Specimens of Tagal Folk-Lore ni Jose Rizal (Trübner’s Record, 1889)
Sa bibig, nahuhuli ang isda
Sa bibig nahuhuli ang isda. Ang kasabihan na ito ay parehong ay literal at malalim na kahulugan. Kung literal na iisipin, sa bibig nahuhuli ang mga isdang nabibingwit, ika nga nila ay nahuli sa bibig. Kung ating ihahambing ito sa tao, tayo rin ay nahuhuli sa bibig sa ating mga nasasabi tila ba tayo ay nadulas o nabigla sa mga inilalabas natin sa ating mga bibig. Nais iparating ni Rizal na tunay ngang walang lihim ang hindi nabubunyag. Ang anumang lihim natin ay tayo rin ang siyang magbubulgar. Ang anumang baho na pilit itinatago ay lalabas at malalaman ng karamihan. Ang anumang pagtanggi sa mga nagawa ay mahuhuli rin sa huli.