Specimens of Tagal Folk-Lore ni Jose Rizal (Trübner’s Record, 1889)
Ang maniwala sa sabi, walang bait sa sarili
Ang maniwalã sa sabi ’y walang bait na sarili. Ang kasabihan na nagsasabing ang pagkinig sa sinasabi ng iba ay kawalan ng tiwala sa iyong sarili. Ang taong may respeto sa sarili at may sariling disposisyon ay hindi kailanman babaling sa mga paniniwala at pawang idelohiya ng iba dahil hindi lamang ito nagbibigay kasiraan sayo kung hindi mas lalo na sa iyong kapwa. Nararapat lamang na huwag maniniwala sa mga balita na hindi mismo nasaksihan ng iyong sariling mga mata. Ang mga balitang kumakalat ay maaaring gawa-gawa lamang upang manira ng puri. Sa kasabihan na ito ay nais ipahatid ni Rizal ang paggawa ng maliit na kagandahang gawa na hindi magpaniwala agad sa mga sabi ng iba at alamin ang buong katotohanan.