibusterismo, Authorizing the Printing and Distribution Thereof, and for
Other Purposes.
Repleksyon sa RA 1425
Ang batas na ito ay isang pagpaparangal sa yumaong bayani
para sa kanyang mga ginawa para sa bayan. Layunin nito na
maikintal ang patriyonismo sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng
pagtalakay ng mga sulat at gawa ng ating pambansang bayani. Ito
ay matagumpay na naipatupad na nakatutulong sa mga mag-aaral
na maisabuhay at makamit ang adhikaing pag-alabin ang pag-ibig
sa bayan ng perlas ng silangan. Ang mga gawa ni Rizal ay patuloy
na magiging inspirasyon sa pagiging makabayan na
makakapaghugis sa isipan, moral na katangian, at personal na
disiplina ng kabataan. Ang pagtatalaga nito ay para sa mithiin ng
kalayaan at nasyonalismo kung saan nabuhay at namatayang ating
mga bayani.
Kaugnayan sa Kaalaman at Edukasyon
Ang katangang, “ang kabataan ang pag-asa ng bayan” ay isa
lamang sa mga binitawan na mga salita na tila walang-kamatayan
mula sa ating pambansang bayani na si Jose Rizal na talaga
namang tumatak sa bawat isip at puso ng mga mamamayan ng
ating bansa. Si Rizal ay inspirasyon mula noon hanggang sa
ngayong at maging sa susunod na mga bagong henerasyon. Sa
pamamagitan ng pagsasatupad ng batas na ito, mag-aalab ang
pagmamahal sa bayan at diwa ng nasyonalismo.
Ang kanyang mga gawa at salitang iniwan para sa ating
bayan ay mananatiling buhay sa bawat puso ng kabataan na
kanilang dadalhin hanggang sa kanilang pagtanda. Ang mamatay
para sa bayan ay alab sa puso na patuloy na mabubuhay at ang
sulo na nag-aalab sa nasyonalismo at pagmamahal sa bayan ay
patuloy na aalab at ipapasa sa susunod na henerasyon.

You might also like