You are on page 1of 1

Reaksiyong Papel

Ang El Filibusterismo na nangangahulugang “Ang Paghahari


ng Kasakiman” ay isinulat ng pambansang bayani na si José
Rizal upang buksan ang mata ng mga pilipino sa katiwalian na
ginagawa ng mga kastila. Si Simoun ang kumakatawan sa mga
rebolusyonaryo noong panahon ng mga kastila na sumuporta sa
ideya ng pagdaraos ng madugong pag-aalsa laban sa pamahalaang
espanyol. Ang kaniyang pagkamatay sa El Filibusterismo ay
nagsasabi sa mga mambabasa na hindi sinusuportahan ni Rizal
ang armadong rebolusyon.
Ang mga sakim ay laging nagnanais ng higit pa at hindi
kailanman nasisiyahan. Bilang resulta, malamang na maniwala
sila na ang inilaan sa kanila ay mas mababa kaysa sa nararapat
sa kanila. Ang linya na binitawan ni Isagani na “Kapag may mga
uban na po akong tulad ng sa inyo at ginugunita ang nakaraan
at makita kong gumawa ako alang-alang sa sarili lamang, hindi
ginhawa ang magagawa’t nararapat gawin ukol sa bayang nagbigay
sa akin ng lahat, ukol sa mga mamamayang tumutulong sa aking
mabuhay, kapag nagkagayon po, magiging tinik sa akin ang bawat
uban, at sa halip na ikaliwalhati ko’y dapat kong ikahiya”, ay
nangangahulugang ang taong nagtataglay ng kasakiman sa kanyang
pagkatao ay magdurusa dahil nabigo siyang mamuhay nang payapa
at maglingkod para sa sangkatauhan. Ang taong sakim ay
palaging nagnanais at hindi nasisiyahan. Ang mas malalim na
pag-unawa sa kasakiman ay makatutulong sa atin na makita na
hindi lamang materyal na bagay ang kinakailangan natin, kundi
pati na rin ang seguridad at kalayaan na maidudulot ng mga
simpleng bagay. Ang kayamanan ay hindi isang masamang bagay,
sa sarili nito. Makakatulong ito sa atin na matugunan ang
ating mga pangunahing pangangailangan at masiyahan sa mga luho
na nagpapaganda ng buhay, ngunit kailangan na alam natin kung
ano ang nararapat sa atin at huwag nang maghangad ng hindi
atin.
Mahalaga na mabasa ng mga tao ang kwento ng El
Filibusterismo, upang malaman nila na ang labis na pagkamkam
ng hindi dapat saiyo ay nagdudulot ng hindi kanais nais na
bunga. Hindi dapat tayo masilaw sa mga bagay na hindi saatin.
Minsan ang pag hahangad ng labis ay nagdudulot ng kabaluktutan
ng isip, nagagawa mong mag isip ng mga masasamang bagay tungo
sa iyong kapwa na nagiging dahilan ng pagkasira ng inyong
pagkakaibigan o relasyon.

You might also like